Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 18

VALENCE NG VERB NG WIKANG CEBUANO SA ILIGAN

Isang Papel Pananaliksik


Na Iniharap kay
DANILYN T. ABINGOSA, PhD
Departamento ng Filipino at Ibang mga Wika
Kolehiyo ng mga Sining at Agham Panlipunan
MSU-Iligan Institute of Technology

Bilangbahagi
Ng mga Pangangailangan sa
FIL 150 Sintaks at Semantiks ng Wikang Filipino

ni
KRISCA DIANE C. SISTONA

Disyembre 7, 2022
1.0 Introduksyon

Mahalaga ang wika sa ating mundo. Ito ay gumaganap bilang isang link sa
pagitan ng pangkalahatang pag-unawa at personal na pag-unawa. Kahit na lahat
tayo ay may iba't ibang opinyon at paniniwala, ang wika ay nag-uugnay at
nagbubuklod sa atin. Dahil sa wika, maaaring umunlad ang isang bansa at maging
produktibo ang isang indibidwal. Ang mga tao ay nangangailangan ng wika upang
maipahayag ang ating pinakapangunahing pangangailangan, kabilang ang
kakayahang ipahayag ang ating mga damdamin, iniisip, at iba pang mga ideya.

Bawat wika ay mayroong sariling estruktura ng pagbubuo ng isang


sentens. Sintaks ang tawag sa pag-aaral ng pagbubuo ng mga pangungusap o
sentens (Gonzales-Garcia, 1992). Isang panaguri at isang paksa ang bumubuo sa
isang pangungusap. Ang isang parirala, sa kabilang banda, ay bahagi din ng isang
pangungusap; ito ay binubuo ng panaguri o sabjek, na isang set ng mga salita. Ang
preys naman ay isang maliit na pangkat ng mga salita na nagdadagdag ng
kahulugan sa isang sentens. Sa wikang Cebuano-Iligan, mayroong apat (4) na
preys- nawn preys (NP), adjektiv preys (AD), preposisyonal preys (PP) at verbal
preys (VP). Mayroong dalawang uri ng sentens, ang verbal sentens at di-verbal
sentens. Verbal na sentens ang tawag sa mga sentens na ang head ng predikeyt ay
verb (Paz, C., V. V. Hernandez at I. U. Peneyra, 2003). Ang link sa pagitan ng
isang pandiwa at ang bilang ng mga argumento nito ay kilala bilang valence sa
mga verbal na pangungusap. Nakabatay ang kahulugan ng isang verb sa kung
anong uri ng fokus ang inilapat dito- agent, patient, lokativ, instrumental,
benefaktiv. Ang valence ng verb ay maaaring one-place na predikeyt, two-place
na predikeyt, at three-place na predikeyt.

Batid natin na ang Pilipinas ay isang multilinggwal na bansa na nagsasalita


hindi lamang sa isang wika kundi marami. Ang bawat wika ay naglalaman ng mga
natatanging tampok na nagbubukod dito sa iba. Ang mga tampok na ito ay
produkto ng wika mismo. Bagama't may mga salita sa ilang wikang sinasalita sa
Pilipinas na tila magkatulad, iba ang mga ito dahil sinusunod nila ang kanilang
natatanging hanay ng mga tunog, salita, at pattern. Walang dudang multilinggwal
ang mga Pilipino dahil, bukod sa ating sariling wika o unang wika, natututo din
tayo ng iba pang mga wika sa paaralan na maaaring naimpluwensyahan ng ibang
kultura. Kabilang sa mga halimbawa ng iba pang mga wikang ito ang Filipino at
Ingles. Ngunit sa maraming lugar sa Mindanao, ang Cebuano ay kabilang sa mga
wikang pinakamalawak na sinasalita. Kilala rin ang wikang ito sa mga
katawagang Binisaya, Bisaya, Sebwano, Sebuano, Sugbuanon o Sinugbuanon.
Ayon sa kina Paul, L. M. et al. (2015), ang wikang Cebuano ay sinasalita ng
15,800,000 na ispiker sa buong Pilipinas at 18,810,000 sa buong mundo. Tanyag
at laganap ang wikang ito sa Visayas, Katimugan ng Masbate at sa parte ng
Mindanao.

