Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 12

Filipino – Ikasampung Baitang

Alternative Delivery Mode


Ikalawang Markahan – Modyul 7: Mga Akdang Pampanitikan ng mga Bansa sa
Kanluran- Pangwakas na Gawain-Paggamit ng Social Media
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan
na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Inilimbag sa Pilipinas ng:


Department of Education- Region X
Office Address: Fortich Street,Sumpong, Malaybalay City
Telefax: (088) 813-3634
E-mail Address: Bukidnon@deped.gov.ph
Website: www.Deped.gov.ph
Talaan ng Nilalaman
Pahina
TAKIP NG PAHINA
PAHINA NG KARAPATANG -ARI
PAHINA NG PAMAGAT
TALAAN NG NILALAMAN
Aralin 1 - Paggamit ng Hatirang Pangmadla (Socila Media)

Alamin 1
Subukin 2
Balikan 4
Tuklasin 4
Suriin 5
Pagyamanin 7
Isaisip 8
Isagawa 8
Tayahin 9
Karagdagang Gawain 11

Aralin 2 – Iba’t Ibang Anyo ng Panitikan

Alamin 11
Subukin 13
Balikan 15
Tuklasin 15
Suriin 16
Pagyamanin 19
Isaisip 19
Isagawa 20
Tayahin 21
Karagdagang Gawain 23

Aralin 3 – Pokus ng Pandiwa

Alamin 24
Subukin 25
Balikan 26
Tuklasin 27
Suriin 28
Pagyamanin 30
Isaisip 30
Isagawa 31
Tayahin 31
Karagdagang Gawain 33

Aralin 4 – Uri ng Tayutay

Alamin 34
Subukin 35
Balikan 37
Tuklasin 37
Suriin 38
Pagyamanin 40
Isaisip 41
Isagawa 41
Tayahin 42
Karagdagang Gawain 44

Aralin 5 – Tayahin

Alamin 45
Tayahin 45
Susi sa Pagwawasto 47
Sanggunian 49
Paunang Salita

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 10 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa Ikalawang Markahan hinggil sa mga
Akdang Pampanitikan ng Kanluran-Pangwakas na Gawain.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang denisenyo, nilinang at sinuri ng
mga edukador mula sa pampublikong paaralan upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa
mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang
kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Para sa mga Guro at Tagapagdaloy:


Bilang gurong tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang
kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito.
Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito,
inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral
habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita
ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:
Para sa Mga Magulang:
Ang modyul na ito ay nilikha upang matugunan ang sitwaasyong
kinakaharap ng ating mga mag-aaral. Ang magiging lugar ng kanilang
kaalaman ay hindi lamang limtado sa silid-aralan kundi maging sa inyong
tahanan.
Inaasahan ang inyong pakikiisa, pakikipagtulungan at paggabay sa ating
mga mag-aaral upang mapatnubayan sa mga gawaing itinalaga sa kanila.
Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob
ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang


Alamin mga dapat mong matutuhan sa
modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin


Subukin kung ano na ang kaalaman mo sa
aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.
Ito ay maikling pagsasanay o
Balikan balik-aral
upang matulungan kang maiugnay
ang kasalukuyang aralin sa
naunang leksyon.
Sa bahaging ito, ang bagong aralin
Tuklasin ay ipakikilala sa iyo sa maraming
paraan tulad ng isang kuwento,
awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng
Suriin maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong konsepto
at mga kasanayan.
Binubuo ito ng mga gawaing para
Pagyamani sa malayang pagsasanay upang
n mapagtibay ang iyong pang-unawa
at mga kasanayan sa paksa. Maaari
mong iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan
Isaisip o pupunan ang patlang ng
pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan
mo mula sa aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing
Isagawa makatutulong sa iyo upang maisalin
ang bagong kaalaman o kasanayan
sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.
Ito ay gawain na naglalayong
Tayahin matasa o masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

Sa bahaging ito, may ibibigay sa


Karagdagan iyong panibagong gawain upang
g Gawain pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.

Naglalaman ito ng mga tamang


Susi sa sagot sa lahat ng mga gawain sa
Pagwawast
o modyul.

Ang manunulat ay nagnanais na matutuhan mo ang tungkol sa mga


Akdang Pampanitikan sa Kanluran, mula rito bubuo ka ng sariling akda na
mailalathala sa Hatirang Pangmadla nang sa ganoon ay lalawak pa ang
iyong kaalaman hinggil sa pagsusulat ng sariling akda na binabatay sa mga
akdang Pampanitikan sa Kanluran. Kasabay mo ring matutuhan sa modyul
na ito ang pagsasanib ng gramatika at retorika na nakatuon sa
pagpapahayag ng sariling opinyon, paglalarawan, pagbigay reaksyon, at
pagsasalaysay ng mga kasalukuyang kaganapan sa tahanan, bayan, at
mundo.
Tanggapin mo ang mainit na pagbati ng manunulat sa pagtanggap mo
sa hamon sa gitna ng pandemya na ipagpatuloy ang pagtuklas ng
kaalaman at karunungan. Sapat na ito upang maipakita mo ang
kabayanihan sa iyong sariling kaparaanan.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong
maunawaan.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng


Sanggunian pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga
gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung
tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul


na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o
tagapagdaloy. Maaari ka ring humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa
nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na
mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
Ang modyul na ito ay dinisenyo at nilikha kung saan una sa isip ng
manunulat ang kaalamang malilikom mo bilang mag-aaral. Ito ay ginawa
upang makatulong sa iyo na matutunan ang mga akdang pampanitikan sa
Kanluran. Matutunan mong pahalagahan ang mga akdang ito at makilala
ang mga anyo ng hatirang pangmadla. Makabubuo ng sariling akda na
mailathala sa hatirang pangmadla na gagamitan ng mga gramatika at
retorika nang maging mabisa at makabuluhan ito. Ang mga aralin ay
inihanay upang makasunod sa istandard na pagkakasunod-sunod sa
asignatura. Ganoonpaman, ang pagkakasunod-sunod ng iyong mga binasa
ay maaaring mabago batay sa uri ng teksbuk o sanggunian na iyong
ginagamit.

Ang modyul na ito ay hinati gaya ng nakasaad sa ibaba:


● Aralin 1- Paggamit ng Hatirang Pangmadla ( Social Media)
● Aralin 2- Iba’t Ibang Anyo ng Panitikan
● Aralin 3- Pokus ng Pandiwa
● Aralin 4- Uri ng Tayutay
● Aralin 5- Tayahin

Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


1. Natutukoy at nabibigyang –kahulugan ang mga salitang karaniwang nakikita
sa social media (F10PT-IIIg-h-75);
2. Nabibigyang-puna ang mga nababasa sa mga social media( pahayagan,TV,
Internet tulad ng fb, e-mail, at iba pa) (F10PB-IIIi-j-79);
3. Natutukoy ang mga popular na anyo ng panitikan na karaniwang nakikita sa
mga social media (F10PD-IIg- h-73);
4. naNaisusulat at naibabahagi sa iba ang sariling akda (F10PU-IIIi-j-77);
5. nagagamit ang kahusayan sa gramatikal at diskorsal na pagsulat ng isang
organisado at makahulugang akda. (F10WG-Iii-j-70)

You might also like