Awiting Bayan II

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

MALAMASUSING BANGHAY ARALIN

GRADE 7

IKALAWANG MARKAHAN

Sabjek: Filipino Baitang 7

Bilang ng Araw: 2 Sesyon

I. LAYUNIN

Pamantayang Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pang-unawa sa mga akdang


Pangnilalaman: pampanitikang Kabisayaan.

Pamantayang Pagganap: Naisusulat ng mga mag-aaral ang sariling awiting- bayan gamit ang wika ng
kabataan.

Kompetensi: Nabubuo ang sariling paghahatol o pagmamatuwid sa ideyang nakapaloob sa


akda na sumasalamin sa tradisyon ng mga taga Bisaya. (F7PB-IIa-b-7)

Naiuugnay ang konotatibong kahulugan ng salita sa mga pangyayaring


nakaugalian sa isang lugar.
(F7PT-IIa-b-7)

II.PAKSANG-ARALIN
A. PAKSA Tradisyon sa Kabisayaan na Masasalamin sa Mga Bulong at Awiting Bayang
Bisaya.

B. SANGGUNIAN Pinagyamang Pluma7 Elma M. Dayag et. al.

C. KAGAMITAN Video clip mula sa youtube, pantulong na visuals

III.PAMAMARAAN

Aktibiti 1.Motibasyon

Mungkahing Estratehiya (MANOOD TAYO)


Pagpapanood ng video clip tungkol sa kagandahan ng mga lugar sa Visayas.

Its More Fun in Western Visayas!

https://www.youtube.com/watch?v=D7s3UgCG8I0

Gabay na Tanong:
a. Ano-anong mga kultura at paniniwalang Bisaya ang inyong nakuha mula sa
pinanood?

b. Magbigay ng ilan pang paniniwalang Bisaya na inyong nalalaman.

Pag-uugnay ng guro ng ginawang aktibidad sa kasalukuyang aralin.

2. Pokus na Tanong

Pagbibigay ng mga mag-aaral ng mga tanong hinggil sa mga naunang gawain.

Pagbibigay ng guro ng pokus na tanong para sa aralin.

Ano-ano ang mga tradisyon sa kabisayaan na masasalamin sa


mga bulong at awiting bayang Bisaya?

3. Paglinang ng Talasalitaan

Mungkahing Estratehiya (PILIIN)


Tukuyin at salungguhitan ang konotatibong kahulugan ng mga salitang nakasulat
ng mariin kaugnay ng nakaugalian ng mga Pilipino.

1.Ang kulay itim ay karaniwang iniuugnay sa:


a. pagluluksa at kalungkutan c. paghihirap at gutom
b. pag-ibig at pagkabigo d. giyera at kaguluhan

2. Ang oyayi ay kaugnay ng:


a. Bangka, pamingwit, at isda c. ina, hele at sanggol
b. Walis, bunot at basahan d. rosas, gitara at pag-ibig

3. Ang balitaw at kundiman ay karaniwang iniuugnay sa:


a. Pangangaso b. paggawa ng mga gawaing bahay
c. Panliligaw o pagsasaad ng pag-ibig d. Pagiging matampuhin

4. Ang hilig sa pag-awit ng mga Pilipino ay karaniwang iniuugnay sa:


a. Pagiging mapamahiin c. pagiging masayahin
b. Pagiging masipag d. pagiging matampuhin

5. Ang awiting bayan ay karaniwang iniuugnay sa:


a. Materyal na kayamanan ng isang bayan
b. Pagsurudang dinanas ng isang bayan
c. Kultura’t kaugalian ng isang bayan
d. Politika sa isang bayan

Ilang salitang Bisaya ang ginamit sa pangungusap bilang pamalit sa katumbas


nitong salitang Tagalog. Piliin at salungguhitan ang kahulugan ng mga salitang
ito.
1. Dala ang kanyang lambat, si Mang Dante ay sumakay sa kanyang Bangka at
pumalaot. Siya ay namasol. Ang namasol ay…
a. lumangoy b. naligo c. nangisda

2. Sinabihan siya ng kanyang asawang si Aling Selya na magbalon para hindi


gutumin. Ang magbalon ay…..
a. maghukay ng balon b. magbaon c. magsaing

3. Ang mga huli ay gibaligya niya sa mga kapitbahay. Ang gibaligya ay…..
a. ipinagbili b. ipinamigay c. ipinadala

4. Nagluto siya ng sinigang. Gustong-gusto niya kasi ang sabaw na may aslom.
ang aslom ay....
a. init b. asim c. pait

5. Ginagawa niya ang lahat dahil sa pamilyang kaniyang gihigugma. Ang


gihigugma ay….
a. minamahal b. hinihintay c. binabantayan

4. Pagpapabasa/ Pagpaparinig ng Akda

Mungkahing Estratehiya (PAGBASA/ PAGPAPARINIG)


Iparirinig ng guro at babasahin ng ilang piling mag-aaral ang mga awiting bayan
at bulong.

