Kinagisnan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Kulturang kinagisnan

Ni: Moro, Mary Ann C.

Kilala ang Pilipino sa ating pagiging magalang at pagka maasikaso. Mula pa sa ating mga ninuno at
magulang ang katangiang ito na siyang itinuro at namana natin. Isa sa aking kinagisnan kong kultura ay
ang pagmamano at paggamit ng po at opo. Ano nga ba ang pagmamano? At gaano ito kahalagahan sa
atin? Ano pa nga ba ang dapat nating malaman dito?

Ang pagmamano ay isang paraan ng pagpapakita ng paggalang sa nakakatanda saatin at nag


bibigay ito ng magandang kaugalian nating mga pilipino. Ang pagmamano ay madalas nating ginagawa
pagdatin O bago umalis, kinukuha natin ang kamay ng nakatatanda saatin at inilalapat natin saating noo at
sabay sabing "mano po inay, itay, lolo at lola". Masasabing isa itong maganda at mahalagang katangian
nating mga pilipino na dapat natin ipagmalaki at ang paggamit wikang po at opo ay sumisimbolo sa
paggalang sa mga taong mas nakakatanda sa atin.Wari bang sa pamamagitan ng paggamit ng salitang po
at opo nakikita kung paano tayo pinalaki at tinuruan ng magandang asal ng ating mga magulang. Ang
bawat magulang ay nahuhusgahan sa pamamgitan ng kanilang anak.

Sa panahon ngayon, marami ng bata ang tumalikod sa paguugaling pilipino na magalang, bihira na
ang paggamit ng mga kabataan sa salitang po at opo at ang pahmamano, kadalasan ng maririnig ang
pagsagot sa magulang at nakakatanda.Tunay ngang mapagmahal ang ating mga magulang ngunit huwag
naman po sana nating gawing dahilan ito para pahirapan ang ating mga magulang. Anuba’t sa simpleng
pagbiibigay galang at respeto ay maipakita natin ang atin pagmamahal sa kanila at pasasalamat sa
kanilang pag-aaruga. Halina’t ibalik natin ang nakasanayan at ipakitang muli sa mundo ang tunay na
ugaling Pilipino. Magkapit bisig tayo at maging simula para maisakatuparan natin ang mithiin nating
mapabuti ang sarili, at maging huwarang ehemplo tayo sa iba.

Moro, Mary Ann C.


10- Tolerance

You might also like