Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

Filipino 9

Kwarter 3 – Sanayang Papel sa


Pagkatuto Blg. 7
Rama at Sita
(Epiko ng India)
KARAPATANG SIPI ©2021
Filipino – Baitang 9
Kwarter 3 - Sanayang Papel Blg. 1

Isinasaad sa Batas Republika 8293, seksyon 176 na Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi
sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng
ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa
mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisyon, pelikula , atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang
–aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa Sanayang Papel na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan
nang walang pahintulot.

Tagapamanihala: Mariano B. De Guzman


Kawaksing Tagapamihala: Sueno S. Luzada Jr.
Puno ng CID: Maria Sheila V. Lagoda

Tagamasid Pansangay sa Filipino: Anna Liza F. Abuloc


Tagamasid Pampurok: Ramil S. Pederio (Distrito IX)
Punongguro: Baby Ruby F. Laurente (DLQMHS)

Mga Bumuo ng Modyul

Manunulat: Ma. Olivyne SM. Ortiz


Marilyn N. Aguila
Evelyn M. Reyes
Tagasuri ng Nilalaman: Marie Anne C. Ligsay, PhD, Dulce M. Esteba
Kenneth C. Salvador
Gumuhit ng Larawan: Kimberly S. Liwag
Nagdisenyo ng Pahina: Glehn Mark A. Jarlego
Pangalan ng mag-aaral: __________________Baitang/Pangkat: ______ Petsa: ___

I. Kasanayang Pampagkatuto:
1. Nabibigyang-katangian ang isa sa mga itinuturing na bayani ng alinmang bansa sa
Kanlurang Asya (F9PT-IIIg-h-54)
2. Nahuhulaan ang maaaring mangyari sa akda batay sa ilang
pangyayaring napakinggan (F9PN-IIIg-h-54); at
3. Nailalarawan ang natatanging kulturang Asyano na masasalamin sa epiko (F9PB-IIIg-h-54).

II. Panimulang Konsepto:

Sa aralin na ito, ating aalamin kung maituturing ding superhero tulad nila ang tauhan
sa panitikan ng mga Hindu. Tunghayan mo kung paano niya pinatunayan ang isa sa mga
sikat na linya sa awit na Florante at Laura ni Francisco Baltazar na: “Pag-ibig, ‘pag
pumasok sa puso ninoman, hahamakin ang lahat masunod ka lamang”.

Proseso:

Tutukan at Pag-aralan!
• Ang epiko ay tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan
ng pangunahing tauhan na nagtataglay ng katangiang
nakahihigit sa karaniwang tao at kadalasan siya’y buhat sa lipi
ng mga diyos o diyosa.

• Ang paksa ng mga epiko ay tungkol sa mga kabayanihan ng


pangunahing tauhan sa kaniyang paglalakbay at pakikidigma.

• Ang epiko ay galing sa salitang Griyego na epos na


nangangahulugang ‘awit’ ngunit ngayon ito’y tumutukoy sa
pasalaysay na kabayanihan.

• Mga Epiko sa Pilipinas: Biag ni Lam-ang, Hudhud at Alim,


Ibaloy, Ullalim, Ibalon, Maragtas, Hinilawod, Agyu, Darangan.

• Mga Epiko sa Ibang Bansa: Iliad at Odyssey ng Gresya, Siegried


ng Alemanya, Kaleva ng Pinlandiya, Ramayana at Hiawatha ng
India, Kasaysayan ni Rolando ng Pransiya, Beowulf ng Inglatera,
El Cid ng Espanya, Epiko ni Haring Gesar (Tibet)

Suriin
Panuto: Basahin mo ang epikong “Rama at Sita”. Tuklasin ang mga kulturang
Asyanong masasalamin sa epikong ito at hulaan ang mga maaaring mangyari sa mga
mababasa/maririnig na pangyayari.
Rama at Sita (Isang kabanata)
Epiko – Hindu (India)
Isinalin sa Filipino ni Rene O. Villanueva

