Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

SUBJECT: ARALING PANLIPUNAN7 & 8

TEACHER: RENEBOY MAQUILAVA- 09462963777


EDITION: QUARTER4 MODULE10 TITLE: Mga Dahilan, Mahahalagang Pangyayari, at
Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig

NAME:
Rating:
GRADE & SECTION:

WORSHIP AND WARM-UP


W This section provides you a positive attitude to start the lesson through bible-based activities and your percepti

Magandang Araw! Isa na namang panibagong gawain ang ating tuklasin, basahin natin,

MY DAY!
Sa panahong pandemic, marami nag nagbago sa taing
mga nakasanayan na gawain sa araw-araw.
Gyaunpaman, tayo ay lubos na nagpapasalamat sa
Diyos dahil tayo ay binigyan niya ng biyaya sa pang
araw-araw.
Iguhit ang kamay ng orasan kung sa anong oras
ninyu ginagawa ang mga gawain nasa larawan at
sagutin ang tanong sa ibaba.

Bakit mahalaga sa Mata ng Diyos na alagaan ang ating sariling k

Mahalaga na dapat nating alagaan ang ating sariling katawan day

KNOW YOUR LEARNING TARGETS!


Pagkatapos ng aralíng ito, ikaw ay inaasahang iyong masusuri ang mga dahilan at mahahalagang pangyayaring naganap at bunga
ng Unang Digmaang, lalo na sa:
a) Nasusuri ang mga dahilan, bonga at mahahalagang pangyayaring naganap sa Unang Digmaang Pandaigdig.
b) Nakapagbibigay ng sariling konklusyon tungkol sa mga dahilan at mahahalagang pangyayaring naganap sa Unang
Digmaang Pandaigdig.
c) Napahahalagahan ang dahilan, bonga at mahahalagang pangyayari sa Unang Digmaang Pandaigdig lalo na ang
pagsulong ng nasyonalismo
REVIEW YOUR KNOWLEDGE!
FILL IN THE BLANKS. Isulat sa patlang ang mga sagot.

Ang Unang Digmaang Pandaigdig ay naganap mula


1914 hanggang 1918 na kinasangkutan ng
mga makapangyarihang bansa sa mundo na noon ay napapangkat sa
dalawang magkalabang alyansa: Allied Powers at
Central Powers .
MOBILIZE AND ACQUIRE
M This section enables you acquire and integrate knowledge through brief discussion of the lesson which aims

Handa ka na bang madiskobre ang ibat-ibang rebolusyon? Atin itong alamin!

DISCOVER HISTORY!

Mga Sanhi o Dahilan ng Unang


Digmaang Pandaigdig

1. NASYONALISMO - tumutukoy sa
masidhing pagmamahal sa sariling
bayan o bansa. Ito rin ang ideyolohiyang pampolitika
bumubugkos sa isang tao sa iba pang mga taong may
pagkakapareho sa kanyang wika, kultura at iba pa.

Halimbawa: Ang aristokrasyang militar ng Germany, ay


naniwalang sila ang nangungunang lahi sa Europe.

May mga bansang masidhi ang paniniwalang karapatan nilang pangalagaan ang mga kalahi nila kahit nasa ilalim ng
kapangyarihan ng ibang bansa. Isang halimbawa ay ang pagnanais ng Serbia na angkinin ang Bosnia at Herzegovina na
nasa ilalim ng Austria.

2. IMPERYALISMO – Isa itong paraan ng pang-aangkin ng mga kolonya at pagpapalawak ng pambansang


kapangyarihan at pag- unlad ng mga bansang Europeo. Ang pag- uunahan ng mga makapangyarihang bansa na sumakop
ng mga lupain at magkaroon ng kontrol sa pinagkukunang-yaman at kalakal ng Africa at Asia ay lumikha ng samaan ng
loob at pagaalitan ng mga bansa.

Halimbawa: Sinalungat ng Britanya ang pag-angkin ng Germany sa Tanganyika (East Africa) sapagkat balakid ito sa
kanyang balak na maglagay ng transportasyong riles mula sa Cape Colony patungong Cairo.

