Panuluyan 2022 Final

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 20

PYC PANULUYAN 2022

Written by:
John Kobe P. Catan

Directed by:
Chelsy Nepomuceno
MGA TAUHAN

Main
CRIS - Grade 9 Highschool student, Athletic, Pasaway,
Matalik na kaibigan ni Eve at may lihim na pag tingin rito.
EVE - Grade 9 Highschool student, Top Student, Responsable,
Matalik na kaibigan ni Cris.
JOSE - Mapagmahal at maalagang asawa, Mabuting ama.
MARIA - Pinili ng Diyos, Mapagmahal na ina, Mapagmahal na
Asawa.

Supporting
MATANDANG BABAENG PULUBI - Nanghihina at gutom na matanda,
60’s
BATANG ANGEL - Batang anghel, Makulit, Bibo, “Imaginary”
ANGHEL GABRIEL
HARING HERODES
BALTHASAR
MELCHIOR
GASPAR
PASTOL 1
PASTOL 2
PASTOL 3
SASERDOTE
TINDERA
KAWAL 1
KAWAL 2
MAY ARI NG SABSABAN

TAGPUAN

Mag uumpisa ang unang eksena sa eskwelahan at susundan ng


eksena sa lansangan, karamihan ng mga eksena ay gaganapin sa
lumang setting. Makabago at maka luma ang disenyo dahil ang
mga eksena ay gaganapin sa magka ibang panahon.

PROLOGO

Sa pagbubukas ng ilaw ay papasok ang dalawang magkaibigan na


sina CRIS at EVE

Sila ay nasa eskwelahan at uwian na, susundan ito ng eksena


sa lansangan kung saan makikilala nila ang isang matandang
babae habang naglalakad silang dalawa pauwi. Hihingian sila
nito ng limos at nang kanilang bigyan ay binigyan sila nito
ng Bibliya bilang kapalit na kanilang ipinagtaka .Lingid sa
kanilang kaalaman, ang Bibliyang ito ay hindi pangkaraniwan,
sa kanilang kuryusidad kanilang binuksan ang natanggap na
Bibliya, laking gulat nila ng biglang tumigil ang paligid
at nag umpisang maglaho ang lahat at nang sila ay mumulat,
sila ay bumalik sa nakaraan. Napadpad sila sa panahon bago
ipanganak si Jesus, sa kanilang pag lilibot ay isang Anghel
ang magpapakilala sa kanila na tanging sila lamang ang
nakakakita, ituturo nito ang lugar kung saan matatagpuan
nila si JOSE at ang nag dadalang tao na si MARIA. Ang
kanilang misyon ay tulungan ang mag asawa na mag hanap ng
lugar na mapag aanakan si MARIA sapagkat malapit na niyang
isilang si HESUS.

Scene 1
Setting: Eskwelahan

Pauwi na sila Cris at Eve habang tuwang tuwa dahil Christmas


break na, sila’y mag kwekentuhan habang naglalakad pauwi
tungkol sa mga plano nila sa darating na pasko.

CRIS at EVE: (Sabay na sisigaw) Sa Wakas!! Bakasyon na!!


CRIS: Ang bilis ng araw, parang kahapon lang Pasko pa, tapos
pag pikit ko, mag papasko na ulet!! Ez money!!
EVE: Kaya nga ehh, kaso bakasyon nga tayo, ang dami namang
tambak na activities, gagawin ko nalang agad para wala na
masiyadong isipin.
CRIS: Baduy mo naman, kaya nga bakasyon eh, bakit ka gagawa
ng activities?
EVE: B.I ka talaga eh, wag mo nga kong idamay sa katamaran
mo!
CRIS: Anong tamad? Masiyado ka lang masipag kaya ang tingin
mo saken tamad.
EVE: Hay ewan ko sayo! Pero sa Pasko ahh regalo ko.
CRIS: Ahh walang problema yan! Di ka mawawalan saken. Pero
ako alam mo, isa lang gusto kong regalo ngayong Pasko.
EVE: Ano??

