Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

SANAYANG-PAPEL

FILIPINO 4
UNANG MARKAHAN-IKALIMANG LINGGO

PANGALAN
Ang Paruparong Bughaw
(PANITIKAN)
Limang taon ang agwat ni Czarina sa kapatid na si Pipay. Tandang-tanda pa niya noong
nagsisimula pa lamang siyang pumasok noon sa paaralan nang masayang ibalita ng kanyang nanay na
magkakaroon na siya ng kapatid. Hindi niya alam kung ano ang kanyang naramdaman nang malaman ito.
Inisip niyang baka hindi na siya mahal ng kanyang nanay. Ngunit hindi niya nagawang itanong ito sa
kanyang ina. Masayang-masaya kasi ito lalo't nang sabihin nitong magkakaroon na siya ng kalaro.
llang buwan ang lumipas at isinilang na si Pipay. Halos hindi magkandaugaga ang lahat ng mga
tao sa kanilang bahay dahil sa pagdating ng kanyang kapatid. Hindi niya alam, subalit, sa halip na
katuwaan, matinding selos ang kanyang naramdaman.
"Lagi na lang si Pipay ang napapansin! Hindi na ako mahal nina Nanay at Tatay,” ang madalas na
bulong ni Czarina sa kanyang sarili. Kaya’t kinainisan niya ang kanyang kapatid. Madalas niya itong
paiyakin, tuksuhin, at utusan nang utusan. llang beses na siyang kinausap ng kanyang nanay at tatay na
hindi maganda ang kanyang ginagawa. Sa una, susundin naman niya ang pangaral ng kanyang mga
magulang subalit sa sandaling malingat lamang ang mga ito, uulitin na naman niya ang kanyang madalas
na ginagawa sa kapatid.
Nang nmagsampung taong gulang s Czarina, naisipan ng kanyang nga magulang na ipaghanda
siya. Tuwang-tuwa si Czarina. Inimbitahan niya ang kanyang mga malalapit na kaklase, kaibigan, at mga
kalaro. Naisip niyang magiging masaya ang kanyang birthday party. Subalit isang araw bago ang kanyang
birthday party. Sinugod sa ospital ang kanyang bunsong kapatid dahil sa walang tigil na pagdumi at
pagsusuka. Kinailangang manatill ito sa ospital sa loob ng isang linggo. Nakiusap ang kanyang mga
magulang na ipagpaliban na muna ang kanyang party dahill kailangan nilang bantayan si Pipay sa ospital,
at isa pa ay hindi naman mabuti kung may pagdiriwang gayong may kapamilyang nasa ospital.
Lalong tumindi ang galit ni Czarina sa kanyang kapatid. Inisip niyang hindi talaga siya mahal ng
kanyang mga magulang. Para sa kanya, sinadya talagang magkasakit ni Pipay para hindi matuloy ang
kanyang party. lyak nang iyak si Czarina. Hindi lumalabas ng kanyang kuwarto. Ayaw din niyang kumain.
Wala namang magawa ang kanyang mga magulang. Nauunawaan din nila ang damdamin ni
Czarina subalit iyon talaga ang dapat gawin.
Iyak nang iyak si Czarina. Magang-maga na ang paligid ng kanyang mga mata. Hindi nya
namalayan, nakatulog na pala siya. Nang magising siya, nakita niya ang isang napakagandang babae sa
kanyang tabi. Malungkot ito habang nakatingin sa kanya.
"Bakit ka umiiyak Czarina? Sadyang hindi mo ba mahal ang iyong bunsong kapatid?" tanong nito
sa kanya.
Isang bughaw na paruparo ang dumapo sa palad ng magandang babae.
"Nakikita mo ba ang bughaw na paruparong ito, Czarina?" Ito ang iyong tagapagbantay. Bughaw
ang kanyang kulay kapag ikaw ay nalulumbay. Nagiging kulay-bahaghari naman ito kapag ikaw ay
masaya.
Biglang lumipad ang paruparong bughaw.
"Sundan mo ang paruparong bughaw, Czarina, masuyong utos ng magandang babae.
Tumayo si Czarina at parang namamalikmatang sumunod sa lumilipad na paruparong bughaw.
Hindi niya namamalayan, nakarating na pala siya sa silid ng kanyang bunsong kapatid sa ospital.
Natutulog ito. Napansin niyang maraming nakaturok na karayom sa mga kamay nito at tila matamlay ito.
Dumapo ang paruparong bughaw sa pisngi ng kanyang natutulog na kapatid. Hindi alam ni
Czarina kung ano ang nangyayari. Ang alam lamang niya, nakaramdam siya ng awa sa kanyang kapatid.
Nagbalik sa kanyang alaala ang lahat ng pagpapaiyak at panunuksong ginawa niya sa kanyang bunsong
kapatid.
"Napakaliit pala ni Pipay. Mukha talaga siyang nahihirapan" naisip niya.
Lumapit si Czarina sa natutulog niyang kapatid. Hinaplos niya ang mga kamay nito. Napansin niya
ang paruparong bughae na unt-unting nagpapalit ng kulay rosas, dilaw, luntian, lila, kahel, at pula-ang
ganda ng kanyang paruparo.
Naalala niya ang sinabi ng magandang babae tungkol sa paruparo. Tuwang-tuwa si Czarina. Ang
ganda-ganda ng kanyang paruparo.
Naisip ni Czarina na dapat niyang mahalin at alagaan ang kanyang kapatid na si Pipay.
"Czarina, happy birthday!" Nagulat si Czarina. Kaarawan na pala niya. Tumingin siya sa kanyang
paligid-naroon ang lahat ng kanyang mga kaibigan, kaklase, at mga kalaro. Naroon din ang kanyang
Nanay at Tatay. Isang mukha lamang ang kanyang gustong-gustong makita-ang mukha ng kanyang
bunsong kapatid na si Pipay!
"Happy Birthday, Ate Cza!l" nakangiting bati nito.
Niyakap ni Czarina ang kanyang bunsong kapatid.
"Salamat, Pipay! | love you.”
Tuwang-tuwa ang kanyang mga magulang. Tuwang-tuwa ang mga bisita. Ganito ang matagal
nang nais nilang mangyari sa magkapatid-ang magkasundo at laging magmahalan.
Ang paruparong bughaw-nagniningning sa iba't ibang kulay!

