Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 11

9

Araling Panlipunan
EKONOMIKS
Unang Markahan-Modyul 3:
“Isa Akong Househusband”: A Comprehensive
Sexuality Education (CSE) per DO no. 31, s.
2018

1
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa aklat na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Regional Director: Gilbert T. Sadsad


Assistant Regional Director: Jessie L. Amin

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat at Tagalapat: JUNROY Z. VOLANTE


Teacher II (Camarines Sur National High School)
Tagasuri: CYNTHIA T. SONEJA
Education Program Supervisor, SDO Catanduanes
Editor/Tagasuri: JARME D. TAUMATORGO
Education Program Supervisor, SDO Naga City

2
TALAAN NG NILALAMAN

Aralin 1.3 “Isa Akong Househusband”: A Comprehensive Sexuality


Education (CSE) per DO no. 31, s. 2018
Panimula ………………………………………………………….. 4
Mga Tiyak na layunin ……………………………………………. 5
Talahulugan ……………………………………………………… 5
Mga Gawain sa Pagkatuto ……………………………………… 6
Pagsasanay 1 ……………………………………………………. 7
Pagsasanay 2 ……………………………………………………. 7
Pagsasanay 3 ……………………………………………………. 9
Pangwakas na Pagsubok ………………………………………. 9
Karagdagang Gawain …………………………………………… 10

Sanggunian ………………………………………………………. 11

3
Quarter 1: Week 1
Aralin
1.3 “Isa Akong Househusband”: A Comprehensive
Sexuality Education (CSE) Integration

Panimula

Beinte na lang ang natitira sa


baon ko, ano ba ang bibilhin ko,
Cellphone load ba o ballpen?

Ipagpalagay natin na Cellphone load ang pinili mong bilhin


kaysa ballpen. Tama kaya ang iyong naging desisyon?
Sa nakaraang modyul, tinalakay na upang maging matalino sa gagawing desisyon dapat
isaalang-alang ang opportunity cost o ang halaga na maaaring mawala sayo. Ano nga
ba ang opportunity cost ng ginawa mong desisyon?

Dahil cellphone load ang binili Dahil hindi ka bumili ng ballpen..


mo..

VS

 Makaka-facebook, twitter,  Hindi ka makakasulat ng notes


Instagram, youtube atbp .  Kung wala kang notes, hindi ka
 Makikita mo post ng mga makakareview
friends ko sa social media  Kapag hindi ka nakareview, babagsak
 Makakalaro ka ng online ka sa exam
game  Kapag bumagsak ka sa exam, hindi ka
 Mag-eenjoy ka! gagraduate
 Kapag hindi ka nakagraduate, wala
kang diploma
 Kapag wala kang diploma, hindi ka
Malinaw sa pagsusuri ng makakahanap ng magandang trabaho
opportunity cost na higit  Kapag wala kang trabaho, hindi ka
na malaki ang maaaring magkakaroon ng lovelife
mawala sayo kapag  Kapag wala kang lovelife, madedepress
hindi mo pinili ang ka
bolpen. Bagama’t may halong  Kapag nadepressed ka, siyempre
kalokohan ang fb post na binasa magkakasakit ka
mo, alam kong alam mo na mas  Kapag nagkasakit ka, siyempre
kailangan ng estudyanteng tulad maoospital ka
mo ang bolpen kaysa load. Kaya,
 Kapag naospital ka, madedepressed
siguruhin na may ballpen kapag
sila mama at papa mo dahil sa gastusin
papasok ng klase dahil
 Kapag nadepressed sina mama mo,
nakasalalay dito ang buhay mo!
mas lalong lalala ang sakit mo
 Kapag lumala ang sakit mo,
mamamatay ka!
(A forwarded post from facebook.com)

4
Kasanayan sa pagkatuto
at Tiyak na layunin

Narito ang mga kasanayan na inaasahang malilinang sayo kapag iyong isinapuso
ang pagsagot sa mga gawaing nakapaloob sa modyul na ito.
Kasanayan sa Pagkatuto: Nailapat ang kahulugan ng ekonomiks sa pang-araw-
araw bilang isang mag-aaral at kasapi ng pamilya at lipunan (AP9MKE-Ia-1)
Comprehensive Sexuality Education (CSE) Integration
(Per Deped Order No. 031, s. 2018)
 Identify personal example of the ways in which gender affects people’s lives and
explain the meaning of and provide examples of gender bias and discrimination
 Describe how family relationships and responsibilities

Mga Tiyak na layunin:


1. Nailapat ang kahulugan ng ekonomiks sa konteksto ng isang pamilya,
2. Nalinang ang pagpapahalaga na ang gampanin sa loob ng pamilya ay pinagsasaluhan
at hindi nakabatay sa sex o kasarian.
3. Nataya ang pagkaunawa sa mga konseptong pinag-aralan sa pagtatapos ng
Aralin/Kasanayan sa pagkatuto blg, 1

Talahulugan

Basahin at unawain ang ilan sa mga salita o konseptong ating ginamit sa pagtalakay
ng paksa. Ang iyong pagkaunawa sa mga konseptong ito ay mahalaga sa pagkamit
ng ating mga layunin sa pagtalakay.