3. MILITARISMO -Upang mapangalagaan ang kani-kanilang teritoryo, kinakailangan ng mga bansa sa Europe ang
mahuhusay at malalaking hukbong sandatahan sa lupa at karagatan, gayundin ang pagpaparami ng armas.

Ito ang naging ugat ng paghihinalaan at pagmamatyagan ng mga bansa. Nagsimulang magtatag ng malalaking hukbong
pandagat ang Germany. Ipinalagay na ito'y tahasang paghamon sa kapangyarihan ng Inglatera bilang Reyna ng Karagatan.

4. PAGBUO NG MGA ALYANSA


Dahil sa inggitan, paghihinalaan at lihim na pangamba ng mga bansang makapangyarihan, dalawang magkasalungat na
alyansa ang nabuo – ang Triple Entente at ang Triple Alliance. Sa ilalim ng alyansa, nangako ang bawat kasapi na
magtulungan sakaling may magtangkang sumalakay sa kanilang bansa. Nais din ng alyansa na pantayan ang kanilang
lakas. Samantala, sumali ang Germany sa grupo ng Triple Alliance dahil nais mapigilan ang impluwensiya ng Russia sa
Balkan.

TRIPLE ALLIANCE ay binubuo ng mga bansang ITALY, GERMANY, at AUSTRIA-HUNGARY


TRIPLE ENTENTE ay binubuo ng mga bansang RUSSIA, GREAT BRITAIN at FRANCE.

Ang Unang Digmaang Pandaigdig ay naganap mula Hulyo 27, 1914 hanggang Nobyembre 11, 1918 na kinasangkuta
Ang Pagsisimula at Mahahalagang Pangyayari sa Unang Digmaang Pandaigdig

Ang krisis na naganap sa Bosnia noong 1914 ang naghudyat sa pagsisimula ng World War I. Noong Hunyo 28,1914,
pinatay si Archduke Franz Ferdinand at ang asawa nitong si Sophie ni Gavrilo Princip habang sila ay naglilibot sa
Bosnia na noon ay sakop ng Imperyong Austria-Hungary. Narito ang mga pangyayaring nagbunsod sa Unang Digmaang
Pandaigdig

Mga bansang miyembro ng CENTRAL POWERS:


Germany
Austria- Hungary
Ottoman Empire
Bulgaria

Ang Digmaan sa Silangan


Lumusob ang Russia sa Prussia (Germany) sa pangunguna ni Grand Duke Nicholas,
pamangkin ni Czar Nicholas II. Nang dumating ang saklolo ng Germany, natalo ang hukbong
Ruso sa Digmaan ng Tannenberg. Nagtagumpay ang Hukbong Ruso sa Galicia. Ngunit hindi
nagtagal ang tagumpay nila. Sila ay pinahirapan ng mga Aleman sa Poland. Dito tuluyang
bumagsak ang hukbong sandatahan ng Russia. Ang sunod-sunod nilang pagkatalo ang naging
dahilan ng pagbagsak ng dinastiyang Romanov noong Marso 1917 at ang pagsilang ng
Komunismo sa Russia. Upang makaiwas ang Russia sa digmaan, nakipagkasundo si Lenin sa
ilalim ng pamahalaang Bolshevik sa Germany sa pamamagitan ng paglagda sa Treaty of Brest-
Litovsk. Iniwan ng Russia ang mga Alyado at sumapi sa Central Powers.

Digmaan sa Balkan
Lumusob ang Austria at tinalo ang Serbia pagkaraan ng ilang buwan. Upang makaganti ang
Bulgaria sa pagkatalo, sumapi ito sa Central Powers noong Oktubre, 1915. Sa taong 1916,
karamihan sa mga estado ng Balkan ay napasailalim na ng Central Powers. Ang Italya naman
ang tumiwalag sa Triple Alliance at nanatiling neutral. Noong 1915, sumali ito sa magkaanib
na bansa. Hinangad na maangkin ang mga teritoryong Latin na hawak ng Austria (Italy
Irrendenta) at ang mga kolonya nito sa Africa. Ang Turkey ay kumampi sa Germany upang
mapigilan ang Russia sa pag- angkin sa Dardanelles.

