Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 18

10

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 6:
Ang Tunay na Kalyaan
(Linggo: Ika-Anim)

Negros_Q1_EsP10_Modyul6_v2
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 6: Ang Tunay na Kalayaan

Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Amancio M. Gainsan Jr.
Editor: Amancio M. Gainsan Jr.
Tagasuri: Conchita T. Caballes Cita J. Bulangis
Tagaguhit: Edyl Kris B. Ragay
Tagalapat: Amancio M. Gainsan Jr.
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Fay C. Luarez, TM, Ed.D., Ph.D. Maricel S. Rasid
Adolf P. Aguilar Elmar L. Cabrera
Donre B. Mira Nilita L. Ragay

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 10 ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Ang Tunay na Kalayaan

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10 ng Alternative Delivery


Mode (ADM) Modyul ukol sa Ang Tunay na Kalayaan

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawabilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain nanaglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:


Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng
anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit
ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga
gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos
nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na
ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy.
Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda
mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas
nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

iv
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

v
ANG TUNAY NA KALAYAAN

Alamin

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO:


Napatutunayan na ang tunay nakalayaan ay ang kakayahang tumugon sa tawag ng
pagmamahal at paglilingkod. EsP10MP-lc-3.3

Nakagagawa ng angkop na kilos upang maisabuhay ang paggamitng tunay na


kalayaan: Tumugon sa tawag ng pagmamahal at paglilingkod. EsP10MP-le-3.4

Mga Layunin

Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman,


kakayahan, at pag-unawa:

1. Naisasabuhay ang tunay na diwa at kakayahan ng kalayaan upang tumugon


sa tawag ng pagmamahal at paglilingkod
2. Naisasabuhay ang mga angkop na kilos sa paggamit ng tunay na kalayaan.
3. Nakapaglalahad ng mga gawain o kakayahang nagpapakita ng tunay na
konsepto ng kalayaan
4. Natutukoy ang mga kilos na tumugon sa tunay na gamit ng kalayaan

Negros_Q1_EsP10_Modyul6_v2
1
Subukin

Panuto:Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Isulat ang mga sagot sa
iyong kuwaderno.
1. Ang pinakamalaking hadlang sa kalayaan ay hindi ang nagmumula sa labas
ng tao kundi ang nagmumula mismo sa loob ng tao. Ano ang nais
ipakahulugan nito?
A. Ang kalayaan ay matatagpuan sa sarili
B. Nakahahadlang ang kapwa sa pagkamit ng kalayaan
C. Niloob ng tao ang antas ng kaniyang pagiging malaya
D. Ang hadlang sa pagiging malaya ay ang sarili niyang pag-uugali.
2. Bakit may kakayahan ang taong kumilos ayon sa sariling kagustuhan at ayon
sa pagdidesisyon kung ano ang gagawin?
A. Dahil ang tao ay malayang kilos-loob
B. Maylikas na batas moral na gumagabay sa kaniya
C. May kakayahan ang taong gamitin ang kaniyang konsensiya
D. Sapagkat ang tao ay may kakayahang pag-isipan ang mga ito
3. Ang responsibilidad ay ang kakayahang tumugon sa tawag ng
pangangailangan ayon sa sitwasyon. Ang pahayag ay:
A. Tama, dahil ang tunay na responsableng kalayaan ay ang pagtulong
sa kapuwa
B. Tama, dahil may kakayahan ang taong magbigay paliwanag sa kilos
na ginawa
C. Mali, dahil ang responsibilidad ay palaging kakambal ng kalayaan na
ginagamit ng tao
D. Mali, dahil ang responsibilidad ay ang pagtanggap sa kahihinatnan ng
kilos na ginawa.
4. Hindi mo maunawaan ang leksiyon ng iyong guro at nakababagot sa
pakiramdam kaya nawalan ka ng interest na makinig sa kaniya. Dahil dito
wala kang natutuhan sa itinuro niya, sinisi mo ang iyong guro. Sang-ayon ka
ba sa kaniya ?
A. Sang-ayon, dahil responsibilidad ng guro ang maipaunawa sa mga
mag-aaral ang leksiyon
B. Sang-ayon, dahil kailangang mapaganda ang leksiyon para hindi
nakababagot sa mag-aaral.
C. Di sang-ayon, dahil may pananagutan ang tao sa kaniyang kilos.
D. Di sang-ayon, dahil may kakayahan kang piliin ang iyong kilos
5. Alin sa mga sumusunod ang Pagpapatunay na ang tunay na kalayaan ay ang
kakayahang tumugon sa tawag ng pagmamahal at paglilingkod?
A. Ang kilos ng isang tao ay hindi isang robot o gadget na sumusunod o
gagawa kung ano ang nais sa gumagamit ng remote control.
B. Ang nasa kalooban mo ang pagpapakatao ang nagpapakilos sa iyo
upang tumugon sa tawag na magmahal ng kapwa
C. Ang letrang a lamang ang tamang sagot
D. Letarng a at b ang tamang sagot.
6. Alin sa sumusunod aspeto ng Kalayaan?

