Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Kartilya ng Wikang Filipino

Darlyn Rose A. Santillan

Kasaysayan ng wikang pambansa


Ang wikang pambansa ay ang opisyal at pinaka-karaniwang ginagamit na wika sa isang bansa.
Sa Pilipinas, ang wikang pambansa ay ang Filipino. Ang Filipino ay isang wika na binuo mula sa
wikang Tagalog at ang iba pang mga wika sa Pilipinas, kasama ang mga wikang gamit ng mga
pangkat ng tao na dumating sa Pilipinas gaya ng mga kastila, amerikano, at iba pa.
Ang wikang pambansa ay ang ginagamit na wika ng mga mamamayan sa isang bansa sa
paraang pasulat at pasalita. Ito ay nagiging simbolo ng pagkakakilanlan dahil ito ay wikang
ginagamit batay sa kultura ng isang lipunan. Sa Pilipinas, tinuring din na Wikang Opisyal o isa sa
mga Wikang Opisyal ang Wikang Pambansa, wikang opisyal o ang itinadhana ng batas na magiging
wika upang gamitin sa mga Legal na usapin at pangkalahatang komunikasyon ng gobyerno.
Samakatuwid, ang Wikang Pambansa na Wikang Opisyal ng isang bansa ay ang ang wikang
kadalasang ginagamit sa mga opisyal na dokumentong may kinalaman sa korte, lehislasyon ng
batas at pangkalahatang pamamahala.
Ang Republika ng Biak-na-Bato, opisyal na tinutukoy ng saligang batas nito bilang ang
Republik ng Filipinas ay ang kauna-unahang republikang naitatag sa Pilipinas ng manghihimagsik
na si Emilio Aguinaldo at ang kanyang mga kapwa kasapi sa Katipunan. Sa kabila ng tagumpay
nito gaya ng pagkakatatag ng kauna-unahang Saligang Batas ng Pilipinas, ang republika ay
nagtagal lamang ng ilang buwan. Isang kasunduang pangkapayapaan ang nilagdaan ni Aguinaldo
sa pagitan ng mga Katipunero at sa Kastilang Gobernador Heneral Fernando Primo de Rivera ang
nagtapos ng republika at pinatapon si Emilio Aguinaldo sa Hong Kong.
Ang saligang batas ng Republika ng Biak-na-Bato ay isinulat ni Felix Ferrer at Isabelo Archero
na kumopya sa Kubanong Saligang Batas ng Jimaguayú na haslos magkakamukha ang mga salita.
Sa Biak na Bato nakasaad na ang wikang Tagalog ang siyang magiging wikang opisyal ng mga
pilipino. Ito ay nakapagbigay-daan sa pagkakabuo ng Konsehong Supremo na itinatag noong
Nobyemre 2, 1897.
Sa panahon ng Propaganda (1872), Tagalog ang wikang ginamit sa mga pahayagan. Pinagtibay
ng Konstitusyon ng Biak-na-Bato noong 1899 ang wikang Tagalog bilang wikang opisyal. 1900
pagdating ng mga amerikano sa pilipinas, Ingles ang wikang ginamit na midyum ng pagtuturo sa
mga paaralang-pampubliko. Bukod sa paggamit ng Ingles bilang wikang panturo, ang mga paksang
pinag-aralan sa loob ng klase ay tungkol sa mga Amerikano, ang kanilang kasaysayan, literatura,
kultura, ekonomiya at pulitika. Sa panahong ito, ipinagbawal ang pag-aaral sa ano mang bagay na
Pilipino kaya interesado ang mga estudyante sa mga bagay na may kaugnayan sa Pilipino. Higit
nilang tinangkilik ang mga bagay na Amerikano. Ito ang simula ng pagkakaroon ng kolonyal na
mentalidad ng mga katutubong mamamayan na naman at itinaguyod ng mga Pilipino hanggang sa
kasalukuyang henerasyon.
Ang ating mga lider na makabayan tulad nina Lope K. Santos, Cecilio Lopez, Teodoro Kalawat
iba pa ay nagtatag ng kilusan na kung saan sila ay naging masigasig sa pagkakaroon ng Wikang