 Gender bias – Ang pagbibigay ng mas mataas na pagkiling sa isang kasarian


kumpara sa iba. Marami sa ganitong pananaw ay nag-ugat ito sa kultura o
tradisyong kinamulatan kaya’t ang pag-iral nito madalas ay hindi natin
namamalayan. Halimbawa, lalaki ang dapat maging lider dahil sila mas
agresibo, matapang, at buo kung magdesisyon hindi tulad ng babae. Ang
babae bilang magulang ay dapat sa bahay at nag-aalaga ng mga anak. Ang
pagkayod para sa pamilya ay responsibilidad ng lalaki o ng ama.
 Househusband – Tinatawag din na ‘stay-at-home’ ay isang may asawang
lalaki na siyang nananatili sa tahanan upang gampanan ang mga gawaing
bahay
 Coping mechanism – Sa konteksto ng pamilya, tumutukoy ito sa anomang
desisyon o gawain na ang pangunahing layunin ay makaagapay sa suliraning
kinakaharap. Halimbawa, nawalan ng trabaho si tatay kaya’t huminto muna sa
kolehiyo si kuya o ate para magtrabaho at makatulong sa pamilya.
 Under the saya – Sa kulturang Pilipino, ito ang bansag o tawag sa mga lalaki
o Ama na gumagawa ng mga gawaing bahay at napapasailalim sa asawang
babae.

5
Mga Gawain sa
Pagkatuto

Ang ekonomiks, batay sa pinaghanguan nitong salita ay


nangangahulugang “Pamamahala ng Tahanan”. Bagama’t higit na
mas malawak ang totong saklaw ng asignaturang ito, mas
mauunawaan ang mensahe nito sa konteksto ng isang pamilya.
Araw-araw gumagawa ng desisyon ang isang pamilya kaugnay ng
mga pangangailangan at kagustuhan ng bawat miyembro nito. Sa
Pinagkunan: kulturang kinamulatan ng marami sa atin, tila naitakda na ang
https://tinyurl.com/yc2g9p8j
gampanin ng bawat isa sa pamilya lalo ng magulang. Ang Ina ang
gagawa ng mga gawaing bahay at mag-aasikaso sa pangangailangan ng mga anak
habang ang ama ang magtatrabaho para sa pamilya. Ang pagbabudget ay madalas
gampanin ng isang ina habang ang ama ang siyang naghahanapbuhay at kadalasang
nagdedesisyon sa pamilya.
Subali’t mahalagang maunawaan na kasabay ng pagbabago ng panahon ay
kaalinsabay din ang pagbabago ng sitwasyong pangpamilya. Ito ay mabisang
maipapaliwanag sa tulong ng kasunod na teksto.

Sa inilabas na survey ng Philippine Commission on


Women noong Mayo 2018, tumaas ng 49.7% ang mga
kababaihang nagtatabaho sa bansa. Sa kasalukuyan, mayroong 14.2
milyong kababaihan na kumakayod at 61.6% sa kanila ay mayroong
mga asawa. Malinaw na indikasyon ito na may ilang ama na
kinakailangang magpaiwan sa loob ng tahanan upang gawin ang mga
gawaing dating ginagawa ng ina. Tinatawag sila sa ngayon bilang mga
Pinagkunan:
Househusband. Ayon sa Random House Dictionary (2012), ang
https://tinyurl.com/y82rkh3e “househusband” o “stay-at-home-dad ay isang may asawang lalaki na
siyang nananatili sa tahanan upang gampanan ang mga gawaing
gawaing bahay. Paliwanag ng mga sosyolohista, ang dumaraming househusband ay
indikasyon ng nagbabagong lipunan kung saan nagkakaroon ng pagpapalitan ng
gampanin ang mga miyembro ng pamilya. Maaari rin itong tingnan bilang tugon o coping
mechanism ng isang pamilya kung saan ay mas may oportunidad ang mga kababaihan na
magtrabaho.

Sa isang pag-aaral ukol sa Marriage and Life, lumalabas na nagsimulang tumaas


ang antas ng mga househusband nang magsimulang magtrabaho sa ibang bansa ang mga
kababaihan. (Jamilla 2013) Sa inilabas na pagsusuri ng Institute of Labor Studies (ILS)
noong Marso 2014, sinasabing sa 1.9 milyon na Overseas’ Filipino Workers (OFWs) ay 47
porsyento nito ay mga kababaihan. Ayon sa ILS, ito ay isa sa mga naging sanhi kung bakit
maraming mga ama ang napipilitang magpaiwan sa bahay.

