EsP8 - Q2 - Mod8 - Ang Mapanagutang Pamumuno at Pagiging Tagasunod - v3

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 69

8 Edukasyon

sa
Pagpapakatao
NOT

Quarter 2 – Module 8
Ang Mapanagutang Pamumuno at
NOT
Pagiging Tagasunod
Learning Area - Grade 8
Alternative Delivery Mode
Quarter 2 – Module 8: (Ang Mapanagutang Pamumuno aTagasunod)

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any
work of the Government of the Philippines. However, prior approval of the government
agency or office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such
work for profit. Such agency or office may, among other things, impose as a condition
the payment of royalty.

Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names,
trademarks, etc.) included in this book are owned by their respective copyright holders.
Every effort has been exerted to locate and seek permission to use these materials
from their respective copyright owners. The publisher and authors do not represent
nor claim ownership over them.

Published by the Department of Education – Division of Gingoog City

Division Superintendent: Jesnar Dems S. Torres, PhD, CESO VI

Development Team of the Module

Author/s: Belen G. Hormachuelos

Reviewers:
Illustrator and Layout Artist: Joemar Baldevilla
Management Team
Chairperson: Jesnar Dems S. Torres, PhD, CESO VI
Schools Division Superintendent

Co-Chairpersons: Conniebel C. Nistal ,PhD.

Assistant Schools Division Superintendent

Pablito B. Altubar
Chief, Curriculum Implementation Division

Members Rodrigande J. Miole, EPS 1- Values Ed.

Catalina P. Rubin, PSDS
Himaya B. Sinatao, LRMS Manager
Jay Michael A. Calipusan, PDO II
Mercy M. Caharian, Librarian II

Printed in the Philippines by

Department of Education – Division of Gingoog City
Office Address: Brgy. 23,National Highway,Gingoog City
Telefax: 088 328 0108/ 088328 0118
E-mail Address: gingoog.city@deped.gov.ph
8
Edukasyon
sa
Pagkakatao
Quarter 2 - Module 8
(Ang Mapanagutang Pamumuno at
Pagiging Tagasunod)
Table of Contents

Paunang Salita 1

Aralin 1:
(Kahalagahan ng Pagiging Mapanagutang Lider at Tagasunod )……………… 2
Alamin……………………………………………………………………………. 2

Subukin…………………………………………………………………………… 2

Tuklasin …………………………………………………………………………. 4

Suriin …………………………………………………………………………. 7

Pagyamanin …………………………………………………………………… 8

Isaisip ……………………………………………………………………….. 9

Isagawa ………………………………………………………..................................................10

Pagtataya ……………………………………………………………………… 10

Karagdagang Gawain …………………………………………………………. 13

Aralin 2:
(Katangian ng Mapanagutang Lider at Tagasunod) ……………………………………. 15

Alamin ………………………………………………………………….. 15

Subukin …………………………………………………………………………. 15

Balikan…………………………………………………………………………,,,, 17

Tuklasin ………………………………………………………………………... 18

Suriin …………………………………………………………………………………………………………….. 20

Pagyamanin ……………… ……………………………………………………………………………………… 21

Isaisip …………………………………………………………………………………………………… 22

Isagawa …………………………………………………………………………………………………………….. 23

Tayahin …………………………………………………………………………. 24

Karagdagang Gawain ………………………………………………………………………………….. 26

Aralin 3:

(Pagganap ng Tao sa Kanyang Gampanin Bilang Lider at Tagasunod) ……………….27

Alamin …......................................................................................................... 28

Subukin …………………………………………………………………………… 28

Balikan ……………………………………………………………………………. 31

Tuklasin ……………………………………………………………… ...………….. 32

Suriin ……………………………………………………………………………….35

Pagyamanin ....................................................................................................... 42

Isaisip ………………………………………………………………………………… 44

Isagawa ………………………………………………………………………………47

Tayahin ……………………………………………………………………………… 48

Karagdagang Gawain ………………………………………………………………. 49

Aralin 4:
(Mga Angkop na Kilos at Kakayahan ng Mapanagutang ……….…………….51
Lider at Tagasunod)

Alamin ……………………………………………………………………………………..51

Subukin ………………………………………………………………………………….52

Balikan …………………………………………………………………………………..54

Tuklasin ……………………………………………………………………………… …. 55

Suriin ……………………………………………………………………………… …… 56

Pagyamanin …………………………………………………………… ……………… 57

Isaisip……………………………………………………………………… …………….58

Isagawa ………………………………………………………………… ………………59

Tayahin ……………………………………………………………… ……..…….. . 60

Karagdagang Gawain ………………………………………………………………. 61

References ………………………………………………………………………………………63
Paunang Salita

Ang modyul na ito ay inihanda upang higit na makilala, maunawaan at

mailapat ang mga nilalaman ng mga araling ito. Sa iyong pagbabasa at paggawa
sa mga ibat-ibang gawaing inihanda, makakapaglakbay ka sa mga babasahin o
mga teksto na magpapadagdag sa iyong kaalaman sa pagiging isang
mapanagutang lider at tagasunod.

Sa modyul na ito mas lalo mong hahangaan ang asignaturang

Edukasyon sa Pagpapakatao. Gagabayan ka ng modyul na ito sa pagiging
mabuting mag-aaral na magdadala sa iyo sa pagiging mabuting indibidwal na
makakatulong hindi lamang sa iyong paaralan kundi maging sa iyong
komunidad at higit sa lahat sa bansang iyong ginagalawan. Ika nga ni Dr. Jose
P. Rizal“. Ang Kabataan Ang Pag-asa ng Bayan”. Isabuhay mo lahat ang iyong
mga natutuhan sa modyul na ito.

Sa gabay ng iyong guro maisasakatuparan mo ang mga layunin nito.

Naway maging sabik at masigasig ka sa paggawa ng mga ibat-ibang gawaing
nakapaloob dito.

