Trilogy 1

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Trilogy 1

"CREISAN! WHAT THE FUCK DID YOU DO THIS TIME?!" The anger on my father's voice echoed in the four
corners of this dining area.

"Dad, it wasn't my fault. She attacked me first! What I did was just a self defense!" I tried to explain. But
my voice isn't needed right now.

My mother just thrown sharp glares on me.

"I'm very disappointed on you! Goodness Creisan! Hindi lang yan ang reklamo ng mga teachers mo sa
amin ng dad mo!"

Ang matinis na sigaw ni mommy ay masakit sa tainga. Lalo pa kapag sumasabay ang malakas at
baritonong boses ng daddy.

"Half of your subject teachers ang nagrereklamo na na hindi ka pumapasok sa klase nila! Sabi ni manang
lagi ka naman daw pumapasok?! Asan ka nagpupupunta ha?! Nagbubulakbol kasama ng mga so-called
kaibigan mo?!" I badly want to defend myself but I don't stand a chance. They are too blind by their own
perspectives.

"Should we send you away from your friends?" I harshly shook my head. Ayokong malayo sa mga
gagong yun.

"Then fix yourself. We don't want this to happen again, understood?" I nodded.

They left me alone in the dining area. Napatingin ako sa pagkaing hindi ko nagalaw at napailing.

Padabog na akong tumayo at umakyat sa kwarto ko. I went for a cold shower. May pupuntahan ako.
After taking a bath, I sat in front of the vanity mirror while combing my hair and dialed Selena's number.
After three rings, she picked up.

"Hey, Crei. I've heard what happened. Are you okay?" Her angelic voice filled my ear.

"I'm fine. I'm used to this, remember?" I heard her chuckled.

"Oh yeah. That's why we're best of friends." Sinabayan pa niya ng tawa.

"Right. By the way, pupunta ako sa hideout." It's early eight in the evening. Di pa ako inaantok.

"Sige. Pupunta din ako. Inuman tayo." Sabi niya bago pinatay ang linya.

Ako naman ay nagbihis ng simpleng blouse at pants. Pumunta ako sa tapat ng sliding window at
binuksan ito. Inabot ko ang isang sanga mula sa puno malapit lamang sa bintana ng kwarto ko at doon
umapak. Tumalon ako sa papunta sa baba and, viola! Tumatakbo na ako palabas ng bahay namin. I used
my bike to escape. Alangan naman lakarin ko papunta sa hideout.

And yes, at a very young age of fifteen, I'm rebellious. They can't blame me though. I have deep and
painful reasons. Actually, my squad have.

Pagkarating ko sa hideout ay agad akong sinalubong sa loob ni Selena.

"Tara na. Inaya ko na din sina Thea, Thalia, Craiz, Keira, at Alaudia. Nasa sala na sila. Balak pa yata tayo
ubusan ng beer." Nayayamot na sabi niya. Tumawa na lang ako at umiling bago nagtungo sa Sala.

Naroon nakaupo sa lapag ang squad ko at parang mga lasing na yata. Agad agad?
"Parang lasing na kayo. Hindi ko alam kung normal ba yan o talagang lasing na kayo." Komento ko.
Ipinakita lamang sa akin ni Alaudia ang kanyang gitnang daliri bago bumalik sa paglaklak ng beer.

Umupo ako sa carpeted floor katabi ni Selena at Thea. Inabutan naman ako ni Keira ng beer in can.

Agad ko itong binuksan at ininom. The bittersweet taste of beer filled my mouth. Agad ko itong inubos
at inabutan naman ulit ako ng bago ni Keira.

"What happened?" Tanong ni Craiz. Sa aming labing isa, including the boys, si Craiz ang masasabi kong
pinakamatino. Siguro kasi siya ang pinaka matanda sa amin kaya ganun. Para siyang nanay minsan kung
magsalita. Pero hindi siya mapapabilang sa amin kung wala din siya pinagdaanan na malalim at masakit.

Itinuro ko si Selena. "Siya na ang magsasabi. Pagod na ko magsalita." Bahagya pa akong tumawa bago
inabot ang pang apat na beer na naiinom ko.

"Etong babaeng to kasi, nakipagbasag ulo." Paliwanag ni Selena.

"Ano??" Sabay sabay pa nilang sabi.

Tumango lang ako.

"Pambihira! Bakit di mo kami sinama?" Pagmamaktol ni Alaudia.

"Oo nga! Edi sana may taga cheer ka!" Dagdag pa ni Thea.

"At tsaka para naman may kakarga sayo pag di ka na makatayo!" Napailing ako sa sinabi ni Keira.
"Higit sa lahat, ipaghihiganti ka kapag binugbog ka masyado!" Dagdag pa ni Thalia.

I raised my middle finger sabay sabing, "Mga gago." bago bumalik sa pag inom ng alak.

"Bakit ka ba napag initan?" Tanong ni Craiz. Kung makapag tanong naman to akala mo ako yung
agrabyado. Kamusta naman kaya yung babaeng nakalaro ko na nasa ospital na ngayon dahil pinukpok ko
sa ulo ng silya. Ang weak eh plastic nga lang yung silya. Ang arte arte.

"Wala. Ayos na. Gusto niya makipag laro eh. Pinagbigyan ko lang. Kawawa nga ako. Kita mo oh!" Sabi ko
sabay simangot at ipinakita ang pasa sa braso ko.

"Binato niya ako ng pencil case. Ang malas ko di ako nakaiwas." Bahagya pa akong tumawa.
Nakatanggap naman ako ng batok kay Selena.

