Professional Documents
Culture Documents
Mother
Mother
Introduction:
Magandang umaga po sa ating lahat! Ngayong araw po ay ating ipinagdiriwang ang araw ng mga nanay.
“Happy Mother’s Day po”
Kung inyo pong matatandaan bago ibalik muli ang ating bayan sa Quarantine tayo po ay nasa series ng pag-
aaral tungkol sa practice of Godliness, at nahinto po tayo sa pag-aaral tungkol sa “Contentment”. Actually po
napakaganda ng series na ito kaya po minabuti na pansamantala po munang itigil ito at kapag open na po ang
church para sa lahat saka po ulit natin ito ipagpapatuloy. So for the meantime po hayaan nyo po na
pagsasalusaluhan an natin ang mga mensaheng ating ibinababa po. And this morning pag-usapan po natin ang
isa sa mahalagang bagay na kailangan natin lalot higit ngayon panahon ng pandemya. Ito ay ang ating mga
PAMILYA.
Ano ang magagawa ng pamilya upang manatili kang may pag-asa?
We all know po that God is the author of family. Gen 2:21-24 (marriage/family). Sa Pilipino setup may mga uri
tayo ng pamilya, single parent, two parent, extended family. At alam natin na the primary composition of a
family is father, mother, children. At dito iikot ang ating pag-aaral. Iisa-isahin po natin ang mga miyembro ng
pamilya. At ngayon dahil Mother’s day po. Uunahin na nating ibida ang mga ilaw ng tahanan, an gating mga
nanay. Actually po nung ginagawa ko itong message na ito medyo na aawkwadan ako kasi wala akong first-
hand experience sa pagiging nanay kasi hindi naman ako nanay. Pero allow me dear mothers to deliver this
message na ayon sa perspective ng isang anak. At mga tatay huwag po kayong mag-alala dahil next month po
kayo naman ang ating ibibida.
Alam nyo po kappa sinabing verse tungkol sa pagiging isang ina, ang pinaka well known po ay ang Proverbs
31-tungkol sa Huwarang Maybahay. But upon studying His word there I a verse that really capture my heart,
napaka brief ng pagkakabanggit tungkol sa pagiging isang nanay. At yun nga po yung binasa ng ating kapatid
kanina. Na muli po nating basahin. Mamaya po mas palalalimin natin ang verse na ito for this time kunin muna
yung pinaka obvious na mensahe ng verse na ito. And that is the word “influence” “impluwensya” “impact”
“epekto” nino. Illustrate family tree.
The title of our message for today is “The Real Influencer”
Alam nyo po yang word na Influencer, isa po yan sa alam na alam ng mga kabataang sa panahon ngayon kasi
pinauso po ng media, yung mga nag vvlog po, mga vlogger kasama po sa panagalan nila na sila ay influencer,
sila mismo sa sarili nila ay kiniclaim na they leave an impact sa mga buhay ng mga nanood sa kanila. Pero bago
pa pala sumikat ang mga influencer na yan, nauna na palang maging influencer an gating mga nanay sa ating
mga buhay. Kaya po iisa isahin natin ano nga ba ang mga bagay na influence ng isang nanay sa kanyang mga
anak.
1. A mother is an influencer of GRACE
-undeserved love
Reality, it takes supernatural grace to raise up kids.
*raising up children with different personalities
Lumaki sya na ganung klase ng kabataan dahil sa mga itinuro ng kanyang nanay sa kanya. Kaya our
dearest youth, huwag nating tingnan na kontrabida ang ating mga nanay lalo na kapag yan
mananampalataya, minsan marami silang binabawal sa atin which is at the end of the day para sa
ikakabubuti naman talaga natin. Parang nung isang beses sabi po nung isang nanay kapag daw po
nakikita nya yung anak nya na mahaba na yung oras na ginugugol sa panonood ng kdrama eh binabawal
na nya, mapalad ka kasi binabawal ka kasi nga naman baka hindi na nakakapag devotion kasi tinatapos
lahat ng episode. Part of the training sa pangunguna ng nanay.
Meron pong isang kwento tungkol sa isang na itago natin sa pangalan na Jun-jun, si Jun-jun po ay
nagkaroon ng matinding pagnanais na kumita ng pera. At ang naisip nyang paraan ay ganito. Kinausap
nya yung nanay nya at sinabi na “Nanay simula bukas lahat ng gagawin dito sa bahay ay may bayad na,
pagliligpit ng higaaan-20, pagwawalis-30, pag-uurong-50…simula yan bukas nanay ha. Gumawa sya ng
listahan tapos dinikit nya sa ref para hindi makalimutan ng kanyang nanay. Maaga syang natulog kasi
excited sya para bukas, sabi nya “Sa wakas magkakaroon na rin ako ng maraming pera”. Kinabukasan
paggising ni Jun-jun nagpunta sya sa ref para I check yung price ng kanyang gawain tapos pagkita nya
may katabi yung listahan nya nakalagay “listahan ni Nanay” ang nakalagay… dinala kita ng 9 na buwan
sa aking sinapupunan-walang bayad, pagluluto ng pagkain mo araw-araw-walang bayad, pagpapaligo sa
iyo-walang bayad, paghahatid sa iyo sa school-walng bayad and list goes on and on ang ending lahat
walang bayad… and that is the kind of service na ginagawa ng isang nanay lahat ay walang bayad dahil
ginagawa nila yoon dahil sa pagmamahal nila sa kanilang mga anak at pamilya
Yan po ang mga bagay na na influence ng isang ina sa kanyang mga anak. Kaya po kami ay saludo sa inyo
dahil alam po naming na hindi madaling maging isang nanay, at kayo ay talaga naman extension ng
pagmamahal, extension ng biyaya ng Panginoon sa buhay po ng inyong mga pamilya. Happy Mothers Day po
sa inyong lahat.
And us we end this message baunin natin ang mga bagay na ating npakinggan ngayon. Tayo bilang mga
kabataan, nawa ay nakita natin na hindi madali maging isang nanay, na ang pagiging isang ina ay hindi natatpos
once na ipanganak muna ang sanggol sa iyong sinapupunan. Pang habangbuhay ang pagiging nanay. Kaya
karapat dapat sila sa paggalang, pagmamahal at pag-aaruga na pwedeng ibigay ng isang anak. Sa mga tatay
naman po, alam ko po na mahal nyo ang inyong mga asawa, dalangin po naming na patuloy pang lumago ang
pagmamahal kasi bilang anak po napakasarap makita na nagmamahalan ang magulang. At isang bagay pa po
ang aking iiwanan, mahalin natin an gating mga magulang hanggang kasama pa natin sila dahil totoo na hindi
natin alam ang oras, and their days are numbered. Sa mga kabataan lagi naming sinasabi mag-aral mabuti,
magtrabaho pagkatapos huwag makalimot sa nanay at sa tatay. Wala na kasing ibang sasaya pa kundi ang ating
magulang kapag nakitang unti-unting nakikitang nagtatagumpay sa buhay sa tulong at biyaya ng ating
Panginoon.