Music 5 - Detailed Lesson Plan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Detalyadong Baghay Aralin sa Musika 5

I. Layunin

Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Nakikilala ang ibat –ibang vocal timbre (Soprano, Alto, Tenor, Bass)
2. Nailalarawan ang ibat –ibang vocal timbre (Soprano, Alto ,Tenor , Bass) ng mga sikat na
mang -aawit
3. Napapahalagahan ang sariling vocal timbre sa pamamagitan ng pag-awit

II. Paksang Aralin

Ibat –ibang Vocal Timbre (Soprano, Alto ,Tenor , Bass)

A. Sanggunian : : Music 5 Quarter 3 Week 5 Iba't Ibang Vocal Timbre Soprano, Alto, Tenor,
Bass | Grade 5 MAPEH, Most Essential Learning Competencies (MELCs)  p.256

B. Kagamitang Panturo:, Larawan , Audiovisual

C. (Value Focus) Pagpapahalaga : pkikiisa sa mga Pangkatang Gawain

D. Integration (Pagsasama): Edukasyon sa Pagpapakatao

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
Tayo ay tumayo para sa ating panalangin.
(Mananalangin ang mga bata)
2. Pagbati
Magandang umaga mga bata!
Magandang umaga rin po!
Bago kayo umupo ay ayusin muna natin ang
linya ng inyong mga upuan.
(Aayusin ng mga bata ang linya ng kanilang mga
upuan.)

B. Energizer
Mga bata tumayo kayong lahat at sabayan natin
ang awit na ito.
(Sasabayan ng mga bata ang awit.)
C. Pagganyak
Ngayon ay igugrupo ko kayo sa apat na pangkat

(Magkakaroon ng apat na grupo sa klase)


Mayroon akong mga puzzle pieces. Kailangan
niniyong mabuo ang mga ito sa loob ng limang
minute . Handan na ba kayo ?
Opo Sir!

Ngayon ay alamin natin kung ano ang mga


nabuong larawan. Sino ang nabuo ng Pangkat 1?
Kilalanyo ba siya? Siya po si Regine Velasquez

Tama, saan nyo ba siya madalas nakikita ? .


Umaawit po siya sa telebisyon.

Mahusay ! Ngayon , sino naman ang mang-aawit


na nabuo ng Pangkat 2 ? Siya po si Jaya

Tama, siya ay isa ring mag –aawit . Ngayon ,


sino naman ang mang-aawit na nabuo ng Pangka
3? Siya po si Jed Madela

Mahusay ! Ano ang masasabi ninyo sa kanya ? Isa po siyang mang –await.

Tama ang lahat ng inyong kasagutan, Mahusay !


Sino naman ang nabuo ng pangkat 4 ? Siya po si Jose Marie Chan

Tama, Ano ba ang madalas niyang awitin ? Mga kantang pamasko po .

Ano- ano bang kantang pamasko ang alam ninyo (Sasagot ang mga bata)
?

Tama ang lahat ng inyong kasagutan, Mahusay !


Palakpakan natin ang bawat isa.
C. Paglalahad
Ang mga larawang nabuo ninyo ay mga
Pilipinong mang-aawit ? Narinig na ba ninyo
silang umawit ?
Opo

Magkakaiba ba ang kanilang mga tinig o


magkakatulad ? Magkakaiba po sila ng tinig.

Tama! Magkakaiba ang kanilang mga tinig.

Timbre ang tawag sa natatanging katangian ng


isang tunog na nagdudulot ng pagkakaiba sa
tinig ng mga tao, tunog ng mga hayop, at mga
instrumento. . Ito ay isang element ng musika na
tumutukoy sa uri ng tunog o tinig.

May apat nauri ng Vocal Timbre . Halina at


ating alamin !

Ngayon ay may ipaparinig akong awitin sa inyo


(Magpapatugtog ang guro ng ibat-ibang awitin)
(Isang Lahi –Regine Velasquez) Siya po ay isang babae.
Ano ang kasarian ng umawit ng kanta?

Mataas , matinis at manipis po.


Tama . Ano naman ang katangian ng kanyang
boses ?

Mahusay ! Soprano ang tawag sa tinig ng babae


na magaan at manipis. Dahil sa tinig na ito kaya
naabot ng isang mang-aawit ang mataas na nota
(Sasagot ang mga bata)
ng isang kanta.Sino-sino pa ang mga mang-aawit
na may tinig na Soprano ?