(Sandaling mapapatigil sa pag lakad ang dalawa)

CRIS: Ikaw! Este, siya hehe


EVE: Nubayan! Ayan ka nanaman sa mga crush mo eh, tama ka
na!
CRIS: Sus, ikaw nga crush mo ko ehh.
EVE: Kilabutan ka naman sa sinasabi mo aber! Tara na nga!
Puro nalang kalandian inaatupag mo, wala ka namang jowa!
HAHAHA.
CRIS: Nahiya sa may jowa ahh, edi wow po.
EVE: Ayy sorry, study first kasi ako no!
CRIS: Pano yon pag may nanligaw sayo? Basted agad?
EVE: Yes! Study first nga eh?? Aanhin ko ba yang jowa jowa na
yan ang dami ko na ngang iniisip dadagdagan ko pa! Tyaka bat
ka ba tanong ng tanong? Pake mo ba! (Sabay hair flip)
CRIS: Grabe ka naman, ganyan ka ah, sige di kita ililibre ng
fishball sa labas.
EVE: Luh! Joke lang. Arte naman neto. Ang drama mo dyan ha.
CRIS: Ah! Sakit mo naman mag salita. Pakialamero na nga,
madrama pa.
EVE: Huy! Grabe, sino nagsabi sayo non? Grabe talaga. Tsk,
dahil dyan i-libre mo na lang ako.
CRIS: Anong libre?! KKB na tayo kala mo ha!
EVE: K. Sabi mo eh!

LIGHTS OFF

Setting: Lansangan

(Habang kumakain sa tuhog tuhog patuloy ang kwentuhan ng


dalawa)

CRIS: Nga pala, diba pag Pasko naalis kayo? Saan kayo
pupunta ngayong taon?
EVE: Ahh, dati napunta kame sa bahay ng Lolo at Lola ko
tapos don kami nag papasko. Pero baka ngayong Pasko sa bahay
lang kame.
CRIS: Yown! Sakto. Beke nemen maka tikim ng handa niyo.
EVE: Sige punta ka lang, kahit mag Sharon ka pa!
CRIS: Sige pagka simba namen punta ko sa inyo.
EVE: Wow nag sisimba ka pala hahaha
CRIS: Ha! Don’t me!
(paalis na ng tindahan) Teka, bayad ka na ba? (Kakausapin
ang tuhog vendor) Naku kuya bantayan niyo yan hindi nag
babayad yan HAHAHA
(mauunang lumakad palayo sa tindahan)
EVE: Hoyy! Wag kang fake news! (Kakausapin ang tuhog vendor)
Kuya, nagbabayad po ako! Wag nyo po paniwalaan yung lalaking
yon.
(hahabulin si Cris) Hoy para kang sira nakakahiya tuloy.
(Habang sila ay kumakain ay isang matandang pulubi ang
lalapit)

MATANDANG PULUBI: Iho, ineng baka pwede akong makahingi


ng konting pagkain o kaya naman pera pambili ng makakain
(kukulbitin ang dalawa). Sige na oh, gutom na gutom na ako.

EVE: Ay hala. Uhm, ok lang ba ‘tay ibili ko na lang po kayo


netong tuhog tuhog.

(Agad agad na kumuha ng mga tuhog tuhog si EVE at ibinigay


sa matandang pulubi)

EVE: Eto po tay, (I aabot ang pagkain at tubig) saan po kayo


galing at parang gutom na gutom at uhaw na uhaw po kayo?
CRIS: Tyaka ‘tay bakit ho wala kayong suot na tsinelas?
MATANDANG PULUBI: Nako mga anak galing pa kase ako sa
malayong paglalakbay, (titingin bigla sa malayo) at meron
akong mensaheng kailangan iparating.
CRIS: Paglalakbay? Mensahe? Saan po ba kayo galing?
MATANDANG PULUBI: Paparating na siya! (Titingin sa langit)
(magugulat ang dalawa)
EVE: Sino po? May susundo po ba sainyo?
MATANDANG PULUBI: Mauuna na ako sa inyong dalawa. Maraming
salamat sa pagkain at tubig na ibinahagi ninyo sakin.
(Dali dali itong umalis at di namalayan ng dalawa na isang
libro pala ang nahulog ng matanda habang papaalis ito)
CRIS: Sino daw ang paparating na? Siguro nasiraan na ng bait
yun si tatay. Kawawa naman.
EVE: Di ko nga din alam eh. Hindi naman nya ako sinagot.
(patuloy lang ang pagkain ng dalawa)
CUSTOMER #1: Ate, kuya. Yung libro niyo po oh nahulog nyo
ata. (Ituturo ang libro sa lapag)
CRIS: (Mapapatingin sa libro) Ay ate hindi po samin yan.
EVE: Ay hala. Baka kay tatay yan! Baka nahulog nya kanina.
Tara hanapin naten baka makita pa naten siya.
(Mabilis na maghahanap ang dalawa sa paligid)
CRIS: Nakita mo Eve?
EVE: Hindi eh. Baka nakalayo na sya.
CRIS: Ang bilis naman niya maglakad. Parang bigla nalang
siyang nag laho.
EVE: Itago nalang muna naten, baka maka salubong naten siya
iaabot nalang naten.
CRIS: Sige tama ka, baka mahalaga sa kanya yan.
LIGHTS OFF