Layunin ng pag-aaral na ito ang mailarawan ang valence ng verb o bilang


ng argyumento ng verb na bumubuo sa wikang Cebuano-Iligan. Layunin din na
ilarawan ang one-place na predikeyt, two-place na predikeyt, at three-place na
predikeyt ng verb preys.

1.1 Layunin ng Pag-aaral

Nilayon ng pag-aaral na ito na mailarawan ang valence ng verb o ang


bilang ng argyument na kinakailangan ng verb ng wikang Cebuano-Iligan.
Nilalayon nitong mauri ang mga verb batay sa kung anong uri ng fokus ang
nilapat dito- one place na predikeyt, two-place na predikeyt at three-place na
predikeyt.

1.2 Metodolohiya

Inilahad sa bahaging ito ang pamamaraang ginamit sa isinagawang pag-


aaral.

1.2.1 Pangongolekta ng Datos


Kinalap ang mga datos sa pamamagitan ng interbyu o pakikipagpanayam
sa informant. May limampung (40) pangungusap ang ipinasalin sa informant mula
sa wikang Filipino tungo sa wikang Cebuano-Iligan.

1.2.2 Informant

Ginamit na informant sa pag-aaral ang 42 taong gulang na neytib-ispiker


ng wikang Cebuano-Iligan. Siya ay nagmula saUpper Luinab, Iligan City.

2.0 Presentasyon at Analisis ng Datos

Tinalakay sa bahaging ito ang valence ng verb o ang kinakailangang


bilang ng argyument ng verb sa wikang Cebuano-Iligan. Sa pagpresenta ng datos
ibinigay ang Filipino glossing at tree- diagram ng mga verb na may one-place
predikeyt, two-place predikeyt at three-place predikeyt.

2.1 Verb

Sa kahulugang pansemantika, ang verb ay tumutukoy sa salitang


nagpapakilos o nagbibigay-buhay sa isang lipon ng mga salita, Samantalang sa
pananaw na istruktural, nakikilala ang verb sa pamamagitan ng infleksyon nito sa
iba’t ibang aspek ayon sa uri ng kilos na isinasaad dito. Ang verb ng wikang
Cebuano-Iligan ay dumadaan ito sa proseso ng infleksyon na kung saan
nagbabago ang istruktura ng salita subalit hindi nagbabago ang kahulugan at ang
leksikal na kategori nito, tenseles din ang wikang Cebuano-Iligan, mayroong
lamang itong apat na aspek, ang infinitiv, perfektiv, imperfektiv at kontemplativ.

2.1.1 Valence ng Verb

Nakabatay ang kahulugan ng isang verb batay sa kung ano ang uri ng
fokus na inilapat dito. Maaring ang fokus ng isang verb ay fokus sa agent, fokus
sa patient, fokus sa lokativ, fokus sa instrument at fokus sa benefaktiv. Ayon kay
Paz, C., V. V. Hernandez at I. U. Peneyra (2003), tinatawag na valence ang
relasyon ng verb sa bilang ng Nawn Preys (NP) o argyument nito. Ayon naman
kay Malicsi (2013), ang relasyon ng verb sa bilang at uri ng mga komplemento
nito. Nangangahulugan lamang na ang uri fokus ng isang verb ang
nagdedetermina kung ilang NP o argyument ang ikakabit dito nang sa gayon ay
maging buo ang kahulugan nito. Sa wikang Cebuano-Iligan, ang valence ng verb
ay maaring uriin sa tatlo (3). Maari itong (1) one-place na predikeyt, (2) two-place
na predikeyt, at (3) three-place na predikeyt.

Sa bahaging ito, tinalakay ang mga verb ng wikang Cebuano-Iligan batay


sa bilang ng NP na kinakailangan nito. Para sa mga halimbawang sentens,
ibinigay ang Filipino gloss at ang tree diagram nito.

2.2 One-place na Predikeyt

Tumutukoy ang one-place predikeyt sa verb na nangangailangan ng isang


core na argyument na gumaganap bilang agent ng kilos na isinasaad ng verb (Paz,
C., V. V. Hernandez at I. U. Peneyra, 2003). Sa wikang Cebuano-Iligan, ang mga
verb na may fokus sa agent ay nangangailangan lamang ng isang argyument
upang maging buo ang kahulugan nito. Makikita sa mga sumusunod na sentens
ibaba ang iilan sa mga verb na nasa imperfektiv na aspek na nilapatan ng fokus sa
agent. Ang mga verb na nanghalay, nagkaon, nagdagan, at ningsayaw ay
nangangailangan lamang ng isang (1) NP upang maging buo ang kahulugan nito.

