SUMMATIVE TEST in EPP 1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

SUMMATIVE TEST in EPP-AGRIKULTURA #1

PANGALAN : ________________________________________SCORE : ________


GRADE & SECTION : _______

Panuto : Basahin at unawain mabuti ang mga pangungusap . Piliin ang letra ng tamang
sagot ;

1. Sa paghahalaman ,binibigyan ng pansin ang wastong pangangalaga ng mga tanim upang maging
Mabuti ang pagtubo ng mga ito. Alin sa mga sumusunod ang inilalagay sa lupa upang magkaroon
ng sustansiya ang mga pananim ?
A. Mga nasirang gulay C. Abonong organiko
B. Mga bulok na binhi D. Organikong pestisisdyo
2. Ang mga organismong sangkap na nagtataglay ng sustansiya upang mapanatili ang maayos na
kundisyon ng lupa ay .
A. Bitamina B at C C. Protina at carbohydrates
B. Calcium at magnesium D. Nitrogen, phosphorus at sulfur
3. Maaaring gumawa ng organikong pataba sa bakuran o compost ng may pag-iingat gamit ang
lumang gulong o timba. Ano ang dapat gawin upang hindi langawin?
A. Mag spray ng kemikal
B. Lagyan ng takip upang hindi mangamoy
C. Buhusan ng mainit na tubig araw-araw
D. Hayaan na lang nakatiwangwang
4. Bakit mainam na gamitin ang abonong organiko sa mga gulayan at taniman?
A mas matipid itong gamitin at ligtas sa mga halaman at maging sa tao
B. matatagpuam ang mga sangkap nito sa kapaligiran
C. mas Madali itong gawin at ihanda
D. lahat ng nabnaggit
5. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa kahalagahan ng paggawa ng organikong pataba
/abono?
A. Nakakasira ng pananim
B. Naipapakita ang hilatsa ng lupa
C. Napapalaking malusog ang mga pananim
D. Napaka-epektibong pataba na hindi magastos
6. Ang mga sumusunod ay isa sa mga mabigat na suliranin na sumisira sa mga halamang gulay
maliban sa isa?
A. Tao C. Hangin,tubig,sikat ng araw
B. Kalamidad D. Peste at kulisap
7. Ang pagsalit-salit ng pananim ay epektibo upang pagyamanin ang sustansiya ng lupa
A. Crop rotation B. gardening C. Intercropping D. composting
8. Isang organikong abono mula sa mga patapong bahagi ng isda ay tinatawag na
A. fishing rod B. Fish Meal C. Fish Soup D. Fish Amino Acid
9. Anong oras ang pinaka mainam sa pagdidilig ng mga halamang gulay ?
A. Ito ay mabisa tuwing umaga at hapon
B. Ito ay mabisa tuwing tanghaling tapat
C. Ito ay mabisa tuwing hatinggabi
D. Pinakamabisa ang oras-oras na pagdidilig
10. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga natutuhan mong wastong pangangalaga ng mga halaman. Alin
ang di-dapat gawin ?
A. Paglalagay ng sobrang tubig
B. Pagpuksa sa mga peste
C. Paggamit ng pataba mula sa mga nabubulok na kalat
D. Pagbubungkal ng lupa sa paligid ng halaman
11. Isa sa pangangalaga ng mga tanim ay ang pagbubungkal sa paligid ng tanim. Paano ito isasagawa
ng may pag-iingat ?
A. Bungkalin gamit ang asarol
B. Gumamit ng mapurol na kasangkapan
C. Hayaan matamaan ang puno at ugat
D. Iwasang matamaan ang mga ugat ng halaman upang hindi mapinsala
12. Bakit mahalaga ang pagbubungkal ng lupa sa paligid ng halaman ?
A. Upang mabawasan ang labis na ugat
B. Upang makita palagi ang mga ugat ng halamang gulay
C. Upang makasagap ng sariwang hangin ang ugat
D. Upang maging buhaghag ang lupa sa paligid nito
13. Ano ang pinakamgandang panahon nang paglalagay ng abono sa mga halamang gulay ?