Maligayang paglalakbay kaibigan!

1
Aralin Kahalagahan ng Pagiging Mapanagutang
1 Lider at Tagasunod.

Alamin

Sa modyul na ito, inaasahang malilinang sa iyo ang mga sumusunod na kaalaman,

kakayahan, at pag-unawa:
a. Natutukoy ang kahalagahan ng pagiging mapanagutang lider at tagasunod. EsP8P-Ilg-8.1
b. Nailalarawan ang mga katangian ng isang mapanagutang lider at at tagasunod.
c. Naipahahayag ang natukoy na kahalagahan ng pagiging mapanagutang lider at tagasunod
sa pamamagitan ng isang Slogan.

Subukin

Gawain 1

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin ang wastong sagot at bilugan ang
titik lamang.

1. Ang pamumuno ay mahalaga sapagkat _______________________.

a. Nagbibigyan niya ng direkyon ang pangkat

b. nagkakaroon ng interes sa mga ibat-ibang bagay
c. meron siyang nasasakupan
d. napapakinabangan niya ang kanyang mga kasapi.

2. Ang tagasunod ay mahalaga dahil siya____________________.

a. Ang tumutulong sa lider para maisakatuparan ang mga mabubuting layunin.
b. Ang umiiwan sa lider pag merong problema.
c. Ang nagpapasunod sa lider
d. Ang bumabatikos sa lider.

2
3. Ayon sa resulta ng mga pagsasaliksik, ang mga sumusunod ay mga pangunahing
katangian ng lider na pinipili ng mga tao maliban sa isa.

a. Magaling ang lider sa pagpaplano at pagpapasiya

b. Nagpapamalas ang lider ng integridad
c. Walang tiwala ang lider sa kaniyang tagasunod
d. Nagbibigay ang lider ng inspirasyon sa pangkat
4. Bilang tagasunod, ang isang tao ay masasabing umaayon, kung siya ay kinakitaan ng
__________________________.

a. mataas na antas ng kritikal na pag-iisip at mataas na antas ng pakikibahagi

b. mataas na antas ng kritikal na pag-iisip at mababang antas ng pakikibahagi
c. mababang antas ng kritikal na pag-iisip at mataas na antas ng pakikibahagi
d. mababang antas ng kritikal na pag-iisip at mababang antas ng pakikibahagi
5. Ano ang nililinang ng isang tagasunod kung paiiralin niya ang isang tamang
konsiyensiya na gagabay sa kaniya sa pagtupad ng kaniyang mga gawain at
pagpapaunlad ng pakikipag-ugnayan sa kapwa?
a. Kakayahan sa trabaho
b. Kakayahang mag-organisa
c. Mga pagpapahalaga
d. Pakikipagkapwa

6. Nagiging makabuluhan ang pagiging lider at tagasunod sa pamamagitan ng

sumusunod, maliban sa:

a. pagtataguyod na makamit ang layunin ng pangkat

b. pagiging tapat, maunawain, at pagpapakita ng kakayahang impluwensiyahan ang
kapwa
c. pagkakaroon ng kritikal na pag-iisip
d. hindi pagiging magalang at makatarungan sa pakikipag-ugnayan sa iba
7. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng kahalagahan ng pamumuno?

a. Natutugunan ang pangangailangan ng bawat kasapi ng pangkat

b. Nagkakaroon ng direksiyon ang pangkat tungo sa pagkamit ng layunin
c. Nakatatanggap ng parangal dahil sa pagkakaroon ng magagandang proyekto
d. Nagkakaroon ng kinatawan upang makilala ang pangkat na kinabibilangan

3
8. Ang mapanagutang pamumuno ay pagkakaroon ng ___________________.

a. awtoridad na maipatupad ang mga gawain upang makamit ang layunin ng pangkat
b. impluwensiya na magpapakilos sa mga pinamumunuan tungo sa pagkamit ng
layunin
c. karangalan pagkatapos na makamit ng pinamumunuan ang layunin ng pangkat
d. posisyon na magbibigay ng kapangyarihan upang mapakilos ang pinamumunuan

9. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng mapanagutang lider ?

a. Patas sa lahat ng nasasakupan.
b. Walang sapat na kaalaman sa
c. Hindi naglilingkod ng mahusay
d. Responsible at walang malasakit sa nasasakupan
10. Lahat ay katangian ng isang mapanagutang tagasunod maliban sa isa_________.
a. Matalino sa pagpili ng lider
b. Laging isinasaalang-alang ang kabutihang panlahat
c. Naglilingkod ng tapat
d. Iniimpluwensyahan ang ibang kasapi ng pangkat sa hindi pakikiisa at hindi
pagsunod sa pamumuno ng lider

Tuklasin

Gawain 2.1

Panuto: Sagutin nang may katapatan ang bawat pahayag upang masukat ang kakayahang
maging mapanagutang lider at tagasunod. Suriin at tayahin ang sariling kakayahan
kung ang mga pahayag ay ginagawa mo Palagi, Madalas, Paminsan-minsan, o Hindi
kailanman. Lagyan ng tsek () ang iyong sagot batay sa kasalukuyang kalagayan ng
iyong kakayahan sa pamumuno at pagsunod.

Mga Palagi Madalas Paminsan-

Pahayag (3) (2) minsan (1
1. Sapat ang aking kaalaman at
kasanayan upang mamuno.
2. Patuloy ang pagpapaunlad ko sa
aking sariling kakayahan sa
pamumuno.
3. Ako ay isang mabuting halimbawa

4
sa aking kapwa kabataan.
4. Tinatanggap ko at ginagampanan
ko ang aking tungkulin bilang lider.
5. Kinikilala ko ang mga kasapi ng
pangkat, pinangangalagaan at
ipinaglalaban ko ang kanilang
kapakanan.
6. Inilalahad ko ang layunin ng pangkat
at ang direksyong tatahakin sa
pagkakamit nito.
7. Kinikilala ko at tinutulungang
paunlarin ang potensyal ng bawat
kasapi na maging lider din.
8. Gumagawa ako ng mga
pagpapasiyang makatuwiran at
napapanahon
9. Tinuturuan ko ang mga tagasunod ng
paggawa nang sama-sama at
nagbibigay ako ng pagkakataon
upang subukin ang kanilang
kakayahan.