6
Pagsasanay 1

Sagutan ang mga sumusunod na pamprosesong tanong:

1. Bakit higit na mauunawaan ang Ekonomiks sa konsteksto ng isang pamilya o


tahanan? _____________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

2. Sino ang mga househusband at ano ang dahilan sa patuloy na pagtaas ng


kanilang bilang? ________________________________________________
______________________________________________________________
_______________________________________________________________________

3. Bakit hindi dapat maging batayan ang kasarian sa magiging papel o gampanin ng isang
indibidwal sa kanyang pamilya at lipunan? Pangatwiranan. _______________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

4. Pangatwiranan, “Ang Pamamahala ng tahanan ay gampanin ng lahat ng miyembro ng


pamilya”. _____________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Pagsasanay 2

Basahin ang ilang kuwento ng mga totoong househusband na buong pusong tinanggap ang
malaking pagbabago sa kanilang gampanin sa kanilang pamilya

Limang taon na ang lumipas matapos siyang huminto sa


pagtatrabaho, ngunit para kay Jay Escalambre, ang pagiging
househusband ay isang pagkakataon upang mas mapalapit siya sa
kaniyang mga anak. Ayon sa kanya, noong una’y naging mainitin ang
kaniyang ulo ngunit hindi ito naging hadlang para maintindihan siya ng
kaniyang pamilya. Kalauna’y nasanay na si Escalambre na gugulin ang
kaniyang oras sa loob ng bahay. Abala siya sa mga gawaing bahay
tulad ng pagluluto, paglalaba at paghuhugas ng pinggan. “Masaya ako
Pinagkunan: na nakakasama ko ang aking pamilya. Natututukan ko sila, nakikita ko
https://tinyurl.com/y98f83
xg
silang lumaki at nalalaman ko ang mga pangangailangang dapat
tugunan dito sa loob ng bahay. Hindi tulad noong nagtatrabaho pa ako, tuwing Linggo ko
lamang sila nakakasama,” aniya.

Samantala, naniniwala rin ang dating cellphone technician na si Rogelio Mallari na


ang pagiging househusband ay tanggap na rin ng lipunan. “Sa hirap ng buhay ngayon, hindi
na isyu sa mga tao kung mayroong trabaho ang lalaki o wala. Basta magawa mo ang

7
responsibilidad mo bilang isang ama, walang masama sa pagiging househusband,” ani
Mallari. Idinagdag ni Mallari na masaya siya bilang isang househusband sapagkat
nakatutulong siya sa mga gawaing bahay at nababantayan niya ang kaniyang mga anak.
“Mabuti rin naman ito kasi nagagabayan ko ang aking mga anak. Nakikita ko ang mga dapat
ayusin dito sa bahay,” ani Mallari. Sa kasalukuyan, kumukuha ang pamilya ni Mallari ng
kanilang gastusin sa maliit nilang tindahan sa Sampaloc at mga pinauupahang apartment.

Patunay si Jay at Rogelio na hindi na isyu ang pagiging househusband lalung-lalo na


kung ang pag-uusapan ay ang kanilang pagkalalaki. Maaaring nababahala sila dahil wala
silang sariling kita at trabaho, ngunit hindi ito ang batayan ng kanilang pagkatao. “Kung
pamilyado ka talagang lalaki, hindi ka naman mahihiya sa iba na maging isang househusband
lalo na kung nagagawa mo nang maayos ang mga responsibilidad mo sa loob ng bahay,” ani
Escalambre.

Ayon kay Crescencio Doma, isang propesor at sosyolohista, dati tinatawag na ‘Under
the Saya’ ang mga lalaking gumagawa ng mga gawaing bahay. Subalit habang nakikita ng
lipunan na nagagampanan nila ang kanilang responsibilidad sa kanilang pamilya ay tumataas
din ang pagtingin ng lipunan sa kanila”. (Santos 2013)

Sa huli, malinaw na ang pamamahala ng tahanan ay magkatuwang na responsibilidad


hindi lamang ng magulang, anak kundi pati ng iba pang miyembro ng pamilya. Maaaring hindi
isyu kung sino ang dapat gumawa ng gawaing bahay at mag-alaga ng mga anak. Ang
mahalaga ay nananatili pa ring sama-sama ang bawat miyembro ng pamilya anumang
pagsubok ang pagdaanan nila. Ang matalinong desisyon samakatwid ay nangangahulugang
magkatuwang na desisyon sapagkat sa pamamagitan lamang nito maisasaalang-alang ang
kapakanan ng bawat isa.

