Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

ARELLANO UNIVERSITY- MALABON

Elisa Esguerra Campus


Gen. Luna Street, Brgy. Bayan Bayanan, Malabon City
Tel/Fax: 932-5209

BANGHAY SA PAGSULAT SA IBA’T IBANG LARANGAN NG AKADEMIKS


BAITANG 12
Unang Semestre- Taong Akademiko 2022- 2023
Petsa: AGOSTO 15, 2022 (Lunes)
I. PAKSANG ARALIN Asignatura: PAGSULAT SA IBA’T IBANG LARANGAN NG AKADEMIK
Konsepto Blg. 1: Kahulugan at Kalikasan ng Pagsulat
II. Layunin Sa loob ng 60 minutong aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
 Nauunawaan ang kalikasan, layunin at paraan ng pagsulat ng iba’t ibang anyo ng
sulating ginagamit sa pag-aaral sa iba’t ibang larangan.
 Nasusuri ang kahulugan at kalikasan ng pagsulat ng iba’t ibang anyo ng sulatin.
 Nabibigyang-kahulugan ang Akademikong Pagsulat

III. SANGGUNIAN •Bernales Rolando A. et al. 2017. Filipino sa Piling Larangan ng Akademi. Mutya Publishing
House
IV. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain Panalangin, Pagbati, Pagtala ng liban sa klase
B. Pagsusuri ng kaalaman Gabay na tanong:
1. Ano- anu ang apat na Makrong Pangkasanayan?
2. Sa apat na makrong pangkasanayan na nabanggit, ano ang pinaka mahirap
matutunan?
C. Pagganyak Panuto: Magbigay ng mga salita na pwede nating iugnay sa salitang Pagsulat.

D. Pagtalakay
a. Nilalaman Pagsipi ng Konsepto Blg. 1
:
“KAHULUGAN NG PAGSULAT”

 Ayon kina Xing at Jin (1989, sa Bernales, et al. 2006), ang pagsulat
ay isang komprehensibong kakayahang naglalaman ng wastong
gamit talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan retorika at iba pang
elemento

 Sinabi ni Badayos (2000) na ang kakayahan sa pagsulat nang


mabisa ay isang bagay na totoong mailap para ssa nakararami sa
ating maging ito’y pagsulat sa unang wika o pangalawang wika man.

 Ayon naman kay Keller (1985 sa Bernales et al. 2006), ang pagsulat
ay isang biyaya, isang pangangailangan at isang kaligayahan ng
nagsasagawa nito.

 Samantala, ganito naman ang paglalarawan nina Peck at


Buckingham (sa Bernales et al. 2006) sa pagsulat: Ang Pagsulat ay
ekstensyon ng wika at karaqnasang natamo ng isang tao mula sa
kanyang pakikinig pagsasalita at pagbabasa.
KALIKASAN NG PAGSULAT
 Isang paraan ng pagpapahayag ng mag saloobin, damdamin at
kaalaman ang pagsulat katulad ng pagsasalita. Sa apat na makrong
kasanayang pangwika (pakikinig, pagsasalita, pagbasa at pagsulat),
ang pagsulat ang sinasabing pinakamahirap matutuhan. Di tulad ng
pagsasalita, hindi mga tunog kundi may mga titik ang simbolong
ginagamit ng manunulat upang makapagpahayag. Bumubuo siya ng
makahulugang salita mula sa mga titik, at ng mga pangungusap at
kabuuang diskors mula sa mga salita.

 Ang pagsulat ay ekspresyon ng pagpapagalaw ng isipan at emosyon


ng tao. Ang mga bagay na hindi kayang sabihing pasalita ay
ginagawa sa paraang pasulat. Maaaring sumulat ng pansarili o
personal; kasabay nang pag-unlad ng sariling ideya tungkol sa sarili
at karanasan. Ang ganitong uri ng pagsulat ay makatutulong sa
pagpapabuti ng kasanayang ito sapagkat ang paksang isinusulat ay
pinakamalapit sa interes mo.

b. Pagsusuri Gabay na tanong:


1. Anoa no ang kahulugan ng Pagsulat ayon sa iba’t ibang may- akda?
2. Ano ang kalikasan ng Pagsulat?

V. Pagtataya Panuto: Sa pamamagitan ng pagguhit ipakita ang kahalagahan ng pagsulat.

Pamantayan sa Pagmamarka
Kahandaan 25 %
Nilalaman 25 %
Paraan ng Pag-sulat 25 %
Orrihinal na gawa 25 %
Kabuuan: 100 %

VI. Takdang Aralin Walang Takdang Aralin

ARELLANO UNIVERSITY- MALABON


Elisa Esguerra Campus
Gen. Luna Street, Brgy. Bayan Bayanan, Malabon City
Tel/Fax: 932-5209

