Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 15

Mongolia

Tinaguriang “Land of the Eternal Blue Sky” at “Land of


the Horse”.
■Ito ay isang bansa sa
Silangan at Gitnang
Asya na lubos na
napapalibutan ng
kalupaan. Nasa hilaga
ng hangganang nito "Lupain ni
ang Russia at sa timog Genghis Khan"
ang China.
HEOGRAPIYA
■Ang bansa ng mga Mongol, ang Mongolia, ay matatagpuan
sa gitna ng Russia at ng China. Ang Hüiten Peak sa kanluran
ng bansa ay ang pinakamataas na lupain na umaabot ng 4,
374 metro. Ang klimang nararanasan sa bansa ay malamig at
tuyot na may mahahabang panahon ng tag - lamig at
sandaling panahon ng tag - init. Iba ang halagang natatanggap
ng Hilaga sa Timog pagdating sa ulan. Mayroon ding
nararanasan na pagbagyo ng nyebe sa Mongolia tuwing tag -
lamig. Ito ay namiminsala sa bansa na kumikital sa buhay ng
mga Mongol at sumisira sa kanilang mga pananim at tirahan.
Sino ba si Genghis Khan?

■Siya ang nagtatag ng Imperyong Mongol, ang pinakamalaking


kumpol na imperyo sa kasaysayan ng daigdig. pinagkaisa niya
ang mga tribong Mongol at tinatag ang makapangyarihang
sandatahang lakas batay sa meritokrasiya, upang maging
pinakamatagumpay na pinunong militar sa kasaysayan.
Sinakop ng kaniang imperyong ang Republikang Popular ng
Tsina, at kanyang itinatag ang Dinastiyang Yuan. Siya ay
namatay habang nakikidigma sa Kanlurang Xia noong 1227. Ang
nagtuloy ng pagtatag ng Dinastiyang Yuan ay ang kaniyang apo
na si Kublai Khan
Isa ito sa may pinakamaliit na populasyon sa
daigdig.
■Ang
kasalukuyang
populasyon ng
Mongolia ay
3,410,092 mula
Lunes, Enero 2,
2023.
■ Ulaan Bataar ang kabisera ng bansa at
pinakamalaking lungsod ng Mongolia, kung
saan 45 porsiyento ng populasyon ng bansa
ay dito nakatira.
■ Republikang Parliyamentaryo ang kanilang
pamahalaan
■ Ang kanilang wika ay Khalka Mongol,
Turkic/Turkish
EKONOMIYA
■Ang tögrög
o tugrikay
isang opisyal
na
pananalapi
ng Mongolia.
■Ito ang watawat ng Mongolian. Ang ibabaw ng
watawat ay binubuo ng tatlong pantay na sukat na
patayong mga parihaba, na may pula sa magkabilang
panig at asul sa gitna, na sumasagisag sa kahulugan ng
kasaganaan at pag-unlad at asul na kalangitan ayon sa
pagkakabanggit. Sa dulong kaliwa ay isang dilaw na
pattern na "Soyong tela", na mayroong dilaw na apoy ,
araw , buwan , parihaba, tatsulok at mga pattern ng
☯️
Tai Chi na sumasagisag sa kaunlaran at pagkakaisa
ng bansa.
KASAYSAYAN
■Pinagharian ng iba't-ibang imperyong lagalag, kasama na rito ang Xiongnu,
Xianbei, Rouran, Gokturk at iba pa ang lugar na sakop na ngayon ng
Monggolya. Itinayo ni Genghis Khan ang Imperyong Mongol noong 1206.
Matapos bumagsak ang Dinastiyang Yuan, bumalik sa sinaunang nilang
kaugaliang pagtutunggalian ang mga Mongol at madalas na pananalakay sa
mga lupaing nasa hangganan nito sa China. Noong ika-16 at ika-17 siglo,
napasailalim ng impluwensiyang Budismong Tibetan ang bansa. Sa pagsasara
ng ika-17 siglo, napaloob ang buong Monggolya sa teritoryong
pinamumunuan ng Dinastiyang Qing. Sa pagbagsak ng Dinastiyang Qing
noong 1911, nagdeklara ng kasarinlan ang Monggolya ngunit kinailangan
nitong sikapin hanggang 1921 upang matamo at maitatag ang de factong
kalayaan nito mula sa Republika ng Tsina at hanggang 1945 upang kilalanin sa
buong mundo ang kalayaan nito.
RELIHIYON
■Noong 17th century, naging dominante sa bansa ang
Tibetan Buddhism. Ang nasabing relihiyon ay isang
relihiyon kung saan sumasamba sila ng maraming diyos.
Ito ang naging ugat ng paggawa ng mga relihiyosong
bagay tulad ng larawan at mga nililok. Taong 1930,
opisyal na tinanggal ang mga relihiyong Buddhismo at
Shamanismo. Simula noong 1900s, sinubukang
palaganapin sa bansa ang Kristyanismo. Apat na
bahagdan ng populasyon ng Mongolia ay mga Muslim.
KULTURA
PAGKAIN, PANANAMIT AT
LITERATURA
■Ang mga pagkain sa bansang Mongolia ay nababase sa mga karne at mga pagkaing
gawa sa gatas. Simula noong kalagitnaan ng 20th century, nagsimulang lumaganap
ang pagkain ng mga gulay.

■Ang deel o kaftan ay ang tradisyunal na damit ng mga Mongol at karaniwang


sinusuot tuwing araw ng paggawa at mga mahahalagang okasyon.

■Ang pinakamatanda at pinkasikat na literatura ng mga Mongol ay ang The Secret


History of the Mongols.
PANINIWALA AT PAMAHIIN
■Ang mga Mongol ay naniniwala sa konsepto ng swerte
at malas. Sila ay naniniwala na ang pag - apak sa mga
bagay na sagrado sa diyos at ang pag - lapastangan sa
isang lugar ay magbibigay sa kanila ng kapahamakan.
Minsan, pinipintahan nila ng uling ang mga noo ng bata
upang maisahan ang mga masasamang espiritu na hindi
ito isang bata kung hindi ay isang kuneho na may itim
na buhok.
■Kapag sila'y dadaan sa mga ovoos sa
kanilang paglalakbay, nagaalay ang
mga Mongol ng mga matatamis na
pagkain upang magkaroon ng
magandang biyahe. Para sa isang bata,
ang pinaka - malaking selebrasyon ay
ang kaniyang unang paggupit ng buhok
(haircut) imbes na kaniyang kaarawan.

You might also like