Scene 2
Setting: Lansangan

(Naglalakad pauwi ang dalawa)

CRIS: Alam mo, hanggang ngayon iniisip ko paden yung matanda


kanina eh. Ano kaya yung mensahe na sinasabi nya?
EVE: Ewan ko nga din eh. Pero alam mo, parang may iba akong
nafeel kay tatay kanina.
CRIS: Panong kakaiba?
EVE: Basta. Alam mo yun, yung aura niya parang may
something.
CRIS: Hala ka!
EVE: Sira ka! Nakakaawa na nga siya, ginagawa mo pang joke.
CRIS: Hindi naman! Tinakot ka lang eh. Pero bakit hindi
natin tignan ‘tong libro? Baka may malaman tayo tungkol kay
tatay.
EVE: Huh? Wag na! Mamaya masira pa natin yung libro. Sobrang
luma na eh. Tsaka wag ka nga nangingialam ng gamit ng iba.
(aagawin yung libro kay Cris)
CRIS: Bakit naman? Titingnan lang naman naten eh, tyaka
malay mo may naka sulat na address.
EVE: Ang kulit mo talaga! (ibibigay ang libro) bahala ka
dyan pag napano yang libro.
CRIS: Grabe ‘to! Para namang nanakawin ko ‘to. Ibabalik
naman naten yung libro. Buti nga pinulot naten eh.(Titingnan
ang Libro)
EVE: (macucurious) Tsk, patingin nga.
CRIS: Teka bible ba ‘to? (Nagtatakang titingnan ng dalawa
ang libro)
EVE: Bible nga! Ano kayang edition ‘to? Bat parang sobrang
luma na?!
CRIS: Check nga natin yung ibang page.

(Biglang nag iba ang ihip ng hangin, tumahimik, at tumigil


ang paligid pagkatapos nilang buksan ang libro)

CRIS: Naramdaman mo yun?! Anong nangyayare?


EVE: Ano ba ‘to! Wag ka nga nananakot!
CRIS: Baliw! Di ako nananakot. Nakita mo diba?!
EVE: Anong ginawa mo CRIS!? Sabi ko sayo wag na nateng
pakialaman eh!
CRIS: Wala naman akong ginagawa! Binuksan ko lang naman!
EVE: Wait, ano yon? Sobrang liwa–
CRIS: Anong nangya–

LIGHTS OFF

CRIS at EVE: AHHHH!!

Scene 3
Setting: Sinaunang Lansangan

Isang liwanag ang bumalot at kumuha kay Cris at Eve,


lingid sa kanilang kaalaman ay dadalhin sila nito pabalik
sa panahon kung saan ipapanganak palang si Hesus. Sila ay
gulong gulo at litong lito matapos mamulat sa makalumang
panahon.

CRIS at EVE: AHHH!!

(Magtitinginan at pag uusapan ng mga tao sa paligid sila


CRIS at EVE)

CRIS: Nasaan tayo!? Bakit ang gabok? Eve, ayos ka lang?


EVE: Oh may gahd, buhay pa tayo. Thank you, Lord! Ikaw!
Anong ginawa mo Cris!? San tayo napadpad?
CRIS: Teka. Hindi ko din alam. Mag tanong tayo sa mga tao
kung anong lugar ‘to.

(Lalapit sa isang tindera)

