Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Trilogy 2

Kinabukasan nagising ako na kumakalam ang tiyan. Nakatulog pala akong nakaupo pa rin dito sa sahig.
Inayos ko na ang aking sarili. Hindi na ako lumabas para mag almusal. Paniguradong bubulyawan na
naman ako.

Sumalampak ako sa kama at binuksan ang cellphone ko. Buti na lang at hindi ito kinuha sa akin kagabi.

Habang nabobrowse ay nakarinig ako ng katok mula sa pintuan.

"Pasok." Bumukas ang pinto at iniluwa si Manang Ester.

"Senyorita, kumain na ho kayo ng agahan." Sabi niya sabay lapag ng tray na may lamang bacon, sunny
side up, fried rice at gatas.

"Utos ba ito nina Mommy?" Tanong ko bago sinimulang kumain. Halos sunod sunod ang subo ko.

"Hindi po nila alam, Senyorita. Bilin nila na huwag kang pakainin at wag muna daw pumasok sa
eskwelahan." Natigil ang aking pagkain sa sinabi niya.

"Salamat na lang sa pagkain, Manang. Sige na. Baka mapagalitan ka pa nila." I said.

"Wala po sila ma'am at sir dito. May business trip sila sa Zambales. Mga dalawang linggo ho silang
mawawala." Tumango tango ako bago pinagpatuloy ang pagkain.

Kung wala ang mom at dad dito ay walang pipigil sa akin na pumasok ngayon. Tsk.
"Salamat sa agahan, Manang." Yumuko siya ng bahagya bago lumabas sa silid ko.

Nagpunta na ako sa banyo para mabilis na maligo at mag ayos ng sarili.

Pagkalipas ng ilang minuto, handa na ako. Sa pag iisip na baka may mga body guard sa loob ng mansyon
o di kaya sa gate, ay dumaan ulit ako sa bintana. Hindi kaatasan ang lupa sa ibaba kaya hindi ako
nahihirapan.

Pagkalapag ko ay agad akong nagtago sa redroses ni Mom nang marinig ang boses ng isang matandang
lalaki. Sa wari ko'y isa ito sa mga ni-hire ni Dad. As if mapipigilan ako ng mga pipitsuging yan.

Sinigurado ko munang wala ng tao bago ako lumabas. Bitbit ang bag ko, bigla ko itong inihagis palabas
ng bakuran namin. Sumunod ay tumungtong ako sa bakurang bakal at tumalon sa semento. Easy peasy.

Nagsimula na akong maglakad at pumara ng taxi.

"Sa Dona Kadena Esmeralda Juancho Rivera Academy ho." Sabi ko sa driver.

Nang umusad ang sasakyan ay saktong tumunog ang cellphone ko.

"Anong kailangan mo?" Bungad ko.

"Good morning. Papasok ka?" Bati sa akin ni Thea.

"Yeah. On the way na ko." Sagot ko.

"Sige. Hintayin ka namin sa gate." At pinatay ko na ang tawag.


Makalipas ang ilang minuto, natatanaw ko na ang mga kaibigan ko sa harap ng DKEJRA.

"Dito na ho tayo ma'am." Nag abot ako ng bayad sa driver bago lumabas. Sumalubong sa akin sina Thea,
Selene, Keira, Thalia, at Crazi.

"Good morning, bitches." Bati ko sa kanila.

"Tara na. Ang tagal mo pumasok eh. Malalate na tayo." Mala anghel na sabi ni Selena.

"Wow. May pake ka pala. Eh halos wala ka ngang subject na pinapasukan." Sarcastic na sabi ni Keira.

"Eh kala mo naman sayo. Pumapasok lang kasi nagpapa cute don sa Isa nating kaklase na mukhang
mongoloid." Napahalakhak ako sa sinabi ni Selena.

"Seryoso, Keira?" Bumaling ako kay Keira. She gave me a 'what-da-fuck' look.

"Hindi ako. Nililigawan non si Thalia."