Pambansa. Sa pangkat ng mga manunulat na maka-Pilipino, sina Lope K. Santos, Patricio Mariano,
Severino Reyes, Faustino Aguilar ay mga sikat sa histori ng wikang pambansa
Bunsod ng resulta ng pag-aaral, konklusyon, at rekomendasyon ng SWP, noong ika-30 ng
Disyembre 1937, sa paggunita ng araw ng kamatayan at pagka-martry ni Dr. Jose Rizal, inihayag
ni Pang. Quezon ang pag-apruba ng pagpili sa wikang ‘Tagalog’ bilang batayan sa pagbuo ng isang
Wikang Pambansa. Ang proklamasyong ito ay nasasaad sa kanyang Executive Order No. 134 at
kanyang binigkas sa radio mula sa Palasyo ng Malacañang. Sa kanyang pahayag, binigyang diin ni
Pangulong Quezon ang kahalagahan ng pagkakaroon ng Pilipinas ng sarili nitong wika. Bilang
pagkilala kay Pangulong Quezon na “Ama ng Wikang Pambansa”, noong buwan ng Setyembre
1955, nagpalabas naman ng Proclamation 186 si Pangulong Ramon Magsaysay na naglilipat ng
araw ng paggunita sa ‘Linggo ng Wika’ mula sa dating Marso 29 hanggang Abril 4, tungo sa Agosto
13 hanggang Agosto 19, nang sa gayon ang pagdiriwang ay maganap sa panahong may pasok sa
eskwela at maipagdiwang ito ng mga mag-aaral. Mula noon, ang pagdiriwang ng Linggo ng Wika ay
nagtatapos sa kaarawan ni Pangulong Quezon. Ngunit sa paggunita ng ika-100 taon ng Kalayaan
ng Pilipinas, at sa pagkilala sa mahalagang tungkulin ginampanan ng wika sa Himagsikan ng 1896
tungo sa pagkakamit ng kasarinlan, naglabas ng Proclamation 1041, s.1997 si Pangulong Fidel V.
Ramos na nagpapalawak ng pagdiriwang ng Pambansang Wika mula sa isang linggo tungo sa isang
buwang pagdiriwang. Ang proklamasyong ito ay nagpahayag ng taunang pagdiriwang tuwing Agosto
1-31 bilang Buwan ng Wikang Pambansa, dahil na rin sa ang Agosto ang siyang buwan ng
kapanganakan ni Pangulong Manuel L. Quezon na siyang “Ama ng Wikang Pambansa.”
Noong pagsisimula ng ika-20 na siglo, ang mga Pilipino ay nagsimula ng mga kilusan para sa
pagpapalaganap ng Filipino bilang wikang pambansa. Ang Pilipinas ay naging isang independent
nation noong 1946, at sa ilalim ng pamahalaang ito, ang Filipino ay sinikap na palaganapin sa
lahat ng mga aspeto ng pamumuhay at edukasyon. Noong 1973, ang Komonwelt ng Pilipinas ay
nagpatibay ng Saligang-Batas na nagtatakda ng Filipino bilang opisyal na wika ng bansa.
Nagsimula rin ang pamahalaan ng Pilipinas sa pagpapatupad ng mga programa at pamamaraan
upang mapalawak ang paggamit ng Filipino.
Sa kasalukuyan, ang Filipino ay opisyal na wikang pambansa ng Pilipinas at ang lahat ng mga
Pilipino ay dapat mag-aral at gamitin ito sa lahat ng aspeto ng pamumuhay. Bilang isang bansa na
may kinikilalang Wikang Pambansa, dalawa man ang wikang Opisyal ay dapat pairalin ang wikang
maiintindihan ng lahat pagdating sa pang-gobyernong gawain at komunikasyon. Mas magiging
kapaki-pakinabang at nakahan-ay sa nakararami kung ang ulat na mula sa pamahalaan at sa mga
sangay nito ay inihahayag sa wikang naiintindihan ng mayorya. Tungkulin din ng pamahalaan na
sundin ang mga batas na siya mismong nagtalaga sa mga ito, kabilang na ang mga batas
pangwika. Kung ang nais ng isang pahayag ay marinig siya ng mga nasasakupan niya, dapat
umangkop ito sa kultura at pagkakakilanlan ng lipunang kinabibilangan nito.

You might also like