CRIS: Ate, ate, anong tawag po sa lugar na ‘to? Pilipinas pa


rin po ba to?
EVE: Ate, nawawala po kase kami eh. Baka pwede niyo po
kaming tulungan.
TINDERA: (titignan ang dalawa mula ulo hanggang paa) Nasa
Jerusalem kayo. Ano yung Pilipinas? Pangalan ba ng kalye
yun? Parang ngayon ko lang narinig yon ah.
(Magtataka ang dalawa)
CRIS: Jerusalem? As in yung kay Jesus?
EVE: Nasa ibang bansa tayo Cris!? Pero pano tayo napadpad
dito? Hindi ba tayo TNT? Wala tayong passport?!
CRIS: Pero kung nasa ibang bansa tayo, bakit nakakaintindi
sila ng Tagalog?
EVE: Huh. Oo nga no. Pero teka, hayaan mo na. At least
naiintindihan nila tayo. Kailangan natin isipin pano tayo
makakabalik satin! Pano kung sindikato pala yung nagdala
satin dito?!
CRIS: Teka, grabe naman pinag iisip mo eh. Naglo-Load po
kayo? Tatawag lang po ako samin sasabihin ko nawawala kami.
EVE: Cris mukha ba siyang naglo-load? Wala nga atang selpon
si ate eh.
TINDERA: Ano yung load?
CRIS: Ahh wala po, tinapay din po yon hehe.

Kukurutin ni Eve si Cris

TINDERA: Ahh tinapay ba? Parang ngayon ko lang narinig yun


ah. Di bale, mukang mas masarap pa rin naman etong tinda
kong tinapay. Pili na kayo.
CRIS: Ah hindi na ho. Busog pa po kami ate. Maraming salamat
po!

(Aalis sa tindahan ang dalawa)

EVE: Hindi kaya dahil to dun sa libro?


CRIS: Ano yung libro portal? Ok ka lang?
EVE: Eh kase diba pag bukas natin ng libro, bigla na lang
naging weird lahat? Lumakas yung hangin tapos biglang
sobrang liwanag!
CRIS: Hindi! Sa tingin ko, panaginip lang lahat to! Sampalin
mo nga ko ng magising ako.
(Sasampalin ni Eve si Cris)
CRIS: Aray! Bat mo ko sinampal!
EVE: Sabi mo sampalin kita? Hahaha
CRIS: Oo pero mahina lang! Ang sakit eh. So hindi to
panaginip
EVE: Malakas ang kutob ko na may kinalaman ang libro dito.

(Habang nag iisip ang dalawa isang kawal ang dadating at mag
aanunsiyo)

KAWAL 1: Para sa kaalaman ng lahat, ang pag singil ng buwis


at pag sesensus ay ipinatupad.
KAWAL 2: Kung kaya amin kayong inaabisuhan na mag tungo sa
inyong mga lugar upang doon kayo ma singil at ma sensus.
CRIS: Saan tayo pupunta? Hindi naman tayo taga dito?
EVE: Umalis na tayo dito baka mahuli tayo.
CRIS: San tayo pupunta? Eh hindi nga tayo taga dito.
EVE: Bahala na. Basta, kailangan muna natin mag hanap ng
matutuluyan.
(Habang sila ay nag uusap isang tinig ang kanilang maririnig
mula sa mga tao kanila itong hahanapin)

BATANG ANGHEL 1: Psst. Dito kayo! Sumama kayo sakin!


CRIS: Narinig mo yon?
EVE: May natawag ba satin?
BATANG ANGHEL 2: Narito ako. Tutulungan ko kayo.
CRIS: Sino ka? At nasaan ka?
EVE: Magpakita ka kung sino ka man.

LIGHTS OFF

Scene 4
Setting: Sinaunang Lansangan

Sa kalagitnaan ng lansangan, isang maliwanag na ilaw ang


makikita ni Cris at Eve, Ito ay isang batang anghel na
siyang mag tuturo sa kanila kay Maria at Jose.

BATANG ANGHEL 2: Narito kami!


EVE: Sino ka!? Bakit ka nalutang?!
CRIS: (Magsa sign of the cross habang mag dadasal sa langit)
Lord sorry na po. Huwag niyo muna ako sunduin, please.
Pabalikin niyo na po kame. Please po.
BATANG ANGHEL 3: Huwag kayong matakot sapagkat kayo ay
napili. Narito kayo dahil mayroon kayong misyon.
EVE: Ha? Anong misyon?
CRIS: Tiyaka, bakit kami?! Hindi ba pwedeng iba nalang?
Hindi po alam samin na umalis kami. Baka po hinahanap na
kami.
BATANG ANGHEL 2: Huwag kayo mag-alala. May dahilan kung
bakit kayo narito. Kailangan kayo ni Jose at Maria.
BATANG ANGHEL 3: Si Maria ay malapit nang mag silang. Kasama
niya si Jose na isang karpintero. Ang inyong misyon ay
tulungan siya.
EVE: Huh?! Paano? Sinong Maria at Jose?! Madaming Maria!
Saan kami pupunta? Pano namin malalaman na sila na si Jose
at Maria?!
CRIS: Pano kami makakauwi? Habang buhay na ba kami dito?
BATANG ANGHEL 1: Malalaman ninyo ang kasagutan pag inyo na
silang natagpuan.
EVE: Wait lang! Linawin mo yung misyon mo!
CRIS: Sandale! Mag iwan ka ng clue!
(Biglang mawawala ang batang anghel)

