Esp 9 Sabayang Pagbigkas v2

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

GROUP 1 SABAYANG PAGBIGKAS

ATING KARAPATAN,ATING IPAGLABAN

Takip bibig,

Pikit mata,

Malayang mamamayan,

Minsa'y protektado lamang ng pera.

Abusadong mamamayan,

Karapatan ay tila ba natatapakan,

Nasan nga ba ang Kalayaan?

Maaaring nasa iba ngunit paniguradong wala sa atin.

Nakakapagod nang marinig,

Ang mga tinig na puno ng kahirapan.

Mga sigaw ng batang musmos,

Na ang hangad lamang ay ang kaginhawaan.

Mabuti pa ang ibang aso,mayroon maayos na tirahan.

Mabuti pa ang ibang pusa,kumakain sa tamang oras.

Mabuti pa ang ibang hayop,iniingatan at inaalagaan.

Tao pinapaslang ng walang kalaban-laban,dinadampot at kinukulong kahit hindi pa ito


napapatunayan at walang sapat na ebidensya't basehan.

Sapagkat hawak ng mga makapangyarihan ang buhay mo't kalayaan.

Ito,ito ang reyalidad ng buhay

Hindi ito matiwasay at hindi rin puno ng kulay.

Maraming mandurugas na pilit kang ibababa

Makamit lamang ang mga pinapangarap nila


Ngunit wag kang mawawalan ng pag-asa,

Dahil tulad ng sa penikula ng kadiliman,sa simula lamang nagwawagi at kabutihan ang pilit na
magmumutawi.

Kaya't aking mga kababayan,

Wag na tayong magbulag-bulagan.

Kailangan mo muna ba itong maranasan bago mo ito matutunang ipaglaban?

Bilang tao,

Bilang mamamayan,

Bilang nilalang sa mundong iyong ginagalawan,

Lagi mong tandaan,May karapatan ka!

You might also like