Filipino 1st Quarter

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 168

Unang

Markahan

1
Sesyon 1

Sabjek: Filipino 2 Baitang:


Petsa: Seksyon:
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig
at pag- unawa sa napakinggan.
Kompetensi: • Nagagamit ang naunang kaalaman o karanasan
sa pag-unawa ng napakinggang teksto. F2PN-
Ia-2
• Nagagamit ang magalang na pananalita sa
angkop na sitwasyon (pagbati). F2WG-Ia-1
I. Layunin
➢ Kaalaman: Natutukoy ang pangunahing ideya sa
napakinggang/binasang teksto.
➢ Saykomotor: Nakagagamit ng magalang na pananalita.
➢ Apektiv: Napapahalagahan ang paggamit ng magagalang na
pananalita.
II. Paksang-Aralin
Paksa Magalang na Pananalita
Sanggunian Ang Bagong Batang Pinoy 2 pahina 18-19
Kagamitan Sipi ng kwento “ Ang Maalagang Ina”
III. Pamamaraan:
A. Paghahanda Magpakita ng larawan ng isang ina at anak na may sakit.
Pangmotibeysyunal na tanong: Sino ba sa inyo ang nakaranas na magkaroon ng lagnat?
Ano-ano ang mga pangunahing lunas na dapat gawin
para bumaba ang lagnat?
Sino kaya ang maaaring tutulong sa mga batang may
Aktiviti/ Gawain lagnat?
B. Paglalahad Basahing ng guro ang kuwento “ Maalagang Ina”.
Abstraksyon Hikayatin ang mga mag-aaral na making nang mabuti.
( Pamamaraan ng Pagtatalakay) Ibigay ang mga pamantayan sa wastong pakikinig.
Gamitin ang DRTA Approach habang binabasa ang
kwento.
Sagutin ang mga tanong sa “ Sagutin Natin” pahina 19.
C. Pagsasanay Magbigay ng sitwasyon ang guro at isasadula ng mga
Mga Paglilinang na Gawain mag-aaral ang mga dapat gawin gamit ang mga
magagalang na pananalita.
D. Paglalapat I-grupo ang mga mag-aaral at gawin ang “ Gawin
Aplikasyon Natin” pahina 20-21.
E. Paglalahat Ano ang kahalagahan ng paggamit ng mga magagalang
Generalisasyon na pananalita?
Anoano ang mga magagalang na pananalita na
kailangang gamitin sa isang batang tulad ninyo?
IV. Pagtataya 1. Ano ang pamagat ng ating kuwento?
2. Sinosino ang mga tauhan ng ating kuwento?
3. Sino ang batang may sinat?
4. Ano ang ginawani Aling Carmel nang nalaman
niyang may sinat si Rey?

2
5. Ano ang katangiang ipinakita nang Ina ni Rey?
V. Takdang-aralin Maglista ng limang pamagat ng kuwento na inyong
nabasa.
Isulat sa kuwaderno.
_________________________________________________________
______________________________________________________________
Tugon
______________________________________________________________
______________________________________________________________

_________________________________________________________
______________________________________________________________
Pagninilay-nilay
______________________________________________________________
______________________________________________________________

3
UNANG MARKAHAN SESYON 1

Ang ating mga magulang ay lubos na nagmamahal sa atin. Kaya nilang mag-sakripisyo
para mapakita nila kung gaano nila tayo kamahal. Ang mga ina ay isa sa mga nagmamahal sa anak
at kayang magsakripisyo. Sa kanilang ginagawa, dapat natin silang susuklian sa pamamagitan ng
paggalang gamit ang mga magagalang na pananalita.

TUKLASIN

Magpakita ng larawan ng isang ina at anak na may sakit.

MOTIBEYSYUNAL NA TANONG

Sino ba sa inyo ang nakaranas na magkaroon ng lagnat?


Ano-ano ang mga pangunahing lunas na dapat gawin para bumaba ang lagnat?
Sino kaya ang maaaring tutulong sa mga batang may lagnat?

ALAM MO BA NA…

Basahing ng guro ang kuwento “ Maalagang Ina”. Hikayatin ang mga mag-aaral na makinig nang
mabuti. Ibigay ang mga pamantayan sa wastong pakikinig.

Gamitin ang DRTA Approach habang binasa ang kwento.


( Sulat para sa mga guro: Habang binasa itanong ang mga sumusunod na tanong,)

1. Ano ang pamagat ng kuwento?


2. Saan pupunta ang mag-anak ni Aling Carmen?
3. Sino ang nagkaroon ng sakit?
4. Mahalaga ba ang kanilang pupuntahan? Bakit?

4
Handang-handa na sina Nanay Carmen at Tatay Ramon. Dadalo sila sa pagtitipon nina Lolo at
Lola. Anibersaryo ng kasal nila. Dapat ay naroon ang buong pamilya. Tinawag ni Aling Carmen ang
mga anak. “Fe, Rey, nasaan na ba kayo? Bihis na kami ng Tatay ninyo.”
“Nanay, may sinat po si Rey. Isasama pa po ba ninyo kami?” tanong ni Fe.
Dali-daling pumunta si Aling Carmen sa silid ng anak at hinipo ang ulo ni Rey. Nalaman
niyang may sinat ito. Lumabas siya at nang ito’y bumalik, nakabihis na ito ng damit pambahay. May
dalang palanggganang may tubig, botelya ng gamut, at yelo.

PAGSUSURI

Gawain 1
Sagutin ang mga tanong:
1. Ano ang ipinasiyang gawin ni Aling Carmen ng malamang may sakit si Rey?
2. Ano ang masasabi mo kay Aling Carmen?
3. Magagalit kaya ang Lolo at Lola sa hindi pagdating ng mag-anak?
4. Ano kaya ang sumusunod na nangyari sa kwento?
5. Ano ang aral na nakukuha ninyo sa kuwento?

PAGSASANAY

Gawain 2
Magbigay ng sitwasyon ang guro at isasadula sa mga mag-aaral ang mga dapat gawin gamit ang
mga magagalang na pananalita.
A. Nasalubong ni Ben ang kanyang guro sa parke isang hapon ng Biyernes. Nakita siya ng guro, ano
ang sasabihin niya sa kanyang guro?
B. Binigyan ka ng regalo ng iyong mga magulang sa araw ng iyong kaarawan, ano ang sasabihin mo
sa inyong Nanay at Tatay?
C. Nawala ang lapis mo sa loob ng iyong bag. Nakita ito ng iyong kaibigan at ibinigay niya sa iyo, ano
ang sasabihin mo sa iyong kaklase?

PAGLALAPAT
I-grupo ang mga mag-aaral at gawin ang sumusunod:
1. Sino ang mag-asawa sa kuwento?
2. Saan pupunta ang mag-anak?
3. Ano ang nangyari kay Rey?
4. Anong uri ng ina si Aling Carmen?
5. Matutuwa kaya si Rey sa pag-aalaga sa kaniya ng ina? Bakit

Iuulat ng lider ang mga sagot sa bawat grupo.

TANDAAN

Ang paggamit ng po at opo ay halimbawa ng mga magagalang na pananalita.

5
PAGTATAYA

Pagsubok ng kaalaman

1. Ano ang pamagat ng ating kuwento?


2. Sino-sino ang mga tauhan ng ating kuwento?
3. Sino ang batang may sinat?
4. Ano ang ginawa ni Aling Carmel nang nalaman niyang may sinat si Rey?
5. Ano ang katangiang ipinakita nang Ina ni Rey?

TAKDANG ARALIN

Gawain 3
Maglista ng limang pamagat ng kuwento na inyong nabasa. Isulat sa kuwaderno.

6
Sesyon 2

Sabjek: Filipino 2 Baitang:


Petsa: Seksyon:
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ang kamalayan sa mga bahagi ng aklat at kung
paano ang ugnayan ng simbolo at wika.
Kompetensi: • Nababasa ang usapan, tula, kwento nang may tamang
bilis, diin, tono, antala at ekspresyon. F2TA-0a-j-3
I. Layunin
➢ Kaalaman: Nahuhulaan ang pamagat ng aklat batay sa pabalat nito.
➢ Saykomotor: Nasasabi ang mensaheng nais ipabatid.
➢ Apektiv: Napapahalalagahan ang mga bahagi ng aklat.
II. Paksang-Aralin
Paksa Bahagi ng Aklat
Sanggunian Ang Bagong Batang Pinoy 2 pahina 94-97
Kagamitan Ibat-ibang uri ng aklat
III. Pamamaraan:
A. Paghahanda Ano-ano ang inyong mga nabasang kuwento?
Pangmotibeysyunal na Alin dito ang inyong nagustuhan?
Tanong: Bakit ninyo ito nagustuhan?

B. Paglalahad Ang guro ay magpapakita ng isang aklat.


Abstraksyon • Ano ang tawag sa pinakaunang pahina ng aklat?
( Pamamaraan ng • Ano ang makikita natin sa pabalat ng aklat?
Pagtatalakay) • Sa aklat na ito, ano ang pamagat? Sino ang may akda/
sumulat?
• Ano ang kahulugan ng pabalat sa bawat aklat?
C. Pagsasanay Magpakita ng isang aklat ( aklat sa Library Hub). Alamin ang
( Mga Paglilinang na sumusunod:
Gawain) • Pamagat
• May akda
D. Paglalapat Group Activity
Aplikasyon Ayusin ang mga strips ayon sa pamagat, may akda, at taon ng
paglathala na angkop sa pabalat.
E. Paglalahat Ano ang mga mahalagang impormasyon na makikita sa pabalat
Generalisasyon ng aklat?

IV. Pagtataya Magpakita ng mga larawan, at punan ang sumusunod:


1. Pamagat
2. May akda
3. Taong Gumuhit
V. Takdang-aralin Mag- aral ng leksiyon para sa pagtatanong.
_____________________________________________________________
__________________________________________________________________
Tugon
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

7
_____________________________________________________________
__________________________________________________________________
Pagninilay-nilay
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

8
Sesyon 2

TUKLASIN

Ang mga aklat ay may iba’t- ibang bahagi. Lahat ng mga bahagi nito ay mahalaga at may
gamit para lalo natin itong maintindihan at ma-ingganyo ang mga magbabasa. Isa sa mga bahagi
nito ang pabalat – ito ang matigas na bahagi at pinakatakip o damit ng aklat. Mababasa rito ang
pangalan ng aklat, may-akda, at tagapaglimbag.

MOTEBISYUNAL NA TANONG

1. Ano-ano ang inyong mga nabasang kuwento?


2. Alin dito ang inyong nagustuhan?
3. Bakit ninyo ito nagustuhan?

ALAM MO BA NA…
Ang guro ay magpakita ng isang aklat.

Gawain 1
• Ano ang tawag sa pinakaunang pahina ng aklat?
• Ano ang makikita natin sa pabalat ng aklat?
• Sa aklat na ito,ano ang pamagat? Sino ang may akda/ sumulat?
• Ano ang kahulugan ng pabalat sa bawat aklat?
• Tungkol saan kaya ang aklat na ito?

9
PAGSASANAY

Gawain 2

Magpakita ng isang aklat (aklat sa Library Hub). Alamin ang sumusunod:

➢ Pamagat
➢ May akda

PAGLALAPAT

Group Activity
Gawain 3

Ayusin ang mga strips ayon sa pamagat, may akda, at taon ng paglathala na angkop sa pabalat.

10
Pamagat: _________________________
May Akda: _______________________
Gumuhit: ________________________

TANDAAN

➢ Ang mga mahahalagang impormasyon na makukuha sa pabalat ng aklat ay: Pamagat ng


Aklat, Pangalan ng may Akda, Pangalan ng Gumuhit, at Taon ng Paglathala.

11
PAGTATAYA

Pagsubok ng kaalaman
Magpakita ng mga larawan ng aklat sa library hub at punan ang sumusunod:

1. Pamagat
2. May akda
3. Pangalan ng Gumuhit

TAKDANG ARALIN

Mag- aral ng leksiyon para sa pagtatanong.

12
Sesyon 3

Sabjek: Filipino 2 Baitang:


Petsa: Seksyon:
Naisasagawa ang mapanuring pagbasa upang mapalawak ang
Pamantayang Pangnilalaman:
talasalitaan.
• Nababasa ang usapan, tula, kuwento nang may tamang bilis,
Kompetensi:
diin, tono, antala at ekspresyon. F2TA-0a-j-3
I. Layunin
Nakakagamit ng mga palatandaan na nagbibigay ng kahulugan/
➢ Kaalaman:
kasingkahulugan.
Nakakagamit ng mga larawan na magbibigay ng kahulugan/
➢ Saykomotor:
kasingkahulugan.
➢ Apektiv: Nakikilahok sa mga gawain nang may kasiglahan.
II. Paksang-Aralin
Paksa Kahulugan at Kasingkahulugan
Sanggunian Ang Bagong Batang Pinoy 2 pahina 362-366
Kagamitan Mga larawan
III. Pamamaraan:
A. Paghahanda Magpakita ng larawan ng isang mag-anak.
Pangmotibeysyunal na Ilarawan ang bawat kasapi ng pamilya habang nasa hapag kainan.
Tanong Naranasan nyo bang kasabay ang buong pamilya sa hapag-
kainan?Ano ang inyong nararamdaman?
Basahin ng guro ang kuwento “ Operasyon Linis” pahina 362-365.
B. Paglalahad
Gamitin ang DRTA Approach. Talakayin ang “Sagutin Natin” pahina
Abstraksyon
364.
C. Pagsasanay
Magpakita ng mga limang larawan at ibigay ang kahulugan.
Mga Paglilinang na
Gawain
Gamitin sa pangungusap ang sumusunod na sitwasyon.
D. Paglalapat 1. Maingay na klase
Aplikasyon 2. Mataba na bata
3. May mahabang buhok
E. Paglalahat
Paano mabigyang kahulugan ang isang salita?
Generalisasyon
Isulat ang A kung ang salita ay magkasingkahulugan, at O kung
IV. Pagtataya magkasalungat.
“Gawin Natin” pahina 364
V. Takdang-aralin Ipagawa ang “Linangin Natin” LM. Pahina 365

_____________________________________________________________
__________________________________________________________________
Tugon
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

13
_____________________________________________________________
__________________________________________________________________
Pagninilay-nilay
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

14
SESYON 3

TUKLASIN

Ang ating kapaligiran ay isa sa mga yaman na ipinagkaloob sa atin ng Maykapal. Dito natin
makukuha lahat ng yaman na ating ginagamit para mabuhay sa mundong ito, kaya dapat natin itong
alagaan. Ang pamilya ay isa sa mga yunit sa pamayanan na kailangang magtulong-tulungan para
mapangalagahan ito.

Gawain 1
Magpakita ng larawan ng isang mag-anak.

Hango sa Aklat Ang Bagong Batang Pinoy 2

MOTIBEYSYUNAL NA TANONG

Ilarawan ang bawat kasapi ng pamilya habang nasa hapag kainan.


Naranasan nyo bang kasabay ang buong pamilya sa hapag-kainan? Ano ang inyong naramdaman?

ALAM MO BA NA…

Basahin ng guro ang kuwento “Operasyon Linis”. Gamitin ang DRTA Approach.
(Sulat para sa mga Guro: Itanong ang mga sumusunod na tanong habang binasa ang kwento.)

1. Ano ang pamagat sa kuwento?


2. Saan pupunta ang mag-anak?
3. Ano ang kanilang lalahukan?
4. Bakit kailangan nilang makilahok sa paglilinis sa barangay?
5. Mabuti kaya ang kanilang ginawa?
6. Ano-ano ang gagawin ng bawat isa?
7. Masaya kaya sila sa kanilang ginawa? Bakit?

15
Araw ng Sabado. Maagang gumising ang mag-anak ni G. Roman. Sabay-sabay silang kumain ng almusal.
G. Roman: Natutuwa ako at maaga kayong gumising. Ngayong araw na ito ay makikilahok tayo sa
paglilinis ng ating barangay.
Gng. Roman: Siyempre naman. Gusto naming tumulong sa “Operasyon Linis” . Lahat ng ating mga
kapitbahay at tutulong din.
Rosa/Nena: Opo, Tatay. Sasama kami sa inyo.
G. Roman: Kaming kalalakihan ang maglilinis ng kanal.
Rosa: Iipunin ko ang mga basyong plastic at lata na pinamamahayan ng mga lamok.
Nena: Ako naman po ang magwawalis ng mga basura kasama ang aking mga kaklase.
Gng. Roman: Kami ni bunso ang maghahanda ng inyong miryenda.
G. Roman: Magaling! Kung magtutulungan tayong lahat ay magiging maganda at malinis an gating
barangay. Maiiwasan pa ang paglaganap ng mga nakahahawang sakit dulot ng maruming kapaligiran.
Gng. Roman: Mabuti naman at nagkaroon ng ganitong proyekto an gating barangay. Lahat sila ay
lumalabas ng bahay at masayang ginawa ang kanilang gawain kasama ng ibang tao sa barangay.

PAGSUSURI
Gawain 2

Talakayin ang mga sumusunod na tanong pagkatapos basahin ng guro.


1. Paano ka tutulong sa iyong barangay upang manatili itong malinis at maayos?
2. Mahalaga ba ang pagtutulungan sa paglilinis ng ating barangay?
3. Ano-ano ang kabutihang dulot sa paglilinis?

May mga salitang ginagamit sa kwento tulad ng sumusunod:


1. Natutuwa
2. Makikilahok
Ano ang ibig sabihin ng mga ito:
Kasingkahulugan ng natutuwa ----- nagagalak, nasisiyahan
Kasingkahulugan ng nakikilahok-----sasali
➢ Ang tawag dito ay kasingkahulugan o pareho ang kahulugan.

PAGSASANAY
Gawain 3

Ibigay ang kahulugan ng mga salita gamit ang larawan.


1. Madungis 2. Maalaga

google image google image

16
PAGLALAPAT

Gamitin sa pangungusap ang sumusunod na sitwasyon.


1. Maingay na klase
2. Mataba na bata
3. May mahabang buhok

a. Maingay ang klase kapag wala ang guro.


b. Ang kapatid ko ay isang larawan ng mataba na bata.
c. Si Caren ay babaeng may mahabang buhok.
d.
Ipaliwanag ng guro ang bawat pangungusap para mas maintindihan ng mga bata ang mga salita.

TANDAAN

Mabigyan ng kahulugan ang salita sa pamamagitan ng pagpapakita ng larawan at


paggamit nito sa pangungusap.

PAGTATAYA
Pagsubok ng kaalaman

Gawain 4
Isulat ang A kung ang salita ay magkasingkahulugan, at O kung magkasalungat.
HANAY A HANAY B

1. maganda > marikit


2. pandak > matangkad
3. mahirap > mariwasa
4. maalat > matamis
5. payapa > tahimik

TAKDANG ARALIN
Gawain 5

Isulat ang MK kung ang mga salita ay magkasingkahulugan, at MKS kung


magkasalungat.
1. mabigat ----- magaan
2. matanda ----- bata
3. kaibigan ---- kaaway
4. maliwanag --- madilim
5. masaya ---- maligaya

17
Sesyon 4

Sabjek: Filipino 2 Baitang:


Petsa: Seksyon:

Pamantayang Pangnilalaman: Nagkakaroon ng papaunlad na kasanayan sa wasto at maayos na pagsulat.

Kompetensi: Nakagagawa ng pataas-pababang guhit. F2PU-Ia-j-1.1


I. Layunin
Napagsusunod-sunod ang mga salita batay sa alpabeto
➢ Kaalaman:
( unang dalawang letra ).
➢ Saykomotor: Nakakasulat ng pataas-pababang guhit.
Nagagamit ang wika bilang tugon sa sariling pangangailangan at sitwasyon ng
➢ Apektiv:
may kasiyahan.
II. Paksang Aralin
Paksa Pataas-Pababang Guhit
Sanggunian Ang Bagong Batang Pinoy 2 pahina 7-8.
Kagamitan flashcards
III. Pamamaraan:
Tukuyin kung nasa itaas ba o nasa ibaba ang ilang mga bagay na makikita sa
kapaligiran.
• Ulap
A. Paghahanda
• Tubig
• Puno
• Ilaw
Ipakita kung paano ginawa ang pataas-pababang guhit. Sa pagsulat nito,
B. Paglalahad
siguraduhin na sabayan ng bilang ang pagsulat.
Bigyan ng pagsasanay ang mga mag-aaral sa paggawa ng pataas-pababang
C. Pagsasanay guhit. Ipagawa ang “Gawin Natin” sa LM. Pahina 16, Ang Bagong Batang
Pinoy 2.

Gumawa ng pataas-pababang guhit.


Unang Pangkat Pagbakat ng putol-putol na guhit
D. Paglalapat Pangalawang Pangkat Pagdugtong ng mga tuldok
Pangatlong Pangkat Pagsulat sa hangin
Pang-apat na Pangkat Pagsulat sa papel
E. Paglalahat Ano ang dapat tandaan sa pagsulat ng pataas-pababang guhit?
Idugtong ang mga tuldok upang mabuo ang isang titik.
IV. Pagtataya
a. A b. W c. M d. N e. Y
V. Takdang-aralin Magsulat ng pataas-pababang guhit sa isang buong papel.

_____________________________________________________________
__________________________________________________________________
Tugon
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

18
_____________________________________________________________
__________________________________________________________________
Pagninilay-nilay
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

19
Sesyon 4

TUKLASIN

Ang pagsulat ng kabit-kabit na paraan ay kailangan para maipakita natin ang kasanayan sa
wastong pagsulat sa ikalawang baitang. Kailangan din matutuhan natin ang wastong pagkakasunod-
sunod ng mga alpabeto para matuto tayong magsulat nito.

Gawain 1

Tukuyin kung nasa itaas ba o nasa ibaba ang ilang mga bagay na makikita sa kapaligiran.
1. Ulap
2. Tubig
3. Puno
4. Ilaw

ALAM MO BA NA…

Ipakita kung paano ginawa ang pataas-pababang guhit. Sa pagsulat nito, siguraduhin na
sabayan ng bilang ang pagsulat.

Mga dapat tandaan sa pagsulat:


1. Hawakan ang lapis nang isang pulgada ang layo mula sa dulo ng daliring hinlalaki,
hintuturo, at gitnang daliri.
2. Iayos ang papel sa desk. Ipatong sa bandang itaas nito ang kanan o kaliwang kamay.
3. Magsulat mula kaliwa-pakanan.
4. Magsulat nang marahan at may tamang diin.
5. Umupo nang maayos sa upuan.

20
PAGSUSURI
Gawain 2

Bigyan ng pagsasanay ang mga mag-aaral sa paggawa ng pataas-pababang guhit.


Ipagawa ito ng paulit-ulit.

PAGLALAPAT

Gumawa ng pataas-pababang guhit.


Unang Pangkat ---------------------- Pagbakat ng putol-putol na guhit
Pangalawang Pangkat --------------- Pagdugtong ng mga tuldok
Pangatlong Pangkat ----------------- Pagsulat sa hangin
Pang-apat na Pangkat --------------- Pagsulat sa papel

TANDAAN

Sa pagsulat ng pataas-pababang guhit, gamitin ang tatlong linyang may kulay asul,
pula, asul sa papel. Simulan ito sa kaliwa-pakanan.

PAGTATAYA
Pagsubok ng Kaalaman

Idugtong ang mga tuldok upang mabuo ang isang titik.


a. A b. W c. M d. N e. Y

TAKDANG ARALIN
Gawain 3

Magsulat ng pataas-pababang guhit sa isang buong papel.

21
Sesyon 5

Sabjek: Filipino 2 Baitang:


Petsa: Seksyon:
Naipamamalas ang iba’t-ibang kasanayan upang masasagot ang inihandang
Pamantayang Pangnilalaman:
pagtataya.
Kompetensi: Nasasagot ang inihandang pagtataya.
I. Layunin
➢ Kaalaman: Nabibigyang kahulugan ang mga salita gamit ang larawan.
➢ Saykomotor: Nakasisipi nang pataas-pababang guhit nang wasto.
➢ Apektiv: Nasasagawa ang pagtataya nang buong katapatan.
II. Paksang Aralin
Paksa Kasingkahulugan/ Guhit Pataas-Pababa
Sanggunian Ang Bagong Batang Pilipino 2
Kagamitan Cartolina/ tsart
III. Pamamaraan:
Ihanda ang mga mag-aaral sa gawaing pagtataya.
A. Paghahanda
Basahin at ipaliwanag sa mga mag-aaral ang mga panuto sa gawain.
Ipaskil sa pisara ang tsart ng mga gawain.
Bigyan ang mga bata ng panahon sa pagsagot.

I. Piliin ang kasalungat ng mga sumusunod na salita sa Hanay A


tungo sa Hanay B.
Hanay A Hanay B
1. mataba a. pangit
IV. Pagtataya
2. malinis b. masama
3. maganda c. payat
4. mabait d. mababa
5. mataas e. marumi

Pagwawasto sa pagtataya.
Ano ang natutunan ninyo sa linggong ito?
V. Takdang-aralin Magsulat ng pataas-pababang guhit sa isang buong papel.
_____________________________________________________________
__________________________________________________________________
Tugon
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

_____________________________________________________________
__________________________________________________________________
Pagninilay-nilay
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

22
Sesyon 5
TUKLASIN
Ihanda ang mga mag-aaral sa gawaing pagtataya.
Basahin at ipaliwanag sa mga mag-aaral ang mga panuto sa gawain.

PAGTATAYA
Ipaskil sa pisara ang tsart ng mga gawain.
Bigyan ang mga bata ng panahon sa pagsagot.

Gawain 1

I. Piliin ang kasalungat nang mga sumusunod na salita sa Hanay A tungo sa Hanay B.
Hanay A Hanay B
1. mataba a. pangit
2. malinis b. masama
3. maganda c. payat
4. mabait d. mababa
5. mataas e. marumi

Gawain 2

II. Kilalanin ang mga salita sa tulong ng mga larawan. Isulat ang letra ng sagot.

1. plorera a.

2. kama b.

3. gwantes c.

4. pluma d.

5. batingaw e.

(mga larawan hango sa: Ang Bagong Batang Pinoy 2)

23
Gawain 3

Ipagawa ito sa mga bata gamit ang tatlong linya ng kanilang papel.

24
Sesyon 6

Sabjek: Filipino 2 Baitang:


Petsa: Seksyon:
Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag –unawa sa
Pamantayang Pangnilalaman:
napakinggan.
Nakasasagot sa mga tanong tungkol sa napakinggan kuwento batay sa tunay na
Kompetensi:
pangyayari/ kuwento. F2-PN-3.1.1
I. Layunin
Nakapagsusuring mabuti upang matutukoy ang pangunahing ideya tungkol sa
➢ Kaalaman:
napakinggang kuwento.
Nakabubuo ng pangunahing ideya tungkol sa napakinggang kuwento batay sa
tunay na pangyayari.
➢ Saykomotor:
Nakasisipi ng mga nabubuong pangunahing ideya tungkol sa napakinggang
kuwento.
Naisasagawa nang may kasiglahan ang magandang aral na nakukuha sa
➢ Apektiv:
kuwento.
II. Paksang Aralin
Paksa Kumilos at Magkaisa
Sanggunian Ang Bagong Batang Pinoy 2 pahina 3-5
Kagamitan Kuwento/ larawan/ mga strips/ big book
III. Pamamaraan:
Magpakita ng larawan ng mga batang naglilinis sa paligid..
1. Ano ang masasabi ninyo sa larawan?
2. Nangyayari ba ito sa inyong paligid?
A. Paghahanda
3. Ano kaya ang mangyayari kung patuloy ang pagdami ng basura sa
ating paligid?
4. May magagawa ba tayo sa mga pangyayaring ito?
Basahin ng guro ang bigbook “ Kumilos at Magkaisa”.Kailangan basahin sa
tamang tunog at ekspresyon sa mukha.
Pagkatapos binasa, magbigay ng tanong:
B. Paglalahad 1. Ano-anong patapong bagay ang makikita sa ating paligid?
2. Bakit hinahayaan ng mga tao?
3. Ano ang magyayari kung maraming basura sa ating paligid?
4. Ano ang panguhaning ideya ang mabubuo sa kwento?
Pangkatin ang mga bata, pag-usapan kung ano ang maaari pang gawin sa mga
lumang bagay. Isulat sa papel.
C. Pagsasanay Unang Pangkat: lumang diyaryo
Pangalawang Pangkat: lumang gulong
Ikatlong Pangkat: basyong bote
Magparinig ng isa pang kwento para sa mga bata. Pagkatapos, ipasulat sa papel
D. Paglalapat
ang pangunahing ideya sa napakinggang kwento.
E. Paglalahat Ano-ano ang mga dapat gawin para mapangalagaan ang ating kapaligiran?
IV. Pagtataya Ipagawa ang Linangin Natin sa pahina 6 B (1-5)
Basahin ang talata sa Linangin Natin pahina 6 A (1-5).
V. Takdang-aralin
Isulat sa sa kwaderno.

25
_____________________________________________________________
__________________________________________________________________
Tugon
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

_____________________________________________________________
__________________________________________________________________
Pagninilay-nilay
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

26
Sesyon 6

TUKLASIN

Ang paglilinis ng kapaligiran ay tungkulin nating lahat nang tayo ay makaiwas sa anumang sakit.

Gawain 1
Magpakita ng larawan ng mga batang naglilinis sa paligid.

Hango sa Ang Bagong Batang Pinoy 2


MOTIBEYSYUNAL NA TANONG

1. Ano ang masasabi ninyo sa larawan?


2. Nangyayari ba ito sa inyong paligid?
3. Ano kaya ang mangyayari kung patuloy ang pagdami ng basura sa ating paligid?
4. May magagawa ba tayo sa mga pangyayaring ito?

ALAM MO BA NA…

Basahin ng guro ang bigbook “Kumilos at Magkaisa”. Gamitin ang DRTA na


pamamaraanat kailangan basahin sa tamang tunog at ekspresyon sa mukha.

1. Ano ang pamagat ng kuwento?


2. Ano-anong patapong bagay ang makikita sa ating paligid?
3. Ano-ano ang maging dulot ng basurang nakatambak?
4. Mahalaga ba sa kalusugan ang kalinisan?
5. Paano mo maagapan ang problema sa basura?

Kumilos at Magkaisa
Maraming patapong bagay sa ating paligid
tulad ng mga basyo ng bote at plastik na
nakatambak sa mga basurahan at looban ng ilang
kabahayan. Ang mga lumang diyaryo at
maruruming damit ay nagkalat din kung minsan.

Para sa iba, ang mga ito ay basura lamang,


patapon, at wala nang silbi kaya naman ang ating

27
kapaligiran ay punong-puno ng mga kalat.
Pinamumugaran tuloy ang mga ito ng mga daga at
insekto.

Pinagmumulan din ang mga ito ng pagbabara


ng mga daluyan ng tubig at sanhi ng pagbaha.
Nakasasama rin ang ilan sa mga ito. Nagiging sanhi
ito ng pagdumi at pagbaho ng hanging ating
nalalanghap. Huwag na nating hintayin ang salot na
idudulot ng mga basura. Panahon na para tayo ay
kumilos at magkaisa.

PAGSUSURI
Gawain 2

Pagkatapos binasa ang kwento, magbigay ng tanong:


1. Ano-anong patapong bagay ang makikita sa ating paligid?
2. Bakit hinahayaan ng mga tao na mangyari ito?
3. Ano ang magyayari kung maraming basura sa ating paligid?
4. Ano ang panguhaning ideya ang mabubuo sa kwento?