EVE: Ano ba ‘tong nangyayare satin?! Pano na tayo?! Ni isa


sa mga tanong natin walang nasagot.
CRIS: Parang hindi nga nila pinansin yung tanong eh. Pero
sabi nung anghel, dapat nating hanapin si Jose at Maria pero
sino ba yung mga yun?
EVE: Magsisilang daw si Maria…so ibig sabihin buntis siya.
Tapos si Jose karpintero. Hay. Ano ba ‘tong pinasok natin.
(mapapabuntong hininga na lang) Tara, magtanong tanong na
lang tayo. Baka sakaling may makasagot tayo.

(Hahanapin nila si Maria at Jose sa paligid sa pamamagitan


ng pag tatanong at pag tawag sa pangalan nito. Pag
titinginan sila ng ibang taong makakasalubong nila. Habang
sila’y naghahanap, biglang magbabago ang ihip ng hangin nang
may bigla nilang mapapansin ang mag asawa sa kabilang tawid
ng kalsada. Nagdadalang tao ang babae at naka alalay sa
kaniya ang lalaki na inaayos ang lalagyanan ng kanilang mga
gamit.

CRIS: Eve. (ituturo ang mag asawa sa kabilang kalsada) Hindi


kaya sila na si Maria at Jose.
EVE: Buntis. Tapos mukang karpintero yung lalaki. Baka sila
na nga. Tara, lapitan natin.

(Lalapit ang dalawa patungo kay Jose at Maria)

CRIS: Ah, hello po. Uhm, mawalang galang na po. Pwede po ba


namin kayong matanong? Saglit lang naman po.
JOSE: Oo naman, hijo. Ano iyon?
EVE: Bale, hindi po talaga kasi kami taga rito. Pero may
nakapagsabi po na para makabalik kami ay dapat daw namin
tapusin ang isang misyon.
CRIS: Hinahanap po kasi namin si Maria na nagdadalang tao at
si Jose na karpintero. Alam po namin madaming Maria at Jose
sa lugar na ‘to, pero kayo ho ba sina Maria at Jose?
MARIA: (matatawa) Kami nga mga bata. Kayo ba ay nawawala?
Paano namin kayo matutulungan?
CRIS: Uh. Parang ganun na nga po. Bigla po kasi kami
napadpad dito. Bale matutulungan nyo po kami pag nasagot nyo
yung mga tanong namin. Sabi po ng isang ang–
(Biglang tatakpan ni Eve ang bibig ni Cris upang putulin ang
sinasabi nito)
EVE: (Magsasalita ng nakangiti) Ang totoo po ay napahiwalay
kami sa grupo namin. Hehe. Opo. Ganun nga po. Hindi po kami
taga rito. Pwede po ba kami sumama sainyo? Kasi hindi na po
namin alam kung san pa kami pwedeng pumunta.

JOSE: Kung gayon ay sumama kayo sa amin. Kami ay patungo sa


aking lupang tinubuan, ang Betlehem. Baka sakaling matagpuan
niyo ang inyong mga kasama habang tayo ay naglalakbay.
EVE: Sige po! Baka nga po makita namin sila! Maraming
salamat po!
CRIS: (Makikisakay sa sinabi ni EVE) Sana nga po makita na
namin yung mga kasama namin. Huhu.
MARIA: Ahhh! Jose! Sumasakit na naman ang aking sinapupunan!
JOSE: (Magaalala) Tiisin mo muna, aking Maria. Huwag ka mag
alala at tayo ay aalis na. Tayo na mga bata malayo pa ang
ating lalakbayin. (Lalapitan si Maria at tutulungan).

LIGHTS OFF

Scene 5
Setting: Malawak na lugar,

(Matapos ang paglalakad ng malayo, napag desisyon nilang


magpahinga saglit)

JOSE: Mabuti sigurong magpahinga muna tayo saglit rito.


