Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Kayarian ng Pang-uri

Panuto: Salungguhitan ang pang-uri sa pangungusap at tukuyin ang kayarian nio. Isulat ang PAYAK,
MAYLAPI, INUULIT o TAMBALAN sa patlang.

1. Ang gusaling iyan ay kasintaas ng bundok! _____________

2. Nakita ko sa labas ang basahan na pira-piraso. _____________

3. Nais niyang tumira sa bayan na payapa. _____________

4. Abot-kaya na ngayon ang mga paninda niya. _____________

5. Humingi ng tulong sa kanyang kaibigan ang babaeng litung-lito. _____________

6. Nakahanda naba ang mga dadalhin mo sa paaralan? _____________

7. Hindi nakikipag-away si Regina dahil pusong-mamon siya. _____________

8. Totoo ang mga sinasabi niya sa iyo. _____________

9. Malayung-malayo ang bayan ng San Felipe mula ditto. _____________

10. Ang talento niya ay bukod-tangi kaya may mga humahanga sa kanya. _____________

11. Ang mga isdang binebenta riyan ay sariwa. _____________

12. Ang anak ni Ginang Ramos ay mapagbigay. _____________

13. Libu-libong mamamayan ang nasasalanta ng mga bagyo. _____________

14. Pantay-balikat ang baha sa Mindanao dahil sa bagyo. _____________

15. Umiinom siya ng bitamina dahil sakitin siya. _____________

16. Hindi niya makakasundo ang lalaking palabiro. _____________

17. Ang watawat ng Pilipinas ay kitang-kita mula sa kinatatayuan ko. _____________

18. Bago ang mga kagamitan nila sa bahay. _____________

19. Wala kang mauutang sa akin dahil walang-wala rin ako. _____________

20. Taos-puso ang kanyang paghingi ng paumanhin sa iyo. _____________

You might also like