Masusing Banghay Aralin Sa MTB

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

Masusing Banghay Aralin sa MTB-MLE 2

I. Layunin
Pagkatapos ng talakayan, ang mga bata ay inaasahang:
a. nasasabi kung ano ang anunsiyo at ang iba’t ibang pinagkukunan nito
b. nakakukuha ng impormasyon at nakasasagot sa tanong tungkol sa inilathalang
patalastas o anunsiyo. (MT2SS – IId – e – 4.4)
c. nakagagawa ng anunsiyo tungkol sa nalalapit na Christmas Party
d. napahahalagahan ang isang anunsiyo sa pamamagitan ng pagsasabi ng
importansiya nito
II. Paksang Aralin
A. Tema: Pagkalap ng Anunsiyo
B. Sanggunian: Internet, Youtube
C. Kagamitan: Litrato, Biswal Eyds
III. Pamamaraan
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
A. Panimulang Gawain

1. Panalangin
Tayo’y tumayo klas at tayo ay
pangungunahan ni Randell sa panalangin
Angel of God, my guardian dear,
to whom God's love commits me here, ever
this day be at my side,
to light and guard, to rule and guide.
Amen.

Amen.

2. Pagbati
Magandang buhay, mga bata!

Maaari na kayong umupo. Magandang buhay, teacher!

3. Pagtatala ng Liban
Sino ang lumiban sa klase ngayon?

Maganda kung ganoon! Wala po

B. Balik-Aral
Sa talakayan kanina, ano ang inyong
gagawin kung nasira mo ang laruan ng
iyong kaibigan, ate Alexa?
Hihingi po ako ng tawad
Tama!
Kung naman, tayo ay magkakaroon ng
pagususlit bukas. Ano ang iyong gagawin,
kuya Kian?
Magrerebyu po ako
Tama! Ayan ay tinatawa nating….
Sige, ate Julia
Pagkukuha ng hinuha
Tama!!

C. Pagganyak

Ngayon, bago tayo tumungo sa


panibagong aralin, tayo ngayon ay
maglalaro, pamilyar ba kayo sa larong “Pass
the Message”?
Hindi po.
Kung ganoon, aking ipaliliwanag.
Makinig ng Mabuti upang alam niyo ang
inyong ginagawa mamaya sa laro.
Naintindihan? Opo!
Mahahati sa tatlong grupo ang klase.
Kayo ay pipila sa likod, kung sino ang mga
nasa unahan ng pila ay nararapat na lumapit
saakin at ako ay mayroong ibubulong na
salita sakanila pagkatapos ay ipapasa nila ito
sa taong nasa kanilang likuran at ganoon din
ang gagawin ng ibang nasa pila hanggang sa
umabot ito sa dulo at kung sino ang nasa
dulo ay pupunta sa pisara at iguguhit ang
salitang kanilang nakuha. Naintindihan mga
bata?

Kung sino man ang mauuna at tama ang Opo.


kanilang sagot ang siyang makakukuha ng
puntos.

Simulan na natin.

(Maglalaro)
Diyan nagtatapos ang ating laro. Palakpakan
ang inyong mga sarili. (Matatapos ang laro)
At ang nanalo ay ang ikatlong grupo.
Muli ay atin silang palakpakan. (Papalakpak)

(Papalakpak)

D. Presentasyon

Ang mga bagay na inyong iginuhit sa


pisara ay may kinalaman sa ating pag-
aaralan ngayon. Ano sa tingin niyo ito?

Magaling! Ito ay ang mga pinagkukunan Pinagkukunan ng impormasyon


natin ng impormasyon o anunsiyo. Kaya
naman ang ating talakayan ngayon ay
tungkol sa “PAGKALAP NG ANUNSIYO”
pakibasa mga bata

Ito naman ang layunin natin sa talakayang PAGKALAP NG ANUNSIYO


ito. Basahin ng sabay sabay

Layunin
Pagkatapos ng talakayan, ang mga
bata ay inaasahang:
a. nasasabi kung ano ang
anunsiyo at ang iba’t ibang pinagkukunan
nito
b. nakakukuha ng impormasyon
at nakasasagot sa tanong tungkol sa
inilathalang patalastas o anunsiyo. (MT2SS
– IId – e – 4.4)
c. nakagagawa ng anunsiyo
Magagaling mga bata. Ngayon naman ay tungkol sa nalalapit na Christmas Party
ang ating mga gabay na tanong. Basahing
muli mga bata.

Mga Gabay na Tanong:


1.) Ano ang anunsiyo?
2.) Ano-ano ang mga bagay na
mapagkukunan natin ng iba’t-ibang mga
anunsiyo?
3.) Ano ang kahalagahan ng anunsiyo?
4.) Ano-ano ang mga nakasaad na
impormasyon sa isang anunsiyo?
Magaling mga bata.
E. Diskusyon

Narito ang larawan ng inyong mga


iginuhit

Ito ay
ang
mga

pinagkukunan o
pinanggagalingan ng ________
Ano ulit, Ate Viel?
Anunsiyo

Tama!