(aalalayang maka upo si maria)
MARIA: Maraming salamat mahal ko, nararamdaman kong tila
malapit na akong mag silang.
CRIS: Malayo pa po ba tayo?
EVE: Kailangan na po siguro nateng mag madali.
JOSE: Doon tayo tutungo kung nasaan ang direksyon ng bituin.
(Tuturo patungo sa direksyon ng bituin).
CRIS: Pano niyo po nalaman na dapat nyong sundan ang bituin?
EVE: (Pa simpleng kukurutin si Cris) Ahe! Cris medyo madami
tayong tanong ano? Hehe.
JOSE: Isang anghel ang dumalaw sa aking panaginip at itinuro
ang direksyon na dapat naming sundin.
CRIS: Totoo po ba ang mga Anghel?
EVE: (Akmang kukurutin ule si Cris) Cris.....
MARIA: (ngungita at tatango lamang) Mahirap man paniwaaln
ngunit isang anghel ang nagpakita sakin habang ako’y
nanalangin sa Panginoon, dala ang mensahe na ako ay
magdadalang tao sa pamamagitan ng Espiritu Santo at ito ay
nagka totoo nga.

LIGHTS OFF

(flashback)
Setting: Kwarto

Habang nanalangin si Maria isang Anghel ang dadalaw sa kanya


dala ang isang mensahe.

ANGHEL GABRIEL: Binabati kita, ikaw na kinalugdan. Ang


Panginoon ay kasama mo. Kapuri-puri ka sa mga kababaihan.

MARIA: Hindi ko maintindihan at labis akong naguguluhan,


anong uri ng pag bati ito?

ANGHEL GABRIEL: Huwag kang matakot, Maria, sapagkat


nakasumpong ka ng biyaya sa Diyos. Narito, ikaw ay
magdadalang-tao at manganganak ng isang lalaki. At ang
ipapangalan mo sa kaniya ay Jesus. Siya ay magiging dakila
at tatawagin siyang Anak ng Kataas-taasan. Ibibigay sa
kaniya ng Panginoong Diyos ang trono ni David na kaniyang
ninuno. Siya ay maghahari sa tahanan ni Jacob magpakailanman
at ang kaniyang paghahari ay hindi magwawakas.

MARIA : Paano ito mangyayari yamang ako ay hindi


nakakakilala ng isang lalaki?

ANGHEL GABRIEL: Darating sa iyo ang Banal na Espiritu, at


ang kapangyarihan ng Kataas-taasanang lililim sa iyo. Dahil
dito, ang banal na ito na iyong ipapanganak ay tatawaging
Anak ng Diyos. Narito, ang pinsan mong si Elizabeth ay
nagdadalang-tao rin ng isang anak na lalaki sa kaniyang
katandaan. Ito ngayon ang ika-anim na buwan ng kaniyang
pagdadalang-tao, siya na tinatawag na baog. Ito ay sapagkat
sa Diyos ay walang anumang bagay na hindi mangyayari.

MARIA: Narito ang aliping babae ng Panginoon. Mangyari sa


akin ang ayon sa iyong salita.
(Lilisanin siya ni Anghel Gabriel)

LIGHTS OFF
Setting: Malawak na Daanan.

MARIA: Ahhh! Jose! Muli nanamang sumasakit ang aking


sinapupunan.
JOSE: (Nag aalala) Malapit na tayo, Maria. Konting tiis pa.
Tayo na mga bata. Kailangan na nating mag madali.
EVE: (Tutulungan si Jose na alalayan si Maria) Pero hindi
po kaya maabutan tayo sa daan? Baka po mas mabuti kung
makakahanap tayo ng matutuluyan?
CRIS: (Tutulungan si Jose na alalayan si Maria) Kaya nga
po. Mukang aabutan na tayo habang naglalakbay.

LIGHTS OFF

Scene 6
Setting: Pastulan

Matapos ang maghapong pag papastol namahinga ang tatlong


pastol at isang anghel ang

PASTOL 1: Nakakapagod ang maghapon, nawalan pa tayo ng


dalawang tupa.

PASTOL 2: Sobrang tirik pa ang araw, punong puno ng


kamalasan ang araw na ito.

PASTOL 3: Mas maigi pang tayo ay kumain at uminom ng alak


sa aming tahanan. Tapusin natin ang araw na ito nang may
kasiyahan!