(1) Nang-halay si Patrice.


Imperf.Ag-sampay NOM.Sg Patrice.
‘Nagsasampay si Patrice.’

(2) Nag-kaon sila karon.


Imperf.Ag-kain NOM.3Pl karon
‘Kumakain sila ngayon.’

(4) Nag-dagan si Ethan.


Imperf.Ag-takbo NOM.Sg Ethan
‘Tumatakbo si Ethan.’
(5) Ning-sayaw siya karon.
Imperf.Ag-sayaw NOM.3Pl ngayon
‘Sumasayaw siya ngayon.
2.2.1 One-place na Predikeyt

Sa unang (1) sentens na Nanghalay si Patrice ‘Nagsasampay si Patrice’,


makikita na binubuo ito ng verb na nanghalay ‘nagsasampay’ na ang uri ng verb
na nilapat ay fokus sa agent at ang si Katrina ‘na siyang agent o tagapagpaganap
ng verb. Kung mapapansin isang NP o argyument lamang ang kinakailangan ng
verb na nanghalay upang maging buo na ang kahulugan ng sentens.

Makikita sa Figyur 1 ang estruktura ng sentens na Nanghalay si Patrice


‘Nagsasampay si Patrice’

Pred Sabj

VP NP

Af V Det N
nang- halay si Patrice
‘Nanghalay si Patrice.’
Figyur 1. verb+agent/aktor

2.2.2 One-place na Predikeyt ± adjunct

Makikita naman sa pangalawang (2) sentens na Nagkaon sila karon


‘Kumakain sila ngayon’, na binubuo ito ng verb na nagkaon ‘kumakain’ na agent
fokus, Pronawn (PN) na sila ‘sila’ at ang adjunct na karon ‘ngayon’. Ang PN na
sila ang tagapagganap ng verb na nagkaon. Kung mapapansin, isang argyument
na PN’ lamang ang kinakailangan ng verb na nagkaon upang maging buo ang
kahulugan ng sentens. Ang adjunct na karon naman ay ikinabit sa sentens upang
i-modifay ang panahon kung kailangan ginagawa ang kilos. Ang adjunct ay
opsyonal lamang na ikinakabit sapagkat hindi ito nakaapekto sa kahulugan ng
sentens kahit na hindi ito ikinakabit.

Makikita sa Figyur 2 ang estruktura ng sentens na Nagkaon sila karon


‘Kumakain sila ngayon’

Pred Sabj Adjunct

VP NP

Af V PN

nag- kaon sila karon


‘Kumakain sila ngayon.’
Figyur 2. verb+agent/aktor ± adjunct

2.3 Two-place na Predikeyt


Tumutukoy ang two-place na predikeyt sa verb na nangangailangan ng
dalawang NP o argyument – (1) agent ng kilos ng verb (2) patient o entidad na
naapektuhan ng kilos ng verb, direk objek o kaya ang direksyon ng kilos ng verb
(Paz, C., V. V. Hernandez at I. U. Peneyra, 2003). Sa wikang Cebuano-Iligan,
ang mga verb na may fokus sa patient ay nangangailan lamang ng dalawang
argyument upang maging buo ang kahulugan nito. Ang dalawang argyument na
binubuo ng agent o ang aktor na tagapagganap sa verb at ang patient o ang
naapektuhan ng kilos nga verb, direk objek o di-kaya’y ang direksyon ng kilos ng
verb. Makikita sa ibaba ang iilan sa mga verb na patient at lokativ na fokus, ang
mga verb na ito ay nasa perfetiv na aspek. Nangangailangan ng dalawang NP o
argyument gitunga, gisunog, gikaon, giinom, at gipalit upang maging buo ang
kahulugan nito.

(6) Gi-tunga ni Jeralyn ang mansanas.


Perf.Pat-hati GEN.Sg Jeralyn Nom.Sg mansanas
‘Hinati ni Jeralyn ang mansanas.’

(7) Gi-sunog ni Jan ang mga papel.