A. Kapag maliit pa ang tanim at bago ito mamumnga
B. Bago magsimulang magtanim ay ihalo na sa lupa
C. Kapag nakapamnunga na nang isang bese upang mamunga ulit ito
D. Habang nagtatanim ay isabay na ang abono sa pagpupunla pa lamang ng binhi
14. Mahalaga ang kaalaman sa tamang pamamaraan ng paglalagay ng organikong pataba upang
mapalago ang halaman. Alin sa sumusunod ang wastong pagalalagay ng organikong pataba ?
A. Ilagay ng malayo sa tanim
B. Maglagay ng pataba sa panahon ng tag-ulan
C. Ilagay ang pataba kapag malapit anihin
D. Ilagay ang organikong pataba ng nakapalibot sap uno ng halaman
15. Ito ay isang sangkap na ginagamit sa pagkontrol ng mga peste at kulisap na sumisira ng mga
pananim
A. Organikong pataba B. Ammonium Nitrate
C. Organikong pestisidy D. Wala sa nabanggit
16. Sa intercropping ay dapat isaalang-alang sa ganitong paraan ang pagtatanim na hindi mag-
aagawan ng sustansiya ang mga tanim. Alin sa sumusunod ang nakatutulong na paraan ng
intercropping?
A. Mapapabagal ang paglaki ng tanim
B. Ligtas sa mapinsalang hayop
C. Nag-aagawan sa tubig ang mga tanim
D. Malilimitahan ang pagsulpot ng peste sa halaman
17. Ito ay pagtatanim at pagpaparami ng iba’t-ibang uri ng pananim para sa pagpuksa ng mga peste sa
halamanan .
A. Crop rotation C. Companion planting
B. Intercropping D. Side dressing method
18. Upang itaboy ang mga peste at kulisap sa pananim,anong uri ng halaman o gulay ang itinatanim sa
intercropping ?
A. Mga punong kahoy
B. Mga halamang ugat
C. Mga madahong gulay
D. Mga maamoy na halaman at gulay tulad ng sibuyas at oregano
19. Ito ang pamuksa o pamatay peste at kulisap na gawa sa natural na sangkap na matatagpuan sa
kapaligiran ?
A. Pesticide na kemikal C. Commercial na pamatay peste
B. Organikong pamatay peste D. Panlaban na nabibili sa pamilihan
20. Nais mong lumikha ng organikong pestisidyo ng uod at kulisap na sumisira sa iyong pananim. Alin
sa sumusunod na sangkap ang iyong gagamitin ?
A. Lason at tubig C. Sabon at powder
B. Gasoline at petrolyo D. Katas ng oregano at bunga ng sili
21. Si John Michael ay inutusan ng kanyang tatay na magbomba ng ginawa niyang organikong
pamatay peste sa taniman. Ano ang nararapat niya isaalang -alang habang ginagawa niya ito ?
A. Maglagay ng takip sa ulo
B. Humawak sa mata habang ginagawa ito
C. Maglagay ng takip sa ilong at bibig
D. Magpalit ng pang-itaas na kasuotan upang hindi mamatsahan
22. Ito ay paraan ng paglalagay ng pataba sa lupa sa pamamagitan ng pag-sprey ng solusyon sa mga
dahoon ng halaman .
A. Broadcasting Method C. Side dressing Method
B. Foliar Method D. Basal Application
23. Anong uri ng peste o kulisap ang gumapang sa mga damuhan at nangingitlog sa malagong tanim
at pinupuksa ito tuwing tag araw sa pamamagitan ng paggamit ng sprayer na lamang pesticides. ?
A. Melon Aphids C. Plant Hoppers
B. Ring Borer D. Leaf Roller
24. Pagpapausok sa mga puno at halaman gamit ang mga tuyong ____ ay isang paraan upang
mapuksa ang mga peste at kulisap. Ano ito ?
A. Peste o kulisap C. Ugat ng halaman
B. Dahon o damo D. Mga nabubulok na kalat
25. Ang mga sumusunod na pares ay nakakaakit ng mga kulisap na maring makapanira sa mga
halaman maliban sa isa. Alin it ?
A. Basil at tarragon
B. Coriander at cosmos
C. Marigold at neem
D. Zinnia at sunflower

You might also like