Sa gubat tumira sina Rama, Sita, at


Lakshamanan nang ipatapon sila mula sa
kaharian ng Ayodha. Minsan, isang babae ang dumalaw
sa kanila. Hindi nila alam,
nagpapanggap lamang ang babae. Siya ay si Surpanaka,
ang kapatid ni Ravana, na hari ng mga higante at
demonyo. “Gusto kitang maging asawa,” sabi nito kay
Rama. “Hindi maaari,” sabi ni Rama. “May asawa na ako.”
Narinig ni Sita ang dalawa kaya lumabas siya. Niyakap ni
Rama si Sita sa harap ni Surpanaka. Nagselos nang
husto si Surpanaka. Sa galit ay bigla siyang
naging higante. Nilundag niya si Sita para patayin.
Pero mabilis na nayakap ni Rama ang asawa at agad
silang nakalayo kay Surpanaka, siya namang pagdating
ni Lakshamanan.
“Sige patayin mo siya!” sabi ni Rama. Binunot ni Lakshamanan ang kaniyang espada at
nahagip niya ang tenga at ilong ng higante. “Sino ang may gawa nito?” sigaw ni Ravana nang
makita ang ayos ng kapatid. Nagsinungaling si Surpanaka kay Ravana para makaganti kay
Rama. Sinabi niyang nakakita siya ng pinakamagandang babae sa gubat at inalok niya itong
maging asawa ni Ravana pero tumanggi ang babae.

Nang pilitin daw niya, tinagpas ng isang prinsipe ang kaniyang ilong at tenga. “Tulungan
mo ako, Ravana,” sabi pa nito. Bihagin mo si Sita para maging asawa mo.” Naniwala naman si
Ravana sa kuwento ng kapatid. Pumayag siyang ipaghiganti ito.

Ipinatawag ni Ravana si Maritsa. May galing si Maritsa na mabago ang sarili sa kahit
anong anyo o hugis. Nang malaman ni Maritsa na sina Rama at Lakshamanan ang
makakalaban, tumanggi itong tumulong. “Kakampi nila ang mga diyos,” sabi ni Maritsa.
“Kailangang umisip tayo ng paraan kung paanong makukuha si Sita nang hindi masasaktan si
Rama.” Nakumbinsi naman si Ravana kaya nag-isip sila ng patibong para maagaw nila si Sita.

Isang umaga habang namimitas ng bulaklak, nakakita si Sita ng isang gintong usa.
Tinawag niya agad sina Rama at Lakshamanan para hulihin ang usa na puno ng mamahaling
bato ang sungay. “Baka higante rin iyan,” paalaala ni Lakshamanan. Dahil mahal na mahal ang
asawa, kinuha ni Rama ang kaniyang pana at busog. “Huwag mong iiwan si Sita kahit ano ang
mangyari,” bilin ni Rama sa kapatid. Parang narinig ng usa ang sinabi ni Rama. Agad itong
tumakbo kaya napasigaw si Sita. “Bilis! Habulin mo ang gintong usa!”

Matagal na naghintay ang dalawa pero hindi pa rin dumarating si Rama. Pinilit ni Sita si
Lakshamanan na sumunod sa gubat. “Hindi, kailangan kitang bantayan,” sabi nito. Ilang oras pa
silang naghintay nang bigla silang nakarinig ng isang malakas na sigaw. Napaiyak si Sita sa
takot pero ayaw pa ring umalis ni Lakshamanan kaya nagalit si Sita. “Siguro gusto mong
mamatay si Rama para ikaw ang maging hari,” sabi nito kay Lakshamanan. Nasaktan si
Lakshamanan sa bintang ni Sita. Para patunayang mahal niya ang kapatid, agad siyang
sumunod sa gubat. Wala silang kamalay-malay na sa labas ay naghihintay si Ravana.

