Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

ANG EPEKTO NG GAY LINGO SA WIKANG FILIPINO SA MGA

PILING MAG-AARAL SA CAVITE NATIONAL HIGH


SCHOOL-SENIOR HIGH SCHOOL

Ipinasa Bilang Bahagi ng Asignaturang

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang

Teksto Tungo sa Pananaliksik

Juliana B. Gonzales.

Angel Ann O. Labitag.

Carina May Ricasa.

Ipinasa kay:

Princess R. Penueco, LPT

Disyembre 2022
KABANATA I

Panimula

Sa Pilipinas ay isang malaking usaping moral, politikal, at panlipunan ang pagiging


homosekswal tulad ng isang bakla. Madalas na masangkot ang mga ganitong tao sa pambubulas
sa saan mang lugar ng ating lipunan. Sa panahon ng ating mga ninuno ay isang kahihiyan sa
isang pamilya ang magkaroon ng miyembro na kasali sa gay community. Sa mga araw-araw na
nararanasang pakikibaka at pakipagtunggali ng mga bakla sa mga taong may matatag na
patriyarkal na pananaw ay nakabuo sila ng isang sandata na magiging kalasag laban sa pang
huhusga. Isinilang ang isang makulay at malikhaing wikang sinasalita ng bakla na may malikot
na ponolohiya at morpolohiya.

Ang Gay Lingo ay nabuo dahil sa matinding diskriminasyon. Isang paraan anggay lingo upang
makatakas ang mga bading sa pang-iinsulto. Ginamit ang wikang itoupang malayang makapag-
usap ng mga anumang paksain. Ginamit ang gay lingo nang maitago ang mga usapan nana hindi
naaayon sa ibang tao. Isa sa kaangkinan ng Gay Lingo ay pagkukubli na hindi maiintindihan at
mauunawan ng mga makaririnig angusapan. Isang pandepensa ang gay lingo upang labanan ang
diskriminasyon.

Hindi lingid sa kaalaman nating lahat na ang Gay Lingo ay isa sa mga sinasabing nagiging
hadlang sa paraan ng pakikipag-usap sa bawat isa. Hindi lahat ay may kakayahan na makaintindi
sa wikang sinasambit ng karamihan sa mga "beki". Ang Swardspeak ay ginagamit ng mga
homosekswal upang maiwasan na maraming maka-alam sa kanilang mga usapan tungkol sa mga
maseselang bagay para protektahan ang kanilang paligid na hindi sanay sa ganitong paksa.
Tunay nga na napakabilis ng paglaganap at pag-dami ng mga mag-aaral na gumagamit ng beki
words. Kabilang dito ang mga mag-aaral na naiimplewensiyahan ng mga kaibigan nilang
homosekswal." Ang wikang ito ay kanilang ginagamit upang makapag-usap ng palihim
patungkol sa kung ano ang kahulugan ng salitang kanilang sinasambit. Halimbawa nito ang mga
maseselang salita na maaring makuha ng ibang tao na walang alam sa kanilang wika. May mga
mag-aaral na naingganyo sa pag gamit ng Wikang gay lingo at kadalasan ay may nasasabi na
silang hindi maganda. Ito ay dahil sa impluwensya ng kanilang mga kaibigang homosekswal at
sa mga mag-aaral na may kaalaman din dito, sa kadahilanan na may kakilala silang beki. Ang
Gay Lingo ay hindi dapat na palaganapin sa ating wika sapagkat ito ay nagdudulot ng paglimot
sa kasalukuyan at nakasanayang wikang Filipino.

Tulad ng isang natural na wika, ang gay lingo ay patuloy na nagbabago sa pag-usad ng panahon
ngunit sobrang bilis na hindi ka para ng likas na wika. Sa sobrang bilis ng pagbabago ng gay
lingo ay hindi maaaring makagawa ng diksyonaryong hindi maluluma sa loob lang isang buwan,
linggo, o maging isang aral. Walang konsistensi o kaisahan sa pagbabaybay sa gay lingo. Kahit

ang mga tunay nalalaki at babae ay gumagamit na rin ng gay lingo nang hindi namamalayan.
Ginagamit ang gay lingo sa pang-araw-araw ng pakikipag-usap. Layunin ng pag aaral na ito na
bigyang linaw at bigyan pansin ang Epekto ng Gay Lingo sa Wikang Filipino.

Layunin ng Pag-aaral

Ang layunin sa pananaliksik na ito ay upang malaman kung anong Epekto ng Gay Lingo sa
Wikang Filipino sa mga Piling Mag-aaral sa Cavite

National High School-Senior High School. Sa pag-aaral nito matutuklasan ang dating sinasabing
“Lihim na Wika” na sa kasalukuyan ay mabilis at marami na sa atin sa panahon ngayon ay ang
tumatanggap, ika nga nila ay ladlad na.

