Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

ST.

LOUISE DE MARILLAC COLLEGE OF SORSOGON


BASIC EDUCATION DEPARTMENT
SY: 2021-2022

Modyul 2
Sibika 5
G. Jerves E. Falcotelo
Guro

PANGALAN: _________________________________________________
BAITANG AT SEKSYON:5-SJJ PETSA NG PAGPASA: _____________
Modyul 2 Ikatlo at Ika-apat na Linggo

Paraan ng Pananakop ng
mga Espanyol sa Pilipinas
(Ang Kristiyanismo at ang
Reduccion)

Pamantayang Pampagkatuto:

 Natatalakay ko ang mga paraan ng pagsasailalim ng katutubong


populasyon sa kapangyarihan ng Espanya sa proseso ng Kristiyanisasyon,
Reduccion.

SLMCS BED SIBIKA 4 Modyul sa Pag-aaral | 112


MODYUL MAP
Ito ang mapa na inyong pag-aaralan sa markahang ito. Ang inyong pag-aaralan
sa modyul na ito ay mayroong kulay.

PAMUNUANG
KOLONYAL NG
ESPANYA (Ika-16 –
17 Siglo)

Paraan ng Pananakop ng
mga Espanyol sa Pilipinas
Ang Kolonisasyon at (Encomienda, Tributo, at
mga Dahilan ng Polo y, Servicios)
Pananakop ng Espanya
sa Pilipinas
Paraan ng Pananakop
ng mga Espanyol sa
Pilipinas (Ang
Kristiyanismo at ang
Reduccion)

PAUNANG PAGSUSULIT
Halina at subukin natin ang inyong kaalaman sa pamamagitan ng maikling
pagsusulit!
Basahin at intindihin ang mga sumusunod na katanungan. Piliin ang tamang
sagot sa loob ng kahon. Isulat lamang ang tamang letra sa patlang bago ang
bilang.

a. Agustino d. Parokya
b. Domaniko e. Visita
c. Malalayo ang tirahan ng mga Pilipino

________1. Unang misyonerong kastila na dumating sa Pilipinas.


________2. Ang pangunahing problema ng mga paring Espanyol sa
pagpapalaganap ng Katolisismo sa bansa non ay dahil sa?
________3. Pangkat ng paring Kastila na dumating sa Pilipinas noong 1587.
________4. Tawag sa lugar na malayo sa kabesera.
________5. Tawag sa pamayanan kung saan pinagsama-sama ang mga Pilipino
sa pamumuno ng isang pari.
SLMCS BED SIBIKA 4 Modyul sa Pag-aaral | 113
PAGTUKLAS:
Isang mapagpalang araw saiyo mahal kong mag-aaral. Kumusta na? Batid
kong nakakapanibago pa rin ang istilo ng pag-aaral ngayon. Subalit lagi mong
tandaan di ka nag-iisa kasama mo kaming mga guro mo sa bawat modyul na
iyong ginagawa. Kaya naman sasamahan muli kita sa iyong pakikibaka sa modyul
na ito.
Tatalakayin ng modyul na ito ang mga paraan ng pananakop ng Kastila sa
ating bansa. Handa ka na bang malaman kung ano-ano ang mga ito? Halina’t
sabay nating alamin!
Pero bago yan ay sagutan mo muna ang maikling pagsusulit sa ibaba.
Saan mo karaniwang nakikita ang malalaking simbahang katoliko, tulad
ng nasa larawan? Ano-ano ang mga bagay na nasa loob at ano ang ginagawa ng
mga tao kapag sila ay nasa loob ng simbahan?
Kompletuhin ang talata na nasa loob ng kahon.

Madalas kong makita ang ganitong simbahan sa mga lugar na


_____________________________________________________________________

Nakikita ko sa loob nito ang mga Sa oras ng pagsamba, ang mga tao dito
________________________________ ay_______________________________
________________________________ _________________________________
________________________________ _________________________________
________________________________ _________________________________
___________________________ _________________________________
__
Isang bagay ang di mawawala sa simbanhang katoliko, ang krus. Alam
mo bang may malaking bahagi ang krus sa pagbabago ng panahanan at
pananampalataya nating mga Pilipino. Sa araling ito ay ating tatalakayin kung
bakit nabago ang panahanan at pananampalataya ng ating mga ninuno.
SLMCS BED SIBIKA 4 Modyul sa Pag-aaral | 114
Paglinang:
Maraming naging paraan ang mga Kastila upang mapasailalim tayo sa
kanilang kapangyarihan. Sa pag-uumpisa ng ating pag-aaral sa modyul na ito ay
tatalakayin natin ang pagpapalaganap ng Kristiyano bilang paraan ng kanilang
pananakop.
KRISTIYANISMO, (KATOLISISMO) SA BUHAY NG MGA PILIPINO

Ang pangunahing layunin ng mga ekspidisyon ng Espanya sa Pilipinas ay


maghanap ng mga pampalasa at ng mga bagong alternatibong ruta patungo sa
Asya. Gayun pa man, hindi rin pinalampas ng Hari ng Espanya na mapalaganap
ang kanilang relihiyon sa bansa kung saan masasabi ito ang isa sa mga paraang
ginamit upang madali nilang masakop ang mga katutubong Pilipino. Kaya naman
may ipinasama silang mga pari sa bawat ekspidisyon na siyang naunguna sa
pagturo sa mga katutubong Pilipino.

