Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

PAGSUSULIT – IKATLONG PAKSA

Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na pangungusap. Isulat sa inyong


kwaderno ang titik na tumutugon sa tamang sagot.

1. Ito ang sistematikong pagbubuo, paghahanay, at pag-uugnay ng mga ideya upang magkaroon ng
malinaw na ugnayan sa pagbabalangkas ng mga kaisipan, ideya, saloobin, katotohanan at mga
impormasyon.
a. Proyektong papel b. Posisyong-papel c. Pananaliksik d. Abstrak
2. _________________ ang unang hakbang sa paggawa ng pananaliksik.
a. pagpili ng tamang paksa
b. paghahanda ng bibiliyograpiya
c. paghahanda ng balangkas
d. pagsulat ng pananaliksik
3. Ang sumusunod ay katangian ng isang mananaliksik maliban sa isa.
a. maingat b. masistema c. mapanuri d. madiskarte
4. Ano itong hakbang sa pananaliksik na binibigyang-pansin ang pagsasatama ng isinulat ng
nilalaman at gayundin ang baybay, bantas at wastong gamit ng salita?
a. Pagwawasto at pagrerebisa
b. Paglalahad ng layunin
c. Pinal na balangkas
d. Pagsulat ng pinal na pananaliksik
5. Hakbang na isinusulat ang pananaliksik batay sa pormat na ibinigay ng guro. Huling hakbang sa
pananaliksik. Ano ito?
a. Pinal na balangkas
b. Pagsulat ng pinal na pananaliksik
c. Piliin ang paksa
d. Pagwawasto at pagrerebisa
6. Ito ang bahaging kailangang planuhin at isiping mabuti ang pagkakabuo ng pananaliksik na
gagawin. Ano ito?
a. Pinal na balangkas.
b. Paglalahad ng layunin
c. Pagsulat ng burador
d. Pangangalap-tala
7. Hakbang sa pananaliksik na nagbibigay-direksyon at gabay sa pananaliksik. Ano ito?
a. Piliin ang paksa
b. Pagsulat ng burador
c. Pagsulat ng pinal na pananaliksik
d. Balangkas.
8. Anong hakbang ang tungkol sa pagsulat ng talaan ng mga sanggunian kung saan kinuha ang
mga impormasyon sa pananaliksik?
a. Pangangalap-tala
b. Pinal na balangkas
c. Paghahanda ng Bibliyograpiya.
d. Pagwawasto at pagrerebisa
9. Ito ay ang makaagham na pagkuha at pangangalap ng mga tala at datos upang masubok ang
isang teorya.
a. posisyong-papel b. akstrak c. proyektong papel d. pananaliksik
10. Ang sumusunod ay tumutukoy sa etika ng pananaliksik MALIBAN sa isa.
a. pagiging subhektibo
b. pagiging matapat sa bawat pahayag
c. paggalang sa karapatan ng iba
d. pagtingin sa lahat ng datos

You might also like