Aral NG Isang Ahas

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Alamat ng Ahas

Sa isang nayon sa katagalugan, may naninirahang isang mag-ina. Ang biyudang si Aling Sima
at ang kanyang anak na si Masung. Bagama’t malaki ang pangangatawan ni Masung ay sobra
naman ang kanyang kawalanghiyaan. Sa halip na makatulong siya sa ina ay pabigat pa siya
rito.

“Ano kaba naman, anak. Sana man lang ay linangin mo ang lupang iniwan ng iyong ama.
Sayang na lang ang pagpapalaki ko sa iyo. Inubos mo lamang ang pera sa pag-inom ng alak,”
ang wika ni Aling Sima.

“Ayan na naman kayo. Pagod ako at huwag ninyong isusumbat sa akin ang ibinibigay ninyong
pera sa akin dahil sa tungkulin ninyong bigyan ako ng pera!” ang sagot ni Masung.

Walang nagawa si Aling Sima kundi ang tumahimik. Alam niyang walang patutunguhan ang
pag-uusap nilang mag-ina dahil sa maling katuwiran ng anak. Hindi lang ubod ng tamad si
Masung, siya ay ubod pa ng takaw. Hirap na hirap na ang kanyang ina sa bukid samantalang
siya ay naroon at tiyesong-tiyeso sa pagtulog. Tamad na nga siya ay basagulero pa.

Isang araw, natutulog ang matanda nang gulantangin ito ng ingay ng pinto. Humahangos si
Masung at naghahanap ng gulok dahil may nakaaway siya. Walang nagawa si Aling Sima kundi
ang sumigaw at humingi ng tulong sa kanyang mga kapitbahay. Anim na lalaki ang nagtulung-
tulong para lamang mapigil sa pakikipagaway si Masung. Marami nang sinaktang tao si
Masung kapag ito ay nagwawala kaya’t siya ay kinatatakutan.

Minsan, wala siyang inabutang pagkain sa bahay. Gutom na gutom pa naman siya. Galit na
galit na pinuntahan niya sa silid ang kanyang ina at pabulyaw na nagsabing, “Bakit hindi ninyo
ako ipinaghanda ng pagkain?”

“Anak may sakit ako. Wala akong lakas.”

“Kayo may sakit? Arte lang ninyo iyan. Sige bumangon kayo riyan at ipagluto ninyo akong
pagkain!”

“Anak, parang awa mo na. Ikaw na muna ang maghanda ng iyong makakain,” ang lumuluhang
sabi ni Aling Sima.

“Ako…magluluto..ano ako babae. Hindi maaari, sige bumangon kayo at magluto!” ang bulyaw
ni Masung na sabay sipa sa ina.

Sa kawalanghiyaang inasal ng anak ay hindi na nakapagtimpi pa si Aling Sima at nagwika ng,


“Walang utang na loob, lapastangan na anak, ikaw na ubod ng tapang ay gagapang sa lupa at
kailanman ay hindi ka na makakatayo sapagka’t habang buhay kang gagapang. Mananatili ang
iyong kabagsikan at lalo kang katatakutan ng mga tao.”

Tinawanan lamang ni Masung ang sinabi ng ina. Lumayas siya at sa paglalakad niya sa bukid
ay bigla siyang nalugmok. Hindi niya maitayo ang kanyang mga paa. Naramdaman niyang unti-
unting humahaba at pumapayat ang kanyang katawan hanggang sa tuluyang mawala na ang
kanyang mga paa’t kamay. Huli na nang magsisi siya.

Samantala, ang kanya palang kaaway ay lihim siyang sinusundan. Nasaksihan niya ang
pagbabago sa katawan ni Masung. Nagdatingan pa ang ibang tao. Nakita nila ang mahabang
hayop sa lupa na gumagapang sa damuhan. Nang makita niya ang mga tao ay umakma siyang
manunuklaw at sa takot ay nagpulasan ng takbo ang mga tao.

Magmula nga noon ay nilayuan na ng mga tao ang damuhang iyon sa takot na matuklaw sila ni
Masung – ang taong naging ahas na siyang pinagmulan ng unang ahas.

Halimbawa ng alamat na may aral na huwag maging tamad at batugan.


Ang alamat na pinamagatang Alamat ng Ahas ay isang maikling halimbawa ng mga alamat sa
Pilipinas. Ang alamat na ito ay para maipakita ang mga karanasan ng mga tauhan na siyang
kapupulutan natin ng aral katulad sa tunay na buhay. Dagdag pa rito, ang maikling halimbawa
ng alamat sa Pilipinas na ito ay nakawiwiling basahin at ibabahagi niyo rin sa iba.

You might also like