A. Sagutin ang sumusunod na mga tanong:


1. Ano ang naramdaman ni Czarina nang malaman niyang magkakaroon na siya ng bagong
kapatid?
______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

2. Paano itinuring ni Czarina ang kanyang bunsong kapatid? Ano-ano ang kadalasan niyang
ginagawa? Ano ang reaksiyon mo tungkol dito?
______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

3. Bakit ganoon na lamang ang galit ni Czarina sa kanyang bunsong kapatid?


______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

4. Paano nagbago ang pagturing ni Czarina sa kanyang kapatid? Isalaysay ang pangyayaring iyon.
______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

5. Naniniwala ka bang may nagpakita ngang magandang babae kay Czarina na nagdala sa kanya
sa ospital upang makita si Pipay? Pangatuwiranan.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

6. Ano ang isinasagisag ng paruparong bughaw para kay Czarina?


______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

B. Paano natin minamahal ang ating kapatid? Paano natin minamahal ang ating kapwa? Lagyan
ng tsek () ang pag-uugaling nagpapakita ng pagmamahal sa kapatid?

_________1.Lagi mong pinahihiram ng gamit na kailangan niya ang iyong kapatid.

_________2. Mas masaya kang kasama ang mga kabarkada sa pamamasyal kaysa sa iyong mga

kapatid.

