Useless File

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Narrator: Sa ika-anim na buwan ng pagdadalang tao ni Elisabet, ang anghel na si Gabriel

ay sinugo ng Diyos sa Nazaret, isang lungsod ng Galilea. Isinugo siya sa isang


dalagang birhen na ipinagkasundong mapangasawa ng isang lalaking
nagngangalang Jose. Si Jose ay mula sa angkan ni David, at ang pangalan ng
dalagang birhen ay Maria.

Nakaupo si Maria (Lalapit Si Gabriel)


Gabriel: Maria, Maria puspos ka ng grasya
Ang Diyos ay sumasa’yo at pinagpala ka
Ika’y maglilihi’t manganganak ng isang lalaki
Na tatawagin mong Hesus. 
Anak ng kataas-taasang Diyos maghahari Siya.
Magpakailanman ang Kanyang kaharian.

Maria: Ngunit paano ito magaganap gayong ako ay isang dalaga?

Gabriel: Ang Banal na Espiritu ay bababa sa iyo


At lulukuban ka ng Kataas-taasan.
Gabriel: Alam mo bang si Isabel,
Ang pinsan mong matanda na
Baog at hindi na maaring magkaanak pa
Ay anim na buwan na ang sanggol sa sinapupunan niya
Lahat ay magaganap, kapag ang Diyos ang Nagtakda
Ika’y maglilihi at manganganak, ng isang batang lalaki.
Na tatawagin mong Hesus.
Anak ng kataas-taasang Diyos at Siya
Ay maghahari at ang Kaniyang kaharian ay magpakailanman

Maria: Narito ako, ang lingkod ng Panginoong Diyos


Mangyari ang wika mo
At ang Kaniyang loob
Naglalakad papalapit si Maria sa pinsan niyang si Elisabet

Narrator: Nang mabatid ni Maria na si Elisabet ay kagampan


Nagmadali siyang pumunta sa kaburulan ng Judea
At pagdating niya sa bahay ay binati niya ang kaniyang pinsan
Niyakap niya ng buong galak at tuwang-tuwa niya itong hinalikan

Maria: Inang mahal kong Elisabet, ikaw pala ay kagampan


Binigyan ka ng isang sanggol ng Diyos sa iyong katandaan
Inalis niya ang iyong kadustaan, at ang kalungkutan ay pinalitan
Ng pag-asa, karangalan, at lubos na kaligayahan

Narrator: Nang marinig ni Marinig ni Elisabet ang pagbati ni Maria


Ang banal na Espiritu ay lumukod sa kaniya
Lumukso ang kaniyang sanggol sa sinapupunan niya
At sa galak ay napasigaw at malakas na tinuran:
Elisabet: Pinagpala ka sa lahat ng babae o Maria
At ang iyong anak na isisilang ay pinagpala rin naman
Sino ako at dinalaw ng ina ng Poong mahal
Pati sanggol sa aking tiyan ay lumukso sa kagalakan
Mapalad ka o Maria pagkat may pananalig kang
Matutupad sinasabi sa ‘yo ng Poong Maykapal

Maria: Ang puso ko'y nagpupuri


Nagpupuri sa Panginoon
Nagagalak ang aking espiritu
Sa 'king tagapagligtas
Narrator: Si Maria ay nakatakdang mapangasawa ni Jose. Ngunit bago pa sila nagsama,
si Maria ay natagpuang nagdadalang-tao na sa pamamagitan ng Banal na
Espiritu. Si Jose na kanyang asawa ay lalaking matuwid at hindi niya ginusto na
mapahiya sa madla si Maria, kaya nagpasiya siyang hiwalayan nang lihim si
Maria.

Narrator: Sa ganitong pag-iisip, si Jose ay nakaidlip


At nagpakita ang anghel ng Diyos sa kaniyang panaginip

Gabriel: Jose anak ni David, huwag kang matakot na magpakasal kay Maria
Siya ay naglihi, Lalang ng Espiritung Banal
Ang kaniyang ipanganganak ay tatawagin mong Hesus
‘Pagkat Siya ang tutubos sa sala ng sansinukob

Narrator: Nang magising si Jose


Agad niyang pinuntahan si Maria na kaniyang sintang tunay
At sila ay nagpakasal
Narrator: Nang mga araw na iyon, na lumabas ang isang batas mula kay Augusto Cesar na
nag-uutos nadapat magpatala ang buong sanlibutan. Ang pagpapatalang ito ay unang nangyari
nang si Cirenio ay gobernador ng Siria. Ang lahat ay pumunta upang makapagpatala, bawat isa
sa kanyang sariling lungsod. Si Jose ay umahon din mula sa Galilea, mula sa lungsod ng
Nazaret patungo sa Judea. Sa dahilang siya ay kabilang sa sambahayan at angkan ni David,
siya ay umahon sa lungsod ni David na tinatawag na Bethlehem. Siya ay umahon upang
magpatalang kasama si Maria, na ipinagkasundong mapangasawa niya. At kabuwanan na noon
ni Maria.

Maria: Jose, manganganak na yata ako! Sumasakit na ang tiyan ko.


Jose: Konting tiis nalang mahal ko, hahanap tayo ng matutuluyan upang doon ka magsilang.
(Lakad)
Ayun ang isang bahay! Halika’t subukan nating tumawag.
(Lapit sa bahay)
Tao po! (4x)
Singing…
Jose: Mahal na ginoong may bahay…

You might also like