Ang matandang paniniwala ng mga Pilipino ay napalitan ng bagong


paniniwalang itinuro ng mga misyonering Espanyol. Narito ang pagkasunod-
sunod ng mga misyonerong Espanyol na dumating sa Pilipinas.

 Agustino (Agustinians) kasama si Miguel Lopez de Legazpi sa


pangunguna ni Padre Andres de Urdaneta – 1565
 Pransiskano (Franciscans) -1578
 Heswita (Jesuits) – 1581
 Dominiko (Dominicans) – 1587
 Rekoleto (Recoletos) – 1606

Ang mga Pilipino noon ay tinuruan ng ng mga nasabing misyonerong


Kastila na magdasal, magsimba, magnobena, magrosaryo at lahat na gawaing
panrehiliyong Katoliko, na lalong nagpabuklod sa pamilyang Pilipino.

Nagpatayo ng mga simbahan ang mga misyonerong Kastila. Itinuro din


nila ang kahalagahan ng mga sakramento, tulad binyag, kasal, pagdalo sa misa,
kumpil, pangungumpisal, at pagpapabendisyon sa may sakit at namatay. Labis
ang paggalang ng mga Pilipino sa mga alagad ng simabahan at maging ang altar
at mga imahe ng santo, na naging dahilan upang magkaroon ng pista bilang
pagpupugay sa kanilang patron.

SLMCS BED SIBIKA 4 Modyul sa Pag-aaral | 115


Natutuhan din ng mga Pilipino ang pasko na sinasabing araw ng
kapanganakan ni Hesus at ang mahal na araw kung saan ginugunita nito ang
pagpapasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay ni Hesus.

Dahil dito, nakuha ng mga Kastila ang loob nating Pilipino na maging
hanggang ngayon ay makikita pa rin sa atin.

PAGPAPAHALAGA:
Dahil nga sa iba’t-ibang uri ng pagdadasal na tinuro ng mga paring
misyonero ay mas lalong nagkaisa o naging malapit ang bawat pamilyang
Pilipino.
Ikaw anong mga bagay ang ginagawa mo upang maging malapit at
magkaisa ang iyong pamilya?
___________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
Ngayon batid mo na kung paano ginamit ang relihiyong Katolisismo
bilang paraan sa pananakop sa ating bansa. Bago nating tuluyang ipagpatuloy
ang ating pakikipagbaka sa mundo ng kaalaman atin munang subukin ang iyong
natutunan. Mangyaring sagutan mo muna ang isang maikling pagsubok na iyong
makikita sa ibaba.
GAWAIN 1:

Pagtambalin ang nasa Hanay A sa Hanay B.


HANAY A HANAY B
1. Ang kanunaunahang misyonerong
Kastila na dumating sa Pilipinas.
a. Agustino
2. Pangunahing layunin ng ekspidisyong
ng Espanya sa Kastila. b. Dominiko
3. Anong misyonerong Kastila ang c. Heswita
dumating sa Pilipinas noong 1581.
d. maghanap ng mga
4. Anong pagdiriwang ang itinuro ng
mga misyonerong Kastila na kung pampalasa at ng mga
saan ginugunita ang kapanganakan ni bagong alternatibong
Hesus.
5. Isa sa mga itinuro ng mga ruta patungo sa Asya
misyonerong Kastila ay ang e. Pasko

f. Pista
SLMCS BED SIBIKA 4 Modyul sa Pag-aaral | 116
pagpupugay sa mga patro o ang
pagkakaroon ng ______________?

Tagumpay! Binabati kita sapagkat iyong napagtagumpayan ang pagsubok


na iyong kinaharap. Kaya naman bibigyan kita ng maikling payo, mas lalo mo
pang galigan upang lampasan mo ng buong husay ang mga natitirang hamon sa
modyul na ito.
Sa ating pagpapatuloy, kailangan mo pang maging bukas-isip para mas
lalong maintindihan ang araling ating tatalakayin. Ngayon ay ipagpapatuloy na
natin ang talakayan at ito ay tungkol sa paraan ng pananakop ng mga Espanyol
sa Pilipinas sa pamamagitan ng Reduccion.

PAGPAPALALIM
ANG SISTEMANG REDUCCION

Ang paglaganap ng Kristiyanismo ang naging dahilan kung bakit


nagkaroon ng malaking pagbabago sa uri ng paninirahan ng mga Pilipino sa
panahon ng Pilipino noon. Dahil sa magkakalayo ang tirahan ng mga Pilipino
noon, mahirap sa mga paring misyonaryo maabot lahat ng mga Pilipino.