Ano ang nasa unang litrato, kuya Shai?

Magaling! Ang ikalawang litrato, ate Julia? Libro

Tama! Ang ikatlo naman, kuya Ivan


Cellphone
Mahusay! Ang susunod na litrato, kuya PJ
Telebsiyon
Magaling! At ang huli, kuya Johann

Tama! Diyaryo

Ngayon ay mangangalap tayo ng anunsiyo Kompyuter po


at narito ang ating unang anunsiyo. Ngayon
ay babasahin natin ito at ating aalamain ang
mga impormasyon mula rito.
ANUNSIYO #1
Ano: Paligsahan sa Pagbasa
Sino: Mag-aaral sa Ikalawang Baitang
Saan: Silid-aklatan
Kailan: Ika-9 ng Disyembre 2022, ika
1:00 ng hapon
1. Ano ang paksa ng anunsiyo?
a. Paligsahan sa Pagbasa
b. Paligsahan sa Pag-awit
c. Paligsahan sa Pagtula
Ano ang iyong iyong sagot, kuya Jam?
Magaling!

2. Sino ang mga kalahok sa nasabing


paligsahan? A. Paligsaha sa Pagbasa po
a. mag-aaral sa unang baiting
b. mag-aaral sa ikalawang baitang
c. mag-aaral sa ikatlong baitang
Kuya Dominic, ano ang iyong sagot?

Tama! Magaling kuya!

3. Saan gaganapin ang Paligsahan sa


Pagbasa? B. mag-aaral sa ikalawang baitang po
a. parke
b. kantina
c. silid-aklatan
Kuya Neo, ano ang iyong sagot?

Mahusay!

4. Kailan gaganapin ang Paligsahan sa


Pagbasa? C. silid-aklatan po
a. Disyembre 4, 2022
b. Disyembre 9, 2022
c. Disyembre 8, 2022
Ano ang sagot, kuya Randell?

Mahusay!

5. Anong oras gaganapin ang Paligsahan sa B. Disyembre 9, 2022


Pagbasa?
a. Alas dos ng hapon
b. Ala-una ng hapon
c. Ika-anim ng umaga
Ate Meagan, anong sagot?

Mahusay!
Ang huhusay ninyo mga bata, palapakpakan
ang mga sarili. B. Ala-una ng hapon
ANUNSIYO #2
Ngayon, ay narito naman ang iba’t – ibang
impormasyon.
 Lahat ngBuuin ito upangngmaging
mga magulang Grade 2 –
(Papalakpak)
ganap na anunsiyo.
St. Margaret
 Sa darating na Disyembre 8, 2022,
Miyerkules, sa ganap na ala-una ng
hapon
 Unang homeroom meeting
 Sa silid-aralan ng Grade 2 – St.
Margaret
Ano: ______________________
Ano ang paksa ng anunsiyo, ate Shawny?

Mahusay!

Sino: _______________________ Unang homeroom meeting

Sino naman ang kalahok sa nasabing


anunsiyo, kuya Ramon

Mahusay!
Kailan: _____________________ Lahat ng mga magulang ng Grade 2 – St.
Kailan ito gaganapin, ate Jazzi Margaret

Saan: ______________________ Sa Disyembre 8, 2022, Miyerkules sa ganap


Saan naman gaganapin ang homeroom na ala una ng hapon
meeting, kuya Kian

Magagaling!!!!
Sa silid-aralan ng Grade 2 - St. Margaret
Para naman sa ating ikatlong anunsiyo.
Basahin ito ng tahimik upang masagutan
ang mga katanungan tungkol dito.

ANUNSIYO #3
Ano: Pagpupulong para sa darating na
Barangay Pista
Sino: Kagawad ng bawat purok
Kailan: Sa darating na Disyembre 11, 2022
sa ganap na ala-una ng hapon
Saan: Barangay Hall
A. Barangay Hall
B. Pagpupulong

C. Sa darating na Disyembre 11, 2022 sa


ganap na ala-una ng hapon
D. Kagawad ng bawat purok
E. Barangay Pista
________ 1. Ano ang magaganap?
Kuya DonEd, ano ang iyong sagot?

Magaling!
_________ 2. Ano ang pag-uusapan sa
pagpupulong?
Ate Viel, ano ang sagot? B

Mahusay!
_________ 3. Sinu-sino ang dapat dadalo sa E
pagpupulong?
Ate Alexa, anong sagot?