Sa gubat, napatay ni Rama ang usa at bigla itong naging si Maritsa. Nagpanggap naman
si Ravana na isang matandang paring Brahmin. Nagsuot ng isang kulay kahel na roba at humingi
siya ng tubig kay Sita. Hindi nakapagpigil si Ravana. “Bibigyan kita ng limang libong alipin at
gagawin kitang reyna ng Lanka,” sabi ni Ravana. Natakot si Sita at nabitiwan ang hawak na
banga! Itinulak ni Sita si Ravana. Bumalik sa anyong higante si Ravana. Hinablot ni Ravana ang
mahabang buhok ni Sita at isinakay sa karuwaheng hila ng mga kabayong may malapad na
pakpak. Nagsisigaw at nanlaban si Sita pero wala siyang magawa. Lihim na nagsisi si Sita sa
ginawa niya kina Rama at Lakshamanan.
Itinapon niya ang mga bulaklak sa kaniyang buhok. Nagdasal siya na sana ay makita
iyon ni Rama para masundan siya at mailigtas.
Mula sa isang mataas na bundok, narinig ng isang agila ang sigaw ni Sita. Hinabol ng
ibon ang karuwahe ni Ravana. Pinagtataga ni Ravana ang agila at duguan itong bumagsak sa
lupa.
Pabalik na sina Rama at Lakshamanan nang makita nila ang naghihingalong agila.
“Dinala ni Ravana ang asawa mo sa Lanka,” sabi nito bago mamatay. Sinunog ng magkapatid
ang bangkay ng agila. Pagkatapos ay naghanda sila upang sundan ang hari ng mga higante sa
Lanka. Dinala ni Ravana si Sita sa Lanka, ang kaharian ng mga higante at demonyo. “Mahalin
mo lamang ako ay ibibigay ko sa iyo ang lahat ng kayamanan.” Sabi ni Ravana. Pero hindi niya
napasuko si Sita.

Hiningi ni Rama ang tulong ng hari ng mga unggoy para salakayin ang Lanka. Sa
labanang naganap, maraming kawal na unggoy ang napatay pero mas maraming higante ang
bumagsak na pugot ang ulo. Hinanap ni Rama si Ravana at silang dalawa ang naglaban.

Matagal na naglaban sina Rama at Ravana hanggang sa mapatay ni Rama ang hari ng
mga higante. Tumakas ang iba pang mga higante nang makita nilang patay na ang kanilang
pinuno. Umiiyak na tumakbo si Sita sa asawa. Nagyakap sila nang mahigpit at muling nagsama
nang maligaya.

III. Mga Gawain:

Pagsasanay 1: #KatangiangTaglayIbigay
Panuto: Ibigay ang katangian ni Rama mula sa epikong Rama at Sita. Kopyahin ang pormat sa
papel at isulat ang sagot sa loob nito.

Pisikal Pag-iisip

RAMA
Ispirituwal Pagsasalita

Pagsasanay 2: #Hula…hulang may tama!


Panuto: Hulaan ang maaaring mangyari sa mga sumusunod na
pangyayaring nabasa/napakinggan sa akda.
Pangyayaring nabasa o narinig Maaaring Maganap
1. Gustong-gusto ni Surpanaka si
Ravana.
2. Iniwan ni Rama si Sita para
habulin ang usa.
3. Umalis si Lakshamanan papunta sa
gubat para sundin ang kagustuhan
ni Sita.
4. Inihulog ni Sita ang mga bulaklak sa
kaniyang buhok.
5. Sinundan ng agila ang
karuwaheng lulan sina Sita at
Ravana.

Pagsasanay 3: #KilalanAsya at KilalanINDIA

A. Panuto: Isa-isahing ilarawan ang mga kulturang Asyanong masasalamin sa epikong Rama at
Sita mula sa bansang India. Kopyahin ang grapikong pantulong sa hiwalay na papel at isulat
ang sagot sa loob nito.

B. Punan ang patlang upang mabuo ang diwa ng pahayag.

Sanggunian:
Peralta, R.N. et al. (2014), Panitikang Asyano 9, Meralco Avenue, Pasig City. Department of Education – Instructional
Materials Council Secretariat (DepEd- IMCS).

FRED_ship Club. Rama at Sita - Epiko ng HINDU INDIA. Nob.4,2019.


Youtubevideo,7:21https://www.youtube.com/watch?v=E4SVHxjrUDo

Garcia, Judith Ann. “Rama at Sita (Epiko ng mga Hindu) Dis.21,2020


Youtubevideo,7:21.https://youtu.be/RhIP1hWwxuw

You might also like