Upang mas lalo pang mapalawig at mas maunawaan ay layunin nitong mapag-aralan ang
kasaysayang nakapaloob dito at kung paano ito mabilisang lumaganap sa kalipunang Pilipino.
Pangunahing maririnig natin ang mga salita ng Gay Lingo sa midya partikular na sa radio,
telebisyon at lalong-lalo na sa Social Media (tulad ng Facebook, Twitter, Instagram) na
karaniwan nang nangunguna sa pag-impluwensiya sa maraming kabataan.

Isa ang Gay Lingo sa nagpapatunay na buhay at dinamiko ang wika sa Pilipinas na tulad nito ay
nagbabago ang kahulugan, nag-iiba ang gamit at iba-ibang terminolohiya na dumdepende sa
estado ng buhay ng tao ang paggamit ng wika. Layunin din sa pag-aaral nito ang pagtuklas sa
kahulugan ng Gay Lingo, mga terminolohiyang kanilang ginagamit at kung paano ito
nakakaapekto sa lipunan at sa Wikang Filipino, negatibo man o positibo.
1. Ano ano ang demograpikong profile ng mga respondante:

● Pangalan

● Edad

● Kasarian

● Seksyon

Kahalagahan

Ang pag-aaral na ito ay magiging instrument upang magkaroon ng kaalaman sa wikang


ginagamit ng mga taong nasa ikalawang kasarian o "beki" na tinatawag na Gay Lingo.
Maipapaliwanag ditto ang mga haka-haka ukol sa pinagmulan ng wikang nabanngit at maging
ang mga salitang katumbas sa wikang Filipino. Makakatulong din ito upang mailahad ang
suliraning maaaring kaharapin ng mga taong walang sapat na kaalaman sa wika ng mga beki at
positibong benepisyo sa mga taong gumagamit ng wikang ito.

Sa kabilang banda, ang pag-aaral na ito ay hindi kailanman maglalahad ng kalabisan ukol sa
dalawang wikang kasangkot, ito lamang ay maglalahad ng impormasyon upang malaman ang
iba't ibang kaalamn at pagkakakilanlan sa wikang gamit ng mga taong nasa ikalawang kasarian.

Isa pa sa kahalagahan ng pananaliksik na ito ay upang maunawan ang mga mag kabataang nag-
aaral sa Cavite National High School-Senior High School ang epekto ng Gay Lingo at alamin
ang kanilang limitasyon sa paggamit ng lenggwaheng ito. Makakatulong din ito upang malaman
ng mga mag-aaral sa Cavite National High School-Senior High School ang mga kahalagahan ng
ating sariling wika at kung gaano nakaka apekto ang pag gamit nila ng Gay Lingo at mag bibigay
aral den sa kanila na kaylangan nila mahalin ang ating sariling wika upang ito ay patuloy
umunlad.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang kahalagahan ng pananaliksik na ito ay upang maunawan angmga mag-aaral na gumagamit


ng gay lingo o beki words na alamin angkanilang limitasyon sa paggamit ng lenggwaheng ito:
Magulang- Nakakatulong ito sa mga magulang upang malaman nila kungano ang tawag sa
salitang ginagamit ng kanilang mga anak.

Paaralan- Mabibigyang limitasyon nila ang mga mag-aaral na gumamit nggay lingo o beki
word.

Lipunan- Mahalaga ang pag-aaral na ito sa lipunan, dahil malalaman nilakung hanggang saan
nila maaaring gamitin ang gay lingo.

Mananaliksik- Nakakatulong pag-aaral na ito upang linangin ang isipangng mananaliksik. At


pumuli ng naayon sa kanilang interes na gustong pag-aralan.

Mag-aaral- Makakatulong ito sa kanila upang malaman nila kung may na aapektuhan na pala
sila.
Konseptwal na Balangkas

Lagak Pamaraan Resulta

1. Ano ang demograpikong 1. Pangongolekta ng mga tanong


profayl ng mga mag-aaral? na maaring sagutan ng mga
a. pangalan respondente.
b. edad
c. kasarian 2. Pagkuha ng mga datos sa
2. ang gay lingo sa kasalukuyan pamamagitan ng pagbibigay ng
bilang wikang ginagamit ng mga
tala-tanungan sa mga
mag aaral
3. Bentahe ng gay lingo sa loob respondente.
ng paaralan: 3. Pagsasaayos sa instrumento
a. maraming mag aaral ang para maiwasto ang kaayusan ng
naipapahayag ang kanilang
mga tanong at matiyak ang
opinyon
b. maraming mag-aaral ang kaangkupan ng mga tanong sa
masaya sa pag gamit ng gay mga problemang nais lutasin.
lingo
c. mas maraming mag 4. Pagbibilang ng mga nakuhang
kakaintindihang mag-aaral datos sa pamamagitan ng
4. Disbentahe ng gay lingo sa bahagdan.
loob ng paaralan
a. Nagiging bastos ang
pananalita ng mga mag-aaral
b. tumatangkilik sa mga balbal
na salitang hindi nila alam ang
kahulugan
c. negatibong pag intindi ng mga
magulang at guro sa wikang gay
lingo
Saklaw at Limitasyon