10.Nagbibigay ako ng nararapat na

impormasyon sa mga kasapi ng
pangkat.
11. Gumagawa ako ng aksyong tugma
sa ipinatutupad ng lider.
12.Aktibo akong nagpapasya upang
makatulong sa pagsasakatuparan ng
gawain ng pangkat
13.Nagpapakita ako ng interes at
katalinuhan sa paggawa.
14. Ako ay maaasahan at may
kakayahang gumawa kasama ang
iba upang makamit ang layunin.
15.Kinikilala ko at iginagalang ang
awtoridad ng lider.
16.Alam ko ang aking pananagutan sa
maaaring ibunga ng aking mga kilos
at gawa.
17.Aktibo akong nakikilahok sa mga
gawain ng pangkat.
18.Kritikal kong sinusuri ang
ipinagagawa ng lider kung ito ay
makatutulong upang makamit ang
mabuting layunin ng pangkat .
19.Malaya kong ipinahahayag nang
may paggalang ang aking opinyon
kapag gumagawa ng pasya ang
pangkat.
20.Pumipili ako ng isang mapanagutang
lider

5
Interpretasyon ng Iskor

51 – 60 Wala nang hahanapin pa. Maaari kang makatulong upang maging gabay at
mapagsanggunian ng iba sa kanilang paglinang ng kasanayan sa pamumuno
at pagiging tagasunod. Ang iyong kakayahan sa pamumuno at pagiging
tagasunod ay kahangahanga at dapat tularan!
41 – 50 Kinakikitaan ka ng pagsusumikap na maging isang mapanagutang lider at
tagasunod. Maaaring ibahagi ang kasanayan. Ipagpatuloy ang pagbabahagi
ng sarili sa kapwa!
16 – 40 Mayroong pagsusumikap na malinang ang kakayahan sa pamumuno at
pagiging tagasunod. Ipagpatuloy!
15 – Nagbibigay ng kaligayahan at kapanatagan ang maging isang mapanagutang
pababa lider at tagasunod. Magkaroon ng pagsusumikap at sumangguni sa taong
maaaring makatulong sa iyo upang mapaunlad ang iyong kakayahan sa
pamumuno at pagiging tagasunod.

Gawain 2.2

1. Magtala ng limang salita o grupo ng salita na naiuugnay mo sa salitang LIDER at

TAGASUNOD. Isulat sa notbuk ang iyong sagot.

Hal.
Huwaran

LIDER

Hal.
Mapagkakatiwalaan

TAGASUNOD

6
2. Sumangguni sa dalawang kamag-aral. Pag-usapan ang mga isinulat na salita o grupo ng
salita tungkol sa lider at tagasunod. Itala ang mga salita o grupo ng mga salita sa angkop
na kahon: kung Lider o Tagasunod

Lider Tagasunod
_________________________ _________________________

_________________________

3. Itala sa iyong notbuk ang mahahalagang pangyayari na naganap sa iyong ginawang

pagsangguni.

___________________________________________________________________

Suriin

Gawain 3

Itala ang mga samahan o pangkat, maaaring sa loob ng paaralan (hal. pangkatang
gawain sa klase, Peace Club) o sa labas ng paaralan (hal. Sangguniang Kabataan,
basketball team) na iyong kinabilangan. Ilagay kung ano ang iyong naging
katungkulan o kasalukuyang katungkulan. Maaari mong dagdagan ang talaan

7
Mga Samahan o Pangkat
Aking Katungkulan
na Aking Sinalihan
Halimbawa:
1. Group 2 – pangkatang gawain sa EsP Lider

2. Supreme Student Government Kalihim

3. Dance Troupe (elementarya) Kasapi

Ikaw naman:
1.

2.

3.

4.

5.

Pagyamanin

Pagtatalakay sa mga sinulat sa talaan.

Gawain 4

Sumulat ng pagninilay tungkol sa mga tungkuling iyong ginagampanan bilang lider at bilang
tagasunod. Gamiting gabay sa pagsulat ang sumusunod na katanungan

a) Suriin ang mga tungkuling ginagampanan mo sa mga samahang iyong kinabibilangan.

Ano ang mas marami, ang iyong pagiging lider o ang pagiging tagasunod?

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

b) Alin sa mga kinabibilangan mong samahan ang labis mong pinahahalagahan? Bakit?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

8
c) Ano ang iyong tungkulin sa nabanggit na samahan? Paano mo tatayahin ang antas
ng iyong pagganap sa iyong tungkulin? (Mula 1 hanggang 10; iskor na 1 kung
pinakamababa at 10 kung pinakamataas). Ipaliwanag ang iskor na ibinigay.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

d) Ano sa palagay mo ang dapat mo pang gawin upang mapaunlad ang pagganap mo
sa mga tungkuling kasalukuyang nakaatang sa iyo?

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Isaisip

Gawain 5

Itala ang mga pansariling katangian ng isang mapanagutang lider at tagasunod.

Lider Tagasunod

9
Mahalaga ba ang pagiging mapanagutang lider at tagasunod? Bakit?

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Ikaw man ay isang lider o tagasunod mahalagang malinaw sa iyo ang mga tungkulin
na kailangan mong gampanan. Kahit ano pa man ang iyong gampanin, ang tagumpay ng
pangkat ay nakasalalay sa pagtupad ng iyong tungkulin bilang kasapi nito. Nararapat mong
taglayin ang mga katangiang kinakailangan upang maging isa kang mapanagutang lider o
tagasunod.