Perf.Pat-sunog GEN.Sg Jan Nom.Pl papel
‘Sinunog ni Jan ang mga papel.’

(8) Gi-kaon ni Jeselle ang tsokoleyt gahapon.


Perf.Pat-kain GEN.Sg Jeselle Nom.Sg tsokoleyt kahapon
‘Kinain ni Jeselle ang tsokoleyt kahapon.’
(9) Gi-inom sa bata ang gatas.
Perf-Pat-inom Gen.Sg bata Nom.Sg gatas
‘Ininom ng bata ang gatas.’

(10) Gi-palit ni Sario ang sapatos.


Perf.Th-bili GEN.Sg Sario NOM.Sg sapatos
‘Binili ni Sario ang sapatos.’

2.3.1 Two-place na Predikeyt

Sa ikalabing-dalawang (7) sentens na Gisunog ni Jan ang mga papel


‘Sinunog ni Jan ang mga papel’, makikita na binubuo ito ng verb na gisunog
‘sinunog’ na nasa patient fokus, ang agent na ni Jan ‘ni Jan’, at ang mga papel
‘ang mga papel’ na siyang patient o ang naapektuhan ng kilos ng verb. Kung
mapapansin dalawang NP o argyument ang kinakailangan ng verb na gisunog
upang maging buo ang kahulugan nito sapagkat hindi mauunawaan ang ibig
ipakahulugan kung Gisunog ni Jan lamang ang sentes. Makikita na ni Jan
lamang ang argyument na inilapat sa verb, kung kaya’t kinakailangan na
mayroong isa pang argyument na idadagdag upang nang sa gayun maipahayag
kung ano ang entidad na naapektuhan ng kilos ng verb. Sa pamamagitan ng
pagdadagdag ng NP na ang mga papel mauunawaan kung ano ang entidad na
naapektuhan ng kilos ng verb.

Makikita sa Figyur 3 ang estruktura ng sentens Gisunog ni Jan ang mga


papel ‘Sinunog ni Jan ang mga papel’
S

Pred Sabj

VP NP

V NP Det N

Af V Det N

gi- sunog ni Jan ang mga papel

‘Sinunog ni Jan ang mga papel.’

Figyur 3. verb+agent/aktor+ direk objek

2.3.2 Two-place na Predikeyt ± adjunct


Sa ikalabing-tatlong (8) sentens na Gikaon ni Jeselle ang tsokoleyt
gahapon ‘Kinain ni Jeselle ang tsokoleyt kahapon’, makikita na binubuo ito ng
verb na giputol ‘kinain’ na patient fokus, ang agent na ni Jeselle ‘ni Jeselle ’, ang
tsokoleyt‘ang tsokoleyt’ na siyang patient o ang naapektuhan ng kilos ng verb, at
ang gahapon ‘kahapon’ na isang adjunct. Kung mapapansin dalawang NP o
argyument ang kinakailangan ng verb na gikaon upang maging buo ang
kahulugan nito sapagkat hindi mauunawaan ang ibig ipakahulugan kung Gikaon
ni Jeselle lamang ang sentens. Makikita na ni Jeselle lamang ang argyument na
inilapat sa verb. Hindi magiging buo ang kahulugan ng sentens, kung kaya’t
kinakailangan na mayroong isa pang argyument na idadagdag upang nang sa
gayun maipahayag kung ano ang entidad na naapektuhan ng kilos ng verb. Sa
pamamagitan ng pagdadagdag ng NP na ang tsokoleyt upang mauunawaan kung
ano ang entidad na naapektuhan ng kilos ng verb. Gayundin, ang pagdaragdag ng
adjunct na gahapon ‘kahapon’ ay upang i-modifay kung kailangan naganap ang
kilos. Subalit ang paglalagay ng adjunct ay opsyonal lamang sapagkat hindi
naman naapektuhan ang buong kahulugan ng sentens kahit na wala ito.

Makikita sa Figyur 4 ang estruktura ng sentens na Gikaon ni Jeselle ang


tsokoleyt gahapon ‘Kinain ni Jeselle ang tsokoleyt kahapon’
S

Pred Sabj Adjunct

VP NP

V NP Det N

Af V Det N
gi kaon ni Jeselle ang tsokoleyt gahapon

‘Pinutol ni Mario ang puno kahapon.’