BANGHAY SA PAGSULAT SA IBA’T IBANG LARANGAN NG AKADEMIKS


BAITANG 12
Unang Semestre- Taong Akademiko 2022-2023
Petsa: AGOSTO 17, 2022 (Miyerkules)
I. PAKSANG ARALIN Asignatura: PAGSULAT SA IBA’T IBANG LARANGAN NG AKADEMIK
Konsepto Blg. 2: Sosyo- Kognitibong Pananaw at Apat na Pangunahing punto ng Proseso ng
Pagsulat
II. Layunin Sa loob ng 60 minutong aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
 Nauunawaan ang mga sosyo kognitibong pananaw ng pagsulat.
 Nasusuri ang apat na pangunahing punto ng proseso ng pagsulat.
 Nakasusulat ng isang sanaysay na nagpapakita ng apat ng proseso ng pagsulat.
III. SANGGUNIAN Bernales Rolando A. et al. 2017. Filipino sa Piling Larangan ng Akademi.Mutya Publishing
House
IV. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain Panalangin, Pagbati, Pagtala ng liban sa klase
B. Pagsusuri ng kaalaman Magbigay ng mga natutuhan niyong mga paksa patungkol sa kahulugan ng Pagsulat.
C. Pagganyak Panuto: Magbigay ng limang kahalagahan ng Pagsulat

KAHALAGAHAN NG PAGSULAT
1
2
3
4
5

D. Pagtalakay
a. Nilalaman Pagsipi ng Konsepto Blg. 2:

“ANG SOSYO-KOGNITIBONG PANANAW SA PAGSULAT”

Sosyo-Kognitibong Pananaw sa Pagsulat- isang paraan ng pagtingin


sa proseso ng pagsulat.

PAGGAWA NG BURADOR

PAGFOFOKUS
PAG-IISTRAKTURA
MULING PAGTINGIN

EVALWASYON

MULING PAGTINGIN

Dalawang Dimesyon ng Multi-Dimensyonal

 Oral na Dimensyon- Kapag ang indibwal ay nagbabasa ng isang


tekstong iyong sinulat masasabing nakikinig rin siya sa iyo.

 Biswal na Dimensyon- Ito ay nauugnay sa mga salita o lenggwaheng


ginagmit ng isang awtor sa kanyang teksto na inilantad ng mga
nakalimbag na simbolo.

“PROSESO NG PAGSULAT”

1.Pre-Writing- nagaganap ang paghahanda ng pagsulat. Ginagawa rito ang


pagpili ng paksang isusulat at ang pangangalap ng mga datos o
impormasyong kailangan sa pagsulat.
- Ito’y isang estratehiya tungo sa pormal na pagsulat. Ito ang unang hakbang
na isasagawa sa pagpapaunlad ng paksang isusulat. Ang gawaing ito ay
maaaring ginagawa nang isahan o nang pangkatan.

2.Actual Writing- Ikalawang hakbang ng pagsulat. Dito isinasagawa ang


aktwal na pagsulat. Nakapaloob ditto ang pagsulat ng burador o draft.
Pagsulat ng Burador (Draft Writing) - Ito’y aktuwal na pagsulat nang
tuloy-tuloy na hindi isinasaalang-alang ang maaaring pagkakamali.
- Matapos maisagawa, maaaring balikan at suriin ng estudyante ang
natapos na sulatin upang maaayos at malinaw ang ginagawang paglalahad.

3.Rewriting- Ikatlong bahagi ng pagsulat. Dito nagaganap ang pag-eedit at


pagrerebisa ng draft batay sa wastong grammar bokubulari at pagkasunod-
sunod ng ideya o lohika.
Pagrebisa - Pangunahing konsern ng rebisyon ang pagpapalinaw sa mga
ideya. Ginagawa ito upang suriin ang teksto at nilalaman para matiyak ang
kawastuhan, kalinawan at kayarian ng katha na madaling maunawaan ng
babasa. Sa bahaging ito, iniwawasto ang mga inaakalang kamalian,
binabago ang dapat baguhin at pinapalitan ang dapat palitan.
4.Pag-eedit - Ang bahaging ito ay pagwawasto sa gramatika, ispeling,
estruktura ng pangungusap, wastong gamit ng salita at mga mekaniks sa
pagsulat. Sa bahaging ito pinapakinis ang papel upang matiyak na ang
bawat salita at pangungusap ay naghahatid ng tamang kahulugan. Sa pag-
eedit, ang mga di-magkaugnay na pangungusap ay muling isinusulat upang
higit na maipakita ang kaugnay na mga ideya.
a. Pagsusuri Gabay na tanong:
1. AnoPamantayan
ang sosyo- kognitibong pananaw ng pagsulat.
sa Pagmamarka
2. Ano ang kahalagahan ng Sosyo- Kognitibong Pananaw ng pagsulat?
Kumpletong mga Detalye 10 pts
Kaalaman sa Paksa 20 pts
V. Pagtataya
Orihinal na Gawa 20 pts
Kabuuan: 50 pts
Panuto: Magsulat ng isang sanaysay patungkol sa Pag-ibig, maari itong
maglaman ng iyong sariling karanasan o nanggaling sa ibang karanasan.
Ipakita sa apat na proseso ng pagsulat.

VI. Takdang Aralin Walang Takdang Aralin

You might also like