PAGLALAPAT

Basahin ang buong kuwento. Pagkatapos isulat sa papel ang pangunahing ideya.

Mahilig maglaro ang batang si Vina sa kanilang


bakuran. Marami siyang laruan tulad ng manika,
lutu-lutuan, puzzle, laruang computer, at iba’t ibang
hugis na gawa sa kahoy.

Pinapahalagahan niya ang


lahat ng kaniyang gamit. Ibinabalik niya ang mga ito
sa kabinet nang malinis at maayos pagkatapos
laruin.

Isa siyang masinop na bata kaya naman


tuwang-tuwa ang kaniyang mga magulang.

Ano ang pangunahing ideya sa kwento? Isulat sa papel

TANDAAN

Ang teksto ay may ipinahahayag na ideya. Nakatutulong ang pagbibigay ng


pangunahing ideya upang maintindihan ang nilalaman ng narinig o binasa. Ang pangunahing
ideya ay maaaring matagpuan sa pamagat, unahan, gitna, at huling bahagi ng teksto.
Nakatutulong sa pag-unawa ng pinakinggan ang pag-uugnay ng narinig sa sariling
karanasan.

28
PAGTATAYA
Pagsubok ng Nilalaman

Gawain 4

Basahin at piliin ang pangunahing ideya o kaisipan ng teksto. Isulat ang wastong letra sa sagutang papel.

1. Ang dengue ay maiiwasan kung ibayong pag-iingat ay isasaalang-alang. Palitan nang madalas ang tubig sa
plorera. Linisin ang loob at labas ng bahay. Maging malinis sa tuwina.
a. Maglinis ng kapaligiran upang maiwasan ang dengue.
b. Palitan lagi ang tubig sa plorera.
c. Pausukan ang buong paligid tuwing umaga at hapon.
2. Kapag may sipon o ubo, iwasan ang pagdura kung saan-saan. Takpan ang bibig at ilong kapag umuubo o
bumabahing nang hindi makahawa ng iba. Uminom ng maraming tubig at magpahinga.
a. Mga dapat gawin kapag inuubo at sinisipon
b. Uminom ng maraming tubig at magpahinga.
c. Maligo araw-araw.
3. Ugaliin ang pagkain ng mga prutas at gulay. Maraming bitamina ang nakukuha sa mga ito. Nakatutulong din ang
mga ito upang mapanatiling malusog ang katawan.
a. Ang mga prutas at gulay ay may maraming bitamina
b. Kumain ng prutas at gulay upang maging malusog ang katawan
c. Masarap kainin ang mga prutas.
4. Uminom ng walo o higit pang baso ng tubig sa araw-araw. Nakatutulong ito para sa mabilis na pagtunaw ng ating
kinain. Nasosolusyunan nito ang pagtigas ng dumi sa loob ng katawan.
a. Kabutihang dulot ng sapat na pag-inom ng tubig
b. Bilang ng iinuming tubig araw-araw
c. Dapat maraming baso ng tubig ang iinumin.
5. Iwasang kumain ng junk food at pag-inom ng nakalatang inumin. May mga kemikal ito na hindi mabuti sa
katawan.
a. Iwasang kumain ng junk food at pag-inom ng de-latang inumin.
b. May mga kemikal na makukuha sa junk food at de-latang inumin.
c. Mahalaga ang junk food at de-lata na inumin.

TAKDANG ARALIN
A. Isulat ang tsek ( ∕ ) sa sagutang papel kung naranasan mo na ang pahayag at ekis (x)
naman kung hindi.
1. Nagtatapon ako ng basura sa tamang tapunan.
2. Iniuuwi ko ang aking basura.
3. Tumutulong ako sa proyektong pangkalinisan sa aming barangay.
4. Inihihiwalay ko ang nabubulok sa dinabubulok na basura.
5. Tinatakpan ko ang basurahan upang hindi mangamoy at maiwasan ang pagkalat ng
mikrobyo.

29
Sesyon 7

Sabjek: Filipino 2 Baitang:


Petsa: Seksyon:
Nauunawaan ang ugnayan ng simbolo at tunog.
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ang iba’t-ibang kasanayan upang makilala at mabasa ang
pamilyar at di-pamilyar na salita.
Nasasabi ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga pantig/ salita. F2PP-Ib-6
Kompetensi: Nakapagpapalit at nakapagdaragdag ng mga tunog upang makabuo ng bagong
salita. F2KP-Ib-g-6
I. Layunin
Nakagagamit ng iba’t-ibang pantig upang makabuo ng isang bagong salita.
➢ Kaalaman:
Nakikilala ang mga anyo ng pantig ( P, KP, PK ).
➢ Saykomotor: Nakagagawa ng mga bagong salita gamit ang mga pantig.
Nakalilikha ang mga bagong salita gamit ang iba’t-ibang pantig ng may
➢ Apektiv:
kasiglahan.
II. Paksang Aralin
Paksa Pagbubuo ng Pantig
Sanggunian Ang Bagong Batang Pinoy 2, LM pahina 24-25
Kagamitan Tsart ng pantig/ larawan/ flashcards
III. Pamamaraan:
Ipaawit ang alpabetong Filipino.
A. Paghahanda Ilang letra ang bumubuo sa alpabetong Filipino?
Ipabasa ang tsart ng Alpabetong Filipino.
Ipakita ang tsart sa Alpabetong Filipino. Ano ano ang mga titik na katinig?
Ano naman ang mga titik na patinig?
Magsagawa ng laro sa pagkilala ng mga titik na patinig at katinig.
B. Paglalahad Magbuo ng pantig gamit ang kayarian ng pantig. ( P, KP, PK )
Magpakita nang mga larawan at punan ang patlang upang mabuo ang pangalan
ng larawan.
Magbigay pa ng maraming larawan.
Kilalanin at buuin ang kahon na aangkop sa larawan.
Halimbawa:

C. Pagsasanay

Magbigay pa ng maraming halimbawa.


Gamit ang malaking kahon, punan ang tsart ayon sa kanilang kayarian. Gawin
ito sa kuwaderno.
u as ro i
as pi om ga
D. Paglalapat
ok to o ma
e ni bo at

30
Patinig Katinig-Patinig Patinig-Katinig

E. Paglalahat Paano mabubuo ang pantig? Ano-ano ang kayarian nito?


Kilalanin ang kayarian ng pantig na may salungguhit sa mga salita. Isulat ang
IV. Pagtataya P, KP, o PK.
( LM pahina 57)
Magbuo nang mga salita gamit ang mga sumusunod na pantig:
V. Takdang-aralin
1. pa 2. la 3. ma 4. si 5. ta
_____________________________________________________________
__________________________________________________________________
Tugon
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

_____________________________________________________________
__________________________________________________________________
Pagninilay-nilay
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

31
Sesyon 7

TUKLASIN
Ang kaalaman natin sa pantig ay mahalaga sapagkat ito ay pundasyon sa ating pagkatuto
sa pagbasa.

Gawain 1
Ipaawit ang alpabetong Filipino.
Aa Bb Cc Dd Ee Ff
/ey/ /bi/ /si/ /di/ /e/ /ef/
Gg Hh Ii Jj Kk Ll
/ji/ /eych/ /ay/ /jey/ /key/ /el/
Mm Nn Ññ NGng Oo Pp
/em/ /en/ /enye/ /enji/ /o/ /pi/
Qq Rr Ss Tt Uu Vv
/kyu/ /ar/ /es/ /ti/ /yu/ /vi/
Ww Xx Yy Zz
/dobolyu/ /eks/ /way/ /zi/

MOTIBEYSYUNAL NA TANONG

Ilang letra ang bumubuo sa alpabetong Filipino?


Ipabasa ang tsart ng Alpabetong Filipino.

ALAM MO BA NA…
Ipakita ang tsart sa Alpabetong Filipino. Ano ano ang mga titik na katinig? Ano naman ang
mga titik na patinig?
Ang salita ay binubuo ng katinig at patinig. Tinatawag itong pantig. May iba’t ibang
kayarian ang pantig tulad ng P para sa patinig, KP para sa katinig-patinig, at PK para sa patinig-
katinig.

PAGSUSURI
Gawain 2

Magsagawa ng laro sa pagkilala ng mga titik na patinig at katinig.


1. A 2. K 3. D 4. G 5. O

Magbuo ng salita gamit ang nakasulat na pantig sa bawat bilang. Gamitin ang kayarian ng pantig
na P-patinig, KP-katinig-patinig, PK-patinig-katinig na anyo.
1. Si 2. O 3. Ir 4. Id 5. ta

32
Magpakita ng mga larawan at punan ang patlang upang mabuo ang pangalan ng larawan.

1. __ __ m a 2. m a __ __
Google Image Google Image

2. n __ y __ n
Google Image

PAGSASANAY
.
Kilalanin ang larawan at isulat ang titik na naaangkop sa loob ng kahon..
1.

Google image

2.

Google image

3.

Google image

33
PAGLALAPAT
Gamit ang malaking kahon, punan ang tsart ayon sa kanilang kayarian. Gawin ito sa kuwaderno.

u as ro i

as pi om ga

ok to o ma

e ni bo at

TANDAAN

• Ang kaalaman natin sa pantig ay mahalaga sapagkat ito ay pundasyon sa ating pagkatuto
sa pagbasa.
• Ang salita ay binubuo ng katinig at patinig. Tinatawag itong pantig. May iba’t-ibang
kayarian ang pantig tulad ng P para sa patinig, KP para sa katinig-patinig, at PK para
sa patinig-katinig.

PAGTATAYA
Pagsubok ng kaalaman

Kilalanin ang kayarian ng pantig na may salungguhit sa mga salita. Isulat ang P, KP, o PK.
1. kasama
2. isda
3. araw
4. gabi
5. kusa

TAKDANG ARALIN
Gawain 4

Magbuo ng mga salita gamit ang mga sumusunod na pantig:


1. pa 2. la 3. ma 4. si 5. ta

34
Sesyon 8

Sabjek: Filipino 2 Baitang:


Petsa: Seksyon:

Nagkakaroon ng papaunlad na kasanayan sa wasto at maayos na pagsulat.


Pamantayang Pangnilalaman:
Nauunawaan na may ibat-ibang dahilan ng pagsulat.
Nakasusulat nang may wastong baybay, bantas, at mekaniks ng pagsulat.
Kompetensi: F2TA-0a-j-4
Nakagagawa ng pataas na paikot. F2PU-Ia-1.2
I. Layunin
➢ Kaalaman: Nakapagpapakita ng paraan kung paano ang wasto at maayos na pagsusulat.
➢ Saykomotor: Nakagagawa ng pataas na paikot
➢ Apektiv: Nakalilikha ng mga salitang may pataas na paikot sa tamang paraan.
II. Paksang Aralin

Paksa Pagsusulat ng Pataas na Paikot

Sanggunian Ang Bagong Batang Pilipino 2, pahina 129


Kagamitan Tsart/ flashcards/ mga larawan
III. Pamamaraan:
Magpakita ng letra.
A. Paghahanda Ano ang letrang ito? ( l, t, h, k, d, b )
Alam ba ninyo kung paano ito isusulat?
Ipakita sa mga bata kung paano isulat ang l, t, h, k, d, b. ( Isa-isang letra
muna).
B. Paglalahad Bilangan habang ginagawa ito upang mas masundan nang mga bata. Ipasulat
ito sa hangin, sa palad, sa likod ng kaklase.
Ipabakat ito sa pisara.
Pasulatin ang mga mag-aaral sa sulatang papel ng mga letrang ito l, t, h.
C. Pagsasanay
Isulat ito nang pakabit-kabit.
Pangkatin ang mga bata. Ipasulat sa bawat pangkat ang mga titik. Isulat ito
nang pakabit-kabit.
D. Paglalapat Unang Pangkat - letrang k
Pangalawang Pangkat –letrang d
Pangatlong Pangkat - letrang b
E. Paglalahat Paano isusulat ang mga titik na mayroong pataas-paikot na direksyon?
Sundan ang mga bilang kung paano isinusulat ang bawat letra?
IV. Pagtataya
( LM pahina 129)
V. Takdang-aralin Magsanay sa pagsulat ng titik q. Isulat sa papel.

35
_____________________________________________________________
__________________________________________________________________
Tugon
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

_____________________________________________________________
__________________________________________________________________
Pagninilay-nilay
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

36
Sesyon 8

TUKLASIN
May iba’t-ibang istrok ng pagsulat ng maliliit na letra ng alpabeto. Ilan sa mga letrang ito ay
pataas na paikot gaya ng l. t, h, k, at d

Gawain 1
Magpakita ng letra.
1. l 2. t 3. h 4. k 5. d

MOTIBEYSYUNAL NA TANONG

Ano ang mga letrang ito?


Alam ba ninyo kung paano ito isusulat?

ALAM MO BA NA…

Ipakita sa mga bata kung paano isulat ang l, t, h, k, d, b. (Isa-isang letra muna).

Bilangan habang ginagawa ito upang mas masundan nang mga bata. Ipasulat ito sa
hangin, sa palad, sa likod ng kaklase. Ipabakat ito sa pisara.

PAGSASANAY
Pasulatin ang mga mag-aaral sa sulatang papel ng mga letrang ito l, t, h. Isulat ito nang pakabit-
kabit.

37
PAGLALAPAT

Pangkatin ang mga bata. Ipasulat sa bawat pangkat ang mga titik. Isulat ito nang pakabit-kabit.
Unang Pangkat - letrang k
Pangalawang Pangkat -letrang d
Pangatlong Pangkat - letrang b

TANDAAN

Ang pagsulat ng kabit-kabit na paraan ng letrang l, t, h, k, b, at d ay kailangang


sabayan ng pagbilang para magawa ito ng husto at tama.

PAGTATAYA
Pagsubok ng Kaalaman

Sundan ang mga bilang kung paano isinusulat ang bawat letra.

TAKDANG ARALIN
Gawain 3

Magsanay sa pagsulat ng titik q. Isulat sa papel.

38
Sesyon 9

Sabjek: Filipino 2 Baitang:


Petsa: Seksyon:

Pamantayang Pangnilalaman: Naisasagawa ang mapanuring pagbasa upang mapalawak ang talasalitaan .

Kompetensi: Nakasusunod sa nakasulat na panutong may 1-2 hakbang. F2PB-Ib-2.1


I. Layunin
➢ Kaalaman: Nasasagot ang mga tanong tungkol sa ibinigay na panuto sa kwento.
➢ Saykomotor: Nakasusunod nang wasto sa panutong ibigay.
➢ Apektiv: Nakapapakinig nang masusi at may layunin sa ibinigay na mga panuto.
II. Paksang Aralin
Paksa “Pagsunod sa Panuto”
Ang Bagong Batang Pinoy 2, TG pahina 48-49
Sanggunian
LM pahina 115-120
Kagamitan Kwento, Tsart, larawan
III. Pamamaraan:
Ipagawa sa mga bata.
1. Gumuhit ng malaking bilog, at kulayan ng berde.
A. Paghahanda 2. Gumuhit ng isang tatsulok sa kanan ng bola. Isulat sa loob nito ang
pangalan mo. Kung tapos na, itaas ang papel.
Nakasunod ka ba sa mga panuto? Paano mo nasabi?

Sino ang nagkasakit na sa inyong pamilya? Ano ang nararamdaman mo nang


magkasakit siya? Ano ano ang ginawa mo para sa kanya?
Basahin sa guro nang malinaw ang kwentong “ May Sakit si Ina”.
B. Paglalahad Gamitin ang DRTA na pamamaraan. Sagutin ang mga tanong tungkol sa
kuwento:
LM pahina 116-117.
Sa palagay mo, nasundan ba ni Trina ang panutong ibinigay nang kanyang ina?

Ayusin ang mga panuto sa pagluluto ng lugaw. Lagyan ng bilang 1-5 (LM
C. Pagsasanay
118)
D. Paglalapat Sagutin ang Sanayin Natin sa LM pahina 118 ng pangkatan.
E. Paglalahat Paano ka makasusunod sa panuto? Pakisangguni sa LM pahina 119.
Sundin ang panutong ibinigay ng guro.
1. Gumuhit ng isang malaking bilog.
IV. Pagtataya
2. Isulat ang pangalan ng inyong ina sa loob ng malaking bilog.
3. Lagyan ng tuwid na linya paibaba sa ilalim ng bilog.
V. Takdang-aralin Isulat ang mga panuto kung paano magluto ng tortilyas na itlog.

39
_____________________________________________________________
__________________________________________________________________
Tugon
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

_____________________________________________________________
__________________________________________________________________
Pagninilay-nilay
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

40
Sesyon 9

TUKLASIN
Ang ating mga Ina ay ilaw ng tahanan. Ang lahat ng kanilang ginagawa ay nagpapakita
ng pagmamahal na walang pag-aalinlangan, walang kapantay na kapalit. Kayo, ano ang
ginawa ninyo para maipakita ninyo na mahal nyo ang inyong Ina?

Gawain 1
Ipagawa sa mga bata.
1. Gumuhit ng malaking bilog, at kulayan ng berde.
2. Gumuhit ng isang tatsulok sa kanan ng bola. Isulat sa loob nito ang pangalan mo. Kung
tapos na, itaas ang papel.

Nakasunod ka ba sa mga panuto? Paano mo nasabi?

ALAM MO BA NA…

1. Sino ang nagkasakit na sa inyong pamilya? Ano ang nararamdaman mo nang magkasakit siya? Ano-ano ang
ginawa mo para sa kanya?
2. Basahin sa guro nang malinaw ang kuwentong “May Sakit si Ina”.
Gamitin ang DRTA na pamamaraan.
(Sulat para sa mga guro: Gamitin ang mga tanong sa ibaba habang binasa ang kuwento.)
1. Ano ang pamagat sa kwento?

Hango sa Aklat na Ang Bagong Batang Pinoy

Mabait at masipag na bata si Trina. Lagi siyang tumutulong sa mga gawaing bahay. Isang araw, nagising si Trina
na may sakit ang kaniyang ina. Maaga pa nang pumunta sa trabaho ang kaniyang ama. Inutusan siya ng ina na bumili ng
gamot. Dali-dali naman siyang sumunod. Alalangalala si Trina. Naisip niyang ipagluto ang kaniyang ina ngunit hindi siya
marunong. “Inay, ipagluluto ko po kayo ng lugaw. Ituro po ninyo sa akin kung paano,” pakiusap ni Trina.

“Naku, maraming salamat, anak,” sabi ng kaniyang ina. “Makinig kang mabuti. Una, maglagay ka ng kalahating
takal ng bigas sa kaldero. Sunod naman ay hugasan mo ang bigas. Pagkatapos ay lagyan mo ito ng tatlong basong tubig
para sa sabaw.

Isalang mo sa kalan at hintaying kumulo. Hayaan mong kumulo nang sampung minuto. Panghuli, timplahan mo ng asin
kapag luto na,” sabi ng ina. “Madali lang pala. Hayaan po ninyo, susundin ko nang maayos ang inyong sinabi,” masayang
sabi ni Trina. Masayang pinanood ng nanay si Trina habang abala sa pagluluto.

“Maaasahan talaga si Trina,” bulong ng ina.

41
Pagkatapos basahin ang kuwento talakayin ang mga tanong na ito:
1. Sa palagay mo, masusundan ba ni Trina ang panuto na ibinigay ng kaniyang ina?
2. Ano kaya ang nararamdaman ng ina ni Trina sa ipinakita nitong pagmamalasakit sa kaniya?
3. Ikaw, paano mo ipapakita ang pagmamahal mo sa iyong ina?

PAGSASANAY
Gawain 2

Ayusin ang mga panuto sa pagluluto ng lugaw. Isulat sa sagutang papel ang mga pangungusap
ayon sa wastong pagkakasunod-sunod.

a. Hugasan ang bigas.


b. Maglagay ng kalahating takal ng bigas sa kaldero.
c. Timplahan ng asin kapag luto na.
d. Isalang sa kalan at hintaying kumulo.
e. Lagyan ng tatlong basong tubig para sa sabaw.

PAGLALAPAT

Pangkatin ang mga mag-aaral at ibigay ang mga panuto sa bawat pangkat. Hintayin ang hudyat ng guro
sa paggawa.
Unang Pangkat – Gumuhit ng isang malaking araw. Sa bawat dulo ng sinag ng araw, isulat ang pangalan ng
bawat miyembro ng pangkat.

Ikalawang Pangkat – Gumuhit ng pitong malalaking linyang pakurba. Kulayan ito ng pula, kahel, dilaw,
berde, asul, indigo, at lila upang makabuo ng bahaghari. Lagyan ng ulap ang magkabilang dulo ng bahaghari.

Ikatlong Pangkat – Gumawa ng isang tuwid na pila mula sa pinakamaliit na miyembro hanggang sa
pinakamalaki. Ipatong ang kamay sa balikat ng kaklaseng nauuna sa iyo.

Ikaapat na Pangkat – Maghawak-kamay at bumuo ng pabilog na posisyon. Awitin ang “Bahay Kubo” sa
saliw ng palakpak.

TANDAAN
Isang mahalagang kasanayan at katangian na dapat mong matutuhan ay ang pagsunod sa
panuto. Ito ay mahalaga upang maiwasan ang anumang pagkakamali at maging madali ang
paggawa ng mga bagay-bagay.

Narito ang ilang paraan sa pagsunod sa panuto.


Makinig at intindihin ang ibinibigay na panuto.
Magtanong kung may hindi nauunawaan.
Gawin nang maingat ang bawat hakbang na mga gawain at ayon sa pagkakasunod-
sunod sa panuto.

42
PAGTATAYA
Pagsubok ng Kaalaman

Sundin ang panutong ibinigay ng guro.


1. Gumuhit ng isang malaking bilog.
2. Isulat ang pangalan ng inyong ina sa loob ng malaking bilog.
3. Lagyan ng tuwid na linya paibaba sa ilalim ng bilog.

TAKDANG ARALIN
Gawain 3
Isulat ang mga panuto kung paano magluto ng tortilyas na itlog.

43
Sesyon 10

Sabjek: Filipino 2 Baitang:


Petsa: Seksyon:

Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag- unawa sa


Pamantayang Pangnilalaman:
napakinggan.

Kompetensi: Nakasusunod sa napakinggang panuto ( 1 hakbang)


I. Layunin
➢ Kaalaman: Nakapagbibigay nang simpleng panuto na may 2-3 hakbang.
➢ Saykomotor: Nakasusunod sa napakinggang panuto ( 1 hakbang)
➢ Apektiv: Nakatatamo ng kasiyahan sa pagsusunod nang napakinggang panuto.
II. Paksang Aralin

Paksa Pagsunod sa Panuto

Sanggunian Ang Bagong Batang Pinoy 2, pahina 118


Kagamitan Mga Panuto
III. Pamamaraan:
Naranasan mo na bang nautusan ng iyong ina?
Ano-ano ang mga kautusang ibinigay niya?
A. Paghahanda Nasunod mo ba ang lahat ng mga iyon? Ano ang tawag natin sa mga kautusan
na iyong sinunod?

Magbigay ng ibat-ibang panuto.


Talakayin sa mga mag-aaral kung paano ito isasagawa ng maayos. Ilahad ang
mga pamantayan sa pagsunod ng panuto.
B. Paglalahad 1. Bakit kaya kailangan sundin nang wasto ang mga panutong ibinigay?
2. Ano ang mangyayari kapag hindi ito nasusunod ng maayos?

Sundin ang mga panuto ng guro:


1. Tumayo ng tuwid.
C. Pagsasanay 2. Ilagay ang kanang kamay sa dibdib.
3. Awitin ng sabay-sabay at may damdamin ang “Lupang Hinirang”.
4. Pagkatapos, magsi-upo ng maayos.
D. Paglalapat Gawin ang nasa “Linangin Natin” LM, pahina 119-120.
E. Paglalahat Bakit mahalaga ang pagsunod sa mga panuto?
Pangkatang Gawain ( Paint Me A Picture )
Unang Pangkat - Mga batang naglilinis sa bakuran
IV. Pagtataya
Pangalawang Pangkat – Mga batang kumakain sa canteen
Pangatlong Pangkat - Mga batang naa loob ng simbahan.
V. Takdang-aralin Isulat ang mga panuto sa paghugas ng pinggan.

44
_____________________________________________________________
__________________________________________________________________
Tugon
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

_____________________________________________________________
__________________________________________________________________
Pagninilay-nilay
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

45
Sesyon 10

TUKLASIN
Isang mahalagang kasanayan at katangian na dapat mong matutuhan ay ang pagsunod sa
panuto. Ito ay mahalaga upang maiwasan ang anumang pagkakamali at maging madali ang
paggawa ng mga bagay-bagay.

MOTIBEYSYUNAL NA TANONG

Naranasan mo na bang nautusan ng iyong ina?


Ano-ano ang mga kautusang ibinigay niya?
Nasunod mo ba ang lahat ng mga iyon? Ano ang tawag natin sa mga kautusan na iyong sinunod?

ALAM MO BA NA…

Magbigay ng ibat-ibang panuto:


Talakayin sa mga mag-aaral kung paano ito isasagawa ng maayos. Ilahad ang mga
pamantayan sa pagsunod ng panuto.
1. Gumuhit ng isang malaking araw.
2. Sa bawat dulo ng sinag ng araw, isulat ang pangalan ng inyong Nanay.
3. Ilagay sa loob ng bilog ang malaking araw.

Pagkatapos magawa ng mga bata, ipaskil sa pisara ang kanilang ginawa, at


talakayin ang mga sumusunod na tanong:
Bakit kaya kailangan sundin nang wasto ang mga panutong ibinigay?
a. Ano ang mangyayari kapag hindi ito nasusunod ng maayos?
b. Ano ang kahalagahan ng wastong pagsunod ng panuto?

PAGSASANAY

Gawain 2
Sundin ang mga panuto ng guro:
1. Tumayo ng tuwid.
2. Ilagay ang kanang kamay sa dibdib.
3. Awitin ng sabay-sabay at may damdamin ang “Lupang Hinirang”.
4. Pagkatapos, magsi-upo ng maayos.

PAGLALAPAT
Sundin ang isinasaad sa panuto.
1. Gumuhit ng isang puno. Isulat sa mga dahon ng puno ang pangalan ng bawat miyembro ng iyong pamilya.
2. Isulat ang buong pangalan sa loob ng kahon. Bilangin ang mga letra at isulat ang bilang sa ibaba ng kahon.
3. Gumuhit ng dalawang bundok. Sa pagitan ng dalawang bundok ay gumuhit ng araw.

46
TANDAAN

Ang wastong pagsunod ng mga panuto ay isang palatandaan ng isang mabuting mag-aaral.

PAGTATAYA
Pagsubok ng Kaalaman

Pangkatin ang mga bata at ipagawa ang sumusunod na Pangkatang Gawain


(Paint Me A Picture)

• Unang Pangkat - Mga batang naglilinis sa bakuran


• Pangalawang Pangkat - Mga batang kumakain sa canteen
• Pangatlong Pangkat - Mga batang naa loob ng simbahan.

TAKDANG ARALIN
Gawain 3

Isulat ang mga panuto sa paghugas ng pinggan.

47
Sesyon 11

Sabjek: Filipino 2 Baitang: II


Petsa: Seksyon:

Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng


Pamantayang Pangnilalaman:
sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin.
Nagagamit nang wasto ang pangalan sa pagbibigay ng pangalan ng tao,
Kompetensi:
lugar, hayop, at mga bagay. F2WG-Ic-e-2
I. Layunin
➢ Kaalaman: Nakakikilala ng pagkakaiba sa uri ng pangalan at klasipikasyon nito.
➢ Saykomotor: Nakasisipi ng wasto sa pangalan ng tao, hayop, pook o lugar at bagay.
➢ Apektiv: Nakalalahok ng masigla sa paggamit ng ibat-ibang uri ng pangalan.
II. Paksang Aralin

Paksa Ngalan ng Tao, Bagay, Hayop, at Lugar “ Nasaan Ka Inay”

Sanggunian Bagong Batang Pinoy 2, TG pahina 12-14, LM pahina 27-32, 45


Kagamitan Mga larawan, plaskard, tsart, powerpoint presentation
III. Pamamaraan:
A. Paghahanda
Magpakita ng powerpoint presentation. Basahin ng guro mga pangungusap
Pangmotibeysyunal
sa larawan.
na Tanong:
Ano-ano ang mga salitang may salugguhit sa pangungusap na inyong
nakita?
Aktiviti/ Gawain
Ano ang tawag sa mga salitang ito?
Basahin ng guro ang kwento.Ibigay ng pamantayan sa wastong pakikinig
sa mga mag-aaral.
Basahin ng guro ang kuwentong “ Nasaan ka Inay”
Talakayin ang katanungan sa “ Sagutin Natin” LM pahina 28.
Tutukuyin ang mga pangalang nabanggit sa kwento.
Idikit ang sagot sa tsart.
Tao Bagay Hayop Pook

1. Ano-ano ang mga pangalang tumutukoy sa tao? Bagay? Hayop?


Lugar?
2. Paano isinulat ang bawat pangngalan?
B. Paglalahad Bigyan ng mga halimbawa gamit ang mga larawan na ipapalita ng
guro.
Ibigay ang kategorya ng bawat isa.

Pangkatin ang mga bata. Magbigay pa ng maraming halimbawa ng


pangngalan. Isulat ito sa manila paper at iulat sa klase.
Pangkat 1 - Mga pangalan ng tao (5)
Pangkat 2 - Mga bagay sa silid aralan (5)
Pangkat 3 - Mga paboritong hayop (5)
Pangkat 4 - Mga gustong pupuntahang pook (5)
Anong uri ng pangngalan ang isinulat ng Pangkat 1? Pangkat 2? Pangkat 3?
Pangkat 4?

48
Sasagutin ang nasa “Gawin Natin” ng LM, pahina 29.
C. Pagsasanay
Isulat sa kwaderno ang mga kasagutan.
D. Paglalapat Gawin ang nasa “Sanayin Natin” ng LM pahina 29. Isulat ito sa kwaderno.
Ano ang tawag sa mga salitang tumutukoy sa pangalan ng tao, bagay,
E. Paglalahat
hayop, pook o lugar? Paano isulat ang mga ito?
IV. Pagtataya Sagutin ang “Linangin Natin” LM. Pahina 30
Gumupit ng mga larawan ng tao, hayop, bagay, pook o lugar at idikit ito sa
V. Takdang-aralin
bondpaper. Isulat sa ibaba ang pangngalang tumutukoy sa bawat isa.
_____________________________________________________________
__________________________________________________________________
Tugon
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

_____________________________________________________________
__________________________________________________________________
Pagninilay-nilay
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

49
Sesyon 11

TUKLASIN
Ang pangngalan ay mga salitang nagsasaad ng ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar at pangyayari.
Ito ay kadalasang ginagamit sa pangungusap at sa talata.

Ako si Lorena.

Si Bb. Cruz ay guro ng aking kapatid sa Filipino.

Ang kalabaw na ito ay mataba.

Mga larawan hango sa: “Ang Bagong Batang Pinoy 2, p. 27-32, 45.”

MOTIBEYSYUNAL NA TANONG
Gawain 1

Basahin ng guro mga pangungusap sa larawan.


Ano-ano ang mga salitang may salugguhit sa pangungusap na inyong nakita?
Ano ang tawag sa mga salitang ito?