Isagawa

Gawain 6

Panuto:

Gumawa ng isang Slogan tungkol sa kahalagahan ng pagiging mabuting lider at

tagasunod.

Hal.
“Ang Pagiging Mabuting Lider at Tagasunod ay Mahalaga Dahil
Ito ay Pag - Asa Upang Umunlad Ang Ating Bansa.”

10
Kraytirya:

a. Angkop sa Paksa 40%

b. Paggamit ng Salita 40%
c. Orihinalidad 20%
____
100%

Tayahin

Gawain 7

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin ang wastong sagot at bilugan
ang titik lamang.

1. Alin sa mga sumusunod ang hindi katangian ng isang mapanagutang tagasunod?

a. Matalino sa pagpili ng lider
b. Laging isinasaalang-alang ang kabutihang panlahat
c. Naglilingkod ng tapat
d. Iniimpluwensyahan ang ibang kasapi ng pangkat sa hindi pakikiisa at hindi
pagsunod sa pamumuno ng lider
2. Ang mga sumusunod ay hindi katangian ng mapanagutang lider maliban sa isa.
a. Patas sa lahat ng nasasakupan.
b. Walang sapat na kaalaman sa
c. Hindi naglilingkod ng mahusay
d. Responsible at walang malasakit sa nasasakupan

3. Ang mapanagutang pamumuno ay pagkakaroon ng ___________________.

a. awtoridad na maipatupad ang mga gawain upang makamit ang layunin ng pangkat

b. impluwensiya na magpapakilos sa mga pinamumunuan tungo sa pagkamit ng

layunin

c. karangalan pagkatapos na makamit ng pinamumunuan ang layunin ng pangkat d

d. posisyon na magbibigay ng kapangyarihan upang mapakilos ang pinamumunuan

11
4. Alin sa sumusunod na pahayag ang hindi nagpapakita ng kahalagahan ng
pamumuno?

a. Natutugunan ang pangangailangan ng bawat kasapi ng pangkat

b. Walang direksiyon ang pangkat tungo sa pagkamit ng layunin

c. Nakatatanggap ng parangal dahil sa pagkakaroon ng magagandang proyekto

d. Nagkakaroon ng kinatawan upang makilala ang pangkat na kinabibilangan

5. Ang kahalagahan na mapanagutang pamumuno ay ________________

a. nagbibigay ng direkyon sa pangkat

b. nagkakaroon ng interes sa mga ibat-ibang bagay
c. meron siyang nasasakupan
d. napapakinabangan niya ang kanyang mga kasapi.

6. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng kahalagahan ng mapanagutang

tagasunod?
a. Ang tumutulong sa lider para maisakatuparan ang mga mabubuting layunin.
b. Ang umiiwan sa lider pag merong problema.
c. Ang nagpapasunod sa lider
d. Ang bumabatikos sa lider.

7. Ayon sa resulta ng mga pagsasaliksik, ang mga sumusunod ay mga pangunahing

katangian ng lider na pinipili ng mga tao maliban sa isa.

a. Magaling ang lider sa pagpaplano at pagpapasiya

b. Nagpapamalas ang lider ng integridad

c. Walang tiwala ang lider sa kaniyang tagasunod

d. Nagbibigay ang lider ng inspirasyon sa pangkat

8. Bilang tagasunod, ang isang tao ay masasabing umaayon, kung siya ay kinakitaan ng
__________________________.

a. mataas na antas ng kritikal na pag-iisip at mataas na antas ng pakikibahagi

b. mataas na antas ng kritikal na pag-iisip at mababang antas ng pakikibahagi

c. mababang antas ng kritikal na pag-iisip at mataas na antas ng pakikibahagi

d. mababang antas ng kritikal na pag-iisip at mababang antas ng pakikibahagi

12
9. Ano ang nililinang ng isang tagasunod kung paiiralin niya ang isang tamang
konsiyensiya na gagabay sa kaniya sa pagtupad ng kaniyang mga gawain at
pagpapaunlad ng pakikipag-ugnayan sa kapwa?

a. Kakayahan sa trabaho
b. Kakayahang mag-organisa
c. Mga pagpapahalaga
d. Pakikipagkapwa
10. Nagiging makabuluhan ang pagiging lider at tagasunod sa pamamagitan ng
sumusunod, maliban sa:

a. pagtataguyod na makamit ang layunin ng pangkat

b. pagiging tapat, maunawain, at pagpapakita ng kakayahang impluwensiyahan
ang kapwa

c. pagkakaroon ng kritikal na pag-iisip

d. hindi pagiging magalang at makatarungan sa pakikipag-ugnayan sa iba

Karagdagang Gawain

Gawain 8

Panuto : Magsaliksik sa internet, magasin, diyaryo o mga artikulo ng mga katangian ng isang
mapanagutang lider at tagasunod.

Katangian Katangian 2
2

Katangian Katangian
Katangian 1 Katangian 3
1 3

Lider Tagasunod

13
Binabati kita! Nagawa mong lagpasan ang mga unang pagsubok ng ating aralin tungkol sa
kahalagahan ng mapanagutang lider at tagasunod.

Tutungo tayo sa susunod na aralin upang mas matutuhan at malinang ang iyong kaalaman
tungkol sa mga katangian ng isang mapanagutang lider at tagasunod.