Figyur 4. verb+agent/aktor+ direk objek ± adjunct

2.4 Three-place na Predikeyt

Tumutukoy ang three-place na predikeyt sa verb na nangangailangan ng


tatlong- (1) agent ng kilos ng verb; (2) objek o entidad na naapektuhan ng kilos ng
verb at (3) benefaktiv o tagatanggap ng kilos ng verb, instrumento o kaya ang
lokasyon/direksyon ng kilos. (Paz, C., V. V. Hernandez at I. U. Peneyra, 2003).
Sa wikang Cebuano-Iligan, ang mga verb na may fokus sa benefaktiv, instrument
at lokativ ay nangangailan ng tatlong (3) argyument upang maging buo ang
kahulugan nito. Ang tatlong argyument na binubuo ng agent o ang aktor na
tagapagganap sa verb. ang objek o entidad na naapektuhan ng kilos ng verb, at
benefaktiv, instrumento at lokasyon ng kilos. . Makikita sa ibaba ang iilan sa mga
verb na nilapatan ng fokus sa benefativ, instrument at lokativ na nasa perfektiv na
aspek. Ang mga verb na gipang-ukay, gipangsulat, gipalitan, gilutoan at
gibutangan ay nangangailangan lamang ng tatlong (3) argyument upang maging
buo ang kahulugan nito.

(11). Gipang-ukay ni Mama sa lugaw ang luwag.


Perf.Ins-halo Gen. Sg Mama OBL lugaw NOM.Sg sandok
‘Ipinanghalo ni Mama ng lugaw ang sandok.’
(12) Gipang-sulat sa bata sa papel ang ballpen
gahapon.

Perf.Ins-sulat Gen.Sg bata OBL papel NOM.Sg ballpen kahapon

‘Ipinangsulat ng bata sa papel ang ballpen kahapon.’

(13) Gi-palit-an nako ug pagkaon ang bata.


Perf.Ben-palit Gen.Sg GEN.Sg pagkain NOM.Sg bata
‘Binilhan ko ng pagkain ang bata.’

(14) Gi- luto- an niya ug pinakbet iyang


igsuon
Perf.Ben-luto GEN.3Sg GEN.Sg pinakbet NOM.Sg kapatid
‘Ipinagluto niya ng pinakbet ang kapatid.’

(15) Gi-butang-an ni Felicia ug tubig ang


tumbler
Perf. Ben-butang GEN.Sg Felicia GEN.Sg tubig NOM.Sg
tumbler
‘Nilagyan ni Felicia ng tubig ang tumbler.’

2.4.1 Three-Place na Predikeyt

Sa ika- dalawampu’t limang (14) sentens na Gilutoan niya ug pinakbet


iyang igsuon ‘Ipinagluto niya ng pinakbet ang kapatid’. Mapapansin na binubuo
ang sentens ng verb na gilutoan ‘ipinagluto’ na nasa benefaktiv fokus, ang agent
na niya ‘niya’, ug pinakbet ‘ng pinakbet’ bilang objek at ang iyang igsuon ‘ang
kapatid’ bilang benefaktiv o ang tagatanggap ng kilos na isinasaad ng verb.
Gayunpaman, hindi magiging buo ang kahulugan ng sentens kung ang argyument
lamang ng verb na gilutoan ay ang PN lamang na niya ‘niya’. Kinakailangan nito
ng isa pang NP kung kaya’t ang argyument na ug pinakbet idinagdag upang
malaman kung ang objek ng sentens ngunit hindi pa rin buo ang diwa sapagkat
kinakailangan pa ng isang argyument upang maipahayag kung sino ang tatanggap
ng kilos na isinasaad ng verb. Dahil dito, idaragdag ang isa pang argyument na
iyang igsuon. Makikita na ang verb na nasa benefaktiv na fokus ay nangangailan
ng tatlong (3) argyument upang maging buo ang kahulugan nito.

Makikita sa Figyur 4 ang estruktura ng sentens na. Gilutoan niya ug


pinakbet iyang igsuon ‘Ipinagluto niya ng pinakbet ang kapatid’.

Pred Sabj

VP NP

V 2PN Det N

Af V NP1 NP2

PN Det N

gi-,-an luto niya ug pinakbet iyang igsuon

‘Ipinagluto niya ng pinakbet ang kasintahan.’


