Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

PANUKALA SA PAGSASAGAWA NG RESEDENTIAL WAY

PARA SA BARANGAY OLD RIZAL

Mula kay Renz D. Celespara


Purok 7, Urban
Barangay Old Rizal
Catrman, Northern Samar
Ika-12 ng Oktubre, 2022
Haba ng Panahong Gugulin: 5 buwan

I. Pagpapahayag ng suliranin

Isa ang Barangay Old Rizal na kilalang mayroon malaking populasyon. Sa


pagdami ng populasyon kasabay din nito ang pagdagsa ng mga pampublikong
sasakyang dumadaan sa kalsada.

Isa sa mga suliraning kinakaharap ng Barangay Old Rizal ay ang bako-


bakong kalsada , Kalimitan, ang mga tao ay dito dumaraan upang makapunta sa
Palengke o Barangay Hall. Ang pangunahing sanhi ay ang malakas na ulan na
nagdudulot ng pagbaha sapagkat nilalamon ng tubig ang lupa na nagdulot ng bako-
bakong kalsada.

Dahil dito, nangangailangan ang Brgy Old Rizal ng mas maayos na kalsadang
pulido ang pagkakagawa at hindi agad masisira. Kung ang proyekto ay
maisakatuparan, hindi na mapeperwisyo ang mga mamayan sa bako-bakong
kalsada at kailngan maisagawa na ang proyektong ito sa madaling panahon para sa
kapakanan at kaligtasan ng mga mamayan.

II. Layunin
Maisagawa ang road construction na makatutulong upang maisaayos
ang bako-bakong kalsada upang matiyak ang kaligtasan ng mga
mamayan, maging maganda ang daloy ng mga sasakyan, at maiwasan
ang mga posibleng aksidente sa susunod na mga buwan.

III. Plano na Dapat Gawin

1. Pagkonsulta sa mga tao sa barangay at eksperto ukol sa pagpapagawa ng


daan at magiging epekto nito sa komunidad (5 araw).
2. Pagpupulong ng mga opisyal ng barangay at eksperto hingil sa gagawing
proyekto (1 araw).
3. Preparasyon, pagsusumite , pagkwekwenta , pag-aaproba, at paglalabas ng
badyet sa mga kinauukulan (10 araw).
4. Paginspeksiyon ng Department of Public Works and Highways sa planong
isinagawa ng local na barngay ukol sa lugar at badyet ng naturang proyekto
(5 araw).
5. Pagsasagawa ng construction bidding sa mga contractor sa pagpapagawa ng
daan (5 araw).
6. Pagpupulong ng konseho ng barangay para sa pagpili ng contractor na
gagawa ng kalsada (1 araw).
 Gagawin din sa araw na ito ang pagplano ng alternatibong ruta ng
mga taong karaniwang dumadaan sa lugar.
7. Pag-iimplementa ng mga plano at pagsimula ng paggawa ng kalsada (5
buwan).

IV. Badyet

Mga Gastusin Halaga


1. Halaga ng mga materyales na gagamitin Php 4,000,000
sa paggawa ng kalsada batay sa isinumite
ng napiling kontraktor .
2. Sweldo sa mga trabahador Php 700,000

Kabuang Halaga Php 4,700,00

V. Benepisyo ng Proyekto at mga Makikinabang Nito

Ang maayos na kalsada ay isang susi sa magandang daloy ng trapiko at ng


kabuhayan. Para sa lahat, napakahalagang magkaroon ng maayos na mga daan,
ito man ay daan para sa mga tren, mga pribadong sasakyan, mga sasakyang
naghahatid ng mga pasahero okaya'y mga kalakal, maging simpleng daan para sa
mga nakabisikleta o mga nilalakaran ng mga mamamayan. Dagdag pa rito, ang
pagkakaroon ng maayos na mga kalsada ay mayroong malaking ginagampanan sa
pangkalahatang estado ng mga imprastraktura sa bansang Pilipinas. Ito ay
konektado sa patuloy na paglago ng ekonomiya. Ang maayos na daan ay
nakapagbibigay ng mga sumusunod na benepisyo:

1. Maiiwasan ang dagdag abala para sa mga taong bumibyahe.


Ang pagkakaroon ng maayos na daan ay isang malaking benepisyo para sa mga
estudyanteng araw-araw na bumibiyahe patungo sa kani-kanilang mga paaralan at
ang mga empleyadong patungo sa kani-kanilang mga trabaho. Ang mga daang may
lubak at hindi patag ay nakapagdudulot ng mabagal na daloy ng trapiko sapagkat
ang mga sasakyan kasi ay hindi maaaring magmabilis sa parteng iyon dulot ng
bako-bakong daan. Malaking oras ng mga mamamayan ang nasasayang na
maaaring magdulot ng stress at pagkasiphayo. Kung mayroong disenteng daan, ang
pagbibiyahe ay magiging mabilis at dire-diretso. Agad na makararating ang mga
mamamayan sa kanilang patutunguhan na mag-aangat sa lebel ng productibity ng
bawat isa.

2. Malalayo sa aksidente ang mga naglalakbay.


Ang mga bako-bakong daan ay maaaring maging sanhi ng aksidente hindi lamang
sa mga motorista ngunit maging sa mga pasahero rin.May pagkakataon kasing
hindi napapasin ng motorista ang butas ng kaniyang nadaraanan kaya naman
kapag nadaanan na niya ito ay magugulat siya at mawawala sa pokus. Ang
kawalan ng pokus sa pagmamaneho ay isa sa mga pangunahing dahilan ng mga
aksidente sakalsada. Ang kalidad ng kalsadang daraanan ay maaaring
makaapektosa mga taong bumibiyahe rito. Bukod pa rito, karaniwang naiiponang
mga tubig-ulan sa mga butas sa kalsadang talaga naming delikado para sa mga
motorista lalo na kung baha sa buong daan. Hindi kasi malalaman ng motorista na
ang parting iyon pala ng kalsada ay mayroong butas na maaaring magdulot ng
kasamaang-palad.

3. Maiiwasan ang pagkasira ng isang partikular na parte ng sasakyan.


Ang mga kalsada na bitak-bitak ay nagdudulot ng negatibong epekto sa tire
alignment ng sasakyan. Naaapektuhan nito ang kalidad ng mga gulong na
magdudulot ng mabilis na pagkapudpod. Dagdag pa rito, ang mga gulong ay
maaaring umimpis o ang masmalala ay sumabog pa ang mga ito. Ang tambutso
ng isang motorsiklo ay maaari ring mabasag. Ito ay isang problema na
kinakaharap ng may-ari ng sasakyan sapagkat kinakailangan niya ng salapi para sa
pagpapagawa ng nasirang parte. Kapag may kanais-nais na kalsada, ang salaping
ilalaan para sa pagpapagawa ay maaaring ilaan sa ibang bagay na may mas
kabuluhan.

4. Makapagbibigay ng oportunidad sa mga manggagawa.


Ang pagsasaayos ng kalsada ay nagbibigay ng oportunidad para sa mga taong
magkukumpuni o gagawa ng isang gusali o kalsada. Bilang kapalit ng kanilang
pagpapaguran, magkakaroon sila ng sahod na ipangtutustos nila sa pamilya.
Mabibili rin nila ang mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain at
gamot.

You might also like