Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Basic Education Department

Senior High School (SHS)


900 San Marcelino St., Ermita Manila, Philippines
Tel No.: 5242011 loc.203 / 134

KASUNDUAN SA PAGBIBIGAY PAHINTULOT


(INFORMED CONSENT)

PAMAGAT NG PANANALIKSIK
Ang Kakayahan ng mga Mag-aaral sa Baitang 12 sa Pagsulat ng Sanaysay sa Filipino sa Piling
Larangan

MGA MANANALIKSIK
John Paul V. Amogues, John Carl C. Espeso, Luis Anton S. Gonzales, Rinoa A. Maat, Andria
Faye T. Sotelo, Auralyn V. Tamundong
Adamson University

LAYUNIN NG PANANALIKSIK

Ikaw ay inaanyayahang makiisa sa isang pananaliksik. Bago ibigay ang pagsang-ayong makilahok,
nararapat lamang na maunawaan kung bakit isinasagawa ang pag-aaral na ito. Mangyaring pakibasa nang
may pag-unawa ang susunod na mga impormasyon. Huwag mag-atubiling magtanong sa isa sa mga
mananalksik kung mayroong bahaging hindi maunawaan at nais linawin.

PROSESO NG PANGANGALAP NG DATOS

Ang pananaliksik na pinamagatang Ang Kakayahan ng mga Mag-aaral sa Baitang 12 sa Pagsulat ng


Sanaysay sa Filipino sa Piling Larangan ay naglalayong alamin ang kakayahan ng mga mag-aaral sa baitang
12 sa pagsulat ng sanaysay sa Filipino sa Piling Larangan. Bilang bahagi ng pag-aaral, ang mga kalahok ay
maaaring kapanayamin o kuhanan ng opinyon sa pamamagitan ng pagpapasagot sa isang sarbey upang
makakuha ng malalim na pag-unawa at makabuo ng kongklusyon sa paksang binibigyang-pokus.

Upang makamit ang pinakalayunin ng pananaliksik, ang mga mananaliksik ay magsasagawa ng


pakikipanayam/ sarbey sa mga kalahok na nakikitang may kakayahan at may pagkakalapit sa kriteryang
kinakailangan sa paksa ng pananaliksik. Sa pangangalap ng datos, may mga itatanong at pasasagutan.
Mayroon kayong karapatan bilang mga tagatugon na sumagot o ‘di kaya ay tumanggi sa pagsagot. May
pagkakataong gagamit ang mga mananaliksik ng awdyo-bidyo rekorder at kamera upang maidokumento
ang kinakailangang datos kung inyong pahihintulutan. Sa proseso ng pangangalap ng datos, maaaring
magtanong ang mananaliksik ng mga kompidensyal at sensitibong impormasyon. Nasa sa inyo kung ito ay
inyong sasagutin. Ipinapangako ng mga mananakliksik na lahat ng mga impormasyon at datos na malilikom
ay magiging kompidensiyal, maging ang inyong pagkakakilanlan ay itatago. Pagkatapos nang pag-aanalisa
at pag-iinterpreta, maaari ninyong hingin ang resulta upang tingnan ang baliditi ng inyong mga sagot.

MGA ETIKAL NA KONSIDERASYON

May mga peligro sa pananaliksik na ito gaya ng pagkakalinlan ng mga tagatugon, kompidensiyalidad ng
mga impormasyon, datos sa dokumentasyon at ang pahintulot sa praybasi, subalit bilang isang
mananalksik na may pagrespeto sa mga etikal na konsiderasyon sa pananaliksik, ipinapangako naming
susundin ang sumusunond na karapatan:

a.) Kung ayaw magpakilala ng tagatugon, siya ay maaaring mag-iba ng pangalan upang maitago ang
kanyang identidad.
b.) Ang tagatugon ay mayroong oportunidad na basahin muna ang mga tanong sa pakikipanayam bago
ang aktwal na paglikom ng datos.
c.) ) Kung nais ng tagatugon na huwag magsaad ng mga kompidensiyal/ sensitibong impormasyon,
mayroon siyang karapatang gawin ito.
d.) ) Kung nais ng tagatugon na huwag gumamit ng awdyo-bidyo rekorder at kamera sa
dokumentasyon, mayroon siyang karapatang sabihin ito.
e.) ) Kung mayroong suhestiyon ang tagatugon upang maiwasan ang ibang peligro sa pananaliksik,
mayroon siyang karapatang sabihin ito sa mga mananaliksik.

BENEPISYO

Walang direktang benipisyong makukuha sa paglahok sa pananaliksik na ito; subalit, lahat ng


impormasyong makukuha mula sa inyo ay malaki ang magiging ambag sa batis ng kaalaman. Isa sa mga
layunin ng pananaliksik na ito ay maliwanagan ang mga tao at matuto mula sa mga karanasan ninyo. Sa
pamamagitan ng inyong mga sagot sa mga tanong sa pananaliksik, mabibigyan sila ng impormasyon kung
paano mapagtatagumpayan ang mga suliranin na kinasasangkutan o maaaring kasangkutan. Maaaring
mauwi ito upang magkaroon ng pag-unawa at kalutasan sa iba’t ibang suliranin na ating nararanasan.

IMPORMASYON SA PAKIKIPAG-UGNAYAN

Kung mayroong tanong ano mang oras hinggil sa pananaliksik na ito o ‘di kaya ay nakaranas ng ilang
epekto bilang resulta ng pakikilahok sa pag-aaral na ito, Malaya kayong makipag-ugnayan sa mga
mananaliksik. Kung kayo ay mayroong tanong sa inyong karapatan bilang tagatugon o ‘di kaya’y may
suliraning lumitaw habang isinasagawa ang pag-aaral na ito, maaari kayong makipag-usap sa mga
mananaliksik sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa lider ng pangkat:
andria.faye.sotelo202116558@adamson.edu.ph

BOLUNTARYONG PARTISIPASYON

Ang inyong pakikilahok sa pananaliksik na ito ay boluntaryo. Nasa sa inyo kung kayo ay makikilahok o
hindi sa pag-aaral. Kung kayo ay magdesisyong lalahok, kayo ay hihilingang pumirma sa isang kasunduang
nagbibigay pahintulot. Kung sakaling napirmahan na ang kasunduan, kayo ay may karapatan pa ring hindi
lumahok sa pag-aaral ano mang oras kahit kahit walang pagpapaliwanag. Hindi maaapektuhan ang relasyon
ng mananaliksik sa tagatugon kung sakaling maganap ito, kung mayroon man. Kung sakaling nagdesisyong
huwag magpatuloy at nakapagbigay na ng datos, ang nakalap na impormasyon ay maaaring ibalik sa inyo
o ‘di kaya ay sirain.

PAHINTULOT

Nabasa at naunawaan ang lahat ng nakatala sa kasunduang ito. Alam kong ang aking partisipasyon ay
boluntaryo at ako ay maaaring huwag magpatuloy kahit anong oras at kahit walang dahilan. Aking
nauunawaan na ako ay bibigyan ng sipi ng kasunduang ito at boluntaryo akong makikilahok sa pag-aaral.

Pangalan at Lagda ng Tagatugon: ____________________________________Petsa__________


G. Arnel B. Clavero Jr.
Pangalan at Lagda ng Tagapayo sa Pananaliksik: ________________________________Petsa__________

You might also like