Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VIII – Easter Visayas
Schools Division of Samar
Sta. Margarita I District
STA. MARGARITA NATIONAL HIGH SCHOOL
Sta. Margarita, Samar

Semi – Detailed Lesson Plan sa Araling Panlipunan 10

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Nilalaman : Ang mag-aaral ay may pag-unawa sa sanhi at implikasyon ng mga
lokal at pandaigdigang isyung pang ekonomiya upang mapaunlad ang
kakayahan sa matalinong pagpapasya tungo sa pambansang
kaunlaran.
B. Pamantayang sa Pagganap : Ang mag-aaral ay nakabubuo ng pagsusuring papel sa mga isyung
pang-ekonomiyang nakaaapekto sa kanilang pamumuhay.

C. Mga Kasanayang Pampagkatuto : *Naipaliliwanag ang kalagayan, suliranin at pagtugon sa isyu ng


paggawa sa bansa
D. Koda : Linggo 3-4
E. Tiyak na Layunin:
Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Malalaman ang mga kalagayan ng iba’t – ibang sektor sa bansa


2. Mailalahad ang mga epekto nito sa mga manggagawang Pilipino
3. Makapagbibigay ng kanilang saloobin o opinyon tungkol sa kalagayan ng paggawa sa iba’t
ibat sektor sa bansa.

II. Nilalaman
A. Paksa :Isyu sa Paggawa: Kalagayan ng iba’t ibang sektor sa bansa.
Araw : Nobyembre 21-25, 2022, araw 1
Oras : 8:30 – 9:30 AM (MTW – Jupiter) / 4:00-5:00 PM (MTW – Earth)
Paglalaan : Isang oras
ng oras

B. Mga Mapagkukunan ng Pag-aaral:


Sanggunian : LM pahina: wala
TG pahina: wala
MELC pahina: 57/723
Learner’s Module: AP10_Q2_Mod2_Mga-Isyu-sa-Paggawa.pdf
Iba pang sanggunian: https://www.youtube.com/watch?v=dUWDwPS0Yo0
https://www.youtube.com/watch?v=VktRL6IzqCQ
Kagamitan : Laptop, TV, Blackboard, Chalk

III. Pamamaraan:
A. Pagbabalik-aral/Paglalahad ng Bagong Aralin

- Ang guro ay magtatanong sa mga mag-aaral tungkol sa kanilang mga natutuhan sa nakaraang
aralin tungkol sa kalagayan ng paggawa sa bansa.
- Ilalahad ng guro ang panibagong aralin pagkatapos.
B. Paglalahad ng Layunin
- Ilalahad ng guro ang layunin ng aralin

Mga Tiyak na Layunin:


1. Malalaman ang mga kalagayan ng iba’t – ibang sektor sa bansa
2. Mailalahad ang mga epekto nito sa mga manggagawang Pilipino
3. Makapagbibigay ng kanilang saloobin o opinyon tungkol sa kalagayan ng paggawa sa iba’t
ibat sektor sa bansa.

C. Paglalahad Ng Mga Halimbawa/Mga Pagkakataon Tungkol Sa Bagong Aralin


- Hahayaan ng guro na panuorin ng mga mag-aaral ang isang balita tungkol sa isyu ng paggawa
sa pilipinas at magtatanong pagkatapos.
- Mrs. Villar Vs. Raffy Tulfo

D. Pagtatalakay Ng Bagong Aralin At Paggamit Ng Bagong Kasanayan #1


- Tatalakayin ng guro ang aralin tungkol sa mga kalagayan ng iba’t ibang sektor sa bansa sa
pamamagitan ng isang vidyow presentasyon

E. Pagtatalakay Ng Bagong Aralin At Paggamit Ng Bagong Kasanayan #2


- Magtatanong ang guro sa mga mag-aaral tungkol sa kanilang napanood na vidyow tungkol sa
aralin.

F. Aplikasyon (Developing Mastery of the lesson):


- Ang mga mag-aaral ay tatanungin ng guro tungkol sa kanilang natutuhan sa aralin.

G. Paghahanap Ng Praktikal Na Aplikasyon Ng Aralin At Kasanayan Sa Pang-Araw-Araw


Na Buhay
- Magtatanong ang guro sa mga mag-aaral kung anong mga trabaho na nasa sektor ng
agrikultura, indutriya at serbisyo ang nasa lugar nila at ipapalahad ang mga kalagayan
ng mga ito.