Key to Answers

10. d
9. d
8. a
7. c
6. a
5. a
4. b
3. b
2. d
1. d

Pagtataya:

10. d
9. a
8. b
7. b
6. d
5. d
4. a
3. c
2. a
1. a

Subukin:

14
Aralin Katangian ng Mapanagutang Lider at
2 Tagasunod

Alamin

Sa aralin na ito, inaasahang malilinang sa iyo ang mga sumusunod na kaalaman,

kakayahan, at pag-unawa:

a. Nasusuri ang katangian ng mapanagutang lider at tagasunod na nakasama, namasid o

napanood. EsP8P-Ilg-8.2
b. Nakagagawa ng mabuting pagpapasya sa iba’t ibang sitwasyong hinaharap.
c. Natutukoy ang iba’t ibang katangian ng isang lider at tagasunod na nais mapaunlad sa
sarili

Subukin

Gawain 1.

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Piliin ang wastong sagot at bilugan ang titik
lamang

1. Ang mapanagutang lider ay isinaalang alang ang______________.

a. Kabutihang panlahat
b. Sariling kabutihan
c. Kabutihan ng Kaibigan
d. Pansariling kabutihan at kabutihan ng kaibigan

15
2. Ang pagiging tagasunod ay ang_____________________

a. pagsasakilos ng mga mabubuting layunin ng pangkat

b. pagsasagawa ng pansariling layunin
c. pagbatikos sa mga gawa ng pinuno
d. b at c

3. Ang mga sumusunod na katangian ay nagpapakita ng isang mapanagutang

lider maliban sa isa.

a. May malasakit sa kapwa

b. Matiyaga sa paghahanap ng mga solusyon sa mga suliranin
c. Naglilingkod ng buong puso
d. Hindi nakikiisa sa ibang kasapi ng pangkat

4. Ang pagiging tapat sa tungkulin ay isang katangian ng __________________

a. Lider
b. Tagasunod
c. Lider at tagasunod
d. Wala sa nabanggit

5. Ang tagumpay ng pangkat ay nakasalalay sa _____________________

a. Lider
b. Tagasunod
c. Lider at tagasunod
d. Wala sa nabanggit

6. Awtoridad: paggalang; lider: ___________

a. Paglilingkod b. Pakikipagkapwa c. Pagsunod d. pag-organisa

7. Mas marami ang kuntento sa pagiging tagasunod dahil sa ___________.

a. paggalang sa awtoridad
b. pakinabang na tinatanggap
c. parehong paniniwala at prinsipyo
d. mas madali ag maging tagasunod kaysa maging lider

8. Ano ang mas nangingibabaw na dahilan kung bakit pinipili ng ng mga tao ang
sumunod?

a. pagkakaroon ng tiwala sa lider

b. sa takot sa awtoridad
c. pagiging bulag na tagasunod, hindi na nag-iisip
d. dahil sa kaniyang tinatanggap na mga pakinabang

16
9. Nakasalalay ba sa lider ang tagumpay ng isang pangkat?

a. “Opo, dahil siya ang lider””

b. “Hindi po, dahil dapat nagtutulungan ang bawat kasapi ng pangkat kabilang na
ang lider”
c. “Siguro po”,
d. “Ewan ko po”

10. Ang mapanagutang pamumuno ay pagkakaroon ng ___________________.

a. awtoridad na maipatupad ang mga gawain upang makamit ang layunin ng

pangkat

b. impluwensiya na magpapakilos sa mga pinamumunuan tungo sa pagkamit ng

layunin

c. karangalan pagkatapos na makamit ng pinamumunuan ang layunin ng pangkat d

d. posisyon na magbibigay ng kapangyarihan upang mapakilos ang pinamumunuan

Balikan

Sa gawaing ito ating babalikan ang nakaraang aralin upang malaman kung naiintindihan
ba ng natapos nating aralin.

Gawain 2

Panuto: Isulat sa concept map ang iyong ideya kung bakit mahalaga ang pagiging
mapanagutang Lider at Tagasunod.

Ang Kahalagahan ng
Pagiging
Mapanagutang Lider
at Tagasunod

17
Tuklasin

Gawain 3.1

Panuto: Pumili ng isang lider mula sa Hanay A at isa mula sa Hanay B. Gumawa ng
pagsasaliksik sa kanilang buhay gamit ang Lotus Diagram para sa worksheet.

Martin Blessed Mother Ban Barack Jesse

Luther King Theresa Ki-Moon Obama Robredo

HANAY
A

Adolf Hitler Attila, Jim Jones Nero Stalin

the Hun

HANAY
B

http://www.depedlrmds.com/grade-8-learners-materials-learning-materials/

18
Gawain 3.2

Panuto: Suriin ang natapos na lotus diagram. Magbigay ng tatlong mahahalagang bagay
na iyong natuklasan sa buhay ng pinili mong lider sa Hanay A at sa Hanay B na
nakaimpluwensya sa kanila bilang lider.

Lider sa Hanay A Lider sa Hanay B

Gawain 3.3

Panuto: Paghambingin ang kanilang katangian (ika-7 kahon sa lotus diagram). Ano ang
pagkakatulad? Ano ang pagkakaiba?

Lider sa Hanay A Llider sa Hanay B

19
Kung isasaalang-alang mo ang bunga ng kanilang pagpapasya (ika-8 kahon sa lotus
diagram), sino ang nais mong tularan bilang lider? Pangatwiranan.
_________________________________________________________________________

Gawain 4: Pagbasa

Basahin at unawain ang mga sumusunod na sitwasyon na nagpapakita ng mga karaniwang

pangyayari sa isang pangkat habang ginagampanan ang nakaatang na gawain sa kanila.

“Ang Masayahing si Jose”. Isang proyekto ang

pinagpaplanuhan ng klase bilang pagtulong sa mga
nasalanta ng bagyo. Aktibo si Jose sa paglalahad ng
kanyang mga mungkahi para sa gagawing proyekto at
nagpapahayag siya na nais niyang siya ang maging
lider ng pangkat. Nakagagaan ang presensya ni Jose
sa pangkat dahil siya ay lubhang masayahin. Subalit,
maraming pagkakataon na nakasama mo na si Jose
sa mga pangkatang gawain at alam mo na hindi niya nagagampanan ang
tungkulin niya bilang lider. Nalalaman mo rin na ang nais lamang niya ay
magkaroon ng posisyon at ang makilala. Kung magawa man ng pangkat ang
gawain, inaako ni Jose ang pagkilala at hindi binibigyan ng kaukulang pagkilala
ang mga kasapi ng pangkat.