50
ALAM MO BA NA….

Basahin ng guro ang kuwento. Ibigay ang pamantayan sa wastong pakikinig sa mga mag-aaral.
Basahin ng guro ang kuwentong “Nasaan ka Inay”

Hango: Ang Bagong Batang Pinoy 2

Nagising si Nena na wala ang ina sa kaniyang


tabi. Nakadama siya ng takot kaya niyakap niya
ang unan. Narinig niyang tumatahol ang aso.
Bumangon siya para hanapin ang ina. Pumunta siya
sa kusina pero wala ang kaniyang nanay. Biglang
namatay ang ilaw. Kumulog nang malakas. Isang
matalim na kidlat ang kasunod nito. Bumuhos ang
malakas na ulan. May kalakasan din ang hangin. Pilit
nilabanan ni Nena ang takot na nadarama. Pumikit
siya at nagdasal nang taimtim.
Hindi nagtagal, dumating ang kaniyang Ate
Nelia. May dalang nakasinding kandila. Sinabi nitong
pumunta ang ina sa palengke upang bumili ng
bigas.

51
PAGSUSURI

Talakayin ang katanungan pagkatapos basahin.

1. Bakit natakot si Nena?


2. Bakit kaya biglang nagdilim ang paligid?
3. Paano ipinakita ni Nelia ang kaniyang pagmamalasakit sa kapatid?
4. Ano-ano ang ginagawa mo para sa kasapi ng pamilya niyo?
5. Ano-anong pangngalang tumutukoy sa tao, bagay, hayop, at pook/lugar ang iyong napakinggan
sa kuwento?

Tutukuyin ang mga pangalang nabanggit sa kwento.


Idikit ang sagot sa tsart.

Tao Bagay Hayop Pook

1. Ano-ano ang mga pangalang tumutukoy sa tao? Bagay? Hayop? Pook?


2. Paano isinulat ang bawat pangngalan?

Magbigay pa ng maraming halimbawa ng pangngalan. Isulat ito sa manila paper at iulat sa klase.
Pangkat 1 - Mga pangalan ng tao (50
Pangkat 2 - Mga Pangalan ng bagay sa silid aralan (5)
Pangkat 3 - Mga paboritong hayop (5)
Pangkat 4 - Mga gustong pupuntahang pook/lugar (5)
Anong uri ng pangngalan ang isinulat ng Pangkat 1? Pangkat 2? Pangkat 3? Pangkat 4?

PAGSASANAY
Gawain 2

Tukuyin ang kategorya ng pangkat ng mga pangngalan sa bawat bilang. Isulat ang A kung tao, B
kung hayop, C kung bagay, at D kung lugar.
Isulat ang wastong letra sa kwaderno.
___1. opisina, kantina, ospital
___2. baka, tutubi, baboy
___3. bag, pambura, papel
___4. kamera, sombrero, telepono
___5. Ate, guro, lolo

52
PAGLALAPAT

Punan ang tsart sa mga salita sa kahon. Isulat ito sa papel ng maayos.

Tao Bagay Hayop Pook/Lugar

upuan langgam baybayin

tiyuhin pitaka

TANDAAN

Ang pangngalan ay tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, hayop, o lugar.

TAKDANG ARALIN
Gawain 3

Gumupit ng mga larawan ng tao, hayop, bagay, pook o lugar at idikit ito sa bondpaper. Isulat
sa ibaba ang pangngalang tumutukoy sa bawat isa.

53
Sesyon 12

Sabjek: Filipino 2 Baitang:


Petsa: Seksyon:

Naipamamalas ang iba’t-ibang kasanayan upang makilala at mabasa ang


Pamantayang Pangnilalaman:
mga pamilyar at di pamilyar sa salita.
Nasasabi ang mensaheng nais ipabatid ng nabasang patalastas. F2PP-Ia-c-
12
Nagagamit ang personal na karanasan sa paghinuna ng mangyayari sa
Kompetensi:
nabasang teksto. F2PB-Ic-9
Napagyayaman ang talasalitaan sa pamamagitan ng paghanap ng maikling
salitang matatagpuan sa loob ng isang mahabang salita.
I. Layunin
➢ Kaalaman: Natitiyak ang mensaheng nais ipabatid sa nabasang patalastas.
Nagagamit ng personal na karanasan sa paghinuha ng mangyayari sa
➢ Saykomotor:
nabasang teksto.
➢ Apektiv: Nasasagot ang mga tanong ng may respeto sa kapwa.
II. Paksang Aralin

Paksa Patalastas

Sanggunian Ang Bagong Batang Pinoy 2, TG pahina 32-33


Kagamitan Tsart, kwento
III. Pamamaraan:
A. Paghahanda
Pangmotibeysyunal na
Nakabasa na ba kayo ng isang patalastas?
Tanong:
Saan kalimitan makita ang patalastas?
Ano-ano ang mga impormasyong makukuha sa isang patalastas?
Aktiviti/ Gawain

Basahin ng guro ang isang patalastas sa tsart:


Atensyon!
Ano: Pagpupulong
Sino: SPG Officers
Kailan: Oktubre 30, 2016, alas 2 ng hapon.
Saan: Sa SPG Office ng Jantianon Elementary School.

➢ Tungkol saan ang patalastas na ito?


B. Paglalahad ➢ Sino-sino ang magkaroon ng pagpupulong?
➢ Saan gaganapin ang pagpupulong?
➢ Kailan naman ito gaganapin?
➢ Ano ang mga mensaheng makikita sa isang patalastas?
Anong maikling salita ang mabubuo mula sa mahabang salita na
patalastas?
Mga sagot: tala, pata, talas, pala, alat, tasa, lasa, sapa, pasa
Gamitin sa pangungusap ang mga nabubuong maikling salita.
Patnubayan ng guro ang mga bata sa pagbabasa ng mga pangungusap.
C. Pagsasanay Sagutin ang mga tanong batay sa maikling salaysay:

54
Ang mag-anak na Cruz ay pumunta sa Robinson isang Sabado ng umaga.
Marami silang pinamili at napakasaya nilang lahat. Pagkatapos, pumasok
sila sa Jollibee at kumain sila ng spaghetti at chicken joy. “Ang
linamnam!”, sabi ng mga bata.
Magbuo ng limang maikling salita mula sa salitang may salugguhit.
Maggawa ng isang patalastas ayon sa mga sumusunod na datos:
➢ Barangay Hall ng San Isidro
D. Paglalapat ➢ Mga myembro ng dance troupe
➢ Ala una ng hapon sa Nobyembre 5, 2016
➢ Pagpupulong
Ano-ano ang mga impormasyong makukuha sa patalastas?
E. Paglalahat
Paano makabubuo ng maikling salita mula sa mahabang salita?
Sagutin ang mga tanong batay sa maikling salaysay:
Ang mag-anak na Cruz ay pumunta sa Robinson isang Sabado ng umaga.
Marami silang pinamili at napakasaya nilang lahat. Pagkatapos, pumasok
sila sa Jollibee at kumain sila ng spaghetti at chicken joy. “Ang
IV. Pagtataya linamnam!”, sabi ng mga bata.
1. Ano kaya ang susunod na gagawin nila pagkatapos kumain?
2. Ano kaya ang kanilang mararamdaman?
3. Nakaranas na ba kayong kumain sa mga fastfood chains? Ano ano
ang inyong nararanasan?
Mag gupit ng halimbawa ng patalastas sa isang dyaryo at idikit sa isang
V. Takdang-aralin
bondpaper.
_____________________________________________________________
__________________________________________________________________
Tugon
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

_____________________________________________________________
__________________________________________________________________
Pagninilay-nilay
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

55
Sesyon 12

TUKLASIN
Ang patalastas ay isang uri ng komunikasyon. Ang pagpapatalastas o pag-aanunsiyo ay
isang uri o anyo ng komunikasyon o pakikipagtalastasan para sa pagmemerkado o pagmamarket at
ginagamit upang mahikayat o mahimok ang mga madla (mga manonood, mga mambabasa, o mga
tagapakinig; na kung minsan ay isang tiyak na pangkat) na magpatuloy o gumawa ng ilang bagong
kilos.

MOTIBEYSYUNAL NA TANONG
Itanong ang sumusunod:

Nakabasa na ba kayo ng isang patalastas?


Saan kalimitan makita ang patalastas?
Anoano ang mga impormasyong makukuha sa isang patalastas?

ALAM MO BA NA…

Basahin ng guro ang isang patalastas sa tsart:

Atensyon!
Ano: Pagpupulong
Sino: SPG Officers
Kailan: Oktubre 30, 2016, alas 2 ng hapon.
Saan: Sa SPG Office ng Jantianon Elementary School.

Tungkol saan ang patalastas na ito?


Sino-sino ang magkaroon ng pagpupulong?
Saan gaganapin ang pagpupulong?
Kailan naman ito gaganapin?
Ano ang mga mensaheng makikita sa isang patalastas?
Tingnan ang salitang ito:

Patalastas

Anong maikling salita ang mabubuo mula sa mahabang salita na patalastas?


Mga sagot: tala, pata, talas, pala, alat, tasa, lasa, sapa, pasa
Gamitin sa pangungusap ang mga nabubuong maikling salita.
Halimbawa:
1. Ang mga tala ay makikita sa itaas.
2. Ang tasa ay nasa mesa.
3. Naligo kami sa sapa kanina.
4. May pasa si Ana sa mukha.
5. Ang talas ng isipan ay mahalaga.

Patnubayan ng guro ang mga bata sa pagbabasa ng mga pangungusap.

56
PAGSUSURI
Gawain 1

Sagutin ang mga tanong batay sa maikling salaysay:

Ang mag-anak na Cruz ay pumunta sa Robinson isang Sabado ng umaga. Marami silang pinamili
at napakasaya nilang lahat. Pagkatapos, pumasok sila sa Jollibee at kumain sila ng spaghetti at chicken joy.
“Ang linamnam!”, sabi ng mga bata.
1. Sino ang pumunta sa Robinson?
2. Saan pumunta ang mag-anak?
3. Kailan pumunta sa Robinson ang mag-anak?
4. Ano ang ginawa nila sa Robinson?
5. Bakit kaya masaya silang lahat?

Magbuo ng limang maikling salita mula sa salitang may salugguhit at gamitin sa pangungusap.
1. Ang inam ng sorbetes.
2. Si Mama ang bumili ng sorbetes.
3. Ang sagot ko ay mali.
4. May lima akong bagong bola.
5. May mana sina Itay at Inay kay Lolo at Lola.

Patnubayan ang mga mag-aaral sa pagbuo ng mga salita.

PAGLALAPAT
Maggawa ng isang patalastas ayon sa mga sumusunod na datos:
➢ Barangay Hall ng San Isidro
➢ Mga myembro sa dance troop
➢ Ala una ng hapos sa Nobyembre 5, 2016
➢ Pagpupulong

TANDAAN

➢ Maaring makabuo ng mga malilit na salita sa isang mahabang salita. Ito’y


makapagpayaman ng ating talasalitaan.
➢ Ang patalastas ay dapat basahin at intindihin upang ito’y maintindihan ng madla.

PAGTATAYA
Pagsubok ng Nilalaman
Pangkatang Gawain
Sagutin ang mga tanong batay sa maikling salaysay at iulat sa klase.

Ang mag-anak na Cruz ay pumunta sa Robinson isang Sabado ng umaga. Marami silang
pinamili at napakasaya nilang lahat. Pagkatapos, pumasok sila sa Jollibee at kumain sila ng
spaghetti at chicken joy. “ Ang linamnam!”, sabi ng mga bata.
1. Ano kaya ang susunod na gagawin nila pagkatapos kumain?
2. Ano kaya ang kanilang mararamdaman?
3. Nakaranas na ba kayong kumain sa mga fastfood chains? Ano-ano ang inyong
nararanasan?

57
Gawain 2

Ano ang mabubuong salita sa mahabang salita na nasa kahon.

nakikilahok

1. _____
2. _____
3. _____
4. _____
5. _____

TAKDANG ARALIN
Gawain 3

Mag gupit ng halimbawa ng patalastas sa isang dyaryo at idikit sa isang bondpaper.

58
Sesyon 13

Sabjek: Filipino 2 Baitang:


Petsa: Seksyon:

Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-unawa sa


Pamantayang Pangnilalaman:
napakinggan.

Kompetensi: Nasasagot ang mga tanong na sino, ano, saan, at bakit.


I. Layunin
➢ Kaalaman: Nasasagot ang mga tanong na sino, ano, saan, at bakit.
➢ Saykomotor: Naisasakatuparan ang mga panutong ibinigay sa gawain.
➢ Apektiv: Nasasagot ang mga tanong gamit ang mga magagalang na pananalita.
II. Paksang Aralin

Paksa Higanteng Ferris Wheel

Sanggunian Ang Bagong Batang Pinoy 2, LM pahina 83-86


Kagamitan Kwento, tsart, mga larawan
III. Pamamaraan:
A. Paghahanda
Ipakita ang larawan ng ferris wheel o roller coaster.
Pangmotibeysyunal na
Tukuyin kung ano ang nasa larawan.
Tanong:
Nakapunta na ba kayo sa isang parke o pasyalan na may ganitong
sakayan?
Aktiviti/ Gawain
Hayaang magbahagi ang mga bata ng kanilang karanasan.

Basahin ang kuwento “ Higanteng Ferris Wheel”.


Pagkatapos itanong ang sumusunod:
1. Saan pumasyal ang mag-anak?
B. Paglalahad 2. Ano ang gustong-gusto nilang sakyan?
3. Paano nila narrating ang ferris wheel?
4. Kung ikaw ang papasyal sa parke, ano ang sasakyan mo? Bakit?
5. Paano kayo nagsama-sama ng inyong pamilya?

Magbasa ng isang teksto. Itanong sa mga bata ang sumusunod:


1. Ano ang pamagat sa teksto?
2. Sino ang dapat turuan ng mga magulang?
3. Ano ang dapat iturong mga magulang?
C. Pagsasanay 4. Saan nagmula ang pagiging isang mabuting bata?
5. Bakit mahalaga ang paggawa ng mabuti?
6. Saan magsisimula ang magandang gawain ng isang bata?

Gamit ang parehong kuwento “ Kuya Ko Yata Iyan!”, ipasagot sa mga


D. Paglalapat bata ang mga tanong sa isang papel.
1. Sino sino ang mga tauhan sa kuwento?

59
2. Saan naganap ang kuwento?
3. Bakit ipinagmalaki ni Bimbi ang kanyang kuya?

Paano mo makuha ang mga impormasyong sumasagot sa tanong na sino,


E. Paglalahat
ano, saan, at bakit sa isang kwento?
IV. Pagtataya Sagutin ang “ Gawin Natin” sa LM, pahina 86 sa kwaderno.
V. Takdang-aralin Magsulat ng 2-3 direksiyon sa wastong paghugas ng kamay.

_____________________________________________________________
__________________________________________________________________
Tugon
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

_____________________________________________________________
__________________________________________________________________
Pagninilay-nilay
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

60
Sesyon 13

TUKLASIN
Ipakita ang larawan ng ferris wheel o roller coaster.

Hango sa Bagong Batang Pinoy 2

MOTIBEYSYUNAL NA TANONG
Gawain 1

Tukuyin kung ano ang nasa larawan.


Nakapunta na ba kayo sa isang parke o pasyalan na may ganitong sakayan?
Hayaang magbahagi ang mga bata ng kanilang karanasan.

ALAM MO BA NA….

Basahin ang kuwento.

“Higanteng Ferris Wheel”

“Wow!” Ang una kong nasabi nang pumasok kami sa tarangkahan ng parke. Ito ang unang beses na
pumasyal kami rito. Kasama ko sina Nanay, Tatay, at ang bunso kong kapatid na si Lani.
Kaagad kong niyaya si Tatay na sumakay sa higanteng ferris wheel. Gustong-gusto namin ni Lani na
sumakay roon.
Lumapit si Tatay sa tagapagbantay para itanong kung nasaan ang ferris wheel. “Lumakad nang diretso.
Pagdating sa roller coaster, lumiko sa kanan. Lakad uli nang diretso hanggang sa carousel. Lumiko sa kaliwa
at naroon ang higanteng ferris wheel,” sabi ng tagapagbantay.
Nagpasalamat si Tatay. Kapit ang mga kamay namin ni Lani, pinuntahan na namin nina Nanay at Tatay
ang ferris wheel.

61
“Wow! Ang ganda at ang laki ng ferris wheel,”
sabay naming sinabi ni Lani. Bumili si Tatay ng mga tiket para sa aming apat. Nang umikot na ang ferris
wheel, kitang-kita ko ang buong parke mula sa itaas. Mas malakas na
“Wow!” ang aming nasambit.

Pagkatapos itanong ang sumusunod:


1. Saan pumasyal ang mag-anak?
2. Ano ang gustong-gusto nilang sakyan?
3. Paano nila narrating ang ferris wheel?
4. Kung ikaw ang papasyal sa parke, ano ang sasakyan mo? Bakit?
5. Paano kayo nagsama-sama ng inyong pamilya?

Talakayin sa mga mag-aaral paano sagutin ang mga tanong na :


Ano, Sino, Saan at Bakit.

PAGSUSURI
Gawain 2

Ang Paggawa ng Mabuti

Ang mga bata ay dapat tinuturuan ng kanilang mga magulang ng pagawa ng mabuti sa kapwa. May kasabihan
tayo na “kung ano ang puno ay siya ring bunga.” Kaya, kung mabuti ang magulang, dapat mabuti rin ang ginagawa
ng kanilang mga anak. Ang paggging mabuting mga bata ay nagsisimula sa patuturo ng mga magulang sa mga anak
sa bahay.
1. Ano ang pamagat sa teksto?
2. Sino ang dapat turuan ng mga magulang?
3. Ano ang dapat iturong mga magulang?
4. Saan nagmula ang pagiging isang mabuting bata?
5. Bakit mahalaga ang paggawa ng mabuti?
6. Saan magsisimula ang magandang gawain ng isang bata?

PAGLALAPAT
Gamit ang parehong kwento “Kuya Ko Yata Iyan!”, ipasagot sa mga bata ang mga tanong sa isang papel.
1. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?
2. Saan naganap ang kuwento?
3. Bakit ipinagmalaki ni Bimbi ang kanyang kuya?

TANDAAN

Ang mga tanong na sino ay sumasagot sa ngalan ng tao, ang saan sumasagot sa
lugar, ano sumasagot sa bagay at pangyayari, at ang bakit ay sumasagot sa dahilan.

62
PAGTATAYA
Pagsubok ng Kaalaman

Tulungan si Tetet na makarating sa paaralan. Gamitin ang mga salitang kanan, kaliwa, at diretso
base sa larawan. Ibigay sa guro ang panuto.

Hango sa Ang Bagong Batang Pinoy 2

TAKDANG ARALIN
Gawain 3

Magsulat ng 2-3 direksiyon sa wastong paghugas ng kamay.

63
Sesyon 14

Sabjek: Filipino 2 Baitang:


Petsa: Seksyon:

Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng


Pamantayang Pangnilalaman:
sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin.
Nagagamit nang wasto ang pangalan sa pagbibigay ng pangalan ng tao,
Kompetensi:
lugar, at mga bagay, hayop, at pangyayari. F2WG-Ic-e-2.
I. Layunin
➢ Kaalaman: Nakakikilala ng pangngalan sa pagbibigay nito ng mga halimbawa.
Nakabubuo ng angkop na pangngalan sa isang pangungusap.
➢ Saykomotor:
Natutukoy ang pangngalan gamit ang ipinakitang larawan.
Nakapagbibigay ng mga halimbawang pangngalan gamit ang mga
➢ Apektiv:
magagalang na pananalita.
II. Paksang Aralin

Paksa Pangngalan

Sanggunian Ang Bagong Batang Pinoy 2, LM. Pahina 44-46


Kagamitan Mga larawan
III. Pamamaraan:
Mayroon ba kayong matalik na kaibigan? Ano ang pangalan ng inyong
matalik na kaibigan?
Ano naman ang inyong paboritong hayop? Ang inyong paboritong pagkain?
A. Paghahanda Isulat ang mga sagot sa pisara gamit ang tsart sa ibaba.
Pangmotibeysyunal
na Tanong: Tao Hayop Bagay Lugar

Aktiviti/ Gawain
Ano ang tawag sa mga salitang nasa tsart?

B. Paglalahad Magpakita ang guro ng iba’t-ibang larawan.


( Pamamaraan ng Ipabigay sa mga mag-aaral ang pangalan sa bawat isa.
Pagtalakay) Punuin ang tsart mula sa sagot ng mga mag-aaral.
Tao Hayop Bagay Lugar

Ang tawag sa mgasalitang ito ay pangngalan. Ang pangngalan ay mga


salitang tumutukoy sa pangalan ng tao, bagay, hayop, lugar o pangyayari.
Paano ang wastong pagsulat ng pangngalan? Ipakita sa guro ang wastong
pagsulat ng bawat isa.
Pasalitang Gawain (Oral)
Gamit ang mga larawan:
1. Ano ang angkop na pangngalan sa larawang ito?
C. Pagsasanay 2. Gamitin sa pangungusap ang pangngalang nabuo.
Magbigay ng maraming halimbawa at isulat kung saan napapangkat ang
bawat isa.
Tao Hayop Bagay Lugar

64
Pangkatang Gawain ( 4 na Pangkat)
Gamit ang activity cards, idikit sa manila paper ang mga pangngalan ayon
sa pangkat:
Pangkat 1 – Tao Pangkat 3 - Hayop
D. Paglalapat
Pangkat 2 – Bagay Pangkat 4 – Lugar
( Sa bawat activity envelop mayroong 20 strips na may ibat-ibang uri ng
pangngalan. Piliin ang angkop na salita sa kanilang pangkat. Pagkatapos iulat
sa klase.
Ano ang pangngalan?
E. Paglalahat
Paano isulat ang pangngalan ng tao,bagay, hayop, o lugar?
Isulat ang pangngalan sa bawat aytem. Basahin ng guro ang pangungusap.
1. Ang lapis ko ay bago.
2. Mahilig maglaro si Beboy.
IV. Pagtataya 3. Pumunta kami sa parke.
4. Sumakay sila ng bus.
5. Malinis ang paaralan naming.

Magsulat ng tig-dalawang pangngalan sa bawat pangkat ( tao, hayop, bagay,


V. Takdang-aralin
pook o lugar). Gawin sa kwaderno.
_____________________________________________________________
__________________________________________________________________
Tugon
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

_____________________________________________________________
__________________________________________________________________
Pagninilay-nilay
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

65
Sesyon 14

TUKLASIN

Ang ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar at pangyayari ay kadalasan nating makikita sa parirala,
pangungusap, at maging sa talata. Ito ay mga bahagi ng pananalita na tumutukoy sa pangngalan.

MOTIBEYSYUNAL NA TANONG

Mayroon ba kayong matalik na kaibigan? Ano ang pangalan ng inyong matalik na kaibigan?
Ano naman ang inyong paboritong hayop? Ang inyong paboritong pagkain? Saan kayo nakatira?

Gawain 1
Isulat ang mga sagot sa pisara gamit ang tsart sa ibaba.
Tao Hayop Bagay Lugar

Ano ang tawag sa mga salitang nasa tsart?

ALAM MO BA NA…

Magpakita ang guro ng iba’t-ibang larawan.

(Mga larawan hango sa Ang Bagong Batang Pinoy 2)

Ipabigay sa mga mag-aaral ang pangalan sa bawat isa.


Punuin ang tsart mula sa sagot ng mga mag-aaral.
Tao Hayop Bagay Lugar

Ang tawag sa mga salitang ito ay pangngalan. Ang pangngalan ay mga salitang
tumutukoy sa pangalan ng tao, bagay, hayop, lugar o pangyayari.
Paano ang wastong pagsulat ng pangngalan? Ipakita sa guro ng wastong pagsulat ng
bawat isa.

66
PAGSASANAY
Pasalitang Gawain (Oral)

Gamit ang mga larawan:


1. Ano ang angkop na pangngalan sa larawang ito?

(Lahat ng larawan kuha sa Google. Images)

2. Gamitin sa pangungusap ang pangngalang nabuo.


Magbigay ng maraming halimbawa at isulat kung saan napapangkat ang bawat isa.
Tao Hayop Bagay Lugar

PAGLALAPAT
Pangkatang Gawain (4 na Pangkat)

Gamit ang activity cards, idikit sa manila paper ang mga pangngalan ayon sa pangkat:
(Mga salitang nasa activity cards: G. Reyes, bulaklak, St. Agustin Academy, ahas, baso, Mila, bahay, Sampalok
Avenue, tuta, lapis, lamok, San Carlos City, Cebu, kahoy, kabayo, Bb. Paula, Mababang Paaralan ng Matinag, guro,
sombrero)

Pangkat 1 – Tao Pangkat 3 - Hayop


Pangkat 2 – Bagay Pangkat 4 – Lugar
(Sa bawat activity envelop mayroong 20 strips na may ibat-ibang uri ng pangngalan. Piliin ang angkop na salita sa
kanilang pangkat. Pagkatapos iulat sa klase.)

67
TANDAAN

Ang pangngalan ay mga salitang nagsasaad ng ngalan ng tao, hayop, lugar, o


pangyayari.

PAGTATAYA
Pagsubok ng Kaalaman

Isulat ang pangngalan sa bawat aytem. Basahin ng guro ang pangungusap.


1. Ang lapis ko ay bago.
2. Mahilig maglaro si Beboy.
3. Pumunta kami sa parke.
4. Sumakay sila ng bus.
5. Malinis ang paaralan naming.

TAKDANG ARALIN
Gawain 3

Magsulat ng tig-dalawang pangngalan sa bawat pangkat (tao, hayop, bagay, pook o


lugar). Gawin sa kwaderno.

68
Sesyon 15

Sabjek: Filipino 2 Baitang:


Petsa: Seksyon:

Nauunawaan ang ugnayan ng simbolo at tunog.


Pamantayang Pangnilalaman:
Naisasagawa ang mapanuring pagbasa upang mapalawak ang talasalitaan.
Nakikilala ang mga tunog na bumubuo sa pantig ng mga salita. F2KP-Id-5
Kompetensi: Nakasasagot sa mga tanong tungkol sa nabasang kuwento sa tunay na
pangyayari/ pabula. F2PB-Id-3.1.1
I. Layunin
Nasasagot ang mga tanong tungkol sa nabasang pabula.
➢ Kaalaman:
Nakikilala ang mga tunog na bumubuo sa pantig ng mga salita.
Nasusulat ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga tauhan sa pabulang
➢ Saykomotor:
binasa.
➢ Apektiv: Nakapagbibigay ng magandang aral na natutuhan sa pabula.
II. Paksang Aralin

Paksa “ Ang Palalong Loro at si Askal”

Sanggunian Ang Bagong Batang Pinoy 2, LM. Pahina 395-396


Kagamitan Larawan ng Loro at Aso, kwento
III. Pamamaraan:
A. Paghahanda Magpakita ng larawan ng loro at aso.
Pangmotibeysyunal Ano ang nakita ninyo sa larawan? Sino ang may alaga nito sa baghay?
na Tanong: Magkaroon ng laro: Hatiin ang mga mag-aaral sa dalawang pangkat.
Pangkat 1 – Loro Pangkat 2 – Aso
Aktiviti/ Gawain Bawat pangkat ay magbibigay tunog na ayon sa kanilang pangkat (tunog ng
aso/tunog ng loro).
B. Paglalahad Basahin ng guro ang kuwento “ Ang Palalong Loro at si Askal”
( Pamamaraan sa Gamitin ang DRTA na pamamaraan. Pagkatapos magtanong:
Pagtatalakay) 1. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?
2. Ano-ano ang pagkakaiba ng karanasan nina Loro at Askal?
3. Ano naman ang nararamdaman mo sa katangian ng bawat isa?
Pagkatapos, ipakikilala ang mga tunog na bumubuo sa pantig ng mga salita/
tauhan sa kwento:
Pusa- p/ u/ s/ a loro- l/o/r/o
Askal- a/s/k/a/l dumi- d/u/m/i
Magbigay ng maraming halimbawa. Gawin ito sa pamamaraang pasasalita
(oral).
Kilalanin ang mga tunog na bumubuo sa bawat pantig ng mga salita.
1. Kadiri
C. Pagsasanay 2. Galisin
Mga Paglilinang na 3. Palalo
Gawain 4. Malay
5. Buntot

Gawin ang Venn Diagram. Isulat ang pagkakaiba at pagkakatulad ng Loro at


D. Paglalapat
Askal sa pabula.
Aplikasyon

69
LORO ASKAL

E. Paglalahat Paano mo pahahalagahan ang iba pang nilikha ng Diyos?


Sino ang gusto mong tularan si Loro o si Askal? Bakit?
IV. Pagtataya
Isulat sa papel at pagkatapos iulat sa klase ang sagot.
Ano-ano ang mga natutuhan mo sa nabasang pabula? Isulat ang sagot sa
V. Takdang-aralin
kwaderno.
_____________________________________________________________
__________________________________________________________________
Tugon
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

_____________________________________________________________
__________________________________________________________________
Pagninilay-nilay
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

70
Sesyon 15

TUKLASIN
Magpakita ng larawan ng loro at aso.

Hango sa Ang Bagong Batang Pinoy 2

MOTIBEYSYUNAL NA TANONG
Gawain 1

Ano ang nakita ninyo sa larawan? Sino ang may alaga nito sa baghay?
Magkaroon ng laro: Hatiin ang mga mag-aaral sa dalawang pangkat.
Pangkat 1 – Loro Pangkat 2 – Aso

Bawat pangkat ay magbibigay tunog na ayon sa kanilang pangkat (tunog ng aso/tunog ng loro).

ALAM MO BA NA….

Basahin ng guro ang kuwento “Ang Palalong Loro at si Askal”


Gamitin ang DRTA na pamamaraan.
(Sulat para sa mga guro: Itanong ag mga sumusunod habang binasa ang kuwento:)
1. Ano ang pamagat sa kuwento?
2. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?
3. Sino ang galisin at walang paligo?
4. Sino ang mataray sa kuwento?
5. Bakit nagpasalamat si Loro kay Askal?
6. Nagustuhan mo ba ang kuwento? Bakit oo? Bakit hindi?
Ang Palalong Loro at si Askal
Magkaiba ang karanasan nina Loro at Askal. Si Loro ay alagang-alaga ng kaniyang amo. Inaayusan at
pinakakain siya ng amo. Maraming natutuwa sa kaniya at ibig humawak sa kabila ng palalo niyang bibig.

Si Askal ay walang nagpapaligo kaya galisin. Wala siyang amo kaya siya ay palaboy sa lansangan. Siya
ay madalas sinisipa at pinandidirihan ng mga tao kaya lalong naging kawawa.

Minsan, namasyal ang mag-amo. Nakita niya si Askal.


“Ew! Kadiri! Maligo ka nga! Ang baho mo!” sigaw ni Loro kay Askal. Siniraan pa niya si Askal sa
ibang mga hayop na nagdaraan.

Hindi siya pinansin ni Askal. Bagkus, tuloy lamang ito sa pagkakalkal ng basura dahil sa gutom.

