Kapayapaan ay kayamanan sa buhay kung mararanasan sa pagkakaisa at
pag-unawa ito’y tunay na makakamtan”
Puting Kalapati, Libutin Itong Sandaigdigan
Ni Usman Awang Sa mga pangyayaring walang kasakitan,Kung saan ang tao'y naghihinala't tuwina'y may agam- agamLumipad ang kalapati upang lakbayin ang sandaigdiganSa kanyang puting pakpak na hanap sa kapayapaanHabang sagisag ng pagkakasundo'y patuloy na bumabandila.Puting kalapati,libutin itong sandaigdiganAng hanging panggabi'y iyong panariwainAng mga bulaklak iyong pamukadkarin.Itong aming mga labi'y iyong pangitiin.Pagkat sa iyo na ang pag-asa ay di nawalaSa iyong hininga, hanging sariwa nagmulaItong sandaigdigan,paniwalain mo sa kapayapaanHabang puso'y pumipintig sa gabi ng katahimikanNgunit ikaw na palamara Tulad ng alabok,humayo ka't mawalaPagkat mundo mo't bantayog ay gumuho naNgayon ay may bagong hinagap na kaygandaBilang repleksiyon nitong buhay na mapayapa Kapayapaan ay kayamanan sa buhay kung maranasanSa pagkakaisa at pag-unawa ito ’y tunay na makakamtan”
1. Anong mensahe ang nais ihatid ng tula? Ipaliwanag.
2. Ano o sino ang isinisimbolo ng kalapati? 3. Paano inilarawan ng may-akda ang daigdig? 4. Ilahad ang dahilan kung bakit ang mga tao sa mundo’y naglalaban at di nagkakaunawaan. 5. Anu-ano kaya sa palagay mo ang mga bagay na dapat iwaksi ng tao upang magkaroon ng kapayapaan at pag-asa sa mundo. 6. Sino kaya ang itinuturing na taksil sa tula? Nais ipahiwatig ng panghuling saknong ang pagharap natin sa kahit na anumang pagsubok na dadaan sa ating buhay, at dahil sa taglay na natin ang pag-asa at kapayapaan