LAWISWIS KAWAYAN https://www.youtube.com/watch?


v=LK4fRG6x7Zs

SI PILEMON SI PILEMON https://www.youtube.com/watch?


v=HWArQM9E4oQ

ILI ILI TULOG ANAY

https://www.youtube.com/watch?v=QLJ-CoGrFlo

MGA BULONG

Sa Ilonggo Salin sa Tagalog


Tabi tabi…. Tabi tabi….
Maaga lang kami Makikiraan lang kami
Kami patawaron Kami’y patawarin
Kon kamo masalapay namon Kung kayo’y masagi namin

5. Presentasyon

Mungkahing Estratehiya (CULTURE IN THE SONG)


Pagbibigay ngsimga tradisyon
Si Pilemon, at kaugalian na nasalamin
Tradisyon/ sa mga awiting bayan at
Tabi Tabi
bulong na napakinggan.
Pilemon Kultura Bulong
Ili-ili Tulog Tradisyon/
Anay Kultura
Tradisyon/
Lawiswis Tradisyon/ Kultura
Kawayan Kultura

6. Pangkatang Gawain

Mungkahing Estratehiya (IPAKITA ANG GALING)


Ipakikita ng bawat pangkat ang kanilang mga galing sa pagbuo ng bulong at/o awiting-
bayan na sasalamin sa kultura at tradisyon ng mga Bisaya.

PANINIWALA SA
DIYOS
SELEBRASYON

(FIESTA) 2

PAMILYA PAG-AASAWA

3 4

RUBRIKS NG PANGKATANG GAWAIN

BATAYAN Di-gaanong Di-gaanong


Napakahusay Mahusay
Mahusay Mahusay

Nilalaman at Lubos na Di-gaanong


Organisasyon ng Di
naipahatid Naipahatid naiparating
mga Kaisipan o naiparating
ang ang ang
Mensahe ang
nilalaman o nilalaman o nilalaman o
(4) nilalaman o
kaisipan na kaisipan na kaisipan na
kaisipan na
nais iparating nais iparating nais iparating
nais iparating
sa manonood sa manonood sa manonood
sa manonood
(4) (3) (2)
(1)

Istilo/ Lubos na Kinakitaan Di-gaanong Di kinakitaan


Pagkamalikhain kinakitaan ng ng kinakitaan ng ng
(3) kasiningan kasiningan kasiningan kasiningan
ang ang ang ang
pamamaraan pamamaraan pamamaraan pamamaraan
g ginamit ng g ginamit ng g ginamit ng g ginamit ng
pangkat sa pangkat sa pangkat sa pangkat sa
presentasyon presentasyon presentasyon presentasyon
(3) (2) (1) (0)

Kaisahan ng Lubos na Nagpamalas Di-gaanong Di


Pangkat o nagpamalas ng nagpamalas nagpamalas
Kooperasyon ng pagkakaisa ng ng
(3) pagkakaisa ang bawat pagkakaisa pagkakaisa
ang bawat miyembro sa ang bawat ang bawat
miyembro sa kanilang miyembro sa miyembro sa
kanilang gawain kanilang kanilang
gawain (2) gawain gawain
(3) (1) (0)

8. Pagtatanghal ng pangkatang gawain

9. Pagbibigay ng feedback ng guro sa itinanghal na pangkatang gawain

ANALISIS 1. Ano-anong bahagi ng kultura ng Kabisayaan ang masasalamin sa mga awiting


bayan at bulong na napakinggan/napanood? Isa-isahin ito.

2. Suriin ang ginawang pagtatanghal ng pangkatang gawain. Ano ang mensahe


na nais nitong iparating?

3. Naging madali ba ang paglikha ng mga awiting bayan/ bulong ng bawat


pangkat? Bakit?