Ngayon naman ay pakinggan natin ang awit ni Mababa, makapal at malalim po.
Jaya (Wala na Bang Pag-ibig).
Ano naman ang masabi ninyo sa tinig ni Jaya.
Magaling! Tama ang inyong kasagutan.
Alto naman ang tawag sa boses ng babae na (Sasagot ang mga bata)
mababa, makapal at di gaanong mataas.
Sino-sino pa ang mga mang-aawit na may tinig
na Alto.
Siya po ay lalaki.
Ngayon ay pakinggan naman natin ang awitin ni
Jed Madela (Didn’t We almost Had it All). Mataas po ang boses niya.

Ano ang kasarian ng umawit ng kanta ?

Ano naman ang katangian ng boses niya ?

Tama ! Ang mga lalaki na may mataas at (Sasagot ang mga bata)

magaan na boses ay may tinig na Tenor.


Sino pa ang mga mang-aawit na may tinig na
Tenor.
Malalim at makapal po .

Pakinggan naman natin ang awitin ni Jose


Marie Chan (Beautiful Girl).
Ano ang masasabi ninyo sa kanayang tinig.
(Sasagot ang mga bata)

Tama. Ang mga lalaking mababa, makapal at


malalim ang boses ay may tinig na Bass. Sino-
sino pa ang mga kilala ninyong mang-aawit na
may tinig na Bass

Mahusay !
F. Paglalahat
Ngayon ano-ano nga uli ang apat na uri ng vocal
Timbre ?
Soprano. Alto, Tenor at Bass po
Mahusay !

Ang Timbre ay isang elemento ng musika na


nagsasaad ng pagpapalabas ng uri ng
boses. Ito ay ang natatanging katangian ng isang
tunog na nagdudulot ng pagkakaiba sa tinig
ng mga tao, tunog ng mga hayop, at mga
instrumento.
Kapag ang boses ng babae ay mataas, matining,
manipis at magaan, ang tinig niya ay
soprano. Ang tinig ng mga mang-aawit tulad nila
Regine Velasquez, Sylvia la Torre at Lani
Misalucha ay soprano. Samantalang ang tinig ng
babae ay mababa, makapal, mabigat at di
gaanong mataas, ang tinig niya ay alto. Alto ang
tinig ng mga mang-aawit gaya nila Aiza
Siguerra, Sharon Cuneta at Jaya Ramsey.
Ang mga lalaki na may mataas at magaan na
boses ay may tinig na tenor. Ang mga
kilalang mang-aawit tulad nila Gary Valenciano,
Jed Madela at Bruno Mars ay may tinig na
tenor. Samantala, ang mga lalaking mababa,
makapal at malalim ang boses ay may tinig na
bass o bajo. Halimbawa ng mga mang-aawit na
may ganitong kalidad ng tinig ay sina
Jonathan Zaens, George Hernandez at
Emmanuel Gregorio.
G. Pagtataya
Nagyong natukoy na natin ang ibat-ibang uri ng
vocal Timbre ay maari na nating sagutan ang
gawaing ito .

Panuto: Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat


sa sagutang papel.

1.Ano ang tawag sa element ng musika na


tumutukoy sa uri ng tunog o tining ?
A. Ritmo
B. Timbre
C. Melody
D. Dynamiks B. Timbre

2. Alin sa mga sumusunod na uri ng vocal tim


bre ang tumutukoy sa boses ng lalaki na
mababa,makapal at malalim?
A.Soprano
B. Alto
C. Tenor D. Bass
D. Bass

3. Si Sharon Cuneta ay may mababa, makapal, at


di gaanong mataas na tinig . Anong vocal timbre
ang taglay niya ?
A.Soprano
B. Alto
B. Alto
C. Tenor
D. Bass

4. Ang tinig ng mga mang-aawit tulad nila


Regine Velasquez, Sylvia la Torre at Lani
Misalucha
ay _______________.
A.Soprano
B. Alto A.Soprano
C. Tenor
D. Bass

5. Paano mo masassbi na ang isang mang-aawi


na lalaki ay may tinig na Tenor ?
A. Kapag ang kanyang tinig ay mababa at
malalim .
C. kapag ang kayang tinig ay mataas at magaan.
B. Kapag ang kanyang tinig ay nanginginig
C. kapag ang kayang tinig ay mataas at magaan.
D. Kapag ang kanyang tinig ay malagong

H. Takdang Aralin
Panuto: Umawit ng isang awitin at tukuyin kung
anong uri ng vocal Timbre ang taglay mo.

You might also like