Ang Digmaan sa Karagatan


Sa unang bahagi ng digmaan ay nagkasubukan ang mga
hukbong pandagat ng Germany at Britanya. Ang naitaboy ng
mga barkong pandigma ng Germany mula sa Pitong Dagat
(Seven Seas) lakas pandagat ng Britanya. Dumaong ang bapor
ng Germany sa Kanal Kiel at nagging mainit ang labanan.
Makapangyarihan ang hukbo ng mga alyado sa dagat. Sa
kabilang dako, ang mabibilis na raider at mga sumbarinong
U-boats ng kanilang kalaban ay nakagawa ng malaking
pinsala sa kalakalang pandagat ng mga Alyado. Ang
pinakamabagsik na raider ng Germany ay ang Emden. Sa
dakong huli, napalubog itong Sydney, isang

Australian cruiser.
Mga Naging Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig

Matinding pinsala ang naidulot ng Unang Digmaang Pandaigdig


sa buhay at ari-arian. Tinatayang umabot sa 8 500 000 katao ang
namatay sa labanan. Nasa 22 000 000
naman ang tinatayang nasugatan. Samantalang 18 000 000 naman
na sibilyan ang namatay sa gutom, sakit, at paghihirap.
Napakaraming ari-arian ang nawasak at naantala ang kalakalan,
pagsasaka, at iba pang gawaing pangkabuhayan. Ang nagastos sa
digmaan ay tinatayang umabot sa 200 bilyong dolyar.

Sadyang nabago ang mapa ng Europe dahil sa digmaan. Nag-iba


rin ang kalagayang pampolitika sa buong daigdig. Ang Austria at Hungary ay nagkahiwalay. Ang mga bansang Latvia,
Estonia, Lithuania, Finland, Czechoslovakia, Yugoslavia, at Albania ay naging malalayang bansa. Apat na imperyo sa
Europe ang nagwakas: Hohenzollern ng Germany, Hapsburg ng Austria-Hungary, Romanov ng Russia, at
Ottoman ng Turkey. Nabigo ang mga bansa na magkaroon ng pangmatagalang kapayaaan sa daigdig. Ang mga itinalaga
ng kasunduan sa Versailles ay nagtanim ng hinanakit sa Germany. Lubhang marahas ang mga parusang iginawad sa
Germany. Ang pagkapahiya ng Germany ang dahilan ng muli nilang paghahanda upang muling makipaglaban sa mga
bansang alyado.
Mga Kasunduang Pangkapayapaan
Umisip ng paraan ang mga nanalong bansa upang maiwasan ang digmaan na pinaniniwalaan nilang salot sa kapayapaan.
Bumalangkas sila ng kasunduang pangkapayapaan sa Paris noong 1919-1920. Ang pagpupulong na ito ay
pinangungunahan ng mga pinunong tinatawag na Big Four: Pangulong Woodrow Wilson ng US; Punong Ministro David
Lloyd George ng Great Britain;Vittorio Emmanuel Orlando ng Italy; at Punong Ministro George Clemenceau ng France.
Ang pangunahing nilalaman ng kasunduan ay ibinatay sa Labing-apat na Puntos (Fourteen Points) ni Pangulong Wilson.

Ang Labing-apat na Puntos ni Pangulong Woodrow Wilson


Binalangkas ni Pangulong Wilson noong Enero 1918 ang labing-apat na puntos na naglalaman ng mga layunin ng Estados
Unidos sa pakikipagdigma. Naglalaman din ito ng kanyang mga ideya tungkol sa isang “kapayapaang walang talunan”
para sa kapakinabangan ng lahat ng bansa. Anim sa mga puntos na napagkasunduan ang sumusunod:
1. katapusan ng lihim na kasunduan;
2. kalayaan sa karagatan;
3. pagbabago ng mga hangganan ng mga bansa at paglutas sa suliranin ng mga kolonya ayon sa sariling
kagustuhan ng mga mamamayan;
4. pagbabawas ng armas;
5. pagbabawas ng taripa; at
6. pagbuo ng Liga ng mga Bansa.