Naniniwala silang mas madali ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo kung


magkakalapit ang mga bahay ng bawat Pilipino. Dahil dito, isinagawa ng
pamahalaang Espanyol ang sistemang reduccion o sapilitang paglilipat ng mga
malalayong pamayanan upang pagsama-samahin sa mga pueblo o bayan.

Ang pamayanang ito ay tinatawag na parokya na pinamumunuan ng pari


at ang sentro ay tinatawag ng kabesera. Karaniwan makikita ito sa kapatagan,
malapit sa ilog o dagat. Ang lugar na malayo dito ay tinatawag na visita,
samantalang ang lugar na mas malayo pa rito ay tinatawag na rancho.

Noong una ay binibisita pa ng mga pari ang visita ngunit kinalaunan ay


napagod na ito at ang mga tao na mismo ang kusang lumipat at lumapit sa
kabesera. Ito ay naging madali para sa mga pari upang mapalaganap ang
relihiyong Katolisismo. Ginagamit nila ang kampana ng simbahan upang tawagin
ang mga tao upang magsimba.

Sinadya talaga nilang ilapit sa palengke, munisipyo, sementeryo,


paaralan at maging ang simbahan. Tuwing may pagdiriwang na ginaganap sa
SLMCS BED SIBIKA 4 Modyul sa Pag-aaral | 117
bayan ay nakapamamasyal din ang mga tao sa plaza at doon nanonood ng mga
pagtatanghal. Ginawa itong lahat ng pari upang mahikayat na magsimba ang
mga Pilipino.

Sa panahong ito ay hindi na palipat-lipat ng tirahan ang mga sinaunang


Pilipino. Natoto na silang pagandahin ang kanilang tahanan. Kung mayroong
kailangang magtrabaho sa malalayong lugar ay umaalis na lamang pansamantala
at babalik nalang bago lumubog ang araw o kaya naman ay makalipas ang ilang
araw.

Dahil sa ganoong sitwasyon ng mga Pilipino ay madaling napalaganap ng


mga pari ang Kristiyanismo at hindi na sila nahirapang pumunta sa mga
malalayong lugar upang ipapangaral ang salita ng Dios.

Tapos na! Ang ating talakayan ngayong araw ay tapos na. Ngunit ikaw ay
aking hinahamon, nawa’y hindi matapos ngayon ang karunungang iyong nakuha
sa araling ito. Bagkus maging isa pa ito hagdan para sa pagtuklas ng bagong
karunungan.

Oo nga’t tapos na aang ating aralin ngayon, subalit ngayon palang


mag-uumpisa ang lahat ng pagsubok na kailangan mong malampasan. Isa na
namang hamon ang susubok sa iyong katalinuhan.
GAWAIN 2:

Tukuyin ang inilalarawan ng mga pahayag. Piliin sa loob ng kahon ang tamang
sagot. Isulat lamang ang letra sa patlang bago ang bilang.

a. Kampana
b. Reduccion
c. Rancho
d. Visita
e. Kabesera
f. Parokya

______1. Tawag sa pamayanan kung saan pinagsama-sama ang mga Pilipino sa


pamumuno ng isang pari.

______2. Ito ang ginagamit ng simbahan sa pantawag sa mga tao.

SLMCS BED SIBIKA 4 Modyul sa Pag-aaral | 118


______3. Ito ang tawag sa pinakasentro ng parokya.

______4. Tawag sa sapilitang paglilipat ng tirahan ng mga Pilipino mula sa


malalayong pamayanan upang pagsama-samahin sa isang pueblo.

______5. Ito ang tawag sa mga lugar na malalayo pa kaysa sa visita.

6 – 10. Isulat ang 5 lugar na matatagpuan sa isang kabesera. Matatandaan na


ginawa ng lugar na ito upang mainganyo ang mga Pilipino na magsinba.

6. _____________________________________________________
7. _____________________________________________________
8. _____________________________________________________
9. _____________________________________________________
10._____________________________________________________

Magaling! Napakahusay ng iyong ginawa. Nalampasan mo ang hamon sa


iyo. Kaya naman para sa iyong huling pagsubok ay kailangan mong paghambingin
ang dalawang paraan ng Kastila sa pananakop sa ating bansa.

PAGLILIPAT:
Paghambingin ang dalawang paraan ng Kastila na ginamit sa pagsakop sa
bansang Pilipinas.

Kristiyanismo (Katolisismo)

_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________

Reduccion

_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________

SLMCS BED SIBIKA 4 Modyul sa Pag-aaral | 119


Gabay sa Pagwawasto:

1. A
2. C
3. B
4. E
5. D

Para sa iyong Komento at Suhestiyon

Sanggunian:
Baisan-Julian Ailene G., Bagong Lakbay ng Lahing Pilipino 5, Ikalawang Edisyon, Phoenix Publishing
House © 2019 pahina 132 - 136

SLMCS BED SIBIKA 4 Modyul sa Pag-aaral | 120

You might also like