_________3. Ayaw na ayaw mong nakikitang umilyak o sumasama ang loob ng iyong kapatid.

_________4. Hangga't maaari, gusto mong laging kasama at kalaro ang iyong kapatid.

_________5. Wala kang sikretong itinatago sa iyong kapatid.

_________6. Itinuturing mong kaibigan ang iyong ate at kuya.

_________7. Pinagseselosan mo ang iyong mga kapatid kapag may natanggap sila sa iyong mga

magulang samantalang ikaw ay wala.

_________8. Mas madali kang magpatawad sa iyong kapatid kaysa sa ibang taong nakasakit sa

iyo.

_________9. Ayaw na ayaw mong inuutusan ka ng iyong mga kapatid.

_________10. Naiinis kang madalas sa mga kapatid mo kapag kinukulit ka nila.


Iba’t ibang Uri ng Panghalip
(GRAMATIKA)
Ang panghalip ay salitang ipinapalit sa ngalan ng tao, bagay, lugar, o pangyayari.
May iba’t ibang uri ng panghalip.
1. Panghalip Panao - ginagamit bilang panghalili sa ngalan ng tao.
Halimbawa: ako, siya, ko, atin, ninyo
Hindi ninyo talaga ako mahal!
2. Panghalip Pamatlig - ginagamit bilang panghalili sa pangngalang itinuturo na mas malapit na
nagsasalita kaysa sa kinakausap, o maaaring mas malapit sa kausap.
Halimbawa: ito, iyan, doon, ganito, ganyan
Ganito ang matagal nang nais nilang mangyari sa magkapatid-ang magkasundo at
laging magmahalan.
3.Panghalip Pananong - kumakatawan sa ngalan ng tao, bagay, pook, at iba pa sa paraang patanong.
Halimbawa: sino, ano, bakit, gaano, paano, saan
“Bakit ka umiiyak, Czarina?”
4. Panghalip Panaklaw - nagsasaad ng bilang, dami, kaisahan, o kalahatan ng mga tao, bagay, hayop,
lugar, o pangyayari.
Halimbawa: sinuman, alinman, saanman
Saanman tumingin si Czarina, paruparong bughaw ang nakikita niya.

A. Bilugan ang mga panghalip na ginamit at ibigay ang uri nito.

1. 2.

Bakit ba masungit ka sa aki, Ate Dahil lagi kang nangungulit sa


Cza? akin!

___________________________________ ___________________________________

3. 4.
Eh, gusto ko lang naman na Huwag ka na sanang magalit sa
makausap ka, Ate. akin.

___________________________________ ___________________________________
5. 6.

Depende. Kailangang maging


Sige, Ate Cza. Anuman ang
mabait ka at masunurin sa amin
sabihin mo.
nina Nanay at Tatay.

___________________________________ ___________________________________

7. 8.

Mahal mo naman ako, di ba? Iyan ang gusto ko.

___________________________________ ___________________________________

9. 10.

Ayoko na maging bughaw pang


Mahal naman kita, Pipay.
muli ang paruparo ko.

___________________________________ ___________________________________

B. Tukuyin kung ang panghalip na ginamit ay PANGHALIP PANAO, PANGHALIP PAARI,


PANGHALIP PAMATLIG O PANGHALIP PANAKLAW.
_______________________1. Ako ay mahilig magbasa ng aklat.

_______________________2. Ang sasakyan iyan ay kanya.

_______________________3. Ito ang paborito kong alaga.

_______________________4. Gawin mo ang sa tingin mo ay tama.

_______________________5. Hayun ang mga ibong nagliliparan sa kanilang pugad.

_______________________6. Tutulong lahat sa pagpapanatili ng kalinisan sa ating lugar.

_______________________7. Diyan kami madalas magkita-kita ng aking mga kaibigan.

_______________________8. Siya ang pinakamatalinong mag-aaral sa aming klase.

_______________________9. Bawat-isa ay tutulong mapanatili ang katahimikan sa isang lugar.

_______________________10. Masisira lamang ang aking sapatos kung babasain ko ito.

You might also like