2 Negros_Q1_EsP10_Modyul6_v2
A. Kalayaan mula sa..
B. Kalayaan para sa…
C. Kalayaan sa lahat
D. Tanging letrang a at b lamang
7. Ito ay kilos kung saan dumaraan ang isang tao mula sa pagtataglay nito
patungo sa pagiging isang uri ng taong ninais niyang makamit.
A. Kalayaan
B. Kaalaman
C. Isipan
D. Kilos-loob
8. Ito ay tumutukoy sa pagpili sa kung ano ang tingin ng taong makabubuti sa
kaniya.
A. Malayang pagpili
B. Fundamental option
C. Ensaktong pagpili
D. Horizontal freedom
9. Sino ang nagsabi sa mga salitang “ Ang karanasan sa buhay-piitan ay
nagpapakita na maaring makapamili ang tao ng kilos na kaniyang nanaisin.
A. Nelson Mandela
B. Viktor Frankl
C. Benigno Aquino Jr.
D. Jose Rizal

10. Ano ano ang dalawang uri ng kalayaan?


A. Malayang pagpili at fundamental option
B. Malayang magkilos at fundamental option
C. Malayang pagpili at fundamental choice
D. Wala sa nabanggit

Balikan

Ikaw ba’y totoong malaya?


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Ano ba talaga ang kahulugan ng pagiging malaya?


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Negros_Q1_EsP10_Modyul6_v2
3
Tuklasin

Gumuhit ng Facial Expression na naayon sa mga salita na nakapaloob sa ulap e


tapat eto sa bawat ulap. Maging malikhain sa paggawa

Galit ako sa kaibigan ko,


nagsinungaling siya sa akin
kaya sira na ang araw ko dahil
sa kanya

Napakaboring naman sa
klase! Wala akong natutuhan
sa aralin dahil sa aming guro.

Negros_Q1_EsP10_Modyul6_v2
4
Suriin
n

Ayon kay Scheler, ang kalayaan ay kilos kung saan dumaraan ang isang tao
mula sa pagtataglay nito patungo sa pagiging isang uri ng taong ninais niyang
makamit. Ang kalayaang likas sa tao ay nauugnay sa pagpapahalaga na ninanais
niyang taglayin bilang tao. Kung paano ito ginagamit ay nagpapakita ng
pagpapahalaga ng isang tao at nagpapakilala ng uri ng kaniyang pagkatao. Makikita
ito sa dalawang uri ng kalayaan: ang malayang pagpili o horizontal freedom na kung
saan sa paliwanag ni Cruz (2012) ang malayang pagpili o horizontal freedom ay
tumutukoy sa kung ano ang tingin ng taong makabubuti sa kanya. Ang pangalawa
ay ang Fundamental option o vertical freedom. Sa pagpili ng pahahalagahan sa
horizontal freedom, naapektuhan nito ang unang pagpiling ginawa (antecedent
choice) na nakabatay sa vertical level o fundamental option na nakabatay sa uri o
istilo ng pamumuhay na pinili ng isang tao. Ang fundamental option ng pagmamahal
ayon kay Johann ay isang panloob na kalayaan. Halimbawa nito ang naging
sitwasiyon ni Viktor Frankl na bagama’t nakakulong sa bilangguan, ay malaya pa rin
dahil sa kanyang pagmamahal sa bayan at sa kapuwa. Ayon sa sariling salita ni
Viktor Frankl: Ang karanasan sa buhay-piitan ay nagpapakita na maaring
makapamili ang tao ng kilos na kaniyang nanaisin.

Pagpapatunay na ang tunay na kalayaan ay ang kakayahang tumugon sa


tawag ng pagmamahal at paglilingkod.
1. Ang kilos ng isang tao ay hindi isang robot o gadget na susunod o gagawa
kung ano ang nais sa gumagamit ng remote control.
2. Ang nasa kalooban mo ang pagpapakatao ang nagpapakilos sa iyo upang
tumugon sa tawag na magmahal ng kapuwa
3. Magiging responsable sa bawat galaw na laging iniisip ang kabutihan ng
nakararami bago ang pansariling kapakanan
4. Huwag ibaling ang pagsisisi sa iba ang mga pagkakamali ng iyong pasya
bagkus ay titingnan ang sariling pagkukulang

Negros_Q1_EsP10_Modyul6_v2
5
Tandaan na kakabit ng pananagutan ang kakayahan ng taong
tumugon sa obhektibong tawag ng pangangailangan. Ang kalayaan ay ang
katangian ng kilos-loob na itakda ng tao ang kaniyang kilos tungo sa kanyang
maaring hantungan at ang itakda ang paraan upang makamit ito. Ang paggawa ng
isang bagay na nais mong gawin o ang karapatang sabihin ang mga bagay na nais
mong sabihin kaakibat ang pananagutang kilos nito. Magiging responsable sa iyong
gagawin na tinitignan ang lampas sa kanyang sarili at huwag magkulong sa sariling
interes. Hindi tunay na malaya ang tao kapag hindi niya nakikita ang lampas sa
kaniyang sarili. Kung ang pagiging mapanagutan ay hindi nakapagbibigay sa akin ng
kakayahang ipaliwanag ang kilos ay hindi masisiguro na ang tao ay malaya.
Naisaaalang-alang ang kabutihang pansarili at kabutihang panlahat.