71
Isang araw, nakita ng pusa si Loro at gustong kagatin. Tinangkang lumaban ni Loro sa pusa ngunit mas
malaki ito sa kaniya. Sinakmal siya ng pusa at iwinasiwas sa kalye.
“Aray ko! Masisira ang maganda kong balahibo!” sigaw ni Loro. Mula sa isang dako ay biglang
sumaklolo si Askal kay Loro. “Aray ko! Kawawa naman ang balahibo ko. Salamat sa’yo, mabantot at galising
aso,” wika ni Loro. “Nagpasalamat nga, nanlait naman!” naiinis na wika ni Askal sabay alis.
Bumalik ang galit na galit na pusa. Kinagat niya muli si Loro sa leeg, katawan, at sa buntot. Wala siyang
nagawa kundi ang sumigaw hanggang sa mawalan ng malay.
Hindi matiis ni Askal si Loro kaya iniligtas niya ito sa kamay ng kamatayan.
Binantayan ni Askal si Loro hanggang magkamalay. Dinala niya ito sa tapat ng bahay ng kaniyang amo.
Pinagsisihan ni Loro ang mga nagawa niya kay Askal at labis-labis ang pasasalamat niya kay Askal.

Pagkatapos basahin itanong ang sumusunod:


• Ano-ano ang pagkakaiba ng karanasan nina Loro at Askal?
• Ano ang katangian ni Loro? Ni Askal? Ng pusa?
• Ano naman ang naramdaman mo sa inasal ng bawat isa sa kuwento?
• Ano ang natutuhan mo sa binasa?
• Paano mo ipakikita ang paggalang?
• Sino-sino ang dapat nating igalang?
• Makatotohanan ba ang binasa mo?

Pagkatapos, ipakikilala ang mga tunog na bumubuo sa pantig ng mga salita/ tauhan sa kuwento:
Pusa- p/ u/ s/ a Loro- l/o/r/o
Askal- a/s/k/a/l dumi- d/u/m/i
Magbigay ng maraming halimbawa. Gawin ito sa pamamaraang pasasalita (oral).

PAGSASANAY
Gawain 2

Kilalanin ang mga tunog na bumubuo sa bawat pantig ng mga salita.


1. Kadiri
2. Galisin
3. Palalo
4. Malay
5. Buntot

PAGLALAPAT
Gawin ang Venn Diagram. Isulat ang pagkakaiba at pagkakatulad ng Loro
at Askal sa pabula.

LORO ASKAL

TANDAAN

Igalang ang kapwa at pahalagahan ang iba pang nilikha ng Diyos. Matutong pagsisihan ang
pagkakamaling nagawa sa kanila.

72
PAGTATAYA
Pagsubok ng Kaalaman

Magpakita ng larawan

Hango sa Ang Bagong Batang Pinoy 2

Sino ang gusto mong tularan si Loro o si Askal? Bakit?


Isulat sa papel at pagkatapos iulat sa klase ang sagot.

TAKDANG ARALIN
Gawain 3

Ano ano ang mga natutuhan mo sa nabasang pabula? Isulat ang sagot sa kwaderno.

73
Sesyon 16

Sabjek: Filipino 2 Baitang:


Petsa: Seksyon:

Pamantayang Pangnilalaman: Nagkakaroon ng papaunlad na kasanayan sa wasto at maayos na pagsulat.

Nakasusulat sa kabit-kabit na paraan na may tamang laki at layo sa isa’t-isa


ang mga salita. F2PU-Id-f-3.1
Kompetensi:
Napagsusunod-sunod ang mga salita batay sa alpabeto (unang dalawang
letra). F2PE-Id-f-3.2
I. Layunin
Nabibigyang pansin ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga salita batay
➢ Kaalaman:
sa alpabeto.
Nakasusulat ng kabit-kabit na paraan na may tamang laki at layo sa isa’t-isa
➢ Saykomotor:
ang mga salita.
➢ Apektiv: Natatamo ang mga gawain ng buong husay at may kalinisan.
II. Paksang Aralin

A. Paksa Pagsulat ng Kabit-kabit

B. Sanggunian Ang Bagong Batang Pilipino 2, LM. Pahina 319, 55


C. Kagamitan Tsart, mga larawan
III. Pamamaraan:
Ipaawit ang alpabeto.
A. Paghahanda Ano ang unang letra sa alpabeto? Pangalawa? Pinakahuli?
Pangmotibeysyunal Ilang letra mayroon ang ating alpabeto?
na Tanong: Gawain:
Bigyan ng mga titik ang bawat bata at ipadikit sa pisara ayon sa wastong
Aktiviti/ Gawain pagkasunod-sunod.
Sino ang may hawak sa letrang A?.... hanggang sa letrang Z.

B. Paglalahad ( Magpakita ng larawan at itanong kung ano ang nasa larawan.


Pamamaraan ng Halimbawa:
Pagtalakay) 1. Bata
2. Aso
3. Daga
Sa mga salitang ito, alin ang dapat unang isulat ayon sa unang titik sa
pagkakasunod-sunod sa alpabeto?
Sagot: aso, bata, daga
Magpakita nang iba pang larawan at hayaan ang mga mag-aaral na
pagsunod-sunurin ang mga salita ayon sa pagkakasunod-sunod sa alpabeto.

Magpakita naman ng ibang larawan at magtanong: Ano ang mabuo ninyong


pangungusap sa larawang ito?
Halimbawa:
Ang mga bata ay masaya.
Isulat sa pisara ang nabuong pangungusap. Talakayin ang wastong pagsulat
ng paraang kabit-kabit. Ipakita sa mga bata kung paano isulat ang
sumusunod:

74
bata masaya ang mga
Bigyan ng pagkakataon na maiunlad ang ginawa. Magbigay ng halimbawa
at ipasulat ng kabit-kabit sa pisara
C. Pagsasanay Magsanay isulat sa pamamaraang kabit-kabit ang sumusunod:
Mga Palilinang na guro lapis baon papel
Gawain
Pangkatang Gawain:
D. Paglalapat
Magbigay ng salita bawat grupo at pagsunod-sunurin ang mga ito ayon sa
Aplikasyon
wastong pagkakasunod-sunod sa alpabeto. Idikit sa pisara ang mga sagot.
E. Paglalahat Paano pagsunod-sunurin ang mga salita ayon sa alpabeto?
Tukuyin ang ngalan ng nasa larawan at isulat ng paraang kabi-kabit:
1. Tasa
IV. Pagtataya
2. Lapis
3. Lata
Isulat ang mga salita sa paraang kabit-kabit.
1. Pusa
2. Aklat
V. Takdang-aralin
3. Kalabaw
4. Magulang
5. Klase
_____________________________________________________________
__________________________________________________________________
Tugon
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

_____________________________________________________________
__________________________________________________________________
Pagninilay-nilay
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

75
Sesyon 16

TUKLASIN
An gating alpabeto ay salik tungo sa wastong pagbasa at pag-unawa. Dito natin natutuhan ang
kahalagahan ng wika, kaya ito’y ating isapuso.

Ipaawit ang alpabeto.


Aa Bb Cc Dd Ee Ff
/ey/ /bi/ /si/ /di/ /e/ /ef/

Gg Hh Ii Jj Kk Ll
/ji/ /eych/ /ay/ /jey/ /key/ /el/

Mm Nn Ññ NGng Oo Pp
/em/ /en/ /enye/ /enji/ /o/ /pi/

Qq Rr Ss Tt Uu Vv
/kyu/ /ar/ /es/ /ti/ /yu/ /vi/

Ww Xx Yy Zz
/dobolyu/ /eks/ /way/ /zi/

MOTIBEYSYUNAL NA TANONG

Ano ang unang letra sa alpabeto? Pangalawa? Pinakahuli?


Ilang letra mayroon ang ating alpabeto?

Gawain 1
Bigyan ng mga titik ang bawat bata at ipadikit sa pisara ayon sa wastong pagkasunod-sunod.
Sino ang may hawak sa letrang A? hanggang sa letrang Z.

ALAM MO BA NA….

Magpakita ng larawan at itanong kung ano ang nasa larawan.


Halimbawa:
1. Bata
2. Aso
3. Daga

Sa mga salitang ito, alin ang dapat unang isulat ayon sa unang titik sa pagkakasunod-sunod sa alpabeto?
Sagot: aso, bata, daga

Magpakita nang iba pang larawan at hayaan ang mga mag-aaral na pagsunod-sunurin ang mga salita ayon
sa pagkakasunod-sunod sa alpabeto.

76
Bisekleta Bulkan Prutas

Magpakita naman ng ibang larawan at magtanong:

Google Image

Ano ang mabuo ninyong pangungusap sa larawang ito?


Halimbawa:
Ang mga bata ay masaya.

Isulat sa pisara ang nabuong pangungusap. Talakayin ang wastong pagsulat ng paraang kabit-kabit. Ipakita
sa mga bata kung paano isulat ang sumusunod:
bata masaya ang mga

Bigyan ng pagkakataon na maiunlad ang ginawa. Magbigay ng halimbawa at ipasulat ng kabit-kabit sa


pisara.

PAGSASANAY
Gawain 2

Magsanay isulat sa pamamaraang kabit-kabit ang sumusunod:


guro lapis baon papel

PAGLALAPAT
Pangkatang Gawain:

Magbigay ng salita bawat grupo at pagsunod-sunurin ang mga ito ayon sa wastong pagkakasunod-
sunod sa alpabeto. Idikit sa pisara ang mga sagot.
Pangkat 1 - (daga, gabi, bahay, usa)
Pangkat 2 - (lapis, bote, mani, pusa)
Pangkat 3 - (papel, kahon, mesa, damit)
Pangkat 4 - (walis, pito, aklat, sabon)

77
TANDAAN

Pagsunod-sunurin ang mga salita ayon sa pagkakasunod-sunod sa alpabeto ng unang titik ng


bawat salita.

PAGTATAYA
Pagsubok ng kaalaman

Tukuyin ang ngalan ng nasa larawan at isulat ng paraang kabi-kabit:

1.

Google image

2. 3.
Google image Google image

TAKDANG ARALIN
Gawain 3
Isulat ang mga salita sa paraang kabit-kabit.
1. Pusa
2. Aklat
3. Kalabaw
4. Magulang
5. Klase

78
Sesyon 17

Sabjek: Filipino 2 Baitang:


Petsa: Seksyon:

Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-unawa sa


Pamantayang Pangnilalaman:
napakinggan.
Nahuhulaan ang susunod na mangyayari sa kuwento batay sa tunay na
Kompetensi:
pangyayari/pabula. F2PN-Ie-9
I. Layunin
➢ Kaalaman: Nabibigyang wakas ang isang kuwento batay sa tunay na pangyayari.
Nailalahad ang sunod na nangyayari sa kuwento sa pamamagitan ng isang
➢ Saykomotor:
dula-dulaan.
Nailalarawanang ang mga tauhan sa kuwento ng maayos at may
➢ Apektiv:
kasiglahan.
II. Paksang Aralin

Paksa Ang Dakilang Tagapag-ingat

Sanggunian Ang Bagong Batang Pinoy 2, LM. Pahina 451-453


Kagamitan Sipi ng kwento, larawan
III. Pamamaraan:
Naranasan mo na bang maghintay sa iyong mga magulang na galing sa
A. Paghahanda
palengke?
Pangmotibeysyunal na
Ano ang inyong naramdaman habang naghihintay sa kanila? Bakit?
Tanong:
Mag-alis nang mga sagabal. Gamitin sa pangungusap ang mga mahihirap
na mga salita.
Aktiviti/ Gawain

B. Paglalahad Basahin ang kwento “ Ang Dakilang Tagapag-ingat”. Gawin ito sa


( Pamamaraan ng pamamaraang DRTA. Talakayin ang kwento sa mga tanong na ito:
Pagtalakay) 1. Bakit masaya si Sophie habang hinintay ang kanyang mga
magulang?
2. Bakit bigla siyang nalungkot?
3. Ano kaya ang mangyayari pagdating nina Itay at Inay sa bahay?
4. Ano ang gusto mong maging wakas sa kuwento?
Hayaan ang mga bata na makapagbigay ng kanilang mga opinion.

Ipakita ang mga larawan sa LM. pahina 453. Hayaan ang mga mag-aaral
C. Pagsasanay
na pagsunod-sunurin ang mga ito ayon sa pagkakasunod-sunod sa
Mga Palilinang na Gawain
pangyayari sa kuwento.
Pangkatin ang mga mag-aaral sa apat na pangkat. Ilarawan ang
D. Paglalapat
pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento. Gawin ito sa
Aplikasyon
pamamagitan ng isang dula-dulaan. Ilahad ang rubric na gagamitin.
Paano mo mabigay ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
E. Paglalahat
sa kuwento?
Ipagawa sa mga mag-aaral ang “Linangin Natin” LM. pahina 455. Gawin
IV. Pagtataya
ito sa papel.
Ano ang mga aral na makukuha mo sa kuwentong “ Ang Dakilang
V. Takdang-aralin
Tagapag-ingat”? Isulat sa buong papel.

79
_____________________________________________________________
__________________________________________________________________
Tugon
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

_____________________________________________________________
__________________________________________________________________
Pagninilay-nilay
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

80
Sesyon 17

TUKLASIN
Ang pagtitiwala sa Maykapal sa oras ng kalungkutan ay isa sa mga dapat gawin para
mahumpay ang ating nararamdaman.

MOTIBEYSYUNAL NA TANONG

Naranasan mo na bang maghintay sa iyong mga magulang na galing sa palengke?


Ano ang inyong naramdaman habang naghihintay sa kanila? Bakit?

Gawain 1
Mag-alis nang mga sagabal. Gamitin sa pangungusap ang mga mahihirap na mga salita.
1. Jologs
2. Epal
3. Buraot

ALAM MO BA NA…

Basahin ang kuwento “Ang Dakilang Tagapag-ingat”. Gawin ito sa pamamaraang DRTA.
(Sulat para sa mga guro: Itanong ang mga sumusunod habang binasa ang kuwento.)

1. Ano ang pamagat sa kuwento?


2. Sino ang dalawang bata sa kuwento?
3. Sino ang kanilang hinihintay?
4. Bakit biglang nalungkot habang hinihintay ang mga magulang?
5. Ano ang kanilang ginawa para mawala ang lungkot habang naghihintay sa mga magulang?

Dakilang Tagapag-ingat

Nakaupo si Sophie sa balkonahe ng kanilang bahay at napapangiti siya na parang nag-iisip. Napansin siya ng
nakatatandang kapatid na si Kule.

“Sophie, ang ganda naman ng ngiti mo! Bakit ka masaya?” tanong ni Kule.

“Kuya Kule, naaalala ko lang sina Inay at Itay. Pauwi na sila ngayon. Pagkagaling sa palengke, susunduin ni
Itay si Inay sa opisina...at magkahawak kamay silang maglalakad,” paliwanag ni Sophie sa kapatid.

“O, e, ano naman? Bakit ka nangingiti riyan?” tanong ni Kule.

“Nakatutuwa kasi sila. Tapos, titingnan ni Inay ang mga pinamili ni Itay– ang malalaking hipon,
mabeberdeng gulay, mapupulang mansanas, manggang hilaw– hay!!! Kaya lang––,” biglang nalungkot na wika ni
Sophie.

“Bakit bigla kang nalungkot? Hindi ba dapat matuwa ka kasi matitikman mo na naman ang paborito mong
manggang hilaw?” wika ni Kule.
“Kasi naman kuya, sabi ni Tatay maraming masasamang tao ngayon sa lansangan at sa palengke. May mga
jologs na magnanakaw, taong epal, at mga buraot. Nalulungkot ako, ayokong mapahamak sina Inay at Itay sa kanilang
pag-uwi,” matamlay na sabi ni Sophie.

81
“Sophie, nakalimutan mo ba ang sabi ni Itay at ni Inay? Magtiwala tayo palagi kay Apo. Si Apo ang mag-
iingat sa kanila,” paalala ni Kule.

“Salamat Kuya, at ipinaalala mo sa akin. Halika humiling tayo kay Apo na ingatan sina Inay at Itay,”
masayang wika ni Sophie.

Umusal ng dasal ang magkapatid kay Apo na dakilang tagapagligtas. Pagkatapos nito ay masayang
naghintay ang magkapatid sa kanilang mga magulang. Pagkalipas ng ilang sandali lamang ay paparating na ang mag-
asawang Ruben at Milay, dala-dala ang mga pinamalengke at iba pang pasalubong sa magkapatid.

Mula sa bintana ng bahay ay natanaw ng magkapatid ang paparating na mga magulang. Dahil ligtas na
nakauwi ang mga ito, nagpasalamat muna ang magkapatid kay Apo bago tuluyang bumaba ng bahay para salubungin
ang ama’t ina.

PAGSUSURI

Talakayin ang kuwento sa mga tanong na ito:

1. Ano-ano ang laging dalang pasalubong nina Itay at Inay? Sino si Apo?
2. Tama ba ang ginawa ng kaniyang kuya na ipaalala ang pagtitiwala sa Apo?
3. Ano ang mga damdamin na nasa kuwento?
4. Paano ipinakita ang mga damdamin na ito?

PAGSASANAY

Ano ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento? Ilahad gamit ang mga
larawan sa ibaba.
Hayaan ang mga bata na makapagbigay ng kanilang mga opinion.

A B C D E

Hango sa : Ang Bagong Batang Pinoy 2


PAGLALAPAT
Pangkatin ang mga mag-aaral sa apat na pangkat. Ilarawan ang pagkasunod-sunod ng mga
pangyayari sa kuwento. Gawin ito sa pamamagitan ng isang dula-dulaan.
Ito ang rubric na pagbabasihan:
5 – napagsunod-sunod ang mga pangyayari
4 – may nakaligtaang isang pangyayari
3 – may dalawa o tatlong pangyayaring nakaligtaan
2 – kalahati ng kuwento ang nasabi
1 – halos walang nasabi

TANDAAN

➢ Laging magtiwala at magpasalamat sa Apo na Dakilang Tagapagligtas.


➢ Ang wastong pagsunod-sunod sa kwento ay ayon sa mga pangyayari nito : Una, gitna
at wakas.

82
PAGTATAYA
Pagsubok ng Nilalaman

Lagyan ang bawat pangungusap ng kung simula, kung gitna, at kung


wakas ng kuwentong binasa.

1. Sinalubong ng magkapatid ang mga magulang.


2. Nagdasal sina Sophie at Kule.
3. Biglang nalungkot si Sophie.
4. Natutuwa si Sophie habang nakadungaw sa bintana.
5. Pinaalalahanan ni Kule ang kapatid.

TAKDANG ARALIN
Gawain 3
Ano ang mga aral na makukuha mo sa kuwentong “Ang Dakilang Tagapag-
ingat”? Isulat sa buong papel.

83
Sesyon 18

Sabjek: Filipino 2 Baitang:


Petsa: Seksyon:

Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng


Pamantayang Pangnilalaman:
sariling ideya, kaisipan, karanasan, at damdamin.
Nagagamit nang wasto ang pangngalan sa pagbibigay ng pangalan ng tao,
Kompetensi:
lugar, at mga bagay kasarian. F2WG-Ic-e-2.
I. Layunin
➢ Kaalaman: Natutukoy ang tanging ngalan ng tao, bagay, hayop, o lugar.
Nagagamit nang wasto ang pangngalan sa pagbibigay ng pangalan ng tao,
➢ Saykomotor:
bagay, hayop, at lugar.
➢ Apektiv: Nakalalahok nang masigla sa mga gawain.
II. Paksang Aralin

Paksa “ Ang Halamanan ni Helen”

Sanggunian Ang Bagong Batang Pinoy 2, Lm. pahina 58-61.


Kagamitan Larawan ng halamanan
III. Pamamaraan:
A. Paghahanda Magpakita ng larawan ng halamanan: Ano ang nakikita ninyo sa larawan?
Pangmotibeysyunal Linangin ang salitang halamanan. Ano ano ang makikita dito?
na Tanong: Mayroon ba kayong halamanan sa inyong pamamahay?

Aktiviti/ Gawain

B. Paglalahad Mag-alis ng sagabal.


( Pamamaraan ng Basahin ang “ Halamanan ni Helen”. Gamitin ang DRTA na pamamaraan.
Pagtalakay) Talakayin ang kuwento sa pamamagitan ng mga tanong.
Isulat ng guro ang mga salitang may salungguhit sa kuwento. Hayaan ang
mga mag-aaral na ilarawan ang mga salitang nasusulat sa pisara. Ipapangkat
ang mga ngalan ayon sa uri nito.
Tao Hayop Bagay Lugar

Paano isusulat ang salitang Kalye Maharlika? Bulaklak? Mang Rodel?


Bakit isusulat ang unang titik sa malaking letra ang ngalan ng tao at lugar?
Bakit may maliit na letra tayong ginamit sa pagsulat?
Magbigay pa nang maraming halimbawa sa mga mag-aaral at ipakita kung
paano isulat ang unang titik nito.
Piliin ang mga tanging ngalan ng tao, bagay, hayop o lugar. Isulat ito nang
wasto. Gawin sa sagutang papel.

C. Pagsasanay ate g. cruz ibon


Mga Palilinang na bata parke robinson place
Gawain samsung sapatos bag
doctor mongol nars
pilipinas malita coco martin

84
Punan ang tsart nang angkop na tanging ngalan. Isulat nang wasto.
Magbigay ng dalawang salita bawat isa:
D. Paglalapat
Aplikasyon Tao Hayop Bagay Lugar
1.
2.
E. Paglalahat Paano isulat ang tanging ngalan ng tao, hayop, bagay, o lugar?
Salungguhitan ang tanging ngalan ng tao, hayop, bagay, at lugar.
1. Ang magpinsan ay nagbabakasyon sa Tagaytay.
2. Madaldal ang aking kapatid na si Luisa.
IV. Pagtataya 3. Tahimik ang Barangay San Isidro.
4. Si Doktor Cruz ay doctor ng mga hayop.
5. Nike ang tatak ng bago kong sapatos.

Ano ang pangngalang pantangi?


V. Takdang-aralin Magbigay ng limang halimbawa at isulat sa kwaderno

_____________________________________________________________
__________________________________________________________________
Tugon
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

_____________________________________________________________
__________________________________________________________________
Pagninilay-nilay
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

85
Sesyon 18

TUKLASIN

Ang mga pangngalan ay ginagamit sa parirala, pangungusap, at talata. Ito’y mga ngalan tao,
bagay, hayop o pangyayari. Dapat nating matutunan ang iba’t-ibang pangkat nito para lubos nating
maintindihan.
Magpakita ng larawan ng halamanan:

Google image

MOTIBEYSYUNAL NA TANONG

Ano ang nakikita ninyo sa larawan?


Linangin ang salitang halamanan. Ano ano ang makikita dito?
Mayroon ba kayong halamanan sa inyong pamamahay?
Mag-alis ng sagabal:
1. Halamanan- hardin ng mga bulaklak
2. Misteryo- kababalaghan na nangyari
3. Bakas-yapak

ALAM MO BA NA…

Basahin ang “Halamanan ni Helen”. Gamitin ang DRTA na pamamaraan.


(Sulat para sa guro: Itanong ang mga sumusunod habang binasa ang kuwento.)
1. Ano ang pamagat sa kuwento?
2. Saan nagyayari ang kuwento?
3. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?
4. Ano ang nagyari sa halamanan ni Helen?
5. Sino ang sumira sa kanyang mga tanim?

86
“Halamanan ni Helen”

Hango sa Aklat Ang Bagong Batang Pinoy 2

Si Helen ay masipag na bata. Ang kanilang halamanan ay nasa kanilang bakuran sa Kalye Maharlika.
Alagang-alaga niya ang kaniyang tanim na mga gulay at mga bulaklak. Napakaganda ng kaniyang mga rosas at mga
sampagita. Tamangtama na gawing kuwintas at ipagbili kay Gng. Flores, ang may-ari ng tindahan ng mga bulaklak.

Isang umaga, nagising si Helen na sirang-sira ang kaniyang halamanan. Nakatumba ang mga puno ng mga
bulaklak. Wala ng dahon ang mga gulay.

Nalungkot si Helen. Isang misteryo sa kaniya angnangyari. Nag-imbestiga si Mang Rodel, ang tatay ni
Helen. Inikot niya ang paligid ng bakuran. Pinuntahan din niya ang likod bahay at kulungan ng mga hayop. Nakita
niya ang mga bakas ng mga paa ng kambing sa buong paligid. Sa hindi kalayuan ay nakita niya si Goryo, ang
paboritong alagang kambing ni Helen.
PAGSUSURI

Talakayin ang kuwento sa pamamagitan ng mga tanong.


1. Anong mga salita ang may salungguhit sa kuwento?
2. Paano isinulat ang unang letra ng salitang may salungguhit?

Isulat ng guro ang mga salitang may salungguhit sa kuwento. Hayaan ang mga mag-aaral na ilarawan ang
mga salitang nasusulat sa pisara. Ipapangkat ang mga ngalan ayon sa uri nito.

Tao Hayop Bagay Lugar

Paano isusulat ang salitang Kalye Maharlika? Bulaklak? Mang Rodel? Bakit isusulat ang unang titik sa
malaking letra ang ngalan ng tao at lugar? Bakit may maliit na letra tayong ginamit sa pagsulat?
Magbigay pa nang maraming halimbawa sa mga mag-aaral at ipakita kung paano isulat ang unang titik
nito.

PAGSASANAY
Piliin ang mga tanging ngalan ng tao, bagay, hayop o lugar. Isulat ito nang wasto. Gawin
sa sagutang papel.

ate g. cruz ibon


bata parke robinson place
samsung sapatos bag
doctor mongol nars
pilipinas malita coco martin

87
PAGLALAPAT

Punan ang tsart nang angkop na tanging ngalan. Isulat nang wasto. Magbigay ng dalawang salita bawat isa:

Tao Hayop Bagay Lugar


1.

2.

TANDAAN

Ang tanging ngalan ng tao, hayop, bagay, at lugar ay dapat isulat ang unang titik
gamit ang malaking letra.

PAGTATAYA
Pagsubok ng Kaalaman

Salungguhitan ang tanging ngalan ng tao, hayop, bagay, at lugar.


1. Ang magpinsan ay nagbabakasyon sa Tagaytay.
2. Madaldal ang aking kapatid na si Luisa.
3. Tahimik ang Barangay San Isidro.
4. Si Doktor Cruz ay doctor ng mga hayop.
5. Nike ang tatak ng bago kong sapatos.

TAKDANG ARALIN
Gawain 3

Ano ang pangngalang pantangi?


Magbigay ng limang halimbawa at isulat sa kwaderno.

88
Sesyon 19

Sabjek: Filipino 2 Baitang:


Petsa: Seksyon:

Naipamamalas ang kamalayan sa mga bahagi ng aklat at kung paano ang


Pamantayang Pangnilalaman:
ugnayan ng simbolo at wika.
Natutukoy ang kahalagahan gamit ng malaking letra sa isang salita/
Kompetensi:
pangungusap. F2AL-Ie-11
I. Layunin
Natutukoy ang kahalagahan gamit ng malaking letra sa isang salita/
➢ Kaalaman:
pangungusap.
Nasusulat nang wasto gamit ang malaking letra sa mga pangngalang
➢ Saykomotor:
pantangi.
➢ Apektiv: Nakagagawa sa mga gawain nang may mabuting pakikipagkapwa-tao.
II. Paksang Aralin

Paksa Pangngalang Pantangi

Sanggunian Ang Bagong Batang Pinoy 2, LM. pahina 61-62


Kagamitan Mga larawan , tsart
III. Pamamaraan:
A. Paghahanda Balik-aral.
Pangmotibeysyunal na Ano ang pangngalang pantangi? Paano isusulat ang pangngalang
Tanong: pantangi?
Magbigay ng mga halimbawa.
Aktiviti/ Gawain

B. Paglalahad Magkaroon ng laro: Gamit ang flashcard, sabihin ng mag-aaral kung ano
( Pamamaraan ng ang ngalan ng ipinakitang larawan.
Pagtalakay) Isulat sa pisara at ipakita ang wastong pagsulat nito.
➢ Ang pangngalang pantangi ay nagsisimula sa malaking titik.
Halimbawa: Ben, Lino, Ginoong Salmin, Samsung, Safeguard,
Ang Bagong Batang Pilipino
Isulat ng kabit-kabit ang pangungusap sa ibaba:
➢ Si Ben ay isang mag-aaral.
➢ Bago ang celpon kung Samsung.
Ilahad ang mga dapat tandaan sa pagsulat sa LM. pahina 190.
Ibigay ang angkop na ngalang pantangi sa mga larawang ipinakita. Isulat
ito sa pisara nang kabit kabit na pamamaraan.
Halimbawa:
1. Tagpi
C. Pagsasanay
2. Nene
Mga Palilinang na Gawain
3. Bohol
4. Colgate
5. Manila

D. Paglalapat Isulat nang wasto ang sumusunod. Gawin sa kwaderno:


Aplikasyon gng. flores luisa nena matematika cebu
E. Paglalahat Paano isulat ang tanging ngalan ng tao, hayop, bagay, at lugar?

89
Pangkatin ang mga bata. Bigyan ng activity cards bawat pangkat. Piliin
ang mga ngalan na kailangang isulat ang unang letra sa malaking titik.
IV. Pagtataya Idikit ang napiling tanging ngalan ng tao, bagay, hayop at lugar sa manila
paper.

Isulat ng pakabit-kabit ang sumusunod:


1. Si Nanay ay mapagmahal.
V. Takdang-aralin
2. Ang aking kaibigan na si Luisa ay ubod ng talino.
3. Naglaro ako ng aking Nokia celfon.
_____________________________________________________________
__________________________________________________________________
Tugon
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

_____________________________________________________________
__________________________________________________________________
Pagninilay-nilay
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

90
Sesyon 19

TUKLASIN
Ang tanging ngalan ng tao, bagay, hayop, at lugar o pook ay tinatawag na pangngalang pantangi.
Ito ay ngalang pantawag sa tiyak na ngalan. Ito ay nagsisimula sa malaking letra.

MOTIBEYSYUNAL NA TANONG
Balik-aral.
Ano ang pangngalang pantangi? Paano isusulat ang pangngalang pantangi?
Magbigay ng mga halimbawa.

ALAM MO BA NA…

Magkaroon ng laro: Gamit ang flashcard, sabihin ng mag-aaral kung ano ang ngalan ng ipinakitang larawan.

1. 4.
Hango sa: ang Bagong Batang Pinoy 2 Hango sa: ang Bagong Batang Pinoy 2

2. 5.

Hango sa: ang Bagong Batang Pinoy 2 Hango sa: ang Bagong Batang Pinoy 2

3.

Google Image

• Isulat sa pisara at ipakita ang wastong pagsulat nito.


➢ Ang pangngalang pantangi ay nagsisimula sa malaking titik.

91
Halimbawa: Ben, Lino, Ginoong Salmin, Samsung, Safeguard, Ang Bagong Batang Pilipino.

Ipakita sa mga mag-aarla ang pagsulat sa paraang kabit-kabit na may tamang laki at layo sa isa’t isa.

• Isulat ng kabit-kabit ang pangungusap sa ibaba:


➢ Si Ben ay isang mag-aaral.
➢ Bago ang celpon kung Samsung.
Ilahad ang mga dapat tandaan sa pagsulat sa LM. pahina 190.
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat

1. Hawakan ang lapis nang isang pulgada ang layo mula sa dulo ng daliring hinlalaki, hintuturo, at gitnang
daliri.
2. Iayos ang papel sa desk. Ipatong sa bandang itaas nito ang kanan o kaliwang kamay.
3. Magsulat mula kaliwa-pakanan.
4. Magsulat nang marahan at may tamang diin.

PAGSASANAY

Ibigay ang angkop na ngalang pantangi sa mga larawang ipinakita. Isulat ito sa pisara nang -
pakabitkabit na pamamaraan.

