Gec 111

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

GEC 111- LITERATURA NG IBA’T IBANG REHIYON NG PILIPINAS

INDEPENDENT LEARNING
WEEK 7

T’nalak Festival
Ang t’nalak ay isa sa mga
ipinagmamalaking produkto sa South
Cotabato, lalawigan sa Gitnang Mindanao.
Isa itong uri ng tela na gawa sa hibla o
himaymay ng abaka na hinahabi ng mga
katutubong T’boli (binabaybay ring
Tiboli). Noong unang panahon, mataas ang
halaga ng t’nalak sa pakikipagkalakalan.
Sinasabing katumbas nito ang halaga ng
isang kabayo o baka at ipinagkakaloob ng
maykaya sa kasalan. Itinuturing itong
kayamanan ng isang pamilya. Ang t’nalak
ay kasalukuyan pa ring ipinagyayaman ng
mga T’boli. Isa rin ito sa mga popular na katutubong produkto sa Pilipinas.

Ang mga babaeng T’boli lamang ang tanging nakapaghahabi ng t’nalak. Sila ay tinatawag ding “tagahabi ng
panaginip” o “dreamweaver” sapagkat hinahango mula sa kanilang panaginip ang mga disenyo nito.
Sinasabing si Fu Dalu, diyosa ng abaka, ang bumibisita sa kanilang panaginip upang sabihin ang mga
disenyong kanilang ihahabi.

Pula at itim ang karaniwang kulay ng t’nalak. Katapangan, pag-ibig, at pangako ang sinisimbolo ng pula.
Kahirapan, pakikipaglaban, at pagtitiyaga naman ang sinisimbolo ng itim. Ang tina na ginagamit na
pangkulay ng tela ay nagmula sa katas ng mga halaman at mga bahagi ng punongkahoy.
May mga sinusunod na ritwal o pamahiin din
sa paghahabi ng t’nalak. Ipinagbabawal sa
kababaihan ang pakikiniig sa kani-kanilang
asawa bago simulan ang paghahabi. Bawal
ding maghabi ang may buwanang dalaw.
Naniniwala ang mga katutubo na nakaaapekto
ito sa kalidad at disenyo ng kanilang
produkto. Samantala, ginagamit naman ang
t’nalak bilang pantakip sa nanganganak para
sa kaligtasan ng ina at ng sanggol nito.
Noong 1998 ay ipinagkaloob kay Lang Dulay,
isang T’boli, ang Gawad sa Manlilikha ng Bayan na programa ng National Commission on Culture and the
Arts (NCCA). Layunin nitong bigyang-pugay ang mga Pilipinong nagpapanatili ng mga katutubong
tradisyon.
Si Dulay ay kinilala dahil sa kaniyang pagpapanatili ng tradisyonal na paghahabi ng t’nalak. Siya ay tubong
Lake Sebu at iginagalang sa kanilang komunidad. Sa gulang na 12, natuto siyang maghabi ng t’nalak. Bukod
sa mga disenyo na itinuro ng kaniyang ina, hango rin sa kaniyang mga panaginip ang kaniyang mga disenyo.
Tinatayang mahigit 100 disenyo na ng t’nalak ang kaniyang nahabi. Siya rin ang unang itinuring na
“tagahabi ng mga panaginip ng mga T’boli.

Itinuro din niya ang kaniyang kaalaman sa sining


ng paghahabi sa kababaihang T’boli.

Sumakabilang-buhay si Dulay noong 2015 sa


gulang na 91. Tuwing ikalawang linggo ng
Hulyo, ipinagdiriwang sa Koronadal City ang
T’nalak Festival. Ang pagdiriwang na ito ay may
kaugnayan sa pagkakatatag ng South Cotabato
bilang isang lalawigan. Matutunghayan dito ang
mayaman at makulay na kultura ng mga
katutubong pangkat, ng mga Muslim, at ng mga
Kristiyano. Malaking porsiyento ng populasyon ng South Cotabato ay mga Kristiyano.

Tuwing piyesta, itinatatanghal ng mga mamamayan ang kanilang kultura sa magarbong parada. May dance
competition din kung saan pumipili ng mga magsisipagwagi mula sa mga pangkat ng mga katutubo,
Muslim, at Kristiyano.

Sa ganito ring panahon, may mga turistang nagpupunta sa Lawang Sebu upang panoorin ang mga kultural
na pagtatanghal ng mga T’boli. Ang Lawang Sebu na matatagpuan sa munisipalidad ng Lake Sebu ay
nagsisilbing pamayanan ng mga katutubo. Ito rin ang pangunahing pinagkukunan ng tubig para sa irigasyon
ng mga taniman sa lalawigan

Roberto B. Torres, ed. Virgilio S. Almario. “Tinalak.” 2000 Sagisag Kultura ng Filipinas, Edisyong 2013. Filipinas Institute of
Translation, Inc. (PDF)

“T’Nalak: The Land of the Dreamweavers.” Critical Filipinx American Histories and their Artifacts.
https://uw.pressbooks.pub/criticalfilipinxamericanhistories/chapter/tnalak-the-land-of-the-dreamweavers. Accessed 25 Enero 2021

You might also like