Tama!
_________ 4. Kailan gaganapin ang D
pagpupulong?
Ate Jazzi

Magaling!
_________ 5. Saan gaganapin ang C
pagpupulong?
Ate Maegan

Mahusay!
Ang gagaling mga bata, palakpakan nga ang A
inyong mga sarili.

Base sa ipinakita kong anunsiyo, ibigay niyo


(Papalakpak)
nga ang sarili niyong pagpapakahulugan o
paano niyo bibigyan ng kahulugan ang
anunsiyo.
Sige nga, kuya Elijah

Tama! Ano pa, ate Viel, magbigay nga ng


sariling pagpapakahulugan sa anunsiyo
Ito ay nagbibigay impormasyon

Magaling!!

Tandaan!! Ito ay nagbibigay kaalaman sa isang bagay


Ang ANUNSIYO ay mapagkukunan ng
mga impormasyon na makatutulong upang
lumawak ang ating kaalaman tungkol sa
isang bagay o pangyayari.
Sa anunsiyo nakasaad ang mga
impormasyon tulad ng kaganapan, petsa,
oras, lugar na pagdarausan at taong
kalahok.

Ano ulit ang mga nakasaad na mga


impormasyon sa isang anunsiyo, kuya
Johann?

Magaling! kaganapan, petsa, oras, lugar na


pagdarausan at taong kalahok.

F. Paglalapat

Mukhang naintindihan niyo ang ating


aralin tungkol sa pagkalap ng Anunsiyo.
Kung gayon, maglabas ng papel at gumawa
ng anunsiyo patungkol sa nalalapit na
Christmas Party. Narito ang pormat.

ANUNSIYO #4
Ano: __________________________
Sino: __________________________
Kailan: ________________________
Saan: _________________________
Bibigyan ko kayo ng tatlong minuto para
tapusin ang Anunsiyo #4
(Magsisimula na)
Tapos na ang inyong tatlong minuto,
pakipasa na ang mga papel tapos man o
hindi.
(Ipapasa)
G. Paglalahat

Ano ulit ang anunsiyo, kuya Elijah?

Ang ANUNSIYO ay mapagkukunan ng


mga impormasyon na makatutulong upang
lumawak ang ating kaalaman tungkol sa
isang bagay o pangyayari.
Sa anunsiyo nakasaad ang mga
impormasyon tulad ng kaganapan, petsa,
oras, lugar na pagdarausan at taong kalahok.
Tama! Mahusay, kuya!

Ano ang kahalagahan ng anunsiyo, ate


Viel? Ito ay makatutulong upang lumawak ang
ating kaalaman tungkol sa isang bagay o
pangyayari.

Magaling, ate Viel!

Saan tayo maaaring makakalap o makakuha


ng mga anunsiyo o patalastas, ate Julia? Libro, Cellphone, Telebsiyon, Diyaryo
Kompyuter po

Tama!

Ano-ano naman ang mga nakasaad na


impormasyon sa isang anunsiyo, kuya Shai? kaganapan, petsa, oras, lugar na
pagdarausan at taong kalahok.
Mahusay!
Para sa inyong huling gawain, ay sagutan
ito.

IV. Ebalwasyon
Panuto: Basahin nang mabuti ang anunisyo at ang mga sumusunod na katanungan.
Bilugan ang titik ng tamang sagot.

ANUNSIYO #5
Bawat pamilya ay mahalagang bahagi ng paaralan at komunidad kung kaya inaanyayahan ang lahat
na dumalo at makisaya.
Ano: Araw ng Pamilya
Sino: Mga magulang at mag-aaral
Saan: District #3, Barangay Hall
Kailan: Enero 9, 2023, ika 8:00 ng umaga
Mga Gawain: Pagpapamalas ng talento, paligsahan at laro na sasalihan ng lahat ng miyembro ng
pamilya bilang isang grupo.
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring makipag-ugnayan sa mga gurong tagapayo sa bawat
baitang.
1. Anong programa ang ilulunsad sa paaralan?
a. Araw ng Pamilya
b. Araw ng Puso
c. Araw ng mg Guro
2. Kailan idaraos ang programa?
a. Enero 1, 2023
b. Enero 9, 2023
c. Enero 9, 2022
3. Sino ang mga dadalo sa programa?
a. mga mag-aaral
b. mga magulang
c. mga magulang at mag-aaral
4. Saan gaganapin ang programa
a. District #3, Barangay Hall
b. Barangay Hall
c. District #3
5. Kanino makikipag-ugnayan para sa karagdagang impormasyon?
a. kapitbahay
b. magulang
c. gurong tagapayo

V. Takdang-Aralin
Sumulat ng isang anunsiyo na nanggaling sa telebisyon.
Inihanda ni:
Trisha Mae V. Awili
Gurong Nagsasanay
Iwinasto ni:
Mrs. May Ann M. Cariaga
Gurong Tagapayo

You might also like