Halimbawa:

1. Tagpi 4. Mangga

2. Nene 5. Dr. Jose P. Rizal

3. Camiguin

92
PAGLALAPAT

Isulat nang wasto ang sumusunod. Gawin sa kwaderno:


gng. flores luisa nena matematika cebu

TANDAAN

Ang tanging ngalan ng tao, hayop, lugar, o bagay ay dapat magsimula sa malaking
titik.

PAGTATAYA
Pagsubok ng Kaalaman

Pangkatin ang mga bata. Bigyan ng activity cards bawat pangkat. Piliin ang mga ngalan na
kailangang isulat ang unang letra sa malaking titik. Idikit ang napiling tanging ngalan ng tao, bagay, hayop at lugar
sa manila paper.

Mga salita:

mongol cavite lola sapatos Adidas sampaguita

puno mrs. Samson walis mesa colgate pamela

Tao Hayop Bagay Lugar

TAKDANG ARALIN
Gawain 3

Isulat ng kabit-kabit ang sumusunod:


1. Si Nanay ay mapagmahal.
2. Ang aking kaibigan na si Luisa ay ubod ng talino.
3. Napakatibay ng aking Nokia celfon.

93
Sesyon 20

Sabjek: Filipino 2 Baitang:


Petsa: Seksyon:
Pamantayang Pangnilalaman: Naisasagawa ang mapanuring pagbasa upang mapalawak ang talasalitaan.
Napagyayaman ang talasalitaan sa pamamagitan ng paghanap ng maikling
salitang matatagpuan sa loob ng isang mahabang salita. F2PT-Ic-e-2.1
Kompetensi:
Nailalarawan ang mga bahagi ng kwento: panimula, kasukdulan, at
katapusan/ kalakasan. F2PB-Ie-4
I. Layunin
Nabibigyang kahulugan ang mga salita sa pamamagitan ng paghanap ng
➢ Kaalaman:
maikling salitang matatagpuan sa loob ng mahabang salita.
➢ Saykomotor: Naisusulat ang bahagi ng kuwento ( panimula, kasukdulan, at katapusan).
➢ Apektiv: Natatamo ang mga gawain ng may pakikisama at respeto sa kapwa.
II. Paksang Aralin
Paksa Ang Magkakaibigan at ang Pulubi

Sanggunian Ang Bagong Batang Pilipino 2, LM pahina 211-213


Kagamitan Mga Larawan/ activity cards
III. Pamamaraan:
A. Paghahanda Magpakita ng larawan ng pulubi.
Pangmotibeysyunal Nakakita na ba kayo ng isang batang pulubi? Saan kadalasang makikita ang
na Tanong: mga batang pulubi? Ano ang inyong nararamdaman kung makakita kayo ng
ganoong klaseng bata?
Aktiviti/ Gawain
B. Paglalahad Bago basahin ang kuwentong “Ang Magkakaibigan at ang Pulubi”, ilahad
(Pamamaraan ng ang mga salitang ito:
Pagtalakay) 1. Madungis
2. Maaliwalas
3. Maaruga
Bigyan ng kahulugan ang mga salita sa pamamagitan ng paghanap ng
maikling salita na matatagpuan dito.Gamitin sa pangungusap ang mga salita.
Basahin ang kuwento pagkatapos sa paraang DRTA.
Itanong ang mga sumusunod:
1. Paano tinulungan ng magkaibigan ang batang pulubi?
2. Kung kaibigan mo ang sugatang bata, paano mo siya tutulungan?
Ibigay ang mga bahagi ng kuwento ayon sa pangyayari:
1. Panimula
2. Kasukdulan
3. Katapusan
C. Pagsasanay Isaayos ang mga pangyayari ayon sa kuwentong binasa. Sa pamamagitan ng
Mga Palilinang na paglalagay ng bilang 1-5 sa patlang. Gawin sa sagutang papel.
Gawain Gawin Natin LM. pahina 210.
D. Paglalapat Buuin ang mga talata. Isulat sa patlang ang pang-ugnay na una, pangalawa,
Aplikasyon at pagkatapos.
Bakit mahalagang malaman ang kahulugan ng mga salita sa kuwento?
Ano ang isang paraan sa paghanap ng kahulugan ng isang mahabang salita
E. Paglalahat
sa kuwento?

Basahin ng guro ang sumusunod na teksto:


IV. Pagtataya
Ibigay ang ang mga pangyayari gamit ang tsart sa ibaba.

94
Panimulang Kasukdulan na Wakas na
Pangyayari Pangyayari Pangyayari

Makinig nang mabuti ang mga mag-aaral:


Maligayang-maligaya si Joy. Ang araw na ito ay kaarawan niya.
Pagkagising niya, may bumati sa kanya ng “Maligayang kaarawan anak!”,
sabi ng kanyang Nanay at Tatay na may dalang regalo sa kanya. Inabot sa
kanya ang regalo at agad niyang binuksan. Laking gulat niya nang makita
ang isang Samsung tablet na bago. “ Naku Inay, Itay, maraming salamat
po!”. Niyakap siya ni Nanay at Tatay, sabay halik sa pisngi. At paglabas
niya sa kanyang silid, narinig niya ang mga kaibigang nag-aawitan ng “
Maligayang Kaarawan”. Si Joy ay tuwang-tuwa sa mga sorpresa at sabay-
sabay silang kumain sa pagkaing inihanda ng mga magulang.

Isulat sa papel ang mga magagandang pangyayari na inyong naranasan sa


V. Takdang-aralin
inyong kaarawan. Magtala ng 3-5 pangyayari lamang.
_____________________________________________________________
__________________________________________________________________
Tugon
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

_____________________________________________________________
__________________________________________________________________
Pagninilay-nilay
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

95
Sesyon 20

TUKLASIN

Ang pagiging isang mabuting bata ay isang hiyas na dapat nating purihin at bigyang pugay.
Kung gumagawa tayo ng mga mabubuting gawain sa kapwa, tiyak na kinalulugdan tayo sa ating Poong
Maykapal. Kung ano ang ginagawa mo sa kapwa, iyan din ang gagawin sa iyo ng iba, kaya dapat natin mahalin ang
iba, gaya ng pagmamahal natin sa ating sarili.

MOTIBEYSYUNAL NA TANONG

Magpakita ng larawan ng pulubi.

Nakakita na ba kayo ng isang batang pulubi?


Saan kadalasang makikita ang mga batang pulubi?
Ano ang inyong nararamdaman kung makakita kayo ng ganitong klaseng bata?
Gawain 2
Bago basahin ang kwentong “Ang Magkakaibigan at ang Pulubi”, ilahad ang mga salitang ito:
1. Madungis > Marumi; May mantsa
2. Maaliwalas > Malinis; Maayos
3. Maaruga > Maalaga; Makalinga

Bigyan ng kahulugan ang mga salita sa pamamagitan ng paghanap ng maikling salita na matatagpuan dito.
Gamitin sa pangungusap ang mga salita.
Halimbawa:
1. Madungis ang damit ng aking bunso dahil naglalaro siya ng putik.
2. Maaliwalas ang paligid kapag naglilinis ang lahat ng tao.
3. Ang aking Inay ay maaruga sa aming lahat.

ALAM MO BA NA…
Basahin ang kuwento pagkatapos sa paraang DRTA.
(Sulat para sa mga guro: Itanong ang mga sumusunod habang binasa ang kuwento:)
1. Ano ang pamagat sa kuwento?
2. Sino-sino ang magkaibigan sa kuwento?
3. Saan sila namamasyal?
4. Sino ang kanilang niyaya sa paglalaro?
5. Sino ang nadapa?
6. Anong nagyari sa batang nadapa?
7. Sino ang tinawagan ni Eric?
8. Bakit niya ito tinawagan?

96
Ang Magkakaibigan at ang Pulubi
Sabado, nagpaalam ang magkakaibigang sina Eric, Rico, at Thomas sa kanilang mga magulang na
mamamasyal sa parke. Sa kanilang paglalakad, napansin nila ang isang batang gusgusin na may suot na
maruming damit.

Eric : Kawawa naman ang bata. Yayain natin siyang sumali sa laro natin.
Rico : Oo nga.

Niyaya nila ang batang pulubi na sumama sa kanila sa pamamasyal at hinikayat na maglaro sa parke.
Nag-seesaw sina Eric at Rico samantalang naghabulan naman sina Thomas at ang bata. Sa kanilang pagtakbo,
hindi napansin ng bata ang nakausling bato kaya siya ay nadapa.

Batang pulubi: Aray! Dumudugo ang aking tuhod. Ganoon na lamang ang iyak ng bata. Napalingon sina
Eric, Rico, at Thomas at dali-daling lumapit sa bata. Umuwi ang magkakaibigan sa bahay nina Eric upang
magamot ang sugatang bata. Ngunit hindi nila alam kung paano ito gagamutin, nagkataong wala ang kaniyang
ina. Naisip ni Eric na tawagan sa telepono ang kaniyang tiyahin na si Tiya Beth. Ganito ang naging takbo ng
kanilang usapan.

Eric : Hello, Tiya Beth, si Eric po ito. Kumusta na po kayo?


Tiya Beth: Hello, Eric! Mabuti naman ako. Bakit napatawag ka?
Eric: Nagdugo po kasi ang tuhod ng aking kaibigan, paano po namin siya gagamutin?

Tiya Beth: Una, hugasan ng sabon at malinis na tubig ang kaniyang sugat Pangalawa, punasan ito ng
malinis na bimpo. Pangatlo, lagyan mo ng gamut para sa sugat. Pagkatapos, balutan ang sugat ng gasa.
Eric: Maraming salamat po, Tiya Beth.

* Itanong ang mga sumusunod:


1. Bakit nadapa ang bata? Nangyari na ba ito sa iyo?
2. Paano tinulungan ng magkakaibigan ang batang pulubi?
3. Ayon kay Tiya Beth, paano gagamutin ang sugat ng pulubi?
4. Kung kaibigan mo ang sugatang bata, paano mo siya tutulungan?
5. Kung ikaw si Eric, tutulungan mo kaya ang batang pulubi? Bakit?

> Ibigay ang mga bahagi ng kuwento ayon sa pangyayari:


1. Panimula
2. Kasukdulan
3. Katapusan

PAGSUSURI

Isaayos ang mga pangyayari ayon sa kuwentong binasa. Sa pamamagitan ng paglalagay


ng bilang 1-5 sa patlang. Gawin sa sagutang papel.

Iayos ang mga pangyayari ayon sa kuwentong binasa sa pamamagitan ng paglalagay ng bilang 1-5 sa
patlang. Gawin ito sa sagutang papel.
_______ Nadapa ang batang pulubi.
_______ Nagpunta ang magkakaibigan sa parke.
_______ Ginamot ng magkakaibigan ang sugatang bata.
_______ Tinawagan ni Eric ang kanyang tiyahin sa telepono upang humingi ng tulong.
_______ Nagpaalam ang magkakaibigang Eric, Rico, at Thomas sa kanilang mgamagulang.

97
PAGLALAPAT

Ibigay ang kahulugan ng salitang may salungguhit sa pangungusap. Buuin ang mga talata. Isulat sa patlang
ang pang-ugnay na una, pangalawa, at pagkatapos.
Gawin ito sa kuwaderno.
1. Maagang nagising si Rona. Ang ______________ niyang ginawa ay nagdasal. _____________, itinupi niya
ang kumot sa kaniyang higaan. _________ naman ay ang pagkain niya ng almusal.

2. Maligayang-maligaya si Joy. ____________, may bumati sa kaniya ng “Maligayang Kaarawan.”


_____________, may nag-abot sa kaniya ng regalo. At ______________ ay inawitan siya ng kaniyang kamag-
aral.

TANDAAN

Ang mga mahirap na salita ay dapat bigyan ng kahulugan para mas maintindihan
ang binasang kuwento. Maaring kunun ang kahulugan nito gamit ang maliliit sa mga
salitang mabubuo nito.

PAGTATAYA
Pagsubok ng Kaalaman

Basahin ng guro ang sumusunod na teksto:


Ibigay ang ang mga pangyayari gamit ang tsart sa ibaba.

Panimulang Pangyayari Kasukdulan na Pangyayari Wakas na Pangyayari

Makinig nang mabuti ang mga mag-aaral:

Maligayang-maligaya si Joy. Ang araw na ito ay kaarawan niya. Pagkagising niya, may bumati sa kanya ng
“Maligayang kaarawan anak!”, sabi ng kanyang Nanay at Tatay na may dalang regalo sa kanya. Inabot sa kanya ang
regalo at agad niyang binuksan. Laking gulat niya nang makita ang isang Samsung tablet na bago. “ Naku Inay, Itay,
maraming salamat po!”. Niyakap siya ni Nanay at Tatay, sabay halik sa pisngi. At paglabas niya sa kanyang silid,
narinig niya ang mga kaibigang nag-aawitan ng “ Maligayang Kaarawan”. Si Joy ay tuwang-tuwa sa mga sorpresa at
sabay-sabay silang kumain sa pagkaing inihanda ng mga magulang.

TAKDANG ARALIN
Gawain 3

Isulat sa papel ang mga magagandang pangyayari na inyong naranasan sa inyong


kaarawan. Magtala ng 3-5 pangyayari lamang.

98
Sesyon 21

Sabjek: Filipino 2 Baitang:


Petsa: Seksyon:
Nagkakaroon ng papaunlad na kasanayan sa wasto at maayos na pagsulat.
Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ang pagpapahalaga at kasanayan sa paggamit ng wika sa
komunikasyon at pagbasa ng ibat-ibang uri ng panitikan.
Nakasusulat sa kabit-kabit na paraan na may tamang laki at layo sa isa’t-
isa ang mga salita. F2PU-Id-f-3.2
Kompetensi:
Nakadarama ng pagbabago sa sariling damdamin at pananaw sa binasang
teksto. F2PL-0a-j-5
I. Layunin
Natutukoy ang sariling damdamin at karanasan sa pagdiriwang ng mga
➢ Kaalaman:
tradisyon ng ating bansa.
Nakasusulat sa kabit-kabit na paraan na may tamang laki at layo sa isa’t-
➢ Saykomotor:
isa.
Nababahagi ang sariling karanasan sa pagdiriwang ng pasko kasama ang
➢ Apektiv:
pamilya.
II. Paksang Aralin

Paksa Ang Pasko

Sanggunian Ang Bagong Batang Pinoy 2, LM. pahina 330-331, pahina 376
Kagamitan Tsart, mga larawan
III. Pamamaraan:
A. Paghahanda Ano ang pinakamasayang pagdiriwang ang kadalasang hinihintay ng mga
Pangmotibeysyunal tao sa buwan ng Disyembre?
na Tanong: Kailan ipinagdiriwang ang Pasko?
Bakit kaya masaya tayo pag Pasko?
Aktiviti/ Gawain Magtanong sa mga bata kung ano ano ang kadalasang makikita sa araw ng
Pasko.
B. Paglalahad ( Basahing ng guro ang kuwento, “ Ang Pasko” sa pahina 330. Ibigay ang
Pamamaraan ng pamantayan sa wastong pakikinig. Basahin ito ng guro sa pamamaraang
Pagtalakay) DRTA.
Talakayin gamit ang mga tanong:
1. Ano-ano ang kadalasang ginagawa ng mga tao sa araw ng Pasko?
2. Bakit masaya ang pagdiriwang ng Pasko sa mga bata at kahit sa
mga matatanda?
3. Sa darating na Pasko, ano kaya ang maaring mong gawin para
masaya at makabuluhan ang pagdiriwang nito?
Magtala ng mga ginagawa sa araw ng Pasko.
C. Pagsasanay Isulat ito sa paraang kabit-kabit, pagkatapos tumawag ng mga mag-aaral
Mga Palilinang na Gawain na sumulat sa pisara sa kanilang mga nabuong parirala/pangungusap ng
may tamang laki at layo sa isa’t-isa.
Pangkatin ang mga mag-aaral.
Magpakita ng tatlong uri ng larawan ng pagdiriwang.
D. Paglalapat Pangkat 1 Pista
Aplikasyon Pangkat 2 Buwan ng Wika
Pangkat 3 Kaarawan
Pangkat 4 Kasalan

99
Magsulat ng 3-5 karanasan sa larawan ng bawat grupo. Isulat sa paraang
kabit-kabit sa manila paper. Pagkatapos iulat sa klase ang ginawa.

Paano mapahalalagahan ang iba’t-ibang tradisyon sa ating bansa?


E. Paglalahat Ano-ano ang mga paraan para lubusang maunawaan ang isang binasang
teksto?
Isulat sa papel ang mga pangungusap sa paraang kabit-kabit.
1. Masaya ang pagdiriwang ng Pasko kapag may pagmamahalan sa
IV. Pagtataya isa’t-isa.
2. Ang masayang pamilya ay larawan ng maligayang Pasko.
3. Ang pagmamahal sa kapwa ang susi ng maligayang Pasko.
Maggupit ng mga isang larawan ng pagdiriwang ng ating bansa. Idikit sa
V. Takdang-aralin
isang bond paper.
_____________________________________________________________
__________________________________________________________________
Tugon
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

_____________________________________________________________
__________________________________________________________________
Pagninilay-nilay
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

100
Sesyon 21

TUKLASIN

Ang mga Pilipino ay mahilig sa mga pagdiriwang. Dinadayo tayo ng mga dayuhan dahil
sa ating mga pagdiriwang na lubos nating pinaghahandaan. Ano ano ang mga pagdiriwang na gusto
mo? Bawat isa sa atin ay may iba’t-ibang karanasan sa tuwing may pagdiriwang kaya dapat natin
itong ipamahagi sa iba para lalo nating mapapasidhi ang kasiyahan.

MOTIBEYSYUNAL NA TANONG
Gawain 1

Ano ang pinakamasayang pagdiriwang ang kadalasang hinihintay ng mga tao sa buwan ng
Disyembre?
Kailan ipinagdiriwang ang Pasko?
Bakit kaya masaya tayo pag Pasko?
Magtanong sa mga bata kung ano ano ang kadalasang makikita sa araw ng Pasko.

ALAM MO BA NA…

Basahing ng guro ang kuwento, “ Ang Pasko” sa pahina 330. Ibigay ang pamantayan sa wastong
pakikinig. Basahin ito ng guro sa pamamaraang DRTA.
(Sulat para sa mga guro: Itanong ang mga sumusunod habang binabasa ang teksto:
1. Ano ang pamagat sa kuwento?
2. Paano hinihintay ang Paako ng mga bata?
3. Ano ano ang ginagawa ng mga bata tuwing araw ng pasko?
4. Sino ang pupuntahan ng mga bata tuwing Pasko?
Ang Pasko
Ang Pasko ay isang masayang pagdiriwang na hinihintay ng
mga bata tuwing Disyembre.
Maaga pa lang ay isinusuot na ng mga bata ang bago nilang
damit at sapatos. Nagpupunta sila sa simbahan upang makinig ng misa.
Pagkatapos ay dumadalaw sila sa kanilang ninong, ninang, at mga
kamag-anak upang humalik sa kamay.
Talakayin gamit ang mga tanong:
1. Ano-ano ang kadalasang ginagawa ng mga tao sa araw ng Pasko?
2. Bakit masaya ang pagdiriwang ng Pasko sa mga bata at kahit sa mga
matatanda?
3. Sa darating na Pasko, ano kaya ang maaring mong gawin para
masaya at makabuluhan ang pagdiriwang nito?

101
PAGSUSURI
Gawain 2

Magtala ng mga ginagawa sa araw ng Pasko. (5 pangungusap lamang)


Isulat ito sa paraang kabit-kabit, pagkatapos tumawag ng mga mag-aaral na sumulat sa pisara sa kanilang
mga nabuong parirala/pangungusap ng may tamang laki at layo sa isa’t-isa.

PAGLALAPAT
Pangkatin ang mga mag-aaral.

A B C

Pangkat 1 Pista
Pangkat 2 Buwan ng Wika
Pangkat 3 Kaarawan

Magsulat ng 3-5 karanasan sa larawan ng bawat grupo. Isulat sa paraang kabit-kabit sa manila paper. Pagkatapos iulat
sa klase ang ginawa.

TANDAAN

➢ Pahalagahan natin ang mga tradisyon ng ating bansa.


➢ Isang paraan upang maunawaan ang isang binabasa ay ang pag-uugnay nito sa
sariling karanasan.

PAGTATAYA
Pagsubok ng Kaalaman

Isulat sa papel ang mga pangungusap sa paraang kabit-kabit.


1. Masaya ang pagdiriwang ng Pasko kapag may pagmamahalan sa isa’t- isa.
2. Ang masayang pamilya ay larawan ng maligayang Pasko.
3. Ang pagmamahal sa kapwa ang susi ng maligayang Pasko.

TAKDANG ARALIN
Gawain 3

Maggupit ng mga isang larawan ng pagdiriwang ng ating bansa. Idikit sa


isang bond paper.

102
Sesyon 22

Sabjek: Filipino 2 Baitang:


Petsa: Seksyon:
Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng
sariling ideya, kaisipan, karanasan, at damdamin.
Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ang iba’t-ibang kasanayan upang makilala at mabasa ang
mga pamilyar at di-pamilyar na salita.
Naipapahayag ang sariling ideya/ damdamin o reaksiyon tungkol sa
napakinggang kuwento batay sa tunay na pangyayari. F2PS-If-1
Kompetensi:
Nababasa ang mga salita sa unang kita. F2PP-Iif-2.1
I. Layunin
Nababasa ang mga salita ng wasto.
➢ Kaalaman:
Nasasagot ang mga katanungan ayon sa sariling ideya/ damdamin.
Nakapagpapahayag ng mga ideya/damdamin batay sa tunay na pangyayari
➢ Saykomotor:
gamit ang kilos, pagguhit at pagsasalita.
Nakapagsisikap sa paggawa ng mga sariling ideya/ damdamin sa pagbuo
➢ Apektiv:
ng mga gawain.
II. Paksang Aralin

Paksa Sorpresa kay Nanay

Sanggunian Ang Bagong Batang Pinoy 2, LM pahina 68-70, 37-39


Kagamitan Mga strips, mga larawan
III. Pamamaraan:
Pagtatanong:
A. Paghahanda 1. Mahal nyo ba ang inyong Nanay?
Pangmotibeysyunal na 2. Sa anong paraan ninyo maipakita sa kanya ang inyong
Tanong: pagmamahal?
3. Ano ano ang mga sorpresang nagawa mo na para sa inyong
Aktiviti/ Gawain Nanay?
4. Ano kaya ang madarama ng Nanay mo kapag na sorpresa mo
siya?
B. Paglalahad ( Gamit ang bigbook na gawa ng guro, basahin ang kuwento “Sorpresa kay
Pamamaraan ng Nanay” , LM pahina 68-69.
Pagtalakay) Gawin ito sa pamamaraang DRTA. Pagkatapos , tumawag ng mga mag-
aaral na bumasang muli sa kuwento gamit ang wastong pagbigkas ant
pagbibigay damadamin habang binasa ito.
Talakayin gamit ang sumusunod na mga tanong:
1. Kung ikaw ang anak sa kuwento, tutulong ka ba sa paghanda ng
sorpresa? Bakit?
2. Bakit kailangang i-sorpresa ang Nanay sa kanyang kaarawan?
3. Paano mo pa maipapakita ang inyong pagmamahal sa Nanay sa
araw ng kanyang kaarawan?
Ipabasa ng mga mag-aaral ang mga salitang sa ibaba. ( sabay-sabay,
pangkatan, isahan)
C. Pagsasanay
1. Nanay
Mga Palilinang na Gawain
2. Kaarawan
3. Sorpresa

103
4. Imbitasyon
5. Panauhin
Pagkatapos ipabaybay ang bawat isa. Gawin sa kwaderno.
Pangkatin ang mga mag-aaral:
Ibigay ang damdaming ipinahihiwatig ng linyang ito,
“ Maligayang kaarawan, Inay, masaya po kami dahil narrating ninyo
D. Paglalapat
ang ika-anim napu’t kaarawan”.
Aplikasyon
Pangkat 1 Iguhit
Pangkat 2 Isakilos
Pangkat 3 Pasalitang Paraan
Bakit mahalaga ang pag-alala sa mahalagang araw ng ating mga
E. Paglalahat
magulang?
Tukuyin ang damdaming ipinahihiwatig ng bawat linya. Iguhit sa sagutang
papel kung natutuwa, nagagalit o nalulungkot.
1. “ Ang tataas ng mga marka ko. Tiyak matutuwa nito si Nanay”.
IV. Pagtataya 2. “ Hu, hu, hu, ang sakit ng ngipin ko”.
3. “ Bakit kaya hindi ako isinama ng Ate ko sa parade?”.
4. “Naku walang ilaw, ang dilim naman ng paligid”.
5. “ Bakit sinira mo ang bagong laruan ko?”.
Ayusin ang mga salita upang mabuo ang pangungusap.
Isulat ito sa kwaderno sa paraang kabit-kabit.
V. Takdang-aralin
sa tuwa napaiyak Nanay si
_____________________________________________________________
__________________________________________________________________
Tugon
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

_____________________________________________________________
__________________________________________________________________
Pagninilay-nilay
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

104
Sesyon 22

TUKLASIN

Ang ating mga Nanay ay tinaguriang “Ilaw ng Tahanan”. Sila ang nagmamahal sa ating mga
anak na walang hinihintay ng anumang kapalit. Karapat-dapat lamang na suklian natin ang kanilang
mga sakripisyo sa atin kahit sa isang simpleng sorpresa lamang. Kayo, ano ang nagagawa ninyo
sorpresa para sa inyong mga Ina?

MOTIBEYSYUNAL NA TANONG
Gawain 1

Pagtatanong:
1. Mahal nyo ba ang inyong Nanay?
2. Sa anong paraan ninyo maipakita sa kanya ang inyong pagmamahal?
3. Ano-ano ang mga sorpresang nagawa mo na para sa inyong Nanay?
4. Ano kaya ang madarama ng Nanay mo kapag na sorpresa mo siya?

ALAM MO BA NA…

Gamit ang bigbook na gawa ng guro, basahin ang kuwento “Sorpresa kay Nanay”, LM pahina 68-69.
Gawin ito sa pamamaraang DRTA.
Sorpresa kay Nanay

Sabado ng umaga, naisipan ni Tatay na ipasundo si Nanay kay Tiya Maring. Ginawa niya iyon upang
makapaglinis kami ng bahay at makapagluto. Walang kamalay-malay si Nanay na mangyayari ang isang sorpresa
sa kaniyang kaarawan.
Habang wala si Nanay, gumawa si Kuya ng imbitasyon. Ako naman ang inutusan niyang mamigay nito.
Samantala, sina Ate at Tatay ang nagluto. Tanghali na ay wala pa rin sila sapagkat nais naming makauwi siya ng
hapon upang pagdating niya ay handa na ang lahat.

105
Sumapit ang hapon at isa-isa nang nagdatingan ang mga panauhin. Dumating na rin si Nanay at Tiya
Maring. Laking gulat ni Nanay nang makita niya ang mga pagkain at mga panauhin. Napaiyak si Nanay sa tuwa
at sa sorpresa naming inihanda sabay sabing, “Maraming salamat sa inyong lahat.”

Pagkatapos, tumawag ng mga mag-aaral na bumasang muli sa kuwento gamit ang wastong pagbigkas at
pagbibigay damdamin habang binasa ito.
Talakayin gamit ang sumusunod na mga tanong:

1. 1. Kung ikaw ang anak sa kuwento, tutulong ka ba sa paghanda ng sorpresa? Bakit?


2. Bakit kailangang i-sorpresa ang Nanay sa kanyang kaarawan?
3. Paano mo pa maipapakita ang inyong pagmamahal sa Nanay sa araw ng kanyang kaarawan?
5. 4. Ano ang aral na makukuha mo sa kuwento?

PAGSASANAY
Gawain 2

Ipabasa ng mga mag-aaral ang mga salitang sa ibaba. ( sabay-sabay, pangkatan, isahan)
1. Nanay
2. Kaarawan
3. Sorpresa
4. Imbitasyon
5. Panauhin
Pagkatapos ipabaybay ang bawat isa. Gawin sa kwaderno.

PAGLALAPAT

Pangkatin ang mga mag-aaral:


Ibigay ang damdaming ipinahihiwatig ng linyang ito,

“Maligayang kaarawan, Inay, masaya po kami dahil narrating ninyo ang ika-anim napu’t kaarawan”.

Pangkat 1 Iguhit
Pangkat 2 Isakilos
Pangkat 3 Pasalitang Paraan

TANDAAN

Ang pag-alala sa mahalagang araw ng mga magulang ay tanda ng pagpapahalaga


at pagmamahal natin sa kanila. Huwag natin silang lilimutin at alagaan natin sila sa
kanilang pagtanda.

106
PAGTATAYA
Pagsubok ng Kaalaman

Tukuyin ang damdaming ipinahihiwatig ng bawat linya. Iguhit sa sagutang papel kung natutuwa,
nagagalit o nalulungkot.
1. “ Ang tataas ng mga marka ko. Tiyak matutuwa nito si Nanay”.
2. “ Hu, hu, hu, ang sakit ng ngipin ko”.
3. “ Bakit kaya hindi ako isinama ng Ate ko sa parade?”.
4. “Naku walang ilaw, ang dilim naman ng paligid”.
5. “ Bakit sinira mo ang bagong laruan ko?”.

TAKDANG ARALIN
Gawain 3

Ayusin ang mga salita upang mabuo ang pangungusap. Isulat ito sa kwaderno sa paraang
kabit-kabit.

sa tuwa napaiyak Nanay si

107
Sesyon 23

Sabjek: Filipino 2 Baitang:


Petsa: Seksyon:

Pamantayang Pangnilalaman: Naisasagawaang mapanuring pagbasa upang mapalawak ang talasalitaan.