(maglalakad paalis)

Isang anghel ang magpapakita sa kanila at sila ay takot at


gulat

BATANG ANGHEL: Huwag kayong matakot; sapagka’t narito,


dinadalhan ko kayo ng mabubuting balita ng malaking
kagalakan, na siyang sasa buong bayan: Sapagka’t ipinanganak
sa inyo ngayon sa bayan ni David ang isang Tagapagligtas,
na siya ang Kristo ang Panginoon. At ito ang sa inyo’y
magiging pinakatanda: Masusumpungan ninyo ang isang sanggol
na nababalot ng lampin, at nakahiga sa isang pasabsaban.
Luwalhati sa Dios sa kataastaasan, At sa lupa’y kapayapaan
sa mga taong kinalulugdan niya!

Lilisan ang anghel


PASTOL 3: Ha? Teka. Ano iyong nagpakita sa atin?
PASTOL 1: Isang anghel! Nais nya tayong magtungo sa
Bethelehem!
Pastol 3: Pero paano?!?
PASTOL 2: (Itururo ang bituin) Iyon ang ating gabay! Tara
na. Ating ipakalat ang mabuting balita!

LIGHTS OFF

Scene 7
Setting: Kaharian ng Jerusalem

Mula sa iba’t ibang mga bansa pumunta ang tatlong hari na


sina BALTHASAR, MELCHIOR at GASPAR sa Jerusalem upang makita
si HESUS, at doon mainit silang tinanggap ng hari na si
Haring HERODES.

HARING HERODES: Maligayang pag dating sa kaharian ng


Jerusalem, naway nagustuhan niyo ang lugar at ang pananatili
rito.

BALTHASAR: Maraming salamat Haring Herodes sa mainit na pag


tanggap sa amin.

HARING HERODES: Ngunit ano nga ba ang inyong sadya at kayo’y


naparito, kayo’y nagmula pa sa malalayong lugar, mukhang
importante ang inyong pakay.

MELCHIOR: Nais naming makita ang bagong silang na Hari ng


mga Hudyo!

GASPAR: Sa silangan aming nakita ang kanyang bituin kaya


naparito kami upang siya’y makita at sambahin!
HARING HERODES: Ipagpaumanhin niyo subalit hindi ko alam ang
inyong tinutukoy, ngunit baka kayo’y matulungan ng aming
saserdote. (Titingin sa Saserdote)

SASERDOTE: Ayon sa Propesiya isang pinuno ang magmumula at


isisilang sa Betlehem.

HARING HERODES: Isang pinuno sa Betlehem… ngayo’y interisado


na din akong makita siya. Mukhang kayo’y pagod pa sa inyong
pag lalakbay mga kapatid, kayo’y magpa hinga na muna rito at
tyaka niyo na hanapin ang hari ng mga Hudyo. Agad niyo akong
balitaan kapag inyo na siyang natagpuan.

TATLONG HARI: Maraming salamat haring Herodes!

BALTHASAR: Kami ay tutuloy na Haring Herodes.

(Aalis ang tatlong hari)

HARING HERODES: Hari ng mga Hudyo!?

SASERDOTE: Ito ang Propesiya mahal na hari.

HARING HERODES: Imposible! Kailangan nila siyang matagpuan,


kung hindi ay aking ipahahanap ang sanggol sa aking mga
kawal! Hindi ito maari! Siya’y magiging sagabal sa aking
pamumuno sa kahariang ito.

Scene 8
Setting: Lansangan ng Betlehem

Sila ay nakarating na sa Bethlehem at dali daling naghanap


ng tutuluyan, ngunit sa kasamaang palad, puno na ang mga
bahay tuluyan sa Betlehem.

MARIA: Ahh!! Aray ko!! Jose, mukang lalabas na ata ang bata.
EVE: (Aligagang inaalagaan si Maria) Sandali lang po, nasa
Bethlehem na po tayo.
JOSE: (Aligagang naghahanap ng tutuluyan) Sandali lang mahal
ko maghahanap lang ako ng bahay tuluyan. Maupo ka muna rito
habang naghahanap kami ng maaaring magpatuloy sa atin.
CRIS: (Aligagang naghahanap ng tutuluyan) Maghahanap ako sa
mga malapit na bahay.

Habang naghahanap ng matutuluyan si Jose at Cris


Panuluyan
Song by Helen Gamboa, Ciara Sotto

MARIA: Mula sa malayo kami naglakbay


Saan ba ang tungo? Saan hihimlay?
Humahaba ang daan, lumalalim ang gabi
Sa’n nga ba sisilang ang Sanggol na Hari?

Ang bawat pintuan pawang pili


Walang matuluyan, wala mang silid
Humahaba ang daan, lumalalim ang gabi
Sa’n nga ba sisilang ang Sanggol na Hari?