Ang Liga ng mga Bansa


Ang pagkakaroon ng isang pandaigdigang samahan ng mga bansa ay matagal nang pangarap ni Pangulong Wilson. Sa
Wakas, nagtagumpay siya sa panghihikayat sa mga pinuno ng mga bansang alyado na itatag at sumapi sa Liga ng mga
Bansa. Ang konstitusyon nito ay napaloob sa kasunduan sa Versailles na may sumusunod na mga layunin:
1. maiwasan ang digmaan;
2. maprotektahan ang mga kasaping bansa sa pananalakay ng iba;
3. lumutas sa mga usapin at hindi pagkakaunawaan ng mga kasapi;
4. mapalaganap ang pandaigdigang pagtutulungan; at
5. mapalaganap ang mga kasunduang pangkapayapaan.

Ilan sa mga nagawa ng Liga ng mga Bansa ang sumusunod:


1. Napigil nito ang ilang maliliit na digmaan sa pagitan ng Finland at Sweden noong 1920, Bulgaria at
Greece noong 1925, at Columbia at Peru noong 1934.
2. Pinangasiwaan nito ang iba’t ibang mandato.
3. Pinamahalaan nito ang rehabilitasyon ng mga sundalo pagkatapos ng digmaan.
Mga Lihim na Kasunduan Lingid sa Kaalaman ni Pangulong Woodrow Wilson
Lingid sa kaalaman ng Great Britain, France at iba pang bansa, ang ibang miyembro ng Alyado ay gumawa ng lihim na
kasunduan. Nagdesisyon silang hatiin ang kolonya at teritoryo ng Central Powers. Halimbawa, pinangakuan ang Italy
ng teritoryong hindi naman nito sakop. Ang Turkey naman ay maaring paghati-hatian ng ibang maimpluwensiyang bansa.

Pormal itong naganap nang mabuo ang kasunduan sa Versailles, naisagawa ang sumusunod na pangyayari:
1. Nawalang lahat ang mga kolonya ng Germany. Ibinigay ang mga teritoryong Posen, Kanlurang Prussia, at ang Silesia
sa bagong Republika ng Poland. Ang Danzig ay naging malayang lungsod sa pangangasiwa ng mga Alyado bilang
mandato.
2. Ang Alsace-Lorraine ay naibalik sa France. Ang Saar Basen ay napasailalim sa pamamahala ng Liga ng mga Bansa sa
loob ng labinlimang taon.
3. Ang Hilagang Schleswig ay ibinigay sa Denmark.
4. Lubhang pinahina ang hukbong sandatahan ng Germany sa lupa at sa dagat. Ipinagbawal ang kanilang partisipasyon sa
anumang digmaan.
5. Ang Kanal Kiel at ang lahat ng mga pinaglakbayang ilog ay ginawang panginternasyonal.
6. Pinagbawalang gumawa ng mga armas at amyunisyon ang Germany.
7. Ang Germany ay pinabayad ng malaking halaga sa mga bansang napinsala nito bilang reparasyon. Ang layunin ng mga
gumawa ng kasunduang ito ay upang lubusang pilayin ang Germany nang hindi na ito muling magtangkang gambalain
ang kapayapaan ng daigdig.

APPLY AND REFINE


A This section allows you to deepen acquired knowledge from the lesson by engaging to different activities and

Activity 1 – CONCEPTUAL MAP


Panuto: Sa pamamagitan ng graphic organizer, ibigay ang 4 na sanhi ng unang digmaang pandaigdig at ibigay ang
pangyayari nito.
NASYONALISMO IMPERYALISMO
- Dahil sa labis na pagmamahal ng kanilang o Ang bansang Germany ay
bansa ay nagawa nilang saktan ang ibang bansa nagpupumilit na sumakop sa mga
at malaki ang pagtingin nila sa kanilang sarili karatig bansa para lang maging
SANHI NG UNANG DIGMAANG malawak ang kanilang teritoryo at
PANDAIGDIG
MILITARISMO PAGBUO NG MGA ALYANSA
- Ang mga bansa ay kanya-kanyang - Ang Germany, Austria-Hungary at iba pang bansa
nagpapalakasan ng kanilang hukbog nagsanib-pwersa. Hindi nagpahuli nag ibang bansa
pangmilitar. Marami silang ginagawang armas katulad ng Britanya at Russia na gumawa rin ng
at mga amyunisyon. sarili nilang pangkat kasama ang ibang mga bansa.