Naisasalaysay muli ang binasang teksto nang may tamang pagkakasunod-


Kompetensi:
sunod sa tulong ng mga larawan. F2FB-If-5.1
I. Layunin
Naisasalaysay muli ang binasang teksto nang may tamang pagkakasunod-
➢ Kaalaman:
sunod gamit ang larawan.
Nabibigyang pansin ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari gamit
➢ Saykomotor:
ang larawan.
➢ Apektiv: Nakalalahok nang masigla sa mga gawain.
II. Paksang Aralin

Paksa Dakilang Tagapag-Ingat

Sanggunian Ang Bagong batang Pinoy 2, LM pahina 451-455


Kagamitan Mga larawan
III. Pamamaraan:
Naranasan nyo na bang naghintay sa inyong mga magulang galing sa
A. Paghahanda palengke?
Pangmotibeysyunal Ano ano ang inyong nararamdaman habang hinihintay sila?
na Tanong: Magpakita ng larawan ng dalawang batang nagdarasal.
1. Ano kaya ang ginawa ng dalawang batang ito habang hinihintay
Aktiviti/ Gawain ang kanilang mga magulang?
2. Ikaw, paano ka maghihintay sa iyong mga magulang o kamag-
anak habang hindi pa sila dumarating?
B. Paglalahad I. Mag-alis ng mga sagabal:
( Pamamaraan ng 1. Jologs
Pagtalakay) 2. Epal
3. Buenot
Gamitin ang mga salita sa pangungusap. Bigyan ng
kahulugan ang bawat isa. Hikayatin ang mga mag-aaral na
gamitin ang mga salita sa sariling pangungusap.
II. Magbigay ng mga pamantayan sa wastong pakikinig. Basahin
ang “ Dakilang Tagapag-Ingat”.
III. Talakayin ang kuwento gamit ang mga tanong:
1. Tama ba ang ginawa ng mga batahabang naghihintay sa
mga magulang? Bakit?
2. Ano-ano ang mga damdaming ipinapakita sa pangyayari
sa kuwento?
3. Ano ang gusto mong maging wakas sa kuwento?
C. Pagsasanay Isasalaysay muli ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento
Mga Palilinang na gamit ang mga larawan sa LM pahina 453. Iulat sa klase ang wastong
Gawain pagkakasunod-sunod.
D. Paglalapat
Aplikasyon

108
A. Isulat ang bilang ng bawat pangungusap ayon sa tamang
pagkakasunod-sunod nito sa kuwento.
1. Natatanaw sa bintana ang paparating na mag-asawang Ruben at
Milay.
2. Masayang nakadungaw sa bintana si Sophie.
3. Nagdasal kay Apo ang magkapatid.
4. Biglang nalungkot si Sophie.
5. Yumakap ang magkapatid sa mga magulang.
Paano maisasalaysay nang tama ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga
E. Paglalahat
pangyayari sa kwentong binasa?
Gamit ang mga larawan sa LM pahina 281-282, lagyan ng bilang 1-6 ang
IV. Pagtataya mga larawan ayon sa tamang pagkakasunod-sunod nito. Gawin sa isang
buong papel.
Ayusin sa wastong pagkakasunod-sunod ang mga larawan sa LM pahina
V. Takdang-aralin
281, Gawin Natin 1-4. Isulat ang tamang bilang sa kwaderno.
_____________________________________________________________
__________________________________________________________________
Tugon
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

_____________________________________________________________
__________________________________________________________________
Pagninilay-nilay
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

109
Sesyon 23

TUKLASIN

Laging magtiwala at magpasalamat sa Dakilang Tagapagligtas. Anuman ang ating mga


karanasan, dapat ang lahat ay ating ipagkakatiwala sa Kanya dahil Siya ang may alam sa lahat ng
ito. Kung bukas palad nating ipaubaya ang ating mga nararamdaman, wala tayong dapat
kinakakatakutan. Magtiwala lamang, at ang lahat ay mas kasagutan.

MOTIBEYSYUNAL NA TANONG
Gawain 1

Naranasan nyo bang naghintay sa inyong mga magulang galling sa palengke?


Ano-ano ang inyong nararamdaman habang hinihintay sila?
Magpakita ng larawan ng dalawang batang nagdarasal.

1. Ano kaya ang ginawa ng dalawang batang ito habang hinihintay ang kanilang mga magulang?
2. Ikaw, paano ka maghihintay sa iyong mga magulang o kamag-anak habang hindi pa sila dumarating?

Gawain 2
I. Mag-alis ng mga sagabal:

1. Jologs
2. Epal
3. Buenot

Gamitin ang mga salita sa pangungusap. Bigyan ng kahulugan ang bawat isa. Hikayatin ang mga mag-aaral
na gamitin ang mga salita sa sariling pangungusap.

ALAM MO BA NA…

I. Magbigay ng mga pamantayan sa wastong pakikinig. Basahin ang “Dakilang Tagapag-Ingat”.

Dakilang Tagapag-Ingat

Nakaupo si Sophie sa balkonahe ng kanilang bahay at napapangiti siya na parang nag-iisip. Napansin siya ng
nakatatandang kapatid na si Kule. “Sophie, ang ganda naman ng ngiti mo! Bakit ka masaya?” tanong ni Kule. “Kuya
Kule, naaalala ko lang sina Inay at Itay. Pauwi na sila ngayon. Pagkagaling sa palengke, susunduin ni Itay si Inay sa
opisina...at magkahawak kamay silang maglalakad,” paliwanag ni Sophie sa kapatid.

110
“O, e, ano naman? Bakit ka nangingiti riyan?” tanong ni Kule. “Nakatutuwa kasi sila. Tapos, titingnan ni
Inay ang mga pinamili ni Itay– ang malalaking hipon, mabeberdeng gulay, mapupulang mansanas, manggang hilaw–
hay!!! Kaya lang––,” biglang nalungkot na wika ni Sophie.

“Bakit bigla kang nalungkot? Hindi ba dapat matuwa ka kasi matitikman mo na naman ang paborito mong
manggang hilaw?” wika ni Kule.

“Kasi naman kuya, sabi ni Tatay maraming masasamang tao ngayon sa lansangan at sa palengke. May mga
jologs na magnanakaw, taong epal, at mga buraot. Nalulungkot ako, ayokong mapahamak sina Inay at Itay sa kanilang
pag-uwi,” matamlay na sabi ni Sophie.

“Sophie, nakalimutan mo ba ang sabi ni Itay at ni Inay? Magtiwala tayo palagi kay Apo. Si Apo ang mag-
iingat sa kanila,” paalala ni Kule. “Salamat Kuya, at ipinaalala mo sa akin. Halika humiling tayo kay Apo na ingatan
sina Inay at Itay,” masayang wika ni Sophie. Umusal ng dasal ang magkapatid kay Apo na dakilang tagapagligtas.
Pagkatapos nito ay masayang naghintay ang magkapatid sa kanilang mga magulang.

Pagkalipas ng ilang sandali lamang ay paparating na ang mag asawang Ruben at Milay, dala-dala ang mga
pinamalengke at iba pang pasalubong sa magkapatid.

Mula sa bintana ng bahay ay natanaw ng magkapatid ang paparating na mga magulang. Dahil ligtas na
nakauwi ang mga ito, nagpasalamat muna ang magkapatid kay Apo bago tuluyang bumaba ng bahay para salubungin
ang ama’t ina.

PAGSUSURI

II. Talakayin ang kuwento gamit ang mga tanong:


• Bakit masaya si Sophie?
• Bakit bigla siyang nalungkot?
• Ano ang ipinaalala ng kaniyang Kuya Kule?
• Ano-ano ang laging dalang pasalubong nina Itay at Inay? Sino si Apo?
• Tama ba ang ginawa ng kaniyang kuya na ipaalala ang pagtitiwala sa Apo?
• Ano ang mga damdamin na nasa kuwento?
• Paano ipinakita ang mga damdamin na ito?

111
PAGSASANAY
Gawain 3
Isasalaysay muli ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento gamit ang mga
larawan sa sumusunod. Iulat sa klase ang wastong pagkakasunod-sunod.

PAGLALAPAT

A. Isulat ang bilang ng bawat pangungusap ayon sa tamang pagkakasunod-sunod nito sa kuwento.
1. Natatanaw sa bintana ang paparating na mag-asawang Ruben at Milay.
2. Masayang nakadungaw sa bintana si Sophie.
3. Nagdasal kay Apo ang magkapatid.
4. Biglang nalungkot si Sophie.
5. Yumakap ang magkapatid sa mga magulang.

TANDAAN

Unawaing mabuti ang tekstong binabasa o pinakikinggan upang maisalaysay ito nang tama
at nang may wastong pagkakasunod-sunod. Sa ganito ring paraan, maiuugnay natin ito sa
dating kaalaman at karanasan at makapagbibigay ng angkop na wakas.

112
PAGTATAYA
Pagsubok ng Kaalaman

Gamit ang mga larawan sa LM pahina 281-282, lagyan ng bilang 1-6 ang mga larawan ayon sa
tamang pagkakasunod-sunod nito. Gawin sa isang buong papel.

a b c

d e f

_____ Handa na si Roy upang pumasok sa paaralan.


_____ Pagkatapos kumain ay naligo na siya.
_____ Inayos niya ang kaniyang higaan.
_____ Nang magutom ay kumain na siya ng almusal.
_____ Nagsuot na siya ng kaniyang uniporme.
_____ Bumangon si Roy sa kaniyang higaan.

TAKDANG ARALIN
Gawain 3
Ayusin sa wastong pagkakasunod-sunod ang mga larawan sa ibaba. Gawin Natin 1-4.
Isulat ang tamang bilang sa kwaderno.

A.______ B._______ C._______ D._______

113
Sesyon 24

Sabjek: Filipino 2 Baitang:


Petsa: Seksyon:

Pamantayang Pangnilalaman: Nagkakaroon ng papaunlad na kasanayan sa wasto at maayos na pagsulat.

Nakasusulat sa kabit-kabit na paraan na may tamang laki at layo sa isa’t-


isaang mga salita. F2PU-Id-f-3.2
Kompetensi: Nagagamit ang malaki at maliit na letra at mga bantas sa pagsulat ng mga
parirala at pangungusap gamit ang mga salitang natutuhansa aralin. F2PU-Id-
f-3.3
I. Layunin
Nabibigyang diin ang wastong pagsusulatsa paraang kabit-kabit na may
➢ Kaalaman:
tamang laki at layo sa isa’t-isa.
Nakagagamit ng malaki at maliit na letra at mga bantas sa pagsulat ng mga
➢ Saykomotor:
parirala at pangungusap.
➢ Apektiv: Nasusunod ang wastong pamantayan sa pagsulat ng kabit-kabit na paraan.
II. Paksang Aralin

Paksa Pagsulat ng Kabit-Kabit

Sanggunian Ang Bagong Batang Pinoy 2, LM pahina 360, 376


Kagamitan Mga tsart ng parirala/ pangungusap, mga larawan
III. Pamamaraan:
A. Paghahanda I. Magpakita ng larawan ng mga batang nasa parke..
Pangmotibeysyuna 1. Ano ang masasabi ninyo sa larawan?
l na Tanong: Magbigay ng parirala/pangungusap gamit ang larawan.
II. Isulat sa pisara ang mga sagot ng mga mag-aaral.
Aktiviti/ Gawain

B. Paglalahad Gamit ang mga nabuong parirala/pangungusap sa larawang ipinakita,


( Pamamaraan ng pangkatin ito gamit ang tsart:
Pagtalakay) HANAY A HANAY B
Parirala Pangungusap
1. naglaro sa bakuran Naglalaro ang mga bata sa
bakuran.
2. masaya sila Sila ay masaya sa paglalaro.
3. ang mga mag-aaral Ang mga mag-aaral ay naglalaro.
Ano-ano ang mga nakasulat sa Hany A?
Ano-ano naman ang nakasulat sa Hanay B?
Ano ang kaibahan sa pagsulat ng mga salita sa Hanay A sa Hanay B?
Ipasulat muli sa mga bata ang parirala/ pangungusap sa paraang kabit-kabit.
Ipakita sa mga bata paano ito isulat at gawin ito sa pisara.
C. Pagsasanay Sipiin nang wasto ang sumusunod sa kwaderno. Gawin ito sa paraang kabit-
Mga Palilinang na kabit.
Gawain

114
Gamit ang larawan, magbuo ng mga parirala at isulat sa pisara sa kabit-kabit
D. Paglalapat
na paraan.
Aplikasyon
Talakayin bawat isa at iwasto ang pagkakasulat nito.
Paano ang wastong pagsulat ng pangungusap?
E. Paglalahat
Ano-ano ang mga bantas na ginagamit nito?
Iwasto ang pagsulat sa mga pangungusap. Gawin ito sa paraang kabit-kabit
gamit ang isang buong papel.
IV. Pagtataya
1. si maria ang pinakamatalino sa klase
2. ang bahay nila aling sidra at tiyo ben ang nasunog
Magbuo ng 3-5 pangungusap tungkol sa iyong kapatid. Isulat sa kwaderno sa
V. Takdang-aralin
paraang kabit-kabit.
_____________________________________________________________
__________________________________________________________________
Tugon
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

_____________________________________________________________
__________________________________________________________________
Pagninilay-nilay
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

115
Sesyon 24

TUKLASIN

Ang pagsulat ng paraang kabit-kabit ay dapat isasanay ng mga mag-aaral na tulad mo.
Dapat nating isipin ang pagsulat nito ng may wastong laki at wastong layo sa isa’t-isa. Ngayon, pag-
aralan natin kung paano ito gagawin ng may kasiyahan at kalinisan.

MOTIBEYSYUNAL NA TANONG
Gawain 1

I. Magpakita ng larawan ng mga batang nasa parke.

1. Ano ang masasabi ninyo sa larawan?


Magbigay ng parirala/pangungusap gamit ang larawan.
II. Isulat sa pisara ang mga sagot ng mga mag-aaral.

ALAM MO BA NA…

Gamit ang mga nabuong parirala/pangungusap sa larawang ipinakita, pangkatin ito gamit ang tsart:
HANAY A HANAY B

Parirala Pangungusap

4. naglaro sa bakuran Naglalaro ang mga bata sa bakuran.

5. masaya sila Sila ay masaya sa paglalaro.

6. ang mga mag-aaral Ang mga mag-aaral ay naglalaro.

Ano-ano ang mga nakasulat sa Hany A?


Ano-ano naman ang nakasulat sa Hanay B?

116
Ano ang kaibahan sa pagsulat ng mga salita sa Hanay A sa Hanay B?
Ipasulat muli sa mga bata ang parirala/ pangungusap sa paraang kabit-kabit. Ipakita sa mga bata paano ito
isulat at gawin ito sa pisara.

PAGSASANAY
Gawain 2

Sipiin nang wasto ang sumusunod sa kwaderno. Gawin ito sa paraang kabit-kabit.

PAGLALAPAT
Gamit ang larawan, magbuo ng mga parirala at isulat sa pisara ng pakabit-kabit na paraan. Talakayin bawat
isa at iwasto ang pagkakasulat nito.

1. 3.

2. 4.

117
TANDAAN

Ang pagsulat ng pangungusap ay dapat magsisimula sa malaking titik at ito’y magwawakas


ng tuldok.

PAGTATAYA
Pagsubok ng Kaalaman
Iwasto ang pagsulat sa mga pangungusap. Gawin ito sa paraang kabit-kabit gamit ang isang buong
papel.

1. si maria ang pinakamatalino sa klase


2. ang bahay nila aling sidra at tiyo ben ang nasunog

TAKDANG ARALIN
Gawain 3

Magbuo ng 3-5 pangungusap tungkol sa iyong kapatid. Isulat sa kwaderno sa


paraang kabit-kabit.

118
Sesyon 25

Sabjek: Filipino 2 Baitang:


Petsa: Seksyon:
Nauunawaan na may iba’t-ibang dahilan ng pagsulat.
Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ang pagpapahalaga at kasanayan sa paggamit ng wika sa
komunikasyon at pagbasa ng iba’t-ibang uri ng panitikan.
Naisusulat nang may wastong baybay at bantas ang mga salitang ididikta
Kompetensi: ng guro. F2KM-Ig-1.2
Naipapakita ang hilig sa pagbasa. F2PL-0aj-6
I. Layunin
➢ Kaalaman: Nakapagpapakita ng kaalaman sa pagsagot ng tama sa binasa.
Naisusulat nang wastong baybay at bantas ang mga salitang ididikta ng
➢ Saykomotor:
guro.
Nakapagpapakita ng paraan kung paano ang pagsulat ng tama sa paraang
➢ Apektiv:
kabit-kabit.
II. Paksang Aralin

Paksa Ang Pagsulat ng Kabit-Kabit, Pagsulat ng Idinidikta

Sanggunian Ang Bagong Batang Pinoy 2, LM pahina 360, 376


Kagamitan Larawan
III. Pamamaraan:
A. Paghahanda May alagang hayop ba kayo sa bahay? Ano ang inyong alagang hayop?
Pangmotibeysyunal na Ilarawan ang inyong mga alagang hayop.
Tanong:

B. Paglalahad Magpakita ng larawan ng aso ni Ben.


( Pamamaraan ng Sabihin:
Pagtalakay) Mga mag-aaral, ito ang alaga ni Ben. Ngayon, isulat ninyo sa papel
ang mga ididikta kung pangungusap. Gawin ito sa paraang kabit-kabit.
1. Si Tagpi ang alagang aso ni Ben.
2. Mabait at matulunging aso si Tagpi.
3. Binabantayan ni Tagpi ang bahay nila Ben kung wala sila.
4. Pag-uwi ni Ben galing sa paaralan, may pasalubong siya kay
Tagpi.
5. Mahal na mahal ni Ben si Tagpi.
Talakayin ang mga idinidiktang pangungusap at ipabasa ng mga bata ang
kanilang nasusulat.
Paano isusulat ang pangungusap? Paano isusulat ang tanging ngalan ng
tao, hayop, at lugar?
Palawakin ang kaalaman sa pamamagitan ng pagbigay ng mga halimbawa.
Ididikta ng guro ang mga pangungusap at ipasulat sa mga mag-aaral.
C. Pagsasanay 1. Ang bansang Pilipinas ay sagana sa yaman.
Mga Palilinang na Gawain 2. Marumi ang baybayin ng Maynila.
Tatawag ng bata para maipakita ang tamang pagkakasulat sa pisara.
Ipakita ang tsart at sabihin kung tama o mali ang pagkakasulat ng mga
D. Paglalapat
pangungusap.
Aplikasyon
1. Si rosa ay matalinong bata.

119
2. Marami ang humanga kay Manny Pacquaio.
3. Bumili ng bagong relo si Anton.
4. Si Bea ay kaibigan ko.
5. Ang pusa nila dan at ben ay mataba.
E. Paglalahat Paano ang wastong pagsulat ng mga pangungusap?
Magdikta ng tatlong pangungusap at ipasulat sa mga bata sa paraang kabit-
IV. Pagtataya
kabit.
Sagutin ang tanong na ito gamit ang paraan sa pagsulat ng kabit-kabit (2-3
pangungusap lamang).
V. Takdang-aralin
1. Bakit mahalaga sa iyo ang iyong mga magulang?

_____________________________________________________________
__________________________________________________________________
Tugon
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

_____________________________________________________________
__________________________________________________________________
Pagninilay-nilay
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

120
Sesyon 25

TUKLASIN
Ang pagsulat ng kabit-kabit na paraan ay isang kasanayan na dapat matutunan. Dapat
making mabuti sa nagsasalita para maisusulat ng wasto ang mga idinidikta ng guro. Sa pakikinig,
maisusulat mo ng wasto at tama ang bawat salita.

MOTIBEYSYUNAL NA TANONG
Gawain 1

May alagang hayop ba kayo sa bahay?


Ano ang inyong alagang hayop?
Ilarawan ang inyong mga alagang hayop.
Hayaan ang mga batang magbigay ng mga pangungusap.

ALAM MO BA NA…

Magpakita ng larawan ng aso ni Ben.

Sabihin:
Mga mag-aaral, ito ang alaga ni Ben. Ngayon, isulat ninyo sa papel ang mga ididikta kung pangungusap.
Gawin ito sa paraang kabit-kabit.
1. Si Tagpi ang alagang aso ni Ben.
2. Mabait at matulunging aso si Tagpi.
3. Binabantayan ni Tagpi ang bahay nila Ben kung wala sila.
4. Pag-uwi ni Ben galing sa paaralan, may pasalubong siya kay Tagpi.
5. Mahal na mahal ni Ben si Tagpi.
Talakayin ang mga idinidiktang pangungusap at ipabasa ng mga bata ang kanilang nasusulat.
Paano isusulat ang pangungusap? Paano isusulat ang tanging ngalan ng tao, hayop, at lugar?
Palawakin ang kaalaman sa pamamagitan ng pagbigay ng mga halimbawa.

121
PAGSASANAY
Gawain 2

Ididikta ng guro ang mga pangungusap at ipasulat sa mga mag-aaral.


1. Ang bansang Pilipinas ay sagana sa yaman.
2. Marumi ang baybayin ng Maynila.
Tatawag ng bata para maipakita ang tamang pagkakasulat sa pisara.

PAGLALAPAT
Ipakita ang tsart at sabihin kung tama o mali ang pagkakasulat ng mga pangungusap.
1. Si rosa ay matalinong bata.
2. Marami ang humanga kay Manny Pacquaio.
3. Bumili ng bagong relo si Anton.
4. Si Bea ay kaibigan ko.
5. Ang pusa nila dan at ben ay mataba.

TANDAAN

Ang pagsulat ng pangungusap ay dapat magsisimula sa malaking titik at ito’y


magwawakas ng tuldok.
Ang pagsulat ng mga pangungusap na idinidikta ay nangangailangan ng wastong
pakikinig para masusulat ng tama ang mga salitang idinidikta.

PAGTATAYA
Pagsubok ng Kaalaman

Magdikta ng tatlong pangungusap at ipasulat sa mga bata sa paraang kabit-kabit.


Halimbawa:
1. Ang mga magulang ko ay mapagmahal.
2. Ang batang may respeto sa kapwa ay dapat tularan.
3. Kami ay masaya dahil marami kaming natutunan.

TAKDANG ARALIN
Gawain 3

Sagutin ang tanong na ito gamit ang paraan sa pagsulat ng kabit-kabit (2-3
pangungusap lamang).

1. Bakit mahalaga sa iyo ang iyong mga magulang?

122
Sesyon 26

Sabjek: Filipino 2 Baitang:


Petsa: Seksyon:
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN: Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at
pag-unawa sa napakinggan
PAMANTAYANG PAGGANAP: F2PN-Ih—12.1
Naibibigay ang paksa o nilalaman ng pabulang napakinggan
KOMPETENSI: Natatalaakay ng buong talino ang paksa o nilalalaman ng
pabulang napakinggan
I. LAYUNIN
A. KAALAMAN Nakapagpapakitang paraan kung paano naibibigay ang paksa
o nilalaman ng pabulang napakinggan
B. SAYKOMOTOR Nasisipi ng maayos ang paksa o nilalaman ng pabulang
napakinggan
C. APEKTIV Napahahalagahan ang mga gintong aral sa pabula
II. PAKSANG ARALIN
A. PAKSA Pabula: Ang Kuneho At Ang Leon
B. SANGGUNIAN Filipino 2
(K12 Cur. 2014 by Olivarez, Ranchez, Reyes)
C. KAGAMITANG PAMPAGTURO Larawan,plascard,tsart,graphic organizer
III. PAMAMARAAN
A. PAGHAHANDA
a. PANGMOTIBEYSYUNAL *Ngayong umaga ating tutunghayan ang isang kwento ukol
NA TANONG: sa magkaibigang hayop

Ano mang gawain ay magaan gawin kapag sama-sama at


nagtutulungan.

*:Ano kaya ang maaring mangyayari sa mga hayop na


ipaparinig ko sa inyo?.
b. AKTIVITI/GAWAIN * Ano kaya ang katangian ng mga hayop na ito?
Punan niyo ang venn diagram sa ibaba:
(ipakita ang larawan ng dalawang hayop)
B. PAGLALAHAD Ibigay ang kahulugan ng mga salitang naka kahon sa ibaba sa
ABSTRAKSYON pamamagitan ng pangungusap.
(PAMAMARAAN NG
PAGTATALAKAY) Pabula, kaibigan, kuwento
(20 minutos)

• Ang kuwento ni Pagong at Matsing ay


napakagandang pabula.
• Ang kaibigan ay handang tumulong kahit anong oras
• Kakaiba ang kuwento ni Spiderman kaysa kay
Batman

Ang tunay na kaibigan ang siyang malalapitan


mo sa panahon ng kagipitan. Sa araling ito, ating
tunghayan ang kuwento ng pagkakaibigan nina
kuneho at Lion.

Basahin ang kwento.

123
C. PAGSASANAY 1 Ano ang pamagat ng pabula?
MGA PAGLILINANG NA 2.Ano ang mangyayari kay kuneho?
GAWAIN 3. Sino ang tumulong kay kuneho?
4. Mabuti ba ang ginawa ni Leon kay Kuneho?
5. Bakit?
D. PAGLALAPAT Isulat ang maaring pamagat ng pabula.
APLIKASYON
1.Ano-ano ang kaibahan ng pabula sa kuwento?
2.Sino-sino ang mga tauhan sa pabula?
E. PAGLALAHAT Ating palaging tandaan ang pagpapasalamat nino man sa
GENERALISASYON tulong na ibinigay, huwag natin itong kaligtaang sabihin.
IV. PAGTATAYA Alamin kung ang pamagat ng kuwento ay
MAKATUTUHANAN O HINDI. Isulat ito sa papel

1. Si LANGGAM at si TIPAKLONG
2. JACK at si JILL
3. Si BIBOY
4. Si PANGIT at si MAGANDA
V. TAKDANG ARALIN Ayusin ng may wastong pagkakasunod-sunod ang mga
pangyayari ayon sa napakinggang pabula.Lagyan ng
bilang1,2,3,4 ang patlang .
---------Mainit ang araw noon ,pagod na pagod si kuneho
habang tumatawid sa tulay naka bitiw ito sa lubid at nahulog.
--------Sumigaw ito at na dinig ni Leon kaya tinulongan itong
makababa.
-------May isang kunehong nakatira sa gubat malayo sa
kanyang kapatid.
--------Naisipan niyang pumunta sa kanyang kapatid gunit
kailangan niyang dumaan sa tulay na lubid.
_____________________________________________________________
__________________________________________________________________
Tugon
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

_____________________________________________________________
__________________________________________________________________
Pagninilay-nilay
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

124
Sesyon 26

TUKLASIN

Ano mang gawain ay magaan gawin kapag sama-sama at nagtutulungan.

MOTIBEYSYUNAL NA TANONG

*Ngayong umaga ating tutunghayan ang isang kwento ukol sa magkaibigang hayop.
*:Ano kaya ang maaring mangyayari sa mga hayop na ipaparinig ko sa inyo?

GAWAIN 1
* Ano kaya ang katangian ng mga hayop na ito?
Punan ninyo ang venn diagram sa ibaba:

KUNEHO KATULAD LEON

ALAM MO BA NA….

Ang tunay na kaibigan ang siyang malalapitan mo sa panahon ng kagipitan. Sa araling ito, ating
tunghayan ang kuwento ng pagkakaibigan nina kuneho at Leon.

125
ANG KUNEHO AT ANG LEON

Tinatanong ni Totoy ang ina. “Bakit po mahalaga angpasasalamat?”


“Alam mo anak, lahat ng tao’y nagpapasalamat.Kung minsan ay sa Diyos. Kung minsan ay sa kapwa tao mo
rin. May ikukwento ako sa inyo Pagkatapos ay sabihin mo sa akin kung bakit tayo dapat magpapasalamat,ang
paliwanag ng ina.
Sa gubat ay may isang kuneho.Pupunta siya sa bahay ng kanyang kapatid.Malayo pa ang bahay
nito.Kailangang dumaan pa siya sa isang tulay na lubid.Sa ilalim ng tulay ay may malalim na bangin.
Mainit ang araw noon. Pagod na pagod ang kuneho.Nang tumawid siya sa tulay na lubid,siya’y
nakabitaw.”Inay ko po!”Ang gulat na sigaw ng kuneho.Mabuti nalamang at nakawit siya sa puno.Takot na takot ang
kuneho.
“Ano kaya ang gagawin ko?”ang tanong niya sa sarili.”Diyos ko po.Tulungan mo po ako.”
Noon siya narinig ng leon.”Tulungan mo po akong bumaba .Maawa ka sa akin,”ang pakiusap ng
kuneho.Naawa ang leon sa kuneho.Tinulungan siyang makababa.
Nang maka baba ang kuneho’y, “maraming salamat sa iyo kaibigang leon”.Pasasalamat nito kay
leon.”Walang anuman kaibigan,sino pa ba ang magtutulungan kondi tayo?”
Magmula noon mas lalo pang tumindi ang kanilang pagiging magkaibigan.

PAGSUSURI
Gawain 3

1 Ano ang pamagat ng pabula?


2.Ano ang mangyayari kay kuneho?
3. Sino ang tumulong kay kuneho?
4. Mabuti ba ang ginawa ni Leon kay Kuneho?
5. Bakit?
Gawain 4
Isulat ang maaring pamagat ng pabula.

Isang araw, may masayang magkaibigang namamasyal sa kagubatan, si Tipaklong at si Langgam.


Kahit na magkaibigan sila, magkaiba ang kanilang mga ugali. Palukso-lukso lamang si Tipaklong sa
mga puno at dahon samantalang si Langgam ay abala sa pagtitipon ng mga pagkain.
Ngunit isang araw, biglang bumuhos ang malaking ulan. Basang-basa si Tipaklong at gutom na gutom.
Naisipan niyang pumunta kay Langgam at humingi ng tulong. Pinakain siya ni Langgam, pagkatapos ay
pinaalalahan siya na dapat matuto siyang maging masinop at mag-ipon ng para sa hinaharap,
Mula noon naging masinop at matiyaga na si Tipaklong.

1. Ano-ano ang kaibahan ng pabula sa kuwento?


2. Sino-sino ang mga tauhan sa pabula?

126
PAGSASANAY

1. Isulat ang maaring pamagat ng pabula na nasa tsart? Piliin ang titik ng tamang sagot
a. Ang Leon at ang Daga
b. Ang Baboy at ang Palaka
c. Si tipaklong at ang langgam
2. Sino-sino ang mga tauhan sa pabula?
PAGLALAPAT

Alamin kung ang pamagat ng kwento ay MAKATUTUHANAN O HINDI. Isulat ito sa papel.

1. Si LANGGAM at si TIPAKLONG
2. JACK at si JILL
3. Si BIBOY

TANDAAN

Ating palaging tandaan ang pagpapasalamat nino man sa tulong naibinigay, huwag natin itong
kaligtaang sabihin.

PAGTATAYA
Pagsubok ng Kaalaman

Gawain 5

Ayusin ng may wastong pagkakasunod-sunod ang mga pangyayari ayon sa napakinggang pabula.Lagyan ng
bilang1,2,3,4 ang patlang.

_____Mainit ang araw noon ,pagod na pagod si kuneho habang tumatawid sa tulay naka bitiw ito sa lubid at
nahulog.
_____Sumigaw ito at na dinig ni Leon kaya tinulongan itong makababa.
_____May isang kunehong nakatira sa gubat malayo sa kanyang kapatid.
_____Naisipan niyang pumunta sa kanyang kapatid gunit kailangan niyang dumaan sa tulay na lubid.

127
Sesyon 27

Sabjek: Filipino Baitang: 2


Petsa: Seksyon: 27
Pamantayang Pangnilalaman: Naisasagawa ang mapnuring pagbasa upang mapalawak ang
talasalitaan
Pamantayang sa Pagganap:
Kompetensi: F2PT-Ia-h-1.5
Nakagagamit ng mga pahiwatig upang malaman ang kahulugan
ng ,mga salita sa paggamit ng mga palatandaang nagbibigay ngn
kahulugan (contaxt clues)- kasalungat

I. LAYUNIN Nakalilikha ng mga pangungusap sa tulong ng mga palatandaang


a. Kaalaman nagbibigay kahulugan

b. Saykomotor: Nakasisipi ng mga salitang magkasingkahulugan at


nagkasalungat

c. Apektiv: Nakapagbibigay ng mga salitang magkasalungat at


magkasingkahulugan
May kasiyahang sumusunod sa panuto ng guro.

II. PAKSANG ARALIN


A. PAKSA Kwento: Sina Jack at Jill
Salitang magkasalungat

B. SANGGUNIAN Ang bagong batang Pilipino 2 LM pp. 23 – 206


TG pp. 80 – 81, m pp. 203 – 205
C. KAGAMITANG Tsart, plaskard, larawan, caterpillar organizer
PAMPAGTUTURO

III. PAMAMARAAN
A. PAGHAHANDA
Pangmotibeysyunal na Tanong: Naranasan nyo na bang nakakita ng kambal? Magkapariha ba
ang ugali nila? Bakit?