"Ano? Ako? Gago ka ba?" Humalakhak siya. "Si Thea type no'n." Kay Thea naman ang issue.

"Shabu pa. Magmamadre na lang ako. Si Crazi ang bet non." Sabi ni Thea sabay turo kay Crazi na naka
poker face na naman.

"Tanginanyo." She showed her middle finger. Pft.

Nagulat ako ng lumapit sa akin si Selena at bumulong.


"Usap tayo. Explain. Kung bakit namamaga mata mo." Nagulat ako. Napansin niya? Eh ang kapal na nga
ng concealer ko eh.

I smiled to assure her that, "I'm fine." I said.

"Enough, bitch. I know you too well."

Bumuntong- hininga ako bago tumango at sumunod sa mga kaibigan namin.

Pagdating sa room ay wala ang teacher namin. Sumalubong sa amin ang maingay at magulong silid
aralan.

"Ang boring. Wag na tayo pumasok." Sabay sabay kaming napalingon kay Selena.

"Ang bad influence mo talaga." Sabay sabay din naming sabi.

"Pakyu." Sabi niya sabay ismid. Inakbayan ko siya.

"Tara na nga." At naglakad na kami palayo sa silid aralan.

"Sa'n tayo ngayon?" Tanong ni Keira.

Nag isip kami.

"Hmm. Sa bar!" Sagot ni Alaudia na para bang ang ganda ng ideya niya.
"Hoy buwan! Alam mo ba kung anong oras pa lang? Alas otso! Walang bukas na bar." Sabi naman ni
Crazi. Lihim akong napangiti.

Siya talaga ang may maayos na pag iisip kumpara sa mga ito.

"May alam ako." Sabi ni Mythea.

"Oh! Ano bang hinihintay natin? Tara na!" Nagsimula na kaming maglakad sa kanya kanyang mountain
bike.

Convoy kami papunta sa tinutukoy na lugar ni Mythea. Hindi nagtagal ay huminto kami sa hindi gaanong
tagong bahay.

Teka. Pamilyar sa akin ang lugar at ang bahay na ito.

"Mythea, dito tayo? Eh bahay niyo to eh!" Sabi ni Selena. Sabi na nga ba eh.

"I know right. Wala dito sila mommy." Paliwanag niya habang busy kami sa maayos na pag park ng mga
bike namin.

"At dahil Wala sila rito, Mag paparty tayo! Yey!" Excited na sabi niya.

"Yun oh!" Masayang sabi ni Alaudia.

Tahimik lang akong naglalakad papasok sa loob ng kabahayan.


"Hoy, Gaga! Bat ang tahimik mo?!" Pansin ni Alaudia sa akin.

"Wala. Wag niyo na ko pansinin." Tanging sagot ko.

"Wag na kayo malungkot! Mag party na lang tayo! Yuhoo!" Masiglang sigaw ni Mythea.

At nagsimula na silang tumawag sa mga kilala nilang party go-ers at inimbitahan.

Pasado alas onse nang dumating ang mga bisita nila Mythea. Pool party ang naganap. Tahimik lamang
akong nakamasid sa nagkakasayang tao.

"You look hella sexy." Hinagod ako ng tingin ni Alaudia at Selena.

I'm wearing a two piece red bikini showing my right curves and sexy body. I'm not boasting. I'm just
confident na sa murang edad ay maganda na ang hubog ng aking katawan.

"Whatever. Di tayo talo, girls. Hindi mga kalahi ko ang type ko." Masungit na sabi ko sabay irap sa kanila
at bumaling sa pool.

"Tangina ka. By the way," Umupo sila sa tabi ko. "Bakit ka nandito? Let's have fun, bitch! Stop sulking
here! Duh." Maarteng sabi ni Selena sabay paypay sa kanyang sarili.

"I'm not sulking for pete's sake. I'm just enjoying the scenery." Katwiran ko.

"Whatever. Halika na." Hinila ako ni Alaudia patayo.

You might also like