"Tangina ka. Yan nga lang natamo mo. Yung nakalaro mo nasa ospital pa din." Sabi pa niya.

"Sakto badtrip ako nun eh. Tas aangas angasan pa ko. Ayun natamo niya." Katwiran ko.
Inismiran lang ako ni Selena.

"So, bakit ka nga naglalasing?" Tanong ni Thalia.

"Napagalitan ako, as usual. Tapos pag di daw ako lumayo sa inyo, ililipat ako ng eskwelahan." I
said. Isa isa ko silang tiningnan.

Kita ko ang pagkabigla sa kanilang mga mukha. Unang nakabawi si Craiz.


"Eto kasi si Alaudia eh." Tinuro niya si Alaudia na nasa tabi niya. "Masyadong bad influence."
Sabi niya sabay iling.

"Anong ako?" Protesta niya sabay turo kay Keira na nasa kaliwa niya. "Eto ang bad influence."

"Bakit ako? Ang bait bait ko nga eh." Sabi niya at itinuro si Thalia na katabi niya. "Eto talaga ang
pasimuno sa lahat ng kalokohan natin."

Binatukan siya ni Thalia. "Ako na naman. Si Selena kaya." Sabay turo kay Selena.

"Ako?" Sinamaan ko siya ng tingin.

"Sabi ko nga. Ako." Sabi niya at natatawa.

"Buti na lang at mabait ako. I'm the angel of our squad." Kanya kanya kaming mura sa sinabi ni
Thea.

"Tangina nakakadiri talaga lumalabas sa bunganga mo Thea." Naiiritang sabi ni Alaudia sabay
takip pa sa tainga niya.

"Masama magsinungaling,Thea, Ha? Mapupunta ka sa impyerno, sige ka." Dagdag pa ni Keira.

"Mga gago." Halos sabay na bulong namin nina Craiz at Thea.

"Mga lasing na kayo." Parang kaswal lang na sabi ni Selena.


Nakapagtataka. Dati-rati ang lakas niyan uminom ni Selena. Nakakaubos siya ng sampong beer.
Ngayon, di pa nga niya nakakalahati ang unang beer na iniinom niya. Habang ako naka anim na.

"Uuwi na ko, guys." Paalam ko sabay tayo.

Sabay sabay silang tumango.

"Creisan." Tawag sa akin ni Thalia.

"Alam kong di mo kami iiwan."

"We believe in you." Dagdag pa ni Thea.

"Alam naming di mo kami matitiis." Sabi pa ni Keira.

"At nakaka diri mang isipin..." Sabi ni Alaudia.

"Alam naming mahal mo kami." Parang nandidiri nga si Craiz sa pinagsasabi niya. Tumawa ako
ng bahagya.

Kinalabit ako ni Selena. Bumaling ako sa kanya.

"At mahal na mahal ka din namin." Natouch ako sa sinabi nila pero mamatay na ako, hindi ko
yun aaminin sa kanila.
"Tangina niyo talaga." Tanging sabi ko na lang bago lumabas sa hideout para itago ang mata
kong naiiyak sa tuwa.

How can I be so lucky para mabiyayaan ng kaibigang kagaya nila.

Napapailing na lang ako bago kinuha ang bike ko sa garahe at umangkas dito.

Nagbike na ako pabalik sa bahay namin. Sa labas pa lang, kita ko na bukas ang mga ilaw.
Mukhang nalaman na ng parents ko na umalis ako ng bahay.

Pagkalagay ko ng bike sa garahe ay dumiretso na ako sa pintuan.

Pagpasok ko pa lang ay sumalubong sa akin ang mabibigat na kamay ng aking ama sa aking
pisngi. Isang malakas na sampal na halos mabuwal ako sa aking kinatatayuan.

"Mabuti naman at naisipan mo pang umuwi?! Saan ka na naman galing?! Ha?! Sumagot ka,
inggrata!" Dumagungdong ang malakas na boses ng aking ama sa loob ng mansyon.

Nanatili akong tahimik. Dinaramdam ang pamamanhid ng aking pisngi.

"Galing ka na naman sa mga punyetang kaibigan mo?! Bakit amoy alak ka?!" Sigaw niya sa aking
harapan. Malakas akong pinihit ni mama paharap sa kanya at sinampal ulit ng pagkalakas lakas
sa kabilang pisngi.

"Bakit amoy alak ka?! Wala kang utang na loob! Isa kang kahihiyan sa pamilyang to! Wala kang
kwenta! Bakit ikaw pa ang nabuhay?! Bakit ang isang walang kwentang ikaw pa?!" Sa huling
sinabi ng aking ina ang naging dahilan ng pagbadya ng luha sa aking mata.
Kasalanan ko. Kasalanan ko ang lahat. Sana siya na lang ang nabuhay. Bakit ako pa? Kasalanan
ko naman.

"Pumunta ka sa kwarto mo! Wag kang lalabas, Wag kang kakain!" Dinuro pa ako ni Papa.

"Opo." Sabi ko at naglakad na papasok sa kwarto.

Sa sobrang panghihina ay napadausdos ako ng upo sa pinto at doon ibinuhos ang lahat ng luha
na kanina ko pa pinipigilan. Patawad. Patawad kapatid ko. Patawarin mo ako dahil hindi ka
niligtas ng ate. Kasalanan to ng walang kwenta mong ate. Bunso, sorry. Sorry. Dahil sakin
nawala ka kila mama at papa. Sorry. Dahil sakin, hindi mo naranasan mabuhay ng matagal sa
mundong to. Sorry, Tiffany.

You might also like