Professional Documents
Culture Documents
Learner's Activity Sheet: Araling Panlipunan (Ikalawang Markahan - Linggo 3)
Learner's Activity Sheet: Araling Panlipunan (Ikalawang Markahan - Linggo 3)
Learner's Activity Sheet: Araling Panlipunan (Ikalawang Markahan - Linggo 3)
Magandang araw!
Sa linggong ito, matututunan mo ang pag-usbong at pag-unlad ng mga
klasikong kabihasnan sa Africa, America, at Pulo sa Pacific.
Gawain 1
Panuto: Buuin ang mga hinihinging salita sa cross word
puzzle batay sa text clues. (10 puntos)
ACROSS:
2 “Tunay na lalaki”
3 Tinagurian Dark Continent
6 Pangkat ng mga taong
manglalakbay
8 Nangangahulugang “imperyo”
9 Relihiyong pinalaganap ng mga
Berber
10 Kapuluan
DOWN:
1 Mananakop na Espanyol
4 Artipisyal na pulo
5 “Rubber people”
7 Resulta ng malawakang kalakalang
Axum
1 8
Gawain 2
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. (10
puntos)
Gawain 3
Panuto: Kopyahin sa inyong kwaderno at pag-aralanang
nakasaad na aralin sa Gawain 3.
2
sinasaka. Mahalaga sa mga Aztec ang kanilang diyos ng kalikasan. Ang
pinakamahalagang diyos nila ay si Huitzilopochtli, ang diyos ng araw.
Naniniwala sila ang pag-aalay ng tao ay nagbibigay-kasiyahan sa kanilang
diyos.
Ang salitang Inca ay nangangahulugang “imperyo”. Mabilis na
napalawak ng mga Inca ang kanilang imperyo sa Mesoamerica. Nagkaroon
sila ng sentralisadong estado at napalawig pa ang kanilang imperyo.
Katulad ng Aztec, umunlad ang imperyo mula sa matagumpay na
pagtatanim. Naniniwala din sila sa diyos ng araw na si Inti. Nakagawa din
sila ng mahaba at batong kalsada. Bumagsak ang imperyo sa kamay ng
mga conquistador, mananakop na Espanyol sa pamumuno ni Francisco
Pizarro noong 1532. Nahirapan ang mga Inca na pigilan ang mga
mananakop dahil sa makabagong teknolohiya na gamit sa pakikipagdigma.
3
Ghana. Sa pamamagitan ng patuloy na pananalakay, ang Imperyong Mali
ay lumawak pakanluran. Katulad ng Ghana, ang Imperyong Mali ay
yumaman sa pamamagitan ng kalakalan. Nang mamuno si Mansa Musa
noong 1312, higit pa niyang pinalawak ang teritoryo ng imperyo.
Maliban sa pagpapalawak ng imperyo, naging bantog din si
Mansa Musa sa pagpapahalagang ibinigay niya sa karunungan at
pananampalataya. Nagpatayo siya ng mga mosque o pook-dasalan ng mga
Muslim sa mga lungsod ng imperyo.
Isa rin ang Imperyong Songhai na umusbong dahil sa
pakikipagkalakalan sa mga Berber. Maliban sa kalakalan, dala rin ng mga
Berber ang pananampalatayang Islam.
Mula 1461 hanggang 1492, sa ilalim ni Haring Sunni Ali, ang
Songhai ay naging isang malaking imperyo. Sa panahon ng kaniyang
paghahari, pinawalak niya ang Imperyong Songhai. Hindi niya tinanggap
ang Islam sapagkat naniniwala siyang sapat na ang kaniyang
kapangyarihan at ang suporta sa kaniya ng mga katutubong mangingisda
at magsasaka. Gayunpaman, iginalang at pinahalagahan pa rin niya ang
mga mangangalakal at iskolar na Muslim na nananahan sa loob ng
kaniyang imperyo. Sa katunayan, hinirang niya ang ilan sa mga Muslim
bilang mga kawani sa pamahalaan.
4
rin ang sinaunang relihiyon ng mga Micronesian. Ang mga rituwal para sa
mga makapangyarihang diyos ay kinapapalooban ng pag-aalay ng unang
ani.
Taro at yam ang pangunahing sinasaka sa Melanesia.
Pangingisda, pag-aalaga ng baboy, at pangangaso ng mga ibon ang kanilang
ikinabubuhay. May kalakalan din sa pagitan ng mga pulo. Karaniwang
produktong kinakalakal ng mga Melanesian ay mga palayok, kahoy, yam,
baboy, asin, apog, gayundin ang mga gawa nilang bangka.
Naniniwala rin sa animism ang mga sinaunang Melanesian.
Ipinababatid ng diyos ng kalikasan ang mga kaganapan tulad ng tagumpay
sa labanan, sakuna, kamatayan, o pag-unlad ng kabuhayan.
Gawain 4.1
Panuto: Punan ang hinihiling sa bawat aytem na nakasaad
ayon sa chart. (15 puntos)
OLMEC
MAYA
AZTEC
INCA
5
Gawain 4.2
Panuto: Isa-isahin ang pagkakatulad at pagkakaiba ng
Imperyong Ghana, Mali, at Songhai. Isulat sa Venn Diagram ang iyong
sagot. (15 puntos)
GHANA
MALI
SONGHAI
Gawain 4.3
Panuto: Punan ng kinakailangang impormasyon ang talahanayan. (10
puntos)
Polynesia
Micronesia
Melanesia
Sanggunian:
Kasaysayan ng Daigdig, Araling Panlipunan
Modyul ng Mag-aaral, Unang Edisyon 2014,
ISBN:978-9601-67-8
KATUNAYAN
Ito ay nagpapatunay na ang aking anak ay matagumpay na isinagawa ang
lahat ng mga gawain na nakapaloob sa Learning Activity Sheet.
_________________________________________ ____________________
Pangalan at Lagda ng Magulang o Tagapangalaga
6 Petsa ng Paglagda
8