Aktiviti/Gawain Magpagawa ng isang malaking bilog ang bawat bata pasusulatan


ito ng isang salita at ibibigay sa tapat nitoang kasalungat na
salita.

Pagtatalakay sa gawaing natapos.


Magtanong sa bata kung ano ang kanilang ugali/katangian na
katulada/kakaiba sa kapatid.
B. PAGLALAHAD (20 mins.) Magtanong:
Abstraksyon Ano ang ugali/katangian mo na katulad/kaiba sa iyong kapatid?
(Pamamaraan ng Pagtatalakay) Nagkakasundo ba kayo sa mga bagay na magkaiba o
magkapareho kayo?Bakit?Bakit hindi?
Ipabasa ang kwento sa “Basahin Natin” sa LM,pahina 203.
C. PAGSASANAY Sagutin ang linangin natin sa LM, pahina 206
Mga Paglilinang na Gawain

128
D. PAGLALAPAT Pasagutan ang “GAWIN NATIN” at “SANAYIN NATIN” sa
Aplikasyon LM pahina 205
E. PAGLALAHAT Ipabasa ang nasa lahad sa TANDAAN at pag usapan ito sa
Generalisasyon pahina 206
IV. PAGTATAYA Sagutin ang nasa LINANGIN NATIN sa pahina 206
V. Takdang Aralin Sagutin ang SULATIN NATIN sa LM, pahina 206
_____________________________________________________________
__________________________________________________________________
Tugon
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

_____________________________________________________________
__________________________________________________________________
Pagninilay-nilay
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

129
Sesyon 27

TUKLASIN
Sa araw na ito papag-aralan natin ang tungkol sa pagkakaiba o kasalungat ng magkakapatid
na kambal.
Hindi lahat ng tao’y may magkaparihang ugali’t damdamin.

MOTIBEYSYUNAL NA TANONG
Naranasan nyo na bang makakita ng kambal? Magkapareha ba ang ugali nila? Bakit?

Gawain 1
Pangkatang Gawain
-Gumawa kayo ng isang malaking bilog
-Sulatan nyo ng isang salita sa loob nito at sa tapat ng bilog isulat ang kasalungat nito
-Iuulat ang mga nagawang kasagutan ng pangkatan

Gawain 2
Ilarawan mo ang ugali ng iyong kaklase o kakilalang kambal?
Isulat sa loob ng tsart ang inyong sagot

Kambal A Kambal B

Ano ang kanilang kaibahan o kaparehong ugali?

ALAM MO BA NA…

Ang mga salita ay mayroon din kaparehang kahulugan at kasalungat.


Katulad din ito sa magkakambal sa ating pag-aralang kuwento ngayon.

*Babasahin ko ngayon sa inyo ang kwento ng dalawang magkakambal na kaibigan


*Makikinig kayo at pagkatapos sasagutin natin ang mga tanong

Sina Jack at Jill ay kambal ngunit lagi silang magkaiba sa damdamin at Gawain.

Sina Juan at Juana ay kambal din ngunit magkapareho sila sa damdamin at gawain. Kung ano ang nais gawin
ni Juan, ganoon din ang gusto ni Juana. Kung malakas ang boses ni Jack, mahina naman ang kay Jill. Si Juan ay
matangkad at si Juana ay mataas din. Si Jack ay mataas ngunit si Jill ay maliit. Isang araw, naglaro ang dalawang
pares ng kambal. Nanalo sa paligsahan sina Juan at Juana, Malungkot si Jill ngunit maligaya pa rin si Jack. Sa kabila
ng pagkatalo, kinamayan pa rin nina Jack at Jill sina Juan at Juana.

Si Juan naman ay tuwang-tuwa at si Juana ay masayang-masaya rin. Maya-maya ay tinawag na sila ng kani-
kanilang magulang.

130
GAWAIN 3
1. Ano ang pamagat ng kwento?
2. Sino ang kakambal ni Juan? Jill?
3. Sino ang magkakambal na may magkatulad ang katangian/may magkaibang katangian?
4.. Ano ang kani-kanilang kaibahan? Kapareho?

GAWAIN 4
Isulat sa patlang ang MS kung magkasingkahulugan at MK kung magkasalungat ang pares ng mga salita.
____1. mataas-mababa
____2. tahimik-payapa
____3. maulan-maaraw
____4. sigaw-hiyaw
____5. tulak-hila

PAGLALAPAT
Hanapin ang mga salitang magkasingkahulugan sa bawat pangungusap. Isulat ito sa sagutang papel.
1. Ang marikit na dalaga ay may magandang buhok
2. Si Ana ay mataba at si Eva ay malusog naman..
3. Si Joel ay mahusay umawit. Si Ramon naman ay magaling sumayaw.

TANDAAN

Ang mga salita ay maaring magkasingkahulugan o magkasalungat.


Magkasingkahulugan ang mga salita kung magkatulad o magkapareho ang kahulugan nito.
Magkasalungat naman ang mga salita kung magkaiba o magkabaliktad ang kanilang kahulugan.

PAGTATAYA
Pagsubok ng kaalaman

Basahin ang pares ng mga salita. Isulat ang MK kung magkasingkahulugan at MS kung
magkasalungat ang kahulugan nila.
____1. Tamad-Masipag
____2. Dukha-Mahirap
____3. Mayaman-Mapera
____4. Magaan-Mabigat
____5. Luntian-Berde

TAKDANG ARALIN
GAWAIN 5

Isulat ang mga maliit na letra sa paraang pakabit –kabit na may tamang laki at layo ang
mga titik.

131
Sesyon 28

Sabjek: Filipino Baitang: 2


Petsa: Seksyon: 28
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN: Naisasagawa ang mapanuring pagbasa upang mapalawak ang
talasalitaan
PAMANTAYANG PAGGANAP:
KOMPETENSI: F2PB-Ih-6
Nagpag-ugnay ang sanhi at bunga ng mga pangyayari sa
binasang talata
I. LAYUNIN
A. KAALAMAN Natutukoy ng mabuti kung alin ang sanhi o bunga ng
napakinggang teksto
B. SAYKOMOTOR Nakapag-uugnay ng sanhi at bunga ng mga pangyayari sa teksto

C. APEKTIV Napapahalagahan ang produkto na gawa sa ating bansa

II. PAKSANG ARALIN


A. PAKSA Sanhi at Bunga
B. SANGGUNIAN Ang Bagong Batang Pinoy TG. pp. 129-130, LM p. 343-346
C. KAGAMITANG Semantic web ,plaskard ,tsart
PAMPAGTURO
III. PAMAMARAAN
A. PAGHAHANDA Ano kaya ang maaring mangyayari sa batang ito pagkatapos
PANGMOTIBEYSYUNAL niyang makapag-aral?
NA TANONG
Pagbabahagi ng mag-aaral sa natapos na gawain
AKTIVITI/GAWAIN Pagpakitang- dula ng dalawang mag-aaral(pagtitipid ng subrang
baong pera)
Mag-aaral A;Gastador
Mag-aaral B;Matipid
B. PAGLALAHAD 1. Basahing muli ang kwento ni Aling Sonia.
ABSTRAKSYON 2. Pasagutan ang “Sagutin Natin” sa LM p. 343
(PAMAMARAAN NG 3. Pagtukoy sa suliranin na nabasa
PAGTATALAKAY) 4. Ipasulat sa tsart ang sanhi at bunga ng suliranin
(20 minutos) 5. Pagpapahalaga sa pagtipid ng pera
C. PAGSASANAY Pasagutan ang “Gawin Natin” sa LM
MGA PAGLILINANG NA p. 344
GAWAIN Pagkilala o pagtukoy sa sanhi o bunga (tsart)
D. PAGLALAPAT Pasagutan ang “Sanayin Natin” sa LM p.345
APLIKASYON • Kilalanin ang nagpapakita ng sanhi/bunga
• Ilarawan ang nagpapakita ng sanhi/bunga
E. PAGLALAHAT Basahin ang LM p.345
GENERALISASYON “Tandaan Natin”
IV. PAGTATAYA Magsangguni sa LM p.346
“Linangin Natin”
V. TAKDANG ARALIN Pag-aralan ang leksyon

132
_____________________________________________________________
__________________________________________________________________
Tugon
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

_____________________________________________________________
__________________________________________________________________
Pagninilay-nilay
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

133
Sesyon 28

TUKLASIN

Ang pagiging matipid sa anumang bagay ay malaking biyaya.

MOTIBEYSYUNAL NA TANONG

Ano kaya ang maaring mangyayari sa batang ito pagkatapos niyang makapag-aral?
Pagbabahagi ng mag-aaral sa natapos na gawain:

Gawain 1

Pagpakitang- dula ng dalawang mag-aaral(pagtitipid ng subrang baong pera)


Mag-aaral A; Gastador (larawan ng gastador na bata)
Mag-aaral B; Matipid (larawan ng matipid na bata)

ALAM MO BA NA….
Basahing muli ang kuwento ni Aling Sonia.

Ang Pamimili ni Aling Sonia

Malapit na ang araw ng Pasko. Abala


si Aling Sonia sa pag-aayos ng kaniyang listahan
ng mga bibilhin para sa mga anak. Kasama niya si
Bing nang pumunta sa Divisoria. Bumili siya ng
dalawang t-shirt at dalawang pantalon para sa
mga anak na lalaki. Isang bestida naman para sa
anak na babae at limang pares ng sapatos.
Pinagkakasya niyang mabuti ang
kaniyang dalang pera. Pinipili niya ang mga gawa
sa ating bansa dahil naniniwala siya na
magaganda at matitibay ang mga ito.
Masayang umuwi si Aling Sonia. Nabili
niyang lahat ang nasa listahan.

PAGSUSURI
Gawain 2

Pasagutan ang “Sagutin Natin” sa LM p. 343


• Sino ang nagpunta sa Divisoria?
• Ano-ano ang pinamili ni Aling Sonia?
• Ano ang dahilan kung bakit nagbabadyet si Aling Sonia?
• Tama bang ibadyet ang pera? Bakit?
• Ano-ano ang pinamili ni Aling Sonia?
• Ano ang pamantayan niya sa pagpili niya ng kaniyang bibilhin?
• Tama ba ang ginawa niya?
• Paano mo siya tutularan?

134
Gawain 3

Pagtukoy sa suliranin na nabasa


Ipasulat sa tsart ang sanhi at bunga ng suliranin
Pagpapahalaga sa pagtipid ng pera.

Isang paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa ating bansa ay ang pagbili ng produktong gawa rito.
Pagtangkilik sa sariling atin.

PAGSASANAY
Gawain 4

Pasagutan ang “Gawin Natin” sa LM p. 344.


Pagkilala o pagtukoy sa sanhi o bunga (tsart)
Ibigay ang sariling hinuha .

Nagpunta ang mag-inang sina Aling Lita at Letty sa groseri. Punong-puno ng tao ang groseri dahil sa
maraming namimili. Biglang nagulat ang mag-ina! May nakita silang tumatakbo habang ang matandang babae ay
humihiyaw, “Ang pitaka ko!”

PAGLALAPAT
Pasagutan ang “Sanayin Natin” sa LM p.345

• Kilalanin ang nagpapakita ng sanhi/bunga


• Ilarawan ang nagpapakita ng sanhi/bunga

Ibigay ang sariling hinuha sa sumusunod na sitwasyon.

Unang Pangkat – Nakakita ng puno ng bayabas ang mga bata. Marami itong bunga. Dali-daling nag-akyatan ang
mga bata. Tuwang-tuwa silang nanguha at kumain ng mga bayabas. Maya-maya ay bigla silang natakot at
nagtakbuhan palayo.

Ikalawang Pangkat – Naglalaro ng basketbol ang mga anak ni Gng. Navarro. Pinatitigil sila ng kanilang kuya ngunit
tuloy pa rin sila sa paglalaro. Bigla na lang silang natakot nang tamaan ng bola ang babasaging plorera sa
sala.

Ikatlong Pangkat – Magkaibigang matalik sina Aida at Irene. Palagi silang magkasama sa pagpasok sa paaralan at sa
paglalaro. Isang araw, dumating na umiiyak si Aida sa bahay nina Irene. Ibinalita nito na paalis na ang
pamilya nila. Sa Davao na sila maninirahan.

Ikaapat na Pangkat – Isang araw, pupunta sa palengke si Dory. Inuutusan siya ng nanay na bumili ng mga kailangan
sa bahay. Sa kaniyang paglalakad, nakita niya ang mga kaibigan na naglalaro. Tinawag nila si Dory at
inanyayahang sumali sa laro.

TANDAAN
Basahin ang LM p. 345 “Tandaan Natin”

Ang pagbibigay ng hinuha ay pagbibigay ng maaaring kalabasan ng isang


pangyayari.

135
PAGTATAYA
Pagsubok ng Kaalaman

Magsangguni sa LM p.346 “Linangin Natin”


Basahin ang talata at isulat sa sagutang papel ang hinuha sa sitwasyon.

Ang mag-asawang Aling Elena at Mang Teddy ay nagpunta sa mall. Bumili sila ng dalawang laruan at
sapatos para sa mga anak. Nang makauwi sa bahay, nakita nilang sapatos lamang ang laman ng kanilang bag.

TAKDANG ARALIN
Gawain 5

Pag-aralan ang leksyon.

136
Sesyon 29

Sabjek: Filipino 2 Baitang:


Petsa: Seksyon: 29
Pamantayang Pangnilalaman: Nagkakaroon ng papaunlad na kasanayan sa wasto at maayos na
pagsulat
Pamantayang sa Pagganap:
Kompetensi: F2KM-Ih-1.2
Naisusulat nang may wastong baybay at bantas ang mga salitang
ididikta ng guro
I. LAYUNIN Nakikilala ang mga salitang may wastong baybay, bantas o
a. Kaalaman salitang idinikta ng guro
b. Saykomotor: Naisusulat ng wastong baybay ang salitang mali
c. Apektiv: Nakasusunod sa wastong pagkakasulat ng mga salita ng may
kasiyahan
II. PAKSANG ARALIN
A. PAKSA Pagsusulat ng may Wastong Baybay at Bantas
B. SANGGUNIAN LM, pp.125-127
C. KAGAMITANG Plaskard
PAMPAGTUTURO
III. PAMAMARAAN
A. PAGHAHANDA Alin sa mga salita ang maling pagkakasulat?
Pangmotibeysyunal na Tanong:
Kambbal batta puno rigalo

Aktiviti/Gawain -Iwasto natin ang mga salitang may maling baybay


-Babasahin ng buong klase
-Gamitin sa pangungusap ang bawat salita.
B. PAGLALAHAD (20 mins.) -Basahing muli ang “Ang Kambal’ LM pp. 123-124
Abstraksyon -Pasagutan ang “Sagutin Natin” LM, pp. 126-127
(Pamamaraan ng Pagtatalakay) -Ipabasa ang mga salita sa mag-aaral at kilalanin kung alin ang
may maling pagbabaybay
-Iwasto ang mga salitang mali ang pagkakabaybay
C. PAGSASANAY Pangkatang Gawain
Mga Paglilinang na Gawain -Ipagawa sa mga bata ang “Gawin Natin” LM p 127
D. PAGLALAPAT Ipasagot ang “Sanayin Natin” LM, p. 128
Aplikasyon
E. PAGLALAHAT Ipabasa ang “Tandaaan Natin” LM, p. 128
Generalisasyon
IV. PAGTATAYA Ipasagot ang “Linangin Natin” LM, pp. 128-129.

V. Takdang Aralin Ipasipi sa kwaderno ang “Sulatin Natin” LM, p. 129

_____________________________________________________________
__________________________________________________________________
Tugon
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

137
_____________________________________________________________
__________________________________________________________________
Pagninilay-nilay
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

138
Sesyon 29

TUKLASIN

Sa bawat pagkakamali kailangan iwasto agad upang hindi ito habang buhay manatiling
mali.

Pag-aralan natin ngayon kung paano babaybayin ng tama ang mga salita ilan man ang
bilang ng pantig na mabubuo.

MOTIBEYSYUNAL NA TANONG
Alin sa mga salita ang maling pagkakasulat?
Kambbal batta puno rigalo

Gawain 1
-Iwasto natin ang mga salitang may maling baybay
-Babasahin ng buong klase
-Gamitin sa pangungusap ang bawat salita.

ALAM MO BA NA….
-Basahing muli ang “Ang Kambal’ LM pp. 123-124

Ang Kambal

Sina Dindo at Dante ay kambal ngunit magkaiba ang


kanilang ugali. Mabait at masayahin si Dindo samantalang si
Dante naman ay matampuhin.
Malapit na ang kanilang kaarawan. Humiling si Dante
ng regalo sa ama.
“Itay, gusto ko po ng robot na laruan sa aking
kaarawan,” sabi ni Dante.
“Naku, anak, wala akong sapat na pera para ibili ka ng
ganoon. Mamasyal na lang tayo at kumain sa labas,” sagot ng
ama.
“Opo, Itay, maganda iyon,” sang-ayon ni Dindo.
Sumama ang loob ni Dante dahil sa sinabi ng ama.
Naging malungkutin si Dante hanggang sa dumating ang araw ng kanilang kaarawan.
“Huwag ka nang malungkot, Dante,” pang-aalo ni Dindo. Narito na ang regalong gusto mo. Ibinili kita galing
sa naipon kong pera.”

PAGSUSURI
Gawaing 2

Pasagutan ang “Sagutin Natin” LM, pp. 126-127

• Ano ang pagkakaiba ng kambal?


• Bakit sumama ang loob ni Dante sa ama? Tama ba ito?
• Ano kaya ang naramdaman ni Dante nang bigyan siya ng regalo ng kakambal?
• Kung ikaw si Dindo, bibigyan mo ba ng regalo ang iyong kapatid?
• Sino sa kambal ang gusto mo? Bakit?
• Kung ikaw ang may kaarawan, hihiling ka rin ba ng regalo sa iyong mga magulang? Bakit? Ano ang
hihilingin mo?

139
Gawain 3

-Ipabasa ang mga salita sa mag-aaral at kilalanin kung alin ang may maling pagbabaybay
-Iwasto ang mga salitang mali ang pagkakabaybay

PAGSASANAY
Gawain 4

Pangkatang Gawain
-Ipagawa sa mga bata ang “Gawin Natin” LM p.127

Basahin at hanapin ang salitang nagpamali sa pangungusap. Isulat ang tamang pangungusap sa sagutang
papel.

1. Antigo ang plurera sa mesa.


2. Tumaas na naman ang prisyo ng bilihin.
3. Maraming toroso ang tinangay ng baha.
4. Ang poroblema sa basura ay mababawasan kung magtutulungan.
5. Mabigat ang daloy ng trapiko sa kalasda.

PAGLALAPAT
Ipasagot ang “Sanayin Natin” LM, p. 128

Hanapin sa kahon ang wastong baybay ng mga salitang mali ang pagkakabaybay sa pangungusap.

bloke blusa dragon


plorera preso produkto

1. Nakalaya na ang presu sa kulungan.


2. Nasa ibabaw ng mesa ang makulay na plurira.
3. Dalawang bluke ang layo ng sunog sa aming bahay.
4. Totoo bang may dragun sa Pilipinas?
5. Pinya ang prudukto ng Bukidnon?

TANDAAN
Ipabasa ang “Tandaaan Natin” LM, p. 128

Ang mga salitang mali ang pagkakabaybay ay matutukoy sa pamamagitan ng mga tunog na
bumubuo sa isang salita.

140
PAGTATAYA
Pagsubok ng kaalaman
Ipasagot ang “Linangin Natin” LM, pp. 128-129.

Isulat ang mga salitang mali ang baybay.

1. Mahal ang kuwentas na ginto.


2. Gamitin mong pangkulay ang krayula.
3. Ang kuwartu ko ay malaki.
4. Kumakain ka ba ng protas?
5. May goroto sila sa hardin.

TAKDANG ARALIN
Gawaing 5
Ipasipi sa kwaderno ang “Sulatin Natin” LM, p. 129

A. Pag-aralang sulatin ang mga letra na l, t, h, k, b, at d sa pamamagitan ng pagsunod sa mga


bilang ng pagkakasulat ng bawat letra.

B. Magsanay sumulat ng mga maliliit na letra.

141
Sesyon 30

Sabjek: Filipino Baitang: 2


Petsa: Seksyon:
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN: Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-
unawa sa napakinggan
PAMANTAYANG PAGGANAP:
KOMPETENSI: F2EP-Ih-3
Natutukoy ang mga bahagi ng aklat at ang kahalagahan ng
bawat isa
-talaan ng nilalaman
-indeks
-may-akada
-tagaguhit
I. LAYUNIN
A. KAALAMAN Natutukoy ang mga bahagi ng aklat
B. SAYKOMOTOR Naisusulat ng maayos ang mga maliit na letra gaya ng e, v, x,
c, a, o, n, ng
C. APEKTIV Nakakasali sa mga Gawain sa loob ng silid aralan
II. PAKSANG ARALIN
A. PAKSA Bahagi ng Aklat
B. SANGGUNIAN Filipino TG p. 39-40, LM, Curriculum Guide
C. KAGAMITANG PAMPAGTURO Plaskard,tsart

III. PAMAMARAAN
A. PAGHAHANDA Magpakita ng isang aklat.
a. PANGMOTIBEYSYUNAL Ipakita ang ilang bahagi nito at itanong sa mga bata ang tawag
NA TANONG: dito
b. AKTIVITI/GAWAIN 1. Tanungin ang mga bata kung ano ang paborito nilang aklat
2. Hayaang magbahagi ang mga bata tungkol sa paborito
nilang aklat
3. Ipabasa ang “Basahin Natin” sa LM p. 94-95
B. PAGLALAHAD Pasagutan ang "Sagutin Natin” sa LM p. 95
ABSTRAKSYON Anu-ano ang bahagi ng aklat?
(PAMAMARAAN NG Basahin ang “Tandaan Natin” sa LM
PAGTATALAKAY)
C. PAGSASANAY Pasagutan ang “Pahalagahan Natin” LM p.95
MGA PAGLILINANG NA
GAWAIN
D. PAGLALAPAT 1. Ipakita sa mga bata kung paano isulat ang e, v, x, c, a, o, n,
APLIKASYON m, ň, ng (Isa-isang letra muna)
2. Bilangan habang ginagawa ito upang mas masundan ng mga
bata
3. Ipasulat ito sa hangin/ sa palad/ sa likod ng kakalase
4. Ipabakat ito sa pisara
5. Paulatin nito ang mga bata sa sulatang papel
E. PAGLALAHAT Pasagutan ang “Gawin Natin” sa LM p. 96
GENERALISASYON
IV. PAGTATAYA Ipasagot ang “Linangin Natin” sa LM. p. 97
V. TAKDANG ARALIN “Sanayin Natin” LM p. 96

142
_____________________________________________________________
__________________________________________________________________
Tugon
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

_____________________________________________________________
__________________________________________________________________
Pagninilay-nilay
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

143
SESYON 30

TUKLASIN

Maraming tao ang mahilig magbasa ng aklat ngunit kunti lang ang may-alam kung ano ang mga
bahagi ng aklat.

MOTIBEYSYUNAL NA TANONG

Magpakita ng isang aklat.


Ipakita ang ilang bahagi nito at itanong sa mga bata ang tawag dito.

Gawain 1

Tanungin ang mga bata kung ano ang paborito nilang aklat.
Hayaang magbahagi ang mga bata tungkol sa paborito nilang aklat.

Gawain 2

Ipabasa ang “Basahin Natin” sa LM p. 94-95

ALAM MO BA NA …
Basahin ang dayalogo.

Hango sa Ang Bagong Batang Pinoy Filipino 2

Nanay: Bakit kanina ka pa hindi mapakali sa pagkaka upo?


Kiko: Kasi po inay, hindi ko makita ang takdang-aralin na pinapahanap ng guro ko.
Nanay : Ano ba ang iyong takdang-aralin?
Kiko: Mga bahagi po ng aklat.
Nanay: Madali lamang iyan. Anong pahina ba ang sinabi ng iyong guro? Doon ka lamang tumingin anak.
Kiko: Pahina 20 po.
Nanay: Sige at buksan natin. Heto anak, nakikita ko na. Pabalat – pinakatakip ng aklat.
Nilalaman – makikita ang paksa at pahina ng bawat aralin.
Katawan ng Aklat – makikita ang buong aralin at mga pagsasanay.
Talahulugan o Glossary – naglalaman 95 ng mga kahulugan.
Indeks – Paalpabetong talaan ng mga paksa o nilalaman ng aklat.
Kiko: Salamat, Nanay. Kay bait mo talaga!

144
PAGSUSURI
Gawain 3
Sagutin Natin:

1. Bakit hindi mapakali si Kiko?


2. Ano ang kaniyang takdang-aralin?
3. Paano siya tinulungan ng kaniyang nanay?
4. Kung ikaw si Kiko, hihingi ka rin ba ng tulong sa iyong nanay sa paggawa ng takdang aralin?
5. Ano-anong bahagi ng aklat ang nabanggit sa diyalogo?
6. Bakit mahalaga ang bawat bahagi nito?

PAGSASANAY
Gawain 4
Itanong:

Ipakita ang mga bahagi ng aklat sa pamamagitan ng paggamit ng tunay na aklat.


Ano ang makikita sa pabalat?
Saan makikita ang mga talaan o listahan ng mga mababasa sa aklat?
Ano ang talahuluganan o glossary sa aklat?

PAGLALAPAT
Sanayin Natin:

Humanap ng kapareha. Kumuha ng isang aklat.


Sumulat ng isang halimbawa ng bahagi ng aklat na hinihingi ng bawat bilang.

1. Pabalat ng Aklat
2. Aralin at Pahina
3. Kuwento
4. Salita at Kahulugan
5. Indeks

TANDAAN
Ang aklat ay may iba’t ibang bahagi. Mahalagang makilala ang iba’t ibang bahagi ng aklat
upang ito ay magamit nang wasto.

1. Pabalat – Ito ang matigas na bahagi at pinakatakip o damit ng aklat. Mababasa rito ang pangalan ng
aklat, may-akda, at tagapaglimbag.
2. Talaan ng Nilalaman – Dito makikita ang pahina ng bawat aralin.
3. Katawan ng Aklat – Dito mababasa ang mga aralin at mga pagsasanay.
4. Talahuluganan o Glossary – Ito ay talaan ng mga salitang binigyan ng kahulugan.
5. Indeks – Ito ang paalpabetong talaan ng mga paksa o nilalaman ng aklat.

145
PAGTATAYA
Pagsubok ng kaalaman
Piliin sa loob ng panaklong ang tinutukoy sa bawat bilang. Isulat sa kuwaderno ang iyong sagot.

1. Pinakatakip o damit ng aklat


(Pabalat, Talahuluganan)
2. Mababasa rito ang mga kuwento, aralin, at pagsasanay.
(Talaan ng Nilalaman, Katawan ng Aklat)
3. Dito mababasa ang kahulugan ng mga salitang maunawaan.
(Talahuluganan, Talaan ng Nilalaman)
4. Dito makikita ang paksang aralin at pahina nito.
(Indeks, Talaan ng Nilalaman)
5. Paalpabetong talaan ng mga paksa
(Pabalat, Indeks)

TAKDANG ARALIN
GAWAIN 5

Magsanay sumulat ng mga maliliit na letra na may kurba. Sundan ang modelo sa
ibaba.

146
Sesyon 31

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-


unawa sa napakinggan
Pamantayang sa Pagganap:
Kompetensi: F2PN-Ii-j-12.1
Nailalarawan ang mga tauhan sa napakinggang teksto batay sa
kilos at damdamin
I. LAYUNIN Nakapagbibigay ng wastong paksa o nilalaman ng pabulang
a. Kaalaman napakinggan
b. Saykomotor: Nakasisipi ng wastong paksa o nilalaman ng pabulang
napakinggan
c. Apektiv: Nakalilikha ng paksa o nilalaman ng pabulang napakinggan
II. PAKSANG ARALIN
A. PAKSA Pagbibigay ng paksa o nilalaman ng pabulang napakinggan
B. SANGGUNIAN LM pp. 131 & 216
C. KAGAMITANG Larawan, kartolina, pentel pen, chart, at tape
PAMPAGTUTURO
III. PAMAMARAAN
A. PAGHAHANDA
Pangmotibeysyunal na Tanong: Nakapunta na ba kayo sa isang zoo? Anu ano ang mga hayop na
inyong makikita doon? Paano sila kumilos?

Aktiviti/Gawain Pagbabasa ng guro sa pabula habang ang


mga bata ay nakikinig.

B. PAGLALAHAD (20 mins.)


Abstraksyon Pagpapakita ng larawang ng pagong at hantik.
(Pamamaraan ng Pagtatalakay) Ano kaya ang kanilang katanggian?
Ano kaya ang magagawa ng mga ito?
Sino kaya sa kanila ang may mabuting ugali?
Pagbabasa muli ng pabula.

Isalaysay muli ang napakinggang pabula


gamit ang graphic organizer

C. PAGSASANAY Sagutin ang tanong?


Mga Paglilinang na Gawain Ano kaya ang paksa sa binasang pabula?
D. PAGLALAPAT Magbigay ng angkop na pamagat sa bawat maikling kwento
Aplikasyon
E. PAGLALAHAT Paano mabibigyan ng pamagat ang nabasa/napakinggang teksto?
Generalisasyon Mahalaga ba ang pamagat ng babasahing kwento?
IV. PAGTATAYA Ibigay ang pamagat ng maikling kwento?
Magandang kaugalian nating mga Pilipino ang pag-aalala sa
kapwa. Ibinabahagi natin ang anumang bagay na mayroon tayo sa
ating mga kapatid, kaibigan at kapitbahay.
V. Takdang Aralin Basahin ang kuwento tungkol kay Kuneho at Leon
LP p. 246

147
_____________________________________________________________
__________________________________________________________________
Tugon
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

_____________________________________________________________
__________________________________________________________________
Pagninilay-nilay
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

148
Sesyon 31

TUKLASIN

Igalang ang kapwa at pahalagahan ang iba pang nilikha ng Diyos. Matutong pagsisihan ang
pagkakamaling nagawa sa kanila.

MOTIBEYSYUNAL NA TANONG

Nakapunta na ba kayo sa isang zoo?


Ano-ano ang mga hayop na inyong makikita doon?
Paano sila kumilos?

Gawain 1
May alaga ka bang hayop?
Paano mo ito alagaan?
Pagbabahagi ng sariling karanasan tungkol sa alagang hayop.

Gawain 2
Pagbabasa ng guro sa pabula habang ang mga bata ay nakikinig.