Figyur 5. verb+agent/aktor+ objek +benefaktiv
2.4.2 Three-place na Predikeyt ± adjunct

Sa ika- dalawampu’t dalawang (12) sentens na Gipangsulat sa bata sa


papel ang ballpen gahapon ‘Ipinangsulat ng bata sa papel ang ballpen
kahapon’. Mapapansin na binubuo ang sentens ng verb na gipangsulat
‘ipinangsulat’ na nasa instrument fokus, ang agent o tagapagganap ng kilos ng
verb na sa bata ‘ng bata’, sa papel ‘sa papel’ bilang objek, ang ang ballpen ‘ang
ballpen’ bilang instrument na isinasaad ng verb at ang adjunct na gahapon
‘kahapon’. Gayunpaman, hindi magiging buo ang kahulugan ng sentens kung ang
argyument lamang ng verb na gipangsulat ay ang sa bata. Kinakailangan nito ng
isa pang NP kung kaya’t ang argyument na sa papel ay idinagdag upang malaman
kung ano ang objek na naapektuhan ng verb sa sentens. Subalit hindi pa rin buo
ang diwa sapagkat kinakailangan pa ng isang argyument upang maipahayag kung
sino ang tatanggap ng kilos na isinasaad ng verb. Dahil dito, idaragdag ang isa
pang argyument na ang ang ballpen ‘ang ballpen’ bilang instrument na
tagagatanggap ng isinasaad na kilos ng verb. Samantalang ang adjunct na
gahapon ay hindi nakaapekto kahit na hindi ito ikabit sa sentes dahil idinadagdag
lamang ito upang i-modifay ang kilos na isinasaad ng verb, hindi rin nababago
ang kahukugan ng sentens kahit na wala ang adjunct na ito. Gayunpaman, ang
verb na nasa instrument fokus ay nangangailan ng tatlong (3) argyument upang
maging buo ang kahulugan nito.

Makikita sa Figyur 6 ang estruktura ng sentens na Gipangsulat sa bata sa


papel ang ballpen gahapon ‘Ipinangsulat ng bata sa papel ang ballpen
kahapon’.
S

Pred Sabj Adjunct

VP NP

V 2PN Det N

Af V NP1 NP2

Det N Det N

gipang- sulat sa bata sa papel ang ballpen gahapon


‘Ipinang-sulat ng bata sa papel ang ballpen kahapon’
Figyur 6. verb+agent/aktor+ objek +benefaktiv± adjunct

3.0 Konklusyon
Ang valence ng verb ng wikang Cebuano-Iligan ay maiuuri sa tatlo- one-
place predikeyt, two-place na predikeyt, at three-place na predikeyt. Sa one-
place na predikeyt, ang mga verb na agent fokus tulad ng gitunga, gisunog,
gikaon, giinom at gipalit ay nangangailangan lamang ng isang (1) NP upang
maging buo ang kahulugan nito. Sa two-place na predikeyt naman, ang mga verb
gitunga, gisunog, gikaon, giinom, at gipalit na may patient fokus ay
nangangailangan ng dalawang NP o argyument upang maging buo ang kahulugan
nito. Habang sa three-place na predikeyt naman, ang mga verb na gipang-ukay,
gipangsulat, gipalitan, gilutoan at gibutangan ay nangangailangan lamang ng
tatlong (3) argyument upang maging buo ang kahulugan nito. Gayunpaman, ang
adjunct na idinagdag sa mga sentens ay hindi nakaapekto sa buong kahulugan ng
sentens.
REPERENSYA

Gonzales-Garcis, L. (1992) Makabagong Gramar ng Filipino. Manila: Rex Book


Store

Malicsi, J. (2013).Gramar ng Filipino.Sentro ng Wikang Filipino: Unibersidad ng


Pilipinas

Paz, C., Hernandez, V. V., at Penerya, I. U (2003). Ang pag-aaral ng wika.


Lungsod ng Quezon: Unibersidad ng Pilipinas.

Paul, L. M., Simons, G. F., Fennig, C. D (eds.). 2015. Ethnologue: Languages of


the world, Eighteenth edition. Dallas, Texas:SIL International. Online:
http://www.ethnologue.co

You might also like