“Ang Masunuring si Lito”. Masarap kasama sa pangkat si Lito. Tahimik,

maasahan at masunurin siya. Subalit napapansin mo na laging inuutusan ng
lider ninyo si Lito na sa palagay mo ay hindi na makatarungan, tulad ng
pagpapabili ng meryenda, pagpapabuhat ng bags, pag-aayos at paglilinis nang
ginamit na silid sa pagpupulong. Maraming magagandang ideya si Lito na
maaaring makatulong sa gawain ng pangkat. Subalit, dahil lagi siyang inuutusan
at sumusunod, di siya nabibigyan ng pagkakataong maibahagi ang kanyang
naiisip at saloobin sa mga paksang tinatalakay ng pangkat. Nanghihiyang ka
para kay Lito.

20
“Ang Masipag na si Rita”. Masipag ang iyong kaklaseng si Rita. Madalas na
siya ang nahahalal na lider ng pangkat dahil siya ang gumagawa ng lahat ng
kailangang gawin ng pangkat. Hindi na siya nagbibigay ng gawain sa kanyang
mga kasama dahil mas madali niyang natatapos ang gawaing iniatang sa
pangkat nila kung siyang mag-isa ang gagawa. Hindi ka sang- ayon sa
ganitong paraan pero karamihan ng iyong mga kasama sa pangkat ay lubos
na natutuwa.

“Ang Mabait na si Freddie”. Itinalaga ng guro na maging lider ng pangkat si

Freddie. Kapag nagpupulong, halos lahat ng kasapi ay hindi nakikinig,
nagkukwentuhan, at may ginagawang ibang bagay. Hindi ito pinapansin ni
Freddie at hinahayaan na lang niya ang mga kaklase. Nag-aalaala ka dahil
nasasayang ang panahon na walang natatapos ang inyong pangkat.

Pagyamanin

Gawain 5

Panuto: Sa bawat sitwasyon, na nasa itaas sagutin sa iyong kuwaderno ang mga
sumusunod na tanong gamit ang chart na nasa ibaba.

Paano ko Ano ang Ano ang

Mga Sitwaston haharapin ang pangmadaliang pangmatagalang
sitwasyon solusyon solusyon

1. Ang masayahing si
Jose

2. Ang masipag na si
Rita
3. Ang mabait na si
Freddie
4. Ang masunuring si
Lito

21
Isaisip

Gawain 6

Panuto: Punan ang chart sa ibaba sa mga katangian ng lider at tagasunod na gusto mong
mapaunlad sa iyong sarili.

Gabay na Tanong:

Anu-anong mga katangian ng lider at tagasunod ang gusto mong mapaunlad sa iyong sarili?

•Katangian 1 ___________________
•Katangian 2 ___________________
Lider

•Katangian 1 ______________
•Katangian 2 ____________________
Tagasunod

May mga katangian ang lider at tagasunod na maaaring katulad o kakaiba kumpara sa mga
kapwa niya lider at tagasunod. Gayunpaman, mahalagang nasusuri ang sarili kung may mga
katangian na nais mong mapaunlad upang mas maging epektibong lider o tagasunod lalo na
at kinakailangang gumawa ng pagpapasya.

22
Isagawa

Gawain 7

Panuto: Sumulat ng sanaysay na binubuo ng lima o higit pang pangungusap na

nagpapaliwanag tungkol sa mga katangian ng mapanagutang lider at tagasunod na
iyong natutuhan sa mga ginawang activities. Iugnay kung paanong ang mga
katangiang ito ay iyong magagamit sa pagpapasya sa iba’t ibang sitwasyong
kakaharapin.

a. Nilalaman -50%
b. Kaugnayan sa Paksa -30%
c. Paggamit ng Angkop na Salita -20%
____
100%

23
Tayahin

Gawain 8

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Piliin ang wastong sagot at bilugan ang
titik lamang.

1. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng katangian ng isang

mapanagutang lider?

a. May malasakit sa kapwa

b. Matiyaga sa paghahanap ng mga solusyon sa mga suliranin
c. Naglilingkod ng buong puso
d. Hindi nakikiisa sa ibang kasapi ng pangkat

2. Ano ang mas nangingibabaw na dahilan kung bakit pinipili ng ng mga tao ang
sumunod?

a. pagkakaroon ng tiwala sa lider

b. sa takot sa awtoridad
c. pagiging bulag na tagasunod, hindi na nag-iisip
d. dahil sa kaniyang tinatanggap na mga pakinabang

3. Ang mga sumusunod na katangian ay nagpapakita ng isang mapanagutang

lider maliban sa isa.

a. May malasakit sa kapwa

b. Matiyaga sa paghahanap ng mga solusyon sa mga suliranin
c. Naglilingkod ng buong puso
d. Hindi nakikiisa sa ibang kasapi ng pangkat

4. Alin sa mga sumusunod ay isang katangian ng mapanagutang tagasunod?

a. Siya ang nangunguna sa isang pangkat ng tao

b. Nagsasakilos ng mga layunin ng namumuno
c. May kakayahan siyang makakita at makakilala ng suliranin at lutasin ito
d. Lahat ng nabanggit

5. Ang mapanagutang pamumuno ay pagkakaroon ng ___________________.

a. awtoridad na maipatupad ang mga gawain upang makamit ang layunin ng pangkat

b. impluwensiya na magpapakilos sa mga pinamumunuan tungo sa pagkamit ng

layunin

c. karangalan pagkatapos na makamit ng pinamumunuan ang layunin ng pangkat

d. posisyon na magbibigay ng kapangyarihan upang mapakilos ang pinamumunuan

24
6. Mahalaga sa isang pangkat ang pagkakaroon ng isang ugnayang may
________________________.

