Panunuring Artikulo

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

PANUNURING ARTIKULO/AKLAT

(Hango sa Gabay na ginawa ni Dr. Ma. Florina Orillos-Juan)

PANUNURING ARTIKULO/AKLAT:

Paraan ng pag-aanalisa ng mga naisulat patungkol sa kasaysayan

Wastong Paraan ng Citation

• Gagamit ng CMoS (Chicago Manual of Style) o Turabian

o Ang CMoS/Turabian ay gumagamit ng footnote kaysa in-text citation

o Bibliographic style

HALIMBAWA NG FOOTNOTE NG ISANG JOURNAL ARTICLE

Jose Rhommel Hernandez, “Manipulasyon o Pakikipagkapwa: Ang Ugnayang Tao-Anito


1

sa Sinaunang Pananampalatayang Pilipino,” Malay 27 blg. 1 (2014): 84

[PANGALAN (FN, LN)], “[TITULO NG AKDA],” [PANGALAN NG JOURNAL] [VOLUME NO.] blg.
1

[ISSUE NO.] ([TAON NG PAGLILIMBAG]): [PAHINA]

PARA SA BIBLIOGRAPIYA

Hernandez, Jose Rhommel. “Manipulasyon o Pakikipagkapwa: Ang Ugnayang Tao-Anito sa


Sinaunang Pananampalatayang Pilipino.” Malay 27 blg. 1 (2014): 84-95.

[PANGALAN (LN, FN)]. “[TITULO NG AKDA].” [PANGALAN NG JOURNAL] [VOLUME NO.] blg. [ISSUE
NO.] ([TAON NG PAGLILIMBAG]): [BILANG NG MGA PAHINA]

LIBRO (BIBLIOGRAPIYA)

Ubaldo, Lars Raymund. 2016. Mun-udi: Ang Panday na Ifugao bilang Tagapag-ingat ng Taal na
Kaalaman. Baguio City: Cordillera Studies Center, University of the Philippines Baguio.

[PANGALAN (LN, FN)]. [TAON]. [TITULO NG LIBRO]. [SIYUDAD KUNG SAAN INILIMBAG].
[TAGAPAGLIMBAG].
INTRODUKSYON

• Pagpapakilala sa artikulo

o Bilang ng pahina

o Saang Dyornal nagmula

o Maikling pagpapaliwanag sa paksa

o Maikling pagpapaliwanag ng nilalaman

TUNGKOL SA MAY-AKDA

• Akademiko at propesyunal na background

• Pagbanggit sa mga naisulat na libro, artikulo, etc.

NILALAMAN NG ARTIKULO

• Maaaring kabuuan ng pagbubuod o maaaring kada seksyon ang pagbubuod

• Ang buod ay nasa 2-3 pahina lamang

PAGSUSURI O ANALISIS

• Ano ang iyong pagtatasa hinggil sa kadalubhasaan/kapantasan/kaalaman/ka-


ekspertuhan ng may-akda hinggil sa paksa ng artikulo? Paano mo susuportahan ang
iyong argumento?

o May koneksyon ba ang mga nauna na nitong pananaliksik sa paksa, o ito ang
pangunahing akda na isinulat niya ukol sa paksa?

• Paano mo susuriin ang mga batis (sources) na ginamit ng may-akda? Ang mga ito ba ay
karaniwan nang ginagamit sa iba pang kaugnay na literatura? Bago ba ang mga
nasumpungan niya na batis?

o Anu-ano ang mga primaryang batis na ginamit?

o Anu-ano ang mga sekondaryang batis na ginamit?

o Nagamit na ba ng ibang iskolar na nag-aral sa kaparehong paksa ang mg abatis


na ginamit sa kasalukuyang pag-aaral?

▪ Kung nagamit na ng iba, may bagong interpretasyon bang inihahatid ang


kasalukuyang pag-aaral?

o Kung bago ang mga batis na ginamit (ibig sabihin ay ngayon pa lamang
gagamitin sa isang pananaliksik), anong mga bagong inihahatid ng pag-aaral?
• Ano ang metodolohiya na kaniyang ginamit? Pagkalap ng batis at panunuring
kasaysayan?

o Kailangan malaman kung ano ang mga batis na ginamit, kung mga dokumento
lamang, maaaring descriptive textual analysis;

o Kung mga panayam o interbyu, maaaring oral history ang paraan na ginamit sa
metodolohiya;

o Kung mga artifacts o fossils ang ginamit, maaaring sumangguni ito sa mga pag-
aaral sa labas ng disiplina ng kasaysayan gaya ng agham, at binasa nito ang
mga reports galing sa mga pag-aaral ng mga siyentipiko.

o Paano sinuri ang batis? Tinanggap lamang ba ang sinasabi ng batis?