Ang pag-aaral na ito nakatuon lamang sa "gay lingo" na kung saan tutuklasin ng pag-aaral na ito
ang mga katumbas na salita ng mga salitang ginagamit sa gay lingo. Ang pag-aaral na ito ay
nakapokus din sa kung paano, bakit, kalian umusbong ang gay lingo, at kung paano ito
nakaimpluwensya sa mga salitang ginagamit sa lipunan.

Saklaw nito ang limampung katao na nasa ikalawang kasarian na siyang makakauna o may
kaalaman sa gay lingo. Sila an gaming magiging katugon sa pananaliksik na ito upang
maisagawa ang pag-aaral patungkol sa Gay Lingo.

Ang pag-aaral na ito ay hindi na nakatuon sa iba pang wika. Ito'y pawing nakatuon lamang sa
dlawang wikang kasangkot ang Gay Lingo, at ang wikang Filipino. Sakop ng pamanahon papel
na ito ang iba’t ibang sanggunian na magbibigay ng impormasyong makapagbibigay linaw sa
usapin hinggil sa estruktura ng gay lingo. Ang isinagawang pagsusuri ay may kinamalan sa
kasaysayan, estruktura, at kulturangnakapaloob sa gay lingo. Paghahambing at kalipunan ng mga
datos ang isinagawangpag-aaral upang lubos na matukoy at mailahad ang mga usapin hinggil sa
gay lingo.

Lugar ng Pagaaral

Noong Enero 21, 1901, tinawagan ang Act No. 74 ng Komisyon ng Pilipinas para sa
organisasyon ng Pampublikong Paaralan sa Pilipinas. Ang Lupon ng Provincial, pagkatapos ay
pinahintulutan ng Batas No. 372 ay magtatag ng mga sekundaryong paaralan. Ang unang
kampus ay matatagpuan sa Isthmus ng Rosario, sa bayan ng San Roque kung saan nakatayo ang
Paaralang Elementarya ng Garita. Hon. Si Mariano Trias, pagkatapos ay Gobernador ng Cavite,
ay nagmungkahi na ang isang Mataas na Paaralan ay itinatag sa Cavite, San Roque o Caridad.
Ang Cavite National High School (CNHS), na itinatag noong Hunyo 19, 1902, ay isa sa
pinakamatandang sekundaryong pampublikong paaralan sa Pilipinas. Ang pampublikong
sekundaryong paaralan ng DepEd sa ilalim ng pangangasiwa ng Schools Division Office (SDO)
ng Cavite City na matatagpuan sa Chief E. Martin Street Caridad, Cavite City ay may 5,700
mag-aaral at 233 tauhan ng pagtuturo at nag-aalok ng iba't ibang mga programa tulad ng Science,
Technology, and Engineering (STE) Program, Special Program in the Arts (SPA), Open High
School Program (OHSP), at Special Education Program (SPEd) para sa mga mag-aaral na may
Espesyal na Pangangailangan.

Depinisyon ng mga Terminolohiya


 Diskriminasyon- Hindi patas na pag trato sa ibang tao at mga grupo batay sa isang
katangian na taglay ng mga tao.
 Estraktura- Ang pag kakaayos at pagkaka ugnay ng mga bahagi o sangkap ng isang
bagay na masalamuot.
 Gay Lingo- Isang patagong wika o salitang balbal na nag mula sa ENGLOG (pag
papalit wika ng Tagalog-Ingles) na ginagamit ng ilang mga homosekswal sa pilipinas.
 Homosekswal- Eklusibong atraksiyon sa katulad na kasarian.
 Lihim- Sikreto, Isang usapan na maaaring sa pagitan lamang nng dalawang tao.
 Morpolohiya- Makaagham na pag-aaral ng mga morpema o makabuluhang unit ng mga
salita.
 Ponolohiya- Makaagham na pag-aaral ng makabuluhang tunog na kinikilalang ponema.
 Pang- iinsulto- Ay isang kilos o ekspresyon na nag papakita ng panunuya karaniwang
nilalayon upang saktan ang damdamin ng iba.
 Suliranin- Anu mang bagay na hindi agad mapagsiyahan na malutas.
 Wika- Isang bahagi ng pakikipag talastasan na ginagamit araw-araw.
KABANATA 2

You might also like