a. Kapayapaan at pagkakaisa
b. Kaguluhan at pagkawatak-watak
c. Parehong a at b
d. Wala sa nabanggit

7. Nakasalalay ba sa tagasunod ang tagumpay ng isang pangkat?

a. “Opo, dahil marami ang tagasunod at iisa lang ang lider””

b. “Hindi po, dahil dapat nagtutulungan ang bawat kasapi ng pangkat kabilang na
ang lider”
c. “Siguro po”,
d. “Ewan ko po”

8. Ang pagiging tagasunod ay ang_____________________

a. pagsasakilos ng mga mabubuting layunin ng pangkat

b. pagsasagawa ng pansariling layunin
c. pagbatikos sa mga gawa ng pinuno
d. b at c

9. Ang pagiging tapat sa tungkulin ay isang katangian ng __________________

a. Lider
b. Tagasunod
c. Lider at tagasunod
d. Wala sa nabanggit

10. Siya ay nagsusulong at gumagawa ng mga aksyong tugma sa ipinatutupad.ng lider

upang makamit ang layunin ng samahan.

a. Lider
b. Tagasunod
c. Lider at tagasunod
d. Wala sa nabanggit

25
Karagdagang Gawain

Gawain 9

Panuto: Magsaliksik sa mga Gampanin ng tao bilang Mapanagutang Lider at Tagasunod.

Itala ito sa ating chart na nasa ibaba
.

Mga Gampanin ng Tao Bilang Mapanagutang:

Lider Tagasunod
_________________________ _________________________
_________________________ _________________________
_________________________ _________________________
_________________________ _________________________
_________________________ _________________________
_________________________

26
27
Subukin:
1. a
2. a
3. d
4. c
5. c
6. a
7. d
8. a
9. b
10. b
Tayahin:
1. d
2. a
3. d
4. d
5. b
6. a
7. b
8. a
9. c
10. b
Key to Answers
Aralin Pagganap ng Tao sa Kanyang Gampanin
3 Bilang Lider at Tagasunod

Alamin

Sa aralin na ito, inaasahang malilinang sa iyo ang mga sumusunod na kaalaman,

kakayahan, at pag-unawa:

1. Nahihinuha na ang pagganap ng tao sa kanyang gampanin bilang lider at tagasunod ay

nakatutulong sa pagpapaunlad ng sarili tungo sa mapanagutang pakikipag-ugnayan sa
kapwa at makabuluhang buhay sa lipunan. EsP8P-Ilh-8.3

2. Natutukoy ang mga katangian ng isang mapanagutang lider at tagasunod.

3. Nakapagpapahayag ng kahalagahan ng pagtataglay ng katangian ng isang

mapanagutang lider at tagasunod.

Subukin

Gawain 1

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin ang wastong sagot at bilugan
ang titik lamang.

1. Ayon kay ______ "... ang pamumuno o pagiging lider ay pagkakaroon ng impluwensiya.
a. John C. Maxwell c. Winston Chruchil
b. Steve Jobs d. Mahatma Gandhi

28
2. Ang lider ay nagbibigay ng inspirasyon at direksyon, may mga pangarap siya sa
pangkat, ang kaniyang tunguhin ay ang kabutihang panlahat, siya ay servant leader at
nagtatalga ng gawain sa iba, mayroon din siyang pagpapahalaga

a. Pamumunong Transpormasyonal
b. Pamumunong Adaptibo
c. Pamumunong Inspirasyonal
d. Wala sa nabanggit

3. Ito ay mga kasanayang dapat linangin ng isang Ulirang Tagasunod maliban sa:

a. Kakayahan sa trabaho (job skills)

b. Kakayahang mag-organisa (organizational skills)
c. Mga pagpapahalaga (values component)
d. kakayahang gumawa ng mga pagpapasya

4. Nagiging makabuluhan ang pagiging lider at tagasunod sa pamamagitan ng su

musunod, maliban sa:

a. pagtataguyod na makamit ang layunin ng pangkat

b. pagiging tapat, maunawain, at pagpapakita ng kakayahang impluwensi-
yahan ang kapwa
c. pagkakaroon ng kritikal na pag-iisip
d. pagiging magalang at makatarungan sa pakikipag-ugnayan sa iba

5. Ang lider ay nagbibigay ng inspirasyon at direksyon, may mga pangarap siya sa

pangkat, ang kaniyang tunguhin ay ang kabutihang panlahat, siya ay servant leader at
nagtatalga ng gawain sa iba, mayroon din siyang pagpapahalaga.

a. Pamumunong Adaptibo
b. Pamumunong inspirasyonal
c. Pamumunong Transpormasyonal
d. Lahat ng nabanggit

6. Nagbibigay ng inspirasyon at direksiyon ang ganitong uri ng lider.

Nakikita niya ang kahahantungan ng kanilang mga pangarap para sa
samahan.
a. Pamumunong Adaptibo
b. Pamumunong Inspirasyonal
c. Pamumunong Transpormasyonal
d. Wala sa nabanggit

29
7. Ang pamumuno ni Ban Ki-Moon, Barack Obama, at Lee Kuan Yew ay halimbawa ng
ganitong uri ng pamumuno.
a. Pamumunong Adaptibo
b. Pamumunong Inspirasyonal
c. Pamumunong Transpormasyonal
d. Wala sa nabanggit

8. Piliin sa mga sumusunod ang katangian ng adaptibong lider.

a. Kakayahang makibagay
b. Kakayahang makibagay sa personalidad
c. Parehong a at b
d. Wala sa nabanggit

9. Ayon kay ______________________” makikilala ang kahusayan ng pagiging lider sa

kilos ng mga taong kaniyang pinamumunuan”.
a. Adolf Hitler
b. Barack Obama
c. Jack Weber
d. Steve Jobs

10. Ayon kay _______________________” Ang nagiging pinakamahusay na lider ay

ang mga taong naging pinakamahusay na tagasunod”.
a. Jack Weber
b. Noynoy Aquino
c. Alexander Haslam
d. Mahatma Gandhi

30
Balikan

Gawain 2

Panuto: Basahin at unawain ang artikulo at pagkatapos sagutin ang mga katanungan na nasa
ibaba.