Alam ko nang batid mo na ang lahat na kaalaman tungkol sa aralin na iyong pinag-aralan. Ngayon, gamiting gabay ang
binasang teksto upang makabuo ng ideya na nagpapakita ng pagsisikap ng mga pinuno ng mga bansa na wakasan ang
Unang Digmaang Pandaigdig. Bigyang –pansin ang mga hakbang na kanilang ginawa upang wakasan ang digmaan.
Isulat ang sagot sa graphic organizer.

President Woodrow Wilson (USA)


- Siya ang nagawa ng Fourteen Points na ginawang pamantayan ng naganap na digmaan kung ano ang
Kapayapaan, hangad ko!

dapat at hindi dapat gawin ng mga nasangkot sa digmaan. Ito ay nagbunga ng temporaryong kapayapaan.
Nabuo rin sa pamamagitan niya ang Liga ng mga Bansa.

Lloyd George (England)


-Sinuportahan niya si Wilson at nagrekomenda na parusahan ang Germany sa pamamagitan ng pagbayad sa
mga pinsalang kanilang naidulot sa Britain.

Vittorio Orlando (Italy)


- Siya ang nagsulong na ibalik muli sa France at palayain ng Germany ang Alsace-Lorraine na kanilang
nasakop.
George Clemenceau (France)
- Siya ang nagsulong na ipagbawal ang paggawa ng karagdagang armas at amyunisyon sa
Germany. Naglalayon siyang hindi na bibigyan ng kapangyarihan ang bansa at parusahan ito.
SUM UP YOUR KNOWLEDGE!

Naging dahilan ng Unang Digmaang Pandaigdig ang Imperyalismo dahil ito ang nag-udyok upang ang mga tao ay maging
mapagtaas at masyadong mapagmalaki sa kanilang lahi at bansa. Naging dahilan ng Unang Digmaang Pandaigdig ang
Militarismo sapagkat dahil dito ay mas iniisip ng mga bansa na palakasin ang kanilang sandatahan upang hindi matalo ng karatig
basa. Ito’y nagdulot ng panghighinala. Mahalaga ang kapayapaan sa bansa dahil ito ay repleksyon ng kasaganaan at pagkakaisa
ng mga tao. Kung walang kapayaan ay marami ang maghihirap sa mga pagpatay at hindi matigil na gyera.

Ang Unang Digmaan Pandaigdig ay isang digmaan na nagkaroon ng matinding epekto. Ilan sa mga bunga o epekto
nito aypagkapinsala ng ari-arian, pagkawala ng maraming buhay ng mga sundalo at sibilyan,kawalan ng hanap buhay,
epekto sa ekonomiya ng bansa at
Kawalan ng kaligtasan sa kapayapaan sa lugar. Ang kontinente ng Europa ang nagging entablado ng digmaan.
Pinangunahan ng Big Four na sinaPangulong Woodrow Wilson, George Clemenceau, Vittorio Orlando atLloyd
George ang usaping pangkapayapaan upang matigil na ang digmaan. Ang kasunduang pangkapayapaan na ito ay
tinatawag na Kasunduan sa Versailles. Ang pangunahing nilalaman ng mga kasunduan ay ibinatay sa
Fourteen Points ni Pangulong Wilson.

ARTICULATE & REFLECT

A This section articulates your mastery of the lesson through varied assessment which mirror a real-world scenar

ASSESS YOUR KNOWLEDGE! (*ERASURE MEANS WRONG)