Sagutan ang mga sumusunod na pamprosesong tanong:

1. Bakit kahanga-hanga ang mga househusband na tulad ni Jay at Rogelio?


______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

2. Matalinong desisyon bang maituturing ang pagpayag ng isang ama na maging


househusband? Ipaliwanag. __________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

3. Ano ang mararamdaman mo kung isang araw, si tatay na ang nag-aasikaso ng baon mo
sa eskwela, naglalaba at iba pa habang si nanay naman ang nagtatrabaho? Mababawa-
san ba ang paghanga o respeto mo sa kanya? __________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

4. Ano ang sinasalamin ng pagdami ng househusband sa kasalukuyang sitwasyon ng


gender equality o pagkakapantay-pantay ng kasarian sa Pilipinas? __________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

8
Pagsasanay 3

Bilang huling pagsasanay sa pagtatapos ng Aralin 1, gumawa ng akrostik ng


ekonomiks na naglalahad sa lahat ng iyong natutunan tungkol sa paksang
tinalakay simula sa unang araw hanggang ngayon. Tingnan ang halimbawang
akrostik ng pamilya.

E ___________________________
Halimbawa:
K ___________________________
P agmamahalan
O ___________________________
A ng
N ___________________________
M aiging
O ___________________________
I sagawa ng
M ___________________________
L uminang I ____________________________
Y aong K ___________________________
A ng pagsasama S ___________________________

Pangwakas na
Pagsubok

Mukhang handa ka na para sa susunod na aralin. Binabati kita! Upang matiyak


natin ang iyong kahandaan, kinakailangan mo munang magawa ng maayos
ang huling pagtataya para sa araling ito.

Sa loob ng kahon sa ibaba ang mga salita o konsepto na ating tinalakay.


Isaayos ito sa isang diagram bilang pagbubuod ng paksa.

1. 2.
 Kakapusan
 Limited
resources
3.
 Unlimited wants
and needs
 Choice 4.
 Matalinong
desisyon EKONOMIKS
 Trade-of
 Opportunity cost
5.
 Marginal
Thinking
 Incentives
6. 7. 8. 9.

9
Suriin kung anong salik sa pagbuo ng matalinong desisyon ang ipinapahiwatig ng bawat
sitwasyon: Trade-off, Opportunity Cost, Marginal Thinking o Incentives.

______________1. Nagdadalawang isip si Jorge kung ano ang bibilhin sa perang


naipon sa alkansiya: cellphone ba o sapatos.
______________2. Dahil sa Sale at naglalakihang papremyo sa raffle, pinili ni Allan
na magshopping sa isang Mall.
______________3. Bukod sa mura at matibay, eco-friendly pa ang bag na nabili ni
Malou.
______________4. Kahit tinatamad, pinilit pa ring pumasok sa trabaho ni Alvin
upang di-makaltasan sa suweldo.

Karagdagang
Gawain

Gawin ito sa ½ na papel at isumite kasabay nitong module


Kumpletuhin ang pangungusap;

Lahat tayo ay ekonomista dahil ____________________________


_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________

_______________________________________________________

Ano ang mga hindi ko


Ano ang natutunan mo sa gaanong naintindihan?
ating aralin? ___________________
___________________ ___________________
___________________ ___________________
___________________ ___________________
___________________

10
BIBLIOGRAPHY

2015. "Ekonomiks, Araling Panlipunan Modyul para sa Mag-aaral." In Ekonomiks, Araling


Panlipunan Modyul para sa Mag-aaral, by Bernard R. Balitao et.al, 12-23. Pasig City:
Vibal Group Inc.
2016. Learn Liberty. November 17. Accessed June 1, 2020.
https://youtu.be/HR2mxZX1B9w.
2012. Philippine Council for Health Research and Development. June 13. Accessed June 1,
2020. http://www.pchrd.dost.gov.ph/index.php/news/2777-one-person-dies-every-six-
seconds-due-to-smoking-who.
2015. Unicef. Accessed June 1, 2020. https://sites.unicef.org/mdg/poverty.html.
Santos, Tomas U. 2012. The Varsitarian. July 6. Accessed June 4, 2020.
https://www.google.com/amp/s/varsitarian.et/filipino/20120706/isa_akong_househusb
and/amp.
Jamilla, Enrique. 2013. "Marriage and Life."
2012. GMA News. March 15. Accessed May 24, 2020.
https://m.youtube.com/watch?feature=youtu.be&v=Hib4MNAzqiQ.
https://tinyurl.com/yal85555 Date retrieved: May 18, 2020
https://tinyurl.com/yyaf7g4k Date retrieved: May 20, 2020
https://tinyurl.com/yc2g9p8j Date retrieved: May 20, 2020
https://tinyurl.com/y82rkh3e Date retrieved: May 19, 2020
https://tinyurl.com/y98f83xg Date retrieved: May 22, 2020

https://tinyurl.com/yd5xd6wr Date retrieved: May 22, 2020


https://youtu.be/Hib4MNAzqiQ Date retrieved: May 22, 2020

11

You might also like