H. Paglalahat
- Ang guro ay magtatanong tungkol sa mga natutunan ng mga mag-aaral tungkul sa aralin.
Halimbawa:
- Anu-anong mga sektor sa ating bansa ang ating tinalakay ngayon?
- Anong sektor sa paggawa ang may malaking ambag sa ating ekonomiya?
- Magbigay ng isang kalagayan sa sektor ng agrikultura, indutriya at serbisyo at ang epekto
nito sa mga manggagawa. (Magtanong ng 2 mag-aaral)
- Ano ang inyong masasabi tungkol sa mga kalagayan ng mga manggagawa sa iba’t-
ibang sektor?

IV. Pagtataya 5
Panuto: Basahin ng mabuti ang mga tanong sa ibaba, piliin lamang ang TITIK ng iyong tamang sagot.

1. Alin sa mga sumusunod na sektor sa paggawa ang nagpapakita ng kalagayan sa “kakulangan


sa patubig”?

a. Sektor ng Agrikultura c. Sektor ng Serbisyo


b. Sektor ng Industriya d. Sektor ng Paggawa
2. Alin sa mga sumusunod na mga kalagayan ang nagpapakita sa sektor ng Agrikultura?

a. Ginagawang subdivision o mga malls ang mga lupang pansakahan


b. Kawalan ng seguridad para sa mga manggagawa katulad ng konstraksiyon.
c. Tax incentives para sa mga TNCs
d. hindi normal na oras sa pagtatrabaho

3. Isa sa mga kalagayan ng sektor ng Serbisyo ay ang “hindi normal na oras sa pagtatrabho at
over-worked”. Alin sa mga sumusunod ang maaaring maging epekto nito sa mga manggagawa?

a. Sapilitang pagreresign sa trabaho


b. Pagkakasakit
c. Palaging puyat dahilan ng pagkasira ng kalusugan
d. SANAOL

4. Alin sa mga sumusunod ang nagbibigay implikasyon sa kalagayan sa sektor ng industriya?

a. Ginagawang subdivision o mga malls ang mga lupang pansakahan


b. Kakulangan sa patubig
c. Pang-aabuso sa mga Karapatan ng mga manggagawa katulad ng kawalan ng sapat na
seguridad katulad ng konstraksiyon at pagmimina
d. Pagkakasakit ng mga manggagawa lalo na ang mga BPO na manggagawa dahil sa hindi
normal na oras sa pagtatrabao

5. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng implikasyon sa kalagayan ng sektor sa agrikultura,


MALIBAN SA?

a. Ginagawang subdivision o mga malls ang mga lupang pansakahan


b. Kakulangan sa patubig
c. Pang-aabuso sa mga Karapatan ng mga manggagawa katulad ng kawalan ng sapat na
seguridad katulad ng kontruksiyon at pagmimina
d. Kawalan ng suporta mula sa pamahalaan tuwing nananalasa ang mga kalamidad

B. Ano ang iyong saloobin o opinyon tungkol sa mga kalagayan ng ating mga mangagawa sa iba’t
ibang sektor sa paggawa?

V. Karagdagang Gawain
Panuto: Magsaliksik sa internet tungkol sa mga suliranin sa isyu ng paggawa.

VI. Marka:____________________________________________________________________

VII. Pagninilay
A. Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya
_____________________________________________
B. Bilang ng mga mag-aaral na kailangan ng Karagdagang Gawain para sa Pagpapaunlad ng
kaalaman
_____________________________________________
C. Gumana ba ang Remedyal na talakayan? Bilang ng mga mag-aaral na natututo sa aralin
_____________________________________________
D. Bilang ng mga-aaral na kailangan pa rin ng pagpapaunlad
_____________________________________________
E. Alin sa mga paraan ng pagtututo ang gumana? Bakit ito gumana?
_____________________________________________
F. Talakayan at harapang pag-uusap
_____________________________________________
G. Anong mga kahirapan ang aking naranasan na kinakailangan pa ang tulong ng aking mga
nakatataas para masolusyunan?
_____________________________________________
H. Anong mga Inobasyon o mga pampamayanan na mga kagamitan ang aking ginamit na
gugustuhin kong ibahagi sa aking mga kapwa guro?
_____________________________________________

Inihanda ni: Winasto ni:

JORDAN S. HULAR POLICARPO V. UY


DALUBGURO I
GURO I

Binigyang Pansin ni: Inaprobahan ni:

RONNEL A. RAMADA GLORIA B. TAMIDLES, JD


ULONG GURO I PUNONG GURO III

You might also like