Eve: Tao po! Tao po! Baka po pwede nyo muna kami patuluyin?!
May emergency lang po. May kasama po kasi kaming buntis.
Tao 1: Anong ingay nanaman iyan? Diba sinabi ko nang isara
nyo na yung pinto.
Bata: ‘Nay may tao po. Nanghihingi po ng tulong.
Eve: Magandang ga—
Tao 1: Wala akong pakialam. Hindi na nga natin matulungan
sarili natin, tutulong ka pa sa iba.
Eve: Ale, baka pwede ho sana kami–
Tao 1: Paalisin mo yan wala na nga tayong makain.

Titignan lang ng bata si Eve at dahan-dahang isasara ang


pinto.
Cris: Tao po, tao po!
Lalaki 1 (lasing):(bubuksan ang pintuan at iinom sa bote ng
alak bago sagutin si Cris) Bakit? Sino ka?
Cris: Kuya kailangan namin ng matutuluyan. Baka pwede nyo
po muna kaming patuluyin?? Parang awa nyo na po, may buntis
kaming kasama eh.
Lalaki 1: Aanhin ko yang buntis na yan? Eh iniwan nga ko ng
asawa ko. Umalis ka na dito.
Isasara ng lalaking lasing ang pinto ng malakas.

(cont. song)
MARIA
Maari bang manuluyan ang Sanggol na isisilang?
Mayro’n nga bang pintong bubuksan?
Maari bang papasukin si Hesus na sisilang?
Sana nga Siya’y inyong tanggapin
May isang tao na makakapansin sa kanila at tatawagin nya si
Cris

MAY ARI NG PASTULAN: Psst, hijo. Hindi naman sa


nanghihimasok, pero anong ginagawa nyo?

CRIS: Ay ho? Ay...naghahanap po kasi kami sana ng


matutuluyan. Lalo na ho’t may buntis kaming kasama at
kabuwanan na niya.

JOSE: Parang awa nyo na po. Marahil may maituturo kayong


lugar na maaari naming pag lagian?

MAY ARI NG PASTULAN: Dito kayo! Hindi ko kayo mapapa tuloy


sa aming tahanan, ngunit mayroon akong pastulan na maaari
niyong tuluyan
JOSE: Maraming salamat! Ang iyong pastulan ay amin munang
tutuluyan. Pagpalain ka nawa ng Panginoon sapagkat ang aking
asawa ay mag sisilang na!
MARIA: Jose!! Hindi ko na kaya!! Ahh!
JOSE: (Aakayin si Maria ng may pag iingat) Halika dito mahal
ko dito tayo!

(cont. song)
EVE
May bukas na pinto, mahal na ina
Ang sabsabang ito, gamitin niyo na
Kahit anong tahanan inyong tuluyan
Handog ko sa inyo

Sa ‘king abang sabsaban


Doon sisilang ang mahal nating Panginoon
Sa ‘king abang sabsaban
Doon sisilang ang ating Panginoon

Papasok na sa pastulan si Jose at Maria


dim lights
Enter 3 Hari, mga pastol, at ibang taumbayan.

MUNTING SANGGOL

Munting Sanggol kalong-kalong ng Iyong ina


Munting Sanggol may ningning ang ‘Yong mga mata
Batid mo bang kay raming naghihintay sa ‘yo
Nananabik, nag-aabang ng pagsilang Mo

Mga pastol sa sabsaban ay nagpupugay


Tatlong hari mula silangan ay nag-aalay
Dala’y ginto, kamanyang at mira
Para sa ‘yo Hesus, Hari ng Sanlibutan

At nagsisi-awit ang mga angel sa langit


Luwalhati sa Diyos sa kaitaasan
At sa lupa’y kapayapaan
Gloria in excelsis Deo…

CRIS: Grabe ito pala ang storya ng Pasko!


EVE: Kaya nga eh. Akalain mo yun, nakatulong pa tayo kela
Jose at Maria.
CRIS: Hay grabe. Ang daming nangyari pero masasabi ko na eto
ang the best na pasko!
EVE: Oo nga eh. Pero mas masaya siguro kung makakabalik na
tayo satin.

CRIS: Mukhang hindi naman matatagalan ang pag balik natin.


Tignan mo dun!

Ituturo sa malayo at biglang may liwanag na tatapat sa


kanila.

CRIS at EVE: Ahhh!!!

LIGHTS OFF.

THE END

You might also like