D A G D A G K A A L A M A N- (FOR YOUR INFORMATION)


Ang mga Bisaya ay isang multilinggwal na pangkat etnikong Pilipino.
Pangunahin silang naninirahan sa Kabisayaan at sa hilagangsilangang Mindanao
habang ang iba naman ay dumayo sa ibang mga bahagi ng bansa, kasama na ang
Kalakhang Maynila, kung saan sila ang bumubuo ng mayoriya.

Cebuano, Hiligaynon (o Ilonggo), at Waray-Waray ang mga nangungunang


wika ng mga Bisaya pagdating sa bilang ng mga tagapagsalita. Bagaman
maaaring magkaunawaan ang mga tagapagsalita ng mga wikang ito (at ng iba
pang mga wikang Bisaya) kung pipilitin, hindi pa rin ito sapat para sa masaysay
na talastasan, at karaniwang Filipino o Ingles ang ginagamit bilang wikang
pantalastasan sa pagitan ng mga kasapi ng iba’t ibang pangkat linggwistiko.
Higit 40% ng mga Pilipino ang may kanunununuang Bisaya

ABSTRAKSYON Mungkahing Estratehiya (CONCEPT NOTE)

Tutukuyin ng mga mag-aaral ang mga notang naglalaman ng mga tradisyon at kulturang
masasalamin sa mga awiting bayang tinalakay.

Pagmamahal Maling Paraan Pagliligaw Pagiging


ng Magulang ng Magalang
sa Anak Pamumuhay
Pagiging Tapat
Masipag na
Pagmamahal

APLIKASYON Mungkahing Estratehiya (SA SARILING BAYAN)

Magpapanood ang guro ng videoclip tungkol sa probinsiya ng Batangas.


Pagkatapos ay bubuo ang mga mag-aaral ng awiting bayan/ bulong na sasalamin
sa kultura at tradisyon ng mga Batangueño.

SILIP SA LUGAR NG TAAL https://www.youtube.com/watch?


v=i2QnhbYsV_U

AWITING BAYAN/ BULONG

EBALWASYON Panuto: Sagutin ang mga katanungan. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Sa ating bansa ay maraming genre ng akdang pampanitikan, alin sa mga


akdang pampanitikan na inaawit ng ating mga ninuno noong unang
panahon ang lumitaw sa anyong patula na sumasalamin sa mga kultura at
paniniwala ng mga Pilipino?

a. Awiting bayan c. nobela


b. kwentong bayan d. tula

2. Sa linya ng awit na “ Ang benta nya’y nawala, Ang benta niya’y nawala,
Ibinili ng tuba” Ipinakita sa pahayag na ang tauhan ay may katangiang
________.

a. maadhika sa buhay c. mahilig kumain ng isda


b. marunong sa negosyo d. mahilig uminom ng alak

3. Ang mga Bisaya ay isang multilinggwal na pangkat etnikong Pilipino.


Pangunahin silang naninirahan sa Kabisayaan at sa hilagangsilangang Mindanao.
Anong katangian ng mga Bisaya ang masasalamin sa awiting bayang “Ili ili
Tulog Anay”?

a. Pagmamahal ng ina sa kanyang anak


b. Pagiging maadhika sa buhay
c. Pagkakaroon ng disiplina sa sarili
d. Pagkakaroon ng mga bisyong masama

4.Ano ang ipinahahayag ng bulong sa ibaba?


Sa Ilonggo Salin sa Tagalog
Tabi tabi…. Tabi tabi….
Maaga lang kami Makikiraan lang kami
Kami patawaron Kami’y patawarin
Kon kamo masalapay namon Kung kayo

5. Pillin ang tamang pares ng awiting bayan at mensaheng ipinababatid nito.

a. Si Pilemon, si Pilemon- maling paraan ng pamumuhay


b. Ili-ili Tulog Anay- pagmamahal ng magulang sa anak
c. Lawiswis Kawayan- pagmamahal ng magulang sa anak
d. Ili-ili Tulog Anay- maling paraan ng pamumuhay

a. A at B b. B at C c. C at D d. A at D

IV. KASUNDUAN 1. Magsaliksik ng isa pang awiting bayan na nagmula sa Kabisayaan. Alamin
ang kaugalian at tradisyon ng awiting bayan na inyong napili.

2. Isa-isahin ang mga barayti ng wika at ibigay ang kahulugan ng bawat isa.

3. Magbigay ng 3 halimbawa sa bawat isang barayti ng wikang nasaliksik.

Inihanda ni: Sinusuri ni:

Juvy Ann S. Luzon Edmon A. Marañas


Guro Department Head

You might also like