ALAM MO BA NA…

Ang Palalong Loro at si Askal

Magkaiba ang karanasan nina Loro at Askal. Si Loro ay


alagang-alaga ng kaniyang amo.
Inaayusan at pinakakain siya ng amo. Maraming natutuwa sa
kaniya at ibig humawak sa kabila ng palalo niyang bibig. Si Askal ay
walang nagpapaligo kaya galisin. Wala siyang amo kaya siya ay
palaboy sa lansangan. Siya ay madalas sinisipa at pinandidirihan ng
mga tao kaya lalong naging kawawa.
Minsan, namasyal ang mag-amo. Nakita niya si Askal. “Ew!
Kadiri! Maligo ka nga! Ang baho mo!” sigaw ni Loro kay Askal.
Siniraan pa niya si Askal sa ibang mga hayop na nagdaraan. Hindi siya
pinansin ni Askal. Bagkus, tuloy
lamang ito sa pagkakalkal ng basura dahil sa gutom.
Isang araw, nakita ng pusa si Loro at gustong kagatin.
Tinangkang lumaban ni Loro sa pusa ngunit mas malaki ito sa kaniya. Sinakmal siya ng pusa at iwinasiwas sa kalye.
“Aray ko! Masisira ang maganda kong balahibo!” sigaw ni Loro. Mula sa isang dako ay biglang sumaklolo si Askal
kay Loro. “Aray ko! Kawawa naman ang balahibo ko. Salamat sa’yo,mabantot at galising aso,” wika ni Loro.
“Nagpasalamat nga, nanlait naman!”naiinis na wika ni Askal sabay alis.
Bumalik ang galit na galit na pusa.Kinagat niya muli si Loro sa leeg,katawan,
at sa buntot. Wala siyang nagawa kundi ang sumigaw hanggang sa mawalan ng malay.
Hindi matiis ni Askal si Loro kaya iniligtas niya ito sa kamay ng kamatayan.
Binantayan ni Askal si Loro hanggang magkamalay. Dinala niya ito sa tapat
ng bahay ng kaniyang amo. Pinagsisihan ni Loro ang mga nagawa niya kay Askal
atlabis-labis ang pasasalamat niya kay Askal.

149
PAGSUSURI
Gawain 3

1. Ano-ano ang pagkakaiba ng karanasan nina Loro at Askal?


2. Ano ang katangian ni Loro?Ni Askal?Ng pusa?
3. Ano naman ang naramdaman mo sa inasal ng bawat isa sa kuwento?
4. Ang natutuhan mo sa binasa?
5. Paano mo ipakikita ang paggalang?
6. Sino-sino ang dapat nating igalang?
7. Makatotohanan ba ang binasa mo?

PAGSASANAY
Gawain 4
Sagutin ang tanong:

Ano kaya ang paksa sa binasang pabula?

PAGLALAPAT
Ibigay ang paksa ng sumusunod na talata:

Ang magkapatid na Roel at Joel ay masayang nagtungo sa tabing dagat. Mainit ang araw noon.Gumawa sila
ng maliit na kastilyong buhangin.
Nanguha sila ng mga kabibe na iba’t-iba ang laki, kulay at hugis.Ganoon na lang ang gulat nila nang biglang
lumaki ang alon.Kumaripas sila ng takbo.

TANDAAN

Paano mabibigyan ng pamagat ang nabasa/napakinggang teksto?


Nakatutulong ang pagbibigay ng pangunahing ideya upang maintindihan ang nilalaman ng
narinig o binasa. Ang pangunahing ideya ay maaaring matagpuan ang pamagat, sa unahan, gitna,
at huling bahagi ng teksto.

PAGTATAYA
Pagsubok ng kaalaman

Ibigay ang pamagat ng maikling kwento:

1. Magandang kaugalian nating mga Pilipino ang pagaalalaa sa kapwa. Ibinabahagi natin ang anumang bagay na
mayroon tayo sa ating mga kapatid, kaibigan at kapitbahay.
2. Masaya ang mag-anak kapag lahat ay sama-sama. Sa anumang problema ay nagkakaisang lulutasin.

TAKDANG ARALIN
Gawain 5

Maghanap ng isang kuwentong pabula.

150
Sesyon 32

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN: Naipamamalas ang iba’t-ibang kasanayan upang maunawaan ang


iba’t-ibang kasanayan upang maunawaan ang iba’t-ibang teksto
PAMANTAYANG PAGGANAP: Nakikinig at nakatutugon ng angkop at wasto
KOMPETENSI: F2WG-Ii-3
Nagagamit ang mga salitang pamalit sa ngalan ng tao tayo, kayo,
sila
VI. LAYUNIN
A. KAALAMAN Natutukoy ang panghalip panao sa pangungusap
B. SAYKOMOTOR Nagagamit ang panghalip panao bilang pangngalan
C. APEKTIV Naisasagawa ang aralin ng may kasiglahan
VII. PAKSANG ARALIN
A. PAKSA Paggamit ng Panghalip Panao
B. SANGGUNIAN Filipino TG & LM pp. 163-164, Curriculum Guide
C. KAGAMITANG Tsart ng “Kami sa Pamayanan”
PAMPAGTURO
VIII. PAMAMARAAN
A. PAGHAHANDA Papiliin ang mga bata ng isang kaibigan
a. PANGMOTIBEYSYU Ipalarawan ito sa klase
NAL NA TANONG:
b. AKTIVITI/GAWAIN Ipa-rap ang “Kami sa Pamayanan”
Kami,kami,kami(tayo,kayo,sila)
Sa pamayanan
Maglinis-linis at Magtatanim
Magwawalis-walis upang luminis(2x)

Talakayin ang mensahe ng rap


Ipabasa “Ang Magkaibigan” LM p. 162
B. PAGLALAHAD Pasagutan ang “Sagutin Natin” LM p. 163
ABSTRAKSYON Ano ano ang pangngalan na ginagamit sa kuwento?
(PAMAMARAAN NG Paano ito pinalitan?
PAGTATALAKAY) Ano ano ang ipinalit na panghalip sa pangngalang ito?
(20 minutos) Paano ginamit ang bawat isa?
Ano ang kabutihang maidudulot ng pagtutulungan?
C. PAGSASANAY Ipagawa ang “Gawain Natin” LM p. 163
MGA PAGLILINANG NA
GAWAIN
D. PAGLALAPAT Ipagamit sa mga bata ang mga panghalip panao na
APLIKASYON kami,kayo,sila,tayo sa pangungusap
E. PAGLALAHAT Kailan ginagamit ang kami, kayo, sila at tayo?
GENERALISASYON Ipabasa ang “Tandaan Natin” LM p.164
IX. PAGTATAYA Ipagawa ang ‘Sanayin Natin” LM p. 164
X. TAKDANG ARALIN Pasagutan ang “Linangin Natin” LM p.164
_____________________________________________________________
__________________________________________________________________
Tugon
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

151
_____________________________________________________________
__________________________________________________________________
Pagninilay-nilay
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

152
SESYON 32

TUKLASIN
Anumang gawain ay nagiging magaan kung sama-sama at nagtutulungan.
Ang pagiging kaibigan ay hindi basta-basta, ito’y may espesyal na dahilan – ito ang pagbibigay ng
buo mong sarili para sa iba, dahil alam mong aalagaan nila ito at hindi pababayaan, palalaguin at
huhubugin ayon sa nararapat.

MOTIBEYSYUNAL NA TANONG

Papiliin ang mga bata ng isang kaibigan


Ipalarawan siya sa klase.

Gawain 1
I-rap ang “Kami sa Pamayanan”
Kami, kami, kami (tayo, kayo, sila) sa pamayanan (3X)
Kami sa pamayanan
Maglinis-linis at Magtanim-tanim
Magwalis-walis upang luminis (2X)

Gawain 2
Talakayin ang mensahe ng rap.

ALAM MO BA NA…

Ang Magkakaibigan

Ako at si Abet ay laging magkasama. Kami ay magkaibigan. Nagtutulungan kami sa lahat ng bagay. Sina
Romel, Rodel, at Randel ay kaibigan ko rin. Sila ay kasama ko sa paglilinis ng aming barangay. Sama-sama kami sa
pagwawalis, pagtatanim,at pamumulot ng mga kalat. Pagkatapos naming maglinis, sinasabi ko sa kanila, “Tayo nang
kumain.”
At sabay-sabay kaming kakain ng inihandang pagkain ni Nanay.
Hango sa aklat Ang Batang Bagong Pinoy 2

PAGSUSURI
Gawain 3

1. Sino sino ang magkakaibigan?


2. Ano-ang ginagawa ng magkakaibigan?
3. Ano ang sinasabi ni Abet pagkatapos nilang maglinis?
4. Ano ang tawag sa mga salitang may salungguhit sa kuwento?

PAGSASANAY
Gawain 4

1. Ano-ano ang pangngalan na ginagamit sa kuwento?


2. Paano ito pinalitan?
3. Ano-ano ang ipinalit na panghalip sa pangngalang ito?
4. Paano ginamit ang bawat isa?

153
5. Ano ang kabutihang maidudulot ng pagtutulungan?
PAGLALAPAT
Punan ng angkop na panghalip panao ang mga pangungusap.

1. Sina Danica at Lea ay magsisimba. __________________ ay magsisimba.


2. Ikaw at ang iyong ate ay maglilinis ng bahay. _____________________ ay maglilinis ng bahay.
3. Ikaw at ako ay magluluto. ___________ ay magluluto.
4. Si Beth at ako ay maghuhugas ng plato. ____________ay maghuhugas ng plato.
5. Sina Tina at Bela ay mamimili sa palengke. _______________ ay mamimili sa palengke.

TANDAAN

Ang kami, kayo, sila, at tayo ay mga panghalip panao. Ginagamit ang kami at tayo kung
tumutukoy sa taong nagsasalita at kaniyang mga kasama. Kayo naman ang ginagamit sa mga
taong kausap ng nagsasalita at sila sa mga taong pinag-uusapan.

PAGTATAYA
Pagsubok ng kaalaman

Tukuyin ang panghalip na panao na ginamit sa pangungusap.


1. Naglalaro kami ng basketbol.
2. Sila naman ay maghahanda ng pagkain.
3. Tayo ang mag-aayos ng mga plato, kutsara, tinidor, at baso.
4. Kayo naman ang magliligpit ng pinagkainan.
5. Sabay-sabay tayong aalis papuntang parke.

TAKDANG ARALIN
Gawain 5

Gamitin ang mga panghalip panao sa pangungusap.


kami kayo sila tayo

154
Sesyon 33

Sabjek: Filipino Baitang: 2


Petsa: Seksyon:
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN: Naisasagawa ang mapanuring pagbasa upang mapalawak ang
talasalitaan
PAMANTAYANG PAGGANAP:
KOMPETENSI: F2PB-Ii-1
Naiuugnay sa sariling karanasan ang nabasang teksto
I. LAYUNIN
A. KAALAMAN Naiuugnay ang sariling karanasan sa nabasang teksto
B. SAYKOMOTOR Nakapagbibigay ng sariling karanasan sa tekstong nabasa
C. APEKTIV Nakakasunod sa panuto
II. PAKSANG ARALIN
A. PAKSA Pag-uugnay ng Sariling Karanasan
B. SANGGUNIAN Ang Batang Pinoy LM pp.222-225
C. KAGAMITANG Tsart
PAMPAGTURO
III. PAMAMARAAN
A. PAGHAHANDA 1. Ano ang huli mong natanggap na regalo?
PANGMOTIBEYSYUNAL NA 2. Inasahan mo ba ito?
TANONG: 3. Ano ang nararamdaman mo ng makatanggap ng isang bagay
na hindi naman inaasahan?
AKTIVITI/GAWAIN Basahin ang kuwentong “Sorpresa kay Sophia” KM p.222
Ipagawa sa bata ang “Sagutin Natin Natin” p.223
Ilarawan si Sophia
Ano ano ang pangyayari sa kuwento?
B. PAGLALAHAD Ano ang ginawa ni Sophia sa kuwento?
ABSTRAKSYON May ganito ka rin bang karanasan?
(PAMAMARAAN NG Pagbabahagi ng mga bata ng karanasang katulad kay Sophia
PAGTATALAKAY)
(20 minutos)
C. PAGSASANAY Balikan ang kuwento
MGA PAGLILINANG NA Anong salita sa kuwento ang nangangahulugan ng paligsahan?
GAWAIN Ano pa ang ibang salita na kasingkahulugan ng paligsahan?
Ano ang maidudulot ng pagiging mabait at masunuring bata?
Ipabasa ang “Pahalagahan Natin” LM p.223
D. PAGLALAPAT Ipagawa ang “Gawin Natin” LM p. 223
APLIKASYON “Sanayin Natin” LM p. 224
E. PAGLALAHAT Ano ang natutunan mo sa aralin?
GENERALISASYON Basahin ang “Tandaan Natin” LM p.225
IV. PAGTATAYA Pasagutan ang “Subukan Natin” LM p.222
V. TAKDANG ARALIN Ipagawa ang “Linangin Natin” LM p.225
_____________________________________________________________
__________________________________________________________________
Tugon
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

155
_____________________________________________________________
__________________________________________________________________
Pagninilay-nilay
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

156
Sesyon 33

TUKLASIN

Ang kasabihang nagsasabing “Kapag bata’y mabait at masunurin tiyak na may


gantimpalang aanihin”.

Tungkol ditto ngayon ang ating aralin.

MOTIBEYSYUNAL NA TANONG

1. Ano ang huli mong natanggap na regalo?


2. Inasahan mo ba ito?
3. Ano ang nararamdaman mo ng makatanggap ng isang bagay na hindi naman inaasahan?

Gawain 1
Basahin ang kuwentong “Sorpresa kay Sophia” KM p.222

ALAM MO BA NA….

Sorpresa kay Sophia

Masayang umuwi sa kanilang tahanan si


Sophia. Pagpasok niya sa kanilang bahay ay nakita niya
ang isang bag na may disenyong pusa. Matagal na niyang
gusting magkaroon nito. Nakita siya ng kaniyang nanay
at sinabing “Para sa iyo iyan, anak, dahil nanalo ka sa
patimpalak at nag-uwi ng bronseng medalya.” Sobrang
natuwa si Sophia. Inilapag niya ang kaniyang dalang
libro, niyakap ang ina, at nagpasalamat.

PAGSUSURI
Gawain 2
Ipagawa sa bata ang “Sagutin Natin Natin” p. 223. Ilarawan si Sophia. Ano-ano ang
pangyayari sa kuwento?

1. Sino ang batang masayang umuwi sa kanilang tahanan?


2. Ano ang nakatawag-pansin sa kaniya?
3. Para kanino ang kaniyang nakitang bag?
4. Bakit binigyan si Sophia ng kaniyang nanay ng bag?
5. Ano ang kaniyang naramdaman nang malaman niyang para sa kaniya iyon?
6. Naranasan mo na bang makatanggap ng sorpresa mula sa iyong nanay? Bakit ka niya binigyan ng sorpresa?

Gawain 3
Ano ang ginawa ni Sophia sa kuwento?
May ganito ka rin bang karanasan?
Pagbabahagi ng mga bata ng karanasang katulad kay Sophia.

157
PAGSASANAY
Gawain 4
Balikan ang kuwento.

Anong salita sa kuwento ang nangangahulugan ng paligsahan?


Ano pa ang ibang salita na kasingkahulugan ng paligsahan?
Ano ang maidudulot ng pagiging mabait at masunuring bata?
Ipabasa ang “Pahalagahan Natin” LM p.223

Kapag ang bata’y mabait at masunurin, tiyak na may gantimpala siyang aanihin.

Sanayin Natin
Hintayin ang panuto ng guro.

Pangkat 1 – Iguhit ang pinakamasayang sorpresang natanggap mo sa paaralan.


Pangkat 2 – Sumulat ng pangungusap tungkol sa pinakamagandang sorpresang naranasan mo
Pangkat 3 – Ipakita sa pamamagitan ng pag-arte o maikling dula-dulaan ang pinakamasaya mong sorpresang
naranasan sa iyong guro.
Pangkat 4 – Ipakita sa pamamagitan ng pag-arte o maikling dulaan ang pinakamasayang sorpresa na naranasan mo
sa iyong kaibigan.

PAGLALAPAT
Ipagawa ang “Gawin Natin” LM p. 223 at “Sanayin Natin” LM p. 224

A. Sipiin ang mga salitang magkasingkahulugan sa mga pangungusap. Gawin ito sa sagutang papel.
1. Masayang umuwi sa kanilang tahanan si Sophia. Masigla siyang pumasok ng bahay.
2. Matagal na niyang gustong magkaroon ng bag na may disenyong pusa. Kulay rosas ang nais niyang kulay.
3. Sobrang natuwa si Sophia kaya labis ang pasasalamat sa ina.
4. Nakita niya ang kaniyang ina na nakatanaw sa kaniyang pagdating.

B. Pansinin ang mga larawan. Isulat ang tsek sa sagutang papel (√) kung nangyari na sa iyo ang nasa larawan at ekis
(X) kung hindi pa.

TANDAAN

Ano ang natutunan mo sa aralin?


Basahin ang “Tandaan Natin” LM p.225

Ang tao ay may iba’t ibang karanasan sa iba’t ibang sitwasyon ng lipunan. Ito’y
nagtuturo sa kaniya ng bagong aral upang mas lalong maging mahusay at matatag sa buhay.

158
PAGTATAYA
Pagsubok ng Kaalaman

Pasagutan ang “subukan natin” LM p.222


Isulat sa sagutang papel ang TAMA o MALI batay sa pahayag.

1. Ang kambal-katinig ay binubuo ng dalawang katinig at isang patinig sa isang pantig.


2. Ang salitang sobre ay may isang pantig.
3. Marami sa kanila ang hindi nakadalo sa pagdiriwang. Ang may salungguhit ay halimbawa ng panghalip panao.
4. Sila ang naunang dumating. Ang salitang sila ay nasa kailanang maramihan.
5. Ang ako, mo, ikaw, at siya ay mga panghalip panao na tumutukoy sa iisang tao.

TAKDANG ARALIN
Gawain 5

Ipagawa ang “Linangin Natin” LM p.225


Iguhit mo ang pinakamagandang sorpresang natanggap mo.
1. Kasayahan sa kaarawan
2. Kapaskuhan

159
Sesyon 34

Sabjek: Filipino Baitang: 2


Petsa: Seksyon: 34
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN: Naipapamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at
pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan, karanasan at
damdamin
PAMANTAYANG PAGGANAP:
KOMPETENSI: F2PS-Ig-6.1
Naipahahayag ang sariling ideya/damdamin o reaksyon tungkol
sa napakinggang kuwento batay sa tunay na pangyayari/pabula
I. LAYUNIN
A. KAALAMAN Natutukoy ang reaksyon sa napakinggang teksto
B. SAYKOMOTOR Nakapagbibigay ng reaksyon napakinggang teksto
C. APEKTIV Pagiging magalang sa lahat ng pagkakataon
II. PAKSANG ARALIN
A. PAKSA Pagbibigay ng Reaksyon
B. SANGGUNIAN Ang Batang Pinoy TG pp. 55-56
LM pp. 131-135
C. KAGAMITANG Tsart, larawan, pocket chart ng talasalitaan, plaskard
PAMPAGTURO
III. PAMAMARAAN
PAGHAHANDA 1. Pagpapakita ng larawan ng mag-anak
PANGMOTIBEYSYUNAL 2. Ano kaya ang pinag-uusapan nila?
NA TANONG: 3. Naranasan nyo rin bang makipag-usap sa inyong ina? Ama?
Kapatid?
4. Ano ang inyong nararamdaman pagkatapos?
AKTIVITI/GAWAIN 1. Pagpapayaman ng talasalitaan TG p. 55
2. Pagkilala sa mga salitang magkasingkahulugan sa loob ng
panaklong
3. Paggamit ng bagong salita sa sariling pangungusap
PAGLALAHAD Ipakita ang larawan ng mag-ina
ABSTRAKSYON Itanong: Ano kaya ang pinag-uusapan nila?
(PAMAMARAAN NG Pagbibigay ng panuto sa mabuting pakikinig ng kuwento
PAGTATALAKAY) Pagbabasa ng guro sa kuwento
(20 minutos) Ipasagot sa mga mag-aaral ang “Sagutin Natin” LM p.132
PAGSASANAY Magsangguni sa LM p. 132 “Sagutin Natin” at basahin ang “
MGA PAGLILINANG NA Pahalagahan Natin”
GAWAIN
PAGLALAPAT Ipagawa ang “Gawin Natin” LM pp. 133-134
APLIKASYON
PAGLALAHAT Paano ka magbibigay ng reaksyon sa isang teksto sitwasyon?
GENERALISASYON Basahin ang “Tandaan Natin” LM p. 134
IV. PAGTATAYA Magsangguni sa LM p. 134 at ipagawa ang nasa “Linangin
Natin” upang masagot ang angkop na reaksyon sa bawat
sitwasyon
V. TAKDANG ARALIN Basahin muli ang kuwento “ Ang Bilin ni Ina”
Isulat sa kwaderno ang mga nakasalunggat na salita at pag-aralan
ito

160
_____________________________________________________________
__________________________________________________________________
Tugon
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

_____________________________________________________________
__________________________________________________________________
Pagninilay-nilay
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

161
Sesyon 34

TUKLASIN

Iba’t-ibang reaksyon ang makikita sa mukha kapag ika’y nabibigla, nagagalit, natutuwa,
o natatakot man din. Sasang-ayon sa iba’t- ibang reaksyon ang araling ito.

MOTIBEYSYUNAL NA TANONG

1. Pagpapakita ng larawan ng mag-anak


2. Ano kaya ang pinag-uusapan nila?
3. Naranasan nyo rin bang makipag-usap sa inyong ina? Ama? Kapatid?
4. Ano ang inyong nararamdaman pagkatapos?

Gawain 1

1. Pagpapayaman ng talasalitaan TG p. 55
2. Pagkilala sa mga salitang magkasingkahulugan sa loob ng panaklong
3. Paggamit ng bagong salita sa sariling pangungusap

ALAM MO BA NA….
Ipakita ang larawan ng mag-ina.

Itanong: Ano kaya ang pinag-uusapan nila?


Pagbibigay ng panuto sa mabuting pakikinig ng kuwento
Pagbabasa ng guro sa kuwento.

Tuwing Sabado tinutulungan ko ang aking nanay sa pagtitinda ng ulam. Masarap siyang magluto kaya
dinarayo kami ng mga tao sa aming maliit na dampa. Si Tatay naman ay drayber ng trak.
Isang araw, inutusan ako ng nanay na bumili sa pamilihan. “Kris, bumili ka ng tatlong kilong kamatis,”
sabi niya. “Opo, Inay. Uubusin ko lang po itong iniinom kong gatas.”
“Ilagay mo ang pera sa bulsa mo at maraming tao sa pamilihan,” bilin ng nanay. “Hawakan ko na lang
itong pera,” bulong ko sa sarili.
Bitbit ang maliit na timba, sumakay ako sa dyip. Pagdating sa tindahan, nagulat ako at wala na sa kamay
ko ang pera. Kumabog ang aking dibdib kaya binalikan ko ang kalsadang aking dinaanan kanina. Ngunit hindi ko
nakita ang pera.
Maya-maya’y dumating sina Brando at Brenda. Ikinuwento ko sa kanila ang pangyayari. Bigla silang
nagtawanan. “Ikaw talaga Kris, ayan nasa timba mo lang ang pera,” sabi ni Brenda. “Oo nga. Sa susunod susundin
ko na ang bilin ni Nanay na ilagay ang pera sa bulsa,” nakangiting wika ko.

PAGSUSURI
Gawain 2
Ipasagot sa mga mag-aaral ang “Sagutin Natin” LM p.132

• Sino ang mga tauhan sa kuwento?


• Ano ang ipinabili ng nanay kay Kris?
• Ano ang nangyari sa pera na dala ni Kris?
• Tutularan mo ba si Kris? Bakit? Bakit hindi?
• Ano ang mararamdaman mo kung hindi mo makita ang pera na ibinigay sa iyo ng iyong
nanay?

162
PAGSASANAY
Gawain 3

Magsangguni sa LM p. 132 “Sagutin Natin” at basahin ang “ Pahalagahan Natin”


Ang pagsunod sa bilin ng magulang ay dapat ugaliin. Pagiging masunurin ay laging isipin.

PAGLALAPAT

Ipagawa ang “Gawin Natin” LM pp. 133-134

Piliin ang angkop na reaksyon sa bawat sitwasyon. Piliin ang hugis na katapat ng iyong sagot.

1. Inutusan si Kris ng kaniyang nanay na bumili ng sampalok pero uubusin daw muna niya ang iniinom na gatas.
Dapat bumili muna siya ng sampalok bago ubusin ang gatas.
Tama lang na ubusin muna niya ang iniinom na gatas bago bumili ng sampalok.

2. Pinaalalahan ng nanay si Kris na ilagay ang pera sa bulsa niya dahil maraming tao sa pamilihan.
Para sa akin, hindi na dapat paalalahanan si Kris dahil malaki na siya.
Sa tingin ko, kailangan pa ring paalalahanan si Kris dahil gusto ng kaniyang ina na mag-iingat siya sa
pamilihan.

3. Pinagtawanan ng magkaibigang Brando at Brenda si Kris dahil sa kaniyang pagkalito.


Hindi dapat pagtawanan ang taong nalilito.
Tama lang ang nangyari kay Kris dahil hindi siya sumunod sa kaniyang nanay.

4. Napag-isip isip ni Kris na dapat sundin ang bilin ng ina sa susunod nitong ipag-uutos.
Dapat lang dahil mali naman talaga ang ginawa niyang hindi pagsunod sa kaniyang ina.
Lahat ng utos ay hindi dapat sundin.

TANDAAN
Paano ka magbibigay ng reaksyon sa isang teksto o sitwasyon?
Basahin ang “Tandaan Natin” LM p. 134

Ang pagbibigay ng reaksyon sa isang teksto o sitwasyon ay nakasalalay sa damdaming nadarama ng


nagbabasa.

PAGTATAYA
Pagsubok ng kaalaman

Magsangguni sa LM p. 134 at ipagawa ang nasa “Linangin Natin” upang masagot ang angkop na
reaksyon sa bawat sitwasyon

Ano ang angkop na reaksyon sa sumusunod na sitwasyon? Isulat ang letra ng wastong sagot sa sagutang
papel.

163
1. Ikaw ang napiling sumali sa patimpalak sa pagguhit. Alam mong may mas magaling pa sa iyo pagguhit.
a. Sasali pa rin ako dahil ako ang napili.
b. Sasabihin ko sa guro na may isa kaming kaklase na mas magaling sa akin sa pagguhit.

2. Nanonood ka ng paborito mong palabas sa telebisyon nang dumating ang iyong tatay at hiniling na ilipat ang
estasyon sa basketbol.
a. Pagbibigyan ko ang tatay na ilipat ang estasyon sa palabas na basketbol.
b. Sasabihin ko sa tatay na maghintay na matapos ako sa panonood bago ko ilipat ang estasyon.
3. Nais mong sumama sa pamimili ng iyong nanay ngunit pinagbabantay ka sa nakababata mong kapatid.
a. Aalagaan ko na lang si bunso.
b. Isasama ko na lang si bunso sa palengke.

4. Nakatanggap ka ng regalo na laruang kotse pero mas gusto mo ay laruang eroplano.


a. Paglalaruan ko na lang ang laruang kotse.
b. Ibibigay ko ito sa kuya ko dahil paborito niya ang laruang kotse.

5. Mabait at matalinong bata si Lito. Paminsan-minsan binibigyan niya ng baon niyang tinapay ang kaniyang
kaklase na si Ramon.
a. Hihintayin kong manghingi sa akin ang kaklase kong walang baon.
b. Bibigyan ko rin ng pagkain ang kaklase kong walang baon.

TAKDANG ARALIN
Gawain 5

Basahin muli ang kuwento “ Ang Bilin ni Ina”


Isulat sa kwaderno ang mga nakasalunggat na salita at pag-aralan ito

164
Sesyon 35

Sabjek: Filipino Baitang: 2


Petsa: Seksyon:
Pamantayang Pangnilalaman: Nauunawaan angg ugnayan ng simbolo at tunog
Pamantayang sa Pagganap:
Kompetensi: F2KP-Ij-6
Nakapagpapalit at nakapagdaragdag ng mga tunog upang makabuo ng
bagong salita

F2TA-0a-j-3
Nababasa ang usapan, tula, talata, kuwento nang may tamang bilis, diin,
tono, antala at ekspresyon
I. LAYUNIN
a. Kaalaman Nakagagamit ng iba ‘t ibang pantig upang makabuo ng bagong salita

b. Saykomotor: Nakapagpapakita ng paraan kung paano papalitan ng pantig upang


makabuo ng bagong salita
c. Apektiv: Nakasisipi ng mga salita nang may wastong anyo at hugis ang mga titik
II. PAKSANG ARALIN
A. PAKSA Pagdadagdag, Pagbabawas o Pagpapalit ng isang titik para makabuo ng
isang salita
B. SANGGUNIAN K to 12 Curriculum Guide in Filipino
Pagdiriwang ng wikang filipino 2 LM p. 237
C. KAGAMITANG Larawan, kartolina, pentel pen at tape
PAMPAGTUTURO
III. PAMAMARAAN
A. PAGHAHANDA

Pangmotibeysyunal na Ano ang nakikita sa unang larawan?


Tanong:

Ano ang nadagdag at nababawas sa mula sa unang larawan?


Aktiviti/Gawain Hintayin ang patnubay ng guro.

B. PAGLALAHAD (20 mins.) Basahin ang mga salita sa pahina 292.


Abstraksyon Pag-aralan ang tsart na nasa p. 292 at pasagutan ang mga katanungan.
(Pamamaraan ng
Pagtatalakay)
C. PAGSASANAY Ipagawa ang “Gawin Natin” sa pahina 293.
Mga Paglilinang na Gawain
D. PAGLALAPAT Ipagawa ang pangkatang Gawain sa pahina 294, “Sanayin Natin”.
Aplikasyon
E. PAGLALAHAT Ipabasa ang naka lahad sa TANDAAN at pag usapan ito LM p. 294
Generalisasyon
IV. PAGTATAYA Pasagutan ang pahina 294, Linangin Natin.
V. Takdang Aralin Magtala sa sulatang kwaderno ng mga salitang maaaring pagpalit-palitan
upang makabuo ng bagong salita. Ipabigkas sa klase ang mga salitang
naitala ng mga mag-aa.ral

165
Tugon _____________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Pagninilay-nilay _____________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

166
Sesyon 35

TUKLASIN

Ang dagdag-bawas na pamamaraan ay may malaking kabaguhan.

MOTIBEYSYUNAL NA TANONG

Ano ang nakikita sa unang larawan?

Ano ang nadagdag at nababawas sa mula sa unang larawan?

Gawain 1
Hintayin ang panuto ng guro.

Pangkat 1: Magbigay ng limang pares ng salitang magkasingkahulugan na tumutukoy sa


sumusunod na larawan.

Pangkat 2: Hanapin ang kasingkahulugan ng mga salitang nakasulat sa hawak mong flashcard sa mga salitang
nakakalat sa silid-aralan.

Pangkat 3: Isulat sa sagutang papel ang kasingkahulugan ng sumusunod na salita:


1. malambot 2. Mataas 3. Pango 4. Malawak 5. Mahirap

ALAM MO BA NA….
Basahin ang mga salita sa pahina 292.

taon buong saan tao rito


nila bukal talon tuwing pinto
poste bahay baha kaya para

167
PAGSUSURI
GAWAIN 3
Pag-aralan ang tsart na nasa p. 292 at pasagutan ang mga katanungan. Pag-aralan ang tsart.
Hanay A Hanay B
tao taon

bahay baha

nila sila

• Ibigay ang mga salitang nasa Hanay A.


• Anong pagbabago ang napansin ninyo sa mga salita sa Hanay B?
• Ano ang nangyari sa salitang tao sa Hanay B? Ano ang nangyari sa salitang bahay?
• Ano ang nangyari sa salitang nila sa Hanay B?
• Paano nabago ang mga salita?

PAGSASANAY
Gawain 4

Ipagawa ang “Gawin Natin” sa pahina 293. Dagdagan ang sumusunod na salita ng isang tunog
upang makabuo ng bagong salita.

1. ipon 2. upa 3. tula 4. suka 5. asa

168

You might also like