• Natukoy mo ba ang balangkas konseptuwal (conceptual framework) o balangkas


teoretikal (theoretical framework) na ginamit ng awtor? Kung oo, sa palagay mo ba ay
“nahila” o nai-aplay ito sa kabuuan ng akda?

o Maaaring makakita ng dayagram sa mga ganitong pagkakataon

• Nasasalamin ba sa akda ang gamit ng inter/multi/cross/transdisiplinaryo (pumili ng isa)


na lapit (approach)? Anu-anong disiplina ang kaniyang ginamit? Paano mo
susuportahan ang iyong argumentong ito?

• Nasasalamin ba sa akda ang punto-de-bista o pananaw na gamit ng awtor (e.g. lapit


na makabayan kaya’t itinatatwa ang kolonyal na papel; o kaya naman kolonyal na
pananaw kaya’t itinatatwa ang kakanyahan o identidad na indigenous)? Maaari
gummite ng iba pang paraan o aspekto ng pagtatasa

• Paano ipopook ang aritkulo na sinusuri sa mga kaugnay na literatura? Halimbawa,


nagko-complement ba ito sa isang akda, o kaya ay sumasalungat sa iba pa? Sa
paanong paraan?

o Saan ihahanay ang sinusuring akda, maaaring sa unahan kung pangunahing


pag-aaral, sa gitna kung ito ay tila nasa gitnang pag-aaral na nakapagitna sa
mga mas nauna ritong pag-aaral at sa mga bagong pag-aaral sa parehong
paksa, o sa hulihan kung mas bago ang inihahatid nitong mga pananaliksik

o Maaari ding ipook batay sa pagbanggit sa mga kaparehong paksa na naisulat


na at ano ang kaibahan nito sa mga naisulat na kaparehong paksa

• Ano ang iyong pagsusuri hinggil sa kabuuang daloy ng artikulo? May mga pagkakataon
ba na nag-uulit lamang ang facts at kaisipan (thought) ng mga kabanata? Suportahan
ang argumento. Maaari din na isama ang pagsusuri sa pamamagitan ng artikulo vis-à-
vis mga nilalaman nito

• May masinop ba na paggamit ng mga pigura, larawan, estadistika, atbp.?


• Komentong teknikal: pagkakamaling tipograpikal, gramatikal. Masinop ba ang
pagkakaayos ng footnote at bibliograpiya?

KONKLUSYON

• Ano at paano nakaa-ambag ang artikulo sa kaalaman hinggil sa paksang tinatalakay


ng kasalukuyang pag-aaral?

o May mga bago bang inihahatid na kaisipan ang akda, o ‘di kaya’y mga bagong
batis na maaari pang pag-aralan?

• Ano at paano nakaa-ambag ang artikulo sa kaalaman hinggil sa kasaysayang pampook


(local), at maging sa pambansang kasaysayan?

o Kailangang makita sa pag-aaral kung may kinalaman ba sa kasaysayang


pampook ang akda, kung hindi buong tumatalakay ito sa lokal na kasaysayan,
paano makatutulong ang pananaliksik sa pambansang kasaysayan?

• Ang artikulo ba ay naiiba/natatangi sa panahon kung kalian ito inilimbag? Sa paanong


paraan?

o Kailangang mapag-aralan ang panahon kung kalian nailimbag ang akda, mula
rito ay maaaring makita kung paano naiiba o natatangi ang akda sa panahon ng
pagkakalimbag nito, kung ito ba ay lunsaran ng pag-aaral, o pagdaragdag sa
mga dati nang naisulat sa kaparehong paksa

• MAHALAGANG TANDAAN: Huwag maghanap ng paksa na NAIS MO lang na mabasa sa


artikulo. Hindi ganoon ang pagsusuri, kinakailangan din na maging makatwiran at huwag
pairalin ang aktitud na “kailangan ko na makapag-bato ng komento kaya ito ang
gagawin ko.” Laging isaisip na ang pagsusulat ng panunuring-artikulo ay isang
akademikong instrumento na susi sa paghahasa sa iyong kakayahan at kaalaman bilang
isang mag-aaral.

You might also like