Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

IPINASA NI: Janelle Amarille

IPINASA KAY: Dr. Edilbert Naño

PAKSA: Gawing legal ang aborsyon sa Pilipinas

Ang aborsyon o pagpapalaglag ay isang sinadyang pagtatanggal ng sangol na nasa


sinapupunan pa lamang ng kaniyang ina. Ito ay isang paraan ng pagkitil ng buhay ng
isang batang hindi pa naiisilang. Madalas itong mangyari ng biglaan katulad na lamang
ng kapag ang isang babae ay nakunan.
Talamak na ang aborsyon sa Pilipinas dahil umaabot na ang kaso sa kalahating
milyon taon-taon. Pangunahing dahilan nito ang pagbubuntis ng wala sa panahon o
unwanted pregnancies. Marami sa mga babaeng nagpapaabort ay hindi gumagamit ng
contraceptives tulad ng pills. At ang pagbubuntis ay mapanganib sa kaniyang
kalusugan at sa kaniyang buhay. Wala siyang katuwang para tulungang suportahan
ang bata. Gusto niyang makapagtapos ng pag-aaral at iba pa. Kaya ginagawa nila ang
pag aabort. Hindi dapat na gawing legal ang aborsyon dahil alam nating lahat na ito'y
kasalanan. Nakasaad sa bibliya na kasalanan ang pumatay at ang aborsyon ay isa naring uri ng
pagpatay. Ito ay hindi lamang isang maling gawain kundi ito rin ay isang krimen. Ayon din sa
Revised Penal Code ng Pilipinas, Artikulo 256 ay naglalaman ng katampatang parusa sa
sadyang pagpapalaglag ng bata pananakit man ang paraan o iba pa na kahit ito ay
pinapayagan ng nanay o ng nagbubuntis. Sa Artikulo 258, sadyang pagpapalaglag sa bata ng
ina o ng magulang nito ay mabibilanggo ayon sa kaparusahan igagawad ang itatagal.

Ang aborsyon o pagpapalaglag ay ang sapilitang pag aalis ng batang namumuo pa lamang
sa sinapupunan ng isang ina, na nagsasanhi sa pagkamatay ng dinadala.Ang opinyon, sa
kabilang dako ay ang pagsasaad o pagpapahayag ng isang ideya o pananaw ng isang tao ukol
sa isang isyu.

Ang pag aabort ay isang masamang gawain dahil ang batang nasa sinapupunan ng tao ay
may buhay din at ito ay may laman at dugo mo. At ang taong gagawa lamang nito ay walang
awa sa kaniyang magiging anak dahil sa palagay ko ang mga bata ay may sari sariling
kakayahan at meron silang mga potensyal kaya dapat ipagbawal talaga ang pag aabort.

You might also like