Multiple Choice – Piliin ang tamang sagot at isulat sa Patlang ang titik ng wastong sagot.
B 1. Ang unang Digmaang Pandaigdig ay naganap mula 1914 hanggang .
A. 1917 B. 1918 C. 1919 D. 1939
C 2. Ito ay ang pagpapalakas o pagpapaigting ng sandatahang lakas ng isang bansa sa pamamagitan ng pagpaparami
ng armas at sundalo.
A. Imperyalismo B. Nasyonalismo C. Militarismo D. Alyansa
D 3. Ito ay ang pagkakampihan ng mga bansa.
A. Imperyalismo B. Nasyonalismo C. Militarismo D. Alyansa
B 4. Napapangkat sa dalawang Magkalabang Alyansa ang Unang Digmaang Pandaigdig
A. Triple and Entente C. Entensity at Aliance
B. Triple Alliance at Triple Entente D. Entent at Triple
C 5. Ang Triple Alliance ay kinabibilangan ng mga sumusunod na bansa:
A. Italy, Germany C. Italy, Germany, Austria-Hungary
B. Austria-Hungary D. France, Russia, Great Britain
A 6. Tawag sa panghihimasok ng makapangyarihang bansa sa mahinang bansa.
A. Imperyalismo B. Nasyonalismo C. Militarismo D. Alyansa
A 7. Ang mga sumusunod ay miyembro ng Triple Entente MALIBAN sa:
A. Germany B. Great Britain C. Russia D. France
D 8. Ang mga sumusunod ay naging bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig maliban sa isa. Alin dito?
A. Maraming tao ang namatay, nagkasakit at naghirap C. Naantala ang mga gawaing pangkabuhayan
B. Maraming ari-arian ang nawasak D. Lumakas ang bansang Germany
A 9. Binalangkas ang isang kaunduang pangkapayapaan sa Paris noong 1919-1920 upang matapos ang digmaang
pandaigdig. Ano ang naging batayan ng pangunahing nilalaman ng mga kasunduan?
A. Fourteen Points B. Liga ng mga Bansa C. Big Four D. Konstitusyon
C 10. Ang pagbalangkas ng kasunduang pangkapayapan upang maiwasan ang digmaan ay pinangunahan ng mga
pinuno na tinatawag na Big Four. Sino sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa Big Four?
A.Woodrow Wilson B. Vittorio Orlando C. Otto von Bismarck D. George Clemenceau
A 11. Lingid sa kaalaman ng Great Britain, France at iba pang bansa, ang ibang miyembro ng alyado ay gumawa
ng lihim na kasunduan. Alin sa mga sumusunod ang naganap?
1. Nagdesisyon silang hatiin ang kolonya at teritoryo ng Central Powers
2. Pinangakuan ang Italy ng teritoryong hindi naman nito sakop
3. Ang Turkey ay maaaring paghati-hatian ng ibang maimpluwensiyang bansa
4. Pinagbawalang gumawa ng armas at amyunisyon ang Estados Unidos
A. 123 B. 234 C.134 D. 124
B 12. Isa sa napagkasunduan sa kasunduan sa Versailles ay pinagbayad ng malaking halaga ang Germany
sa mga bansang napinsala nito bilang reparasyon.Bakit sila pinagbayad?
A. Dahil naging malakas at makapangyarihang ito sa pagsiklab ng digmaan
B. Upang lubusang pilayan ang Germany nang hindi na ito muling magtangkang gambalain ang
kapayapaan sa daigdig
C. Mas marami ang napinsalang ari-arian ang Germany
D. Malawak ang lugar na nasakop ng Germany at maraming buhay ang nawala at ari-arian ang nawasak
B 13. Alin sa mga sumusunod na bansa ang higit na naparusahan ayon sa Kasunduan sa Versailles?
A. Italy B. Germany C.France D. Great Britain
B 14. Alin sa mga sumusunod na bansa ang hindi kabilang sa Central Powers?
A. Germany B. China C.Austria-Hungary D. Bulgaria
A 15. Anong kasunduan ang nagwakas sa Unang Digmaang Pandaigdig?
A. Kasunduan sa Versailles C. Kasunduan sa Europe
B. Kasunduan sa Tordesillas D. Kasunduan sa Verdun

WRITE YOUR REALIZATION!

Proverbs 31:17-22 “She dresses herself with strength and makes her
arms strong. She perceives that her merchandise is profitable. Her
lamp does not go out at night. She puts her hands to the distaff, and
her hands hold the spindle. She opens her hand to the poor and
reaches out her hands to the needy. She is not afraid of snow for her
household, for all her household are clothed in scarlet. She makes
bed coverings for herself; her clothing is fine linen and purple.” Ang
buwan ng Marso ay kinikilalang Buwan ng mga Kababaihan. Iguhit sa
kahon ang babae sa iyong buhay na nagbibigay inspirasyon mo at
ipaliwanag.

CONGRATULATIONS!
Matagumpay mong natapos ang Modyul 10. Maaari kanang magpatuloy sa Modyul 11.
Developed by: Reneboy T. Maquilava, LPT

You might also like