Ang tunay na diwa ng kalayaan ay ang pagsunod sa batas at


pagsabuhay sa mga aral nito. Kumilos ayon sa kabutihan hindi lamang sa saril kundi
para sa kabutihan ng ibang tao. Hindi magiging malaya ang tao kapag nalulong siya
sa mga gawaing nakakasira sa kaniyang sarili at pagkatao tulad ng maraming bisyo..

Pagyamanin
Magbigay ng iyong tugon ukol sa mga sitwasyon na nasa kahon.

Pamatayan sa Pagmamarka
Nilalaman 5
Organisasyon 3
Wika 2
10

Sitwasyon Tugon

May matandang tumawid sa kalsada

May kapitbahay na humingi sa iyo ng


pagkain

Nasunog ang bahay ng iyong kaibigan

Negros_Q1_EsP10_Modyul6_v2
6
Nakita mo ang iyong kaibigan na
nagyoyose

Nakita mo ang bakuran ng iyong mg


kapitbahay na sobrang dumi

Isaisip

Napag-alaman ko na ____________________________________.

Napagtanto ko na _______________________________________

Ang aking gagawin ay ___________________________________

Isagawa Negros_Q1_EsP10_Modyul6_v2

7
Pumili ng isang negatibong katangiang taglay na nakahahadlang sa paggamit mo ng
tunay na kalayaan na kailangan mong baguhin sa iyong sarili, magtala ng paraang
gagawin upang mapagtagumpayan/malampasan ang negatibong katangiang taglay
na nakahahadlang sa paggamit ng tunay na kalayaan. Isulat ito sa isang buong
papel.

Krayterya sa pagmamarka Nakuha


Nilalaman ng output 25
Paglalahad/kasanayan 15
Kalinisan sa paggawa 10
Kabuuang puntos 50pts

Tayahin

A. Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Lagyan ng T ang


patlang kung ito ay tama, at M naman kung ito ay mali.
___1. Ang tunay na diwa ng kalayaan ay maging sentro sa kanyang buhay
ang makasariling interes.
___2. Kailangang malaya ang tao mula sa makasariling interes,
pagmamataas, katamaran, kapritso at iba pa upang hindi magiging
hadlang ito sa pagtupad ng kilos na angkop sa tunay na paggamit ng
kalayaan.
___3. Magiging malaya ang tao kapag inuuna ang kapakanan ng sarili bago
ang iba.
___4. Ang pagtugon sa pangangailangan ng iyong kapuwa ay pagpapakita ng
pagmamahal at paglilingkod.
___5. Ang kalayaan ay hindi lamang nangangahulugan ng pagkakaroon ng
kalayaang kumilos ayon sa kagustuhan kundi kumilos nang rasyonal o
naayon sa katwiran’

B. Sagutin ang sumusunod (10 puntos)


Negros_Q1_EsP10_Modyul6_v2
Pamatayan sa Pagmamarka

8
Nilalaman 5
Organisasyon 3
Wika 2
10
1. Ano ang tunay na diwa ng kalayaan at paano maiuugnay ang pagmamahal sa
paggawa ng tunay na kilos ng kalayaan?

Karagdagang
Gawain
Sagutin ang sumusunod na gawain bilang pagsasabuhay. Punan ang hinihinging
datos.

Sitwasyon o pagkakataon na nagamit ang tunay na kalayaan


(Pagtugon sa tawag ng pagmamahal at paglilingkod)

Nilalaman 5
Organisasyon 3
Wika 2
10

Unang pagkakataon :____________________________________________


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
__________________________________________________________

Ikalawang pagkakataon: _________________________________________


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
__________________________________________________________

Ano ang iyong natutuhan mula sa gawain? _______________________________


___________________________________________________________________
_____________________

Negros_Q1_EsP10_Modyul6_v2

Panimulang pagtataya:
1. d
Sanggunian
Negros_Q1_EsP10_Modyul6_v2

10
Mary Jean B. Brinzuela et.al, 2015, Edukasyon sa Pagpapakatao-Ikasampung
Baitang, Unang Edisyon, 5th Floor Mabini Bldg.,DepEd Complex Meralco Avenue,
Pasig City Philippines 1600

Division of Negros Oriental ESP DLP Initiated

Negros_Q1_EsP10_Modyul6_v2

11
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

12

You might also like