Pagiging Isang Mahusay na Lider

Ang pagiging isang lider ay nadedevelop iyan. Huwag ka mangamba o panghinaan ng loob
dahil bawat tao ay may kakayahan na maging isang magaling na lider. Bawat tao ay may
kakayahan na maging isang lider, kailangan lamang ay maging matapang, matalino, may
lakas ng loob, may kumpiyansa sa sarili, marunong makinig sa iba, makisalamuha, at higit sa
lahat responsable sa lahat ng bagay.

Ang isang mahusay na lider ay nasa sa iyong sarili kung paano mo ito gagampanan ng
mabuti at kung lider ka kailangan mong makinig sa iyong sinasakupan, kailangan mong
pakinggan ang bawat hinaing ng isa’tisa hindi iyong sarili mo lamang ang pinapakinggan mo
dahil hindi ka mahusay na lider kapag ganoon ka, yung walang pakialam sa miyembro mo.
Bakit ba kailangan ng isang lider? Sa iyong palagay bakit nga ba?

Mahalaga na may isang mahusay na lider na namumuno sa atin upang maging disiplina tayo
sa lahat ng bagay, alam natin limitasyonan ang ating sarili, upang may katakutan tayo, may
gumabay sa atin, at maging isang modelo sa bawat isa. Kinakailangan na maging karespe-
respetado ang isang lider, kailangan alam niya kung paano mo makuha ang kiliti ng mga
sinasakupan mo. Kung alam mong may problema dapat handa kang makinig sa bawat panig,
maging patas ka, makinig ka upang pakinggan ka rin nila.

Ngayon nasa sa iyong kamay kung paano mo hawakan ang iyong nasasakupan, maging
isang magandang halimbawa sa bawat tao upang ang mga sumusunod na henerasyon ay
tularan ka. Kung isang mahusay kang lider huwag kang maghangad ng kapalit, huwag kang
maghangad na papurihan ka, maging mapagpakumbaba lang dahil ganoon ang isang
mahusay na lider.

Sanggunian:
https://kurtieweb.wordpress.com/2017/03/27/pagiging-isang-mahusay-na-lider/

31
Mga Tanong:

1. Ano ang iyong natutunan sa iyong binasa?

_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

2. Ano ba ang mga katangian ng mapanagutang lider?

_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

3. Bakit mahalagang magtaglay ng ganitong mga katangian ang isang Lider?

_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

Tuklasin

Pag-unawa sa Binasa

BOSS VS. LEADER

Pareho lang silang pinuno o may mataas na katungkulan sa isang grupo ng mga
manggagawa o samahan. Ngunit malaki ang kaibahan nila pagdating sa pamumuno.

Ang boss, nagmamanipula ng tauhan. Pinakikilos niya kahit kapos sa kakayahan. Hindi
iyan gawain ng isang leader. Tinuturuan niya muna itong magtanim, bago umani.

Ang boss ay nakadepende sa kanyang otoridad. Tila lagi niyang sinasabi o

ipinaparamdam na siya ay dapat sundin dahil siya ang hari. Madalas, ipamukha niya ang
kanyang posisyon at tila ba hindi siya pwedeng suwayin. Hindi ganyan ang leader. Lahat

32
ng gawain ay sinasamahan niya ng kabutihan, kabaitan, pang-unawa at respeto.
Inilalagay niya ang kanyang sarili sa ibaba, kasama ng kanyang mga tauhan. Hindi siya

tumatayo sa likod ng kalabaw gaya ng langaw. Kasi para sa kanya, ang lider ay
tagasunod rin.

Ang boss—minsan nananakot. Nawawalan tuloy ng kumpiyansa ang mga nasasakupan

niya. Hindi na sila kasi na bibigyan ng pagkakataong magkamali. Samantalang ang
leader, tumatanggap ng kahinaan at kabiguan. Pinapasaya at pinalalakas niya ang mga
loob ng mga tauhan. Para kasi sa kanya, laging may room for improvement ang bawat
isa.

Boss ka kung lagi mong gamit ang panghalip na ‘ako’ o ‘ko’ sa halip na ‘tayo’ o ‘kami’. Ang
boss kasi ay mapagmataas at mataas ang tiwala sa sarili. Kabaligtaran siya n glider. Ang
leader kasi ay kasama niya lagi sa kabiguan at tagumpay; kasiyahan at kalungkutan ang
kanyang mga tauhan. Walang iwanan, ika nga!

Boss ka rin kapag mapangsisi ka. Hindi gawain ng isang tunay na pinuno ang paninisi.
Ang leader ay gumagawa o humahanap ng paraan upang masolusyunan ang problema o
alitan.

Ang leader ay maalam. Kaya ka nga naging pinuno dahil ikaw ay nakakalamang sa iba
pagdating sa kaalaman. Boss ang tawag sa pinuno na hindi nga alam kung paano gawin
ng tama ang kanyang responsibilidad.

Ang leader ay mahusay manghasa ng tao. Dinidiskubre niya ang kanyang mga
nakatagong galing. Hindi ito ginagawa ng isang boss. Ang hinahanap kasi ng boss ay ang
mga kamalian at baho ng kanyang tao. Madalas pa nga, ang boss na ito ay mapanggamit.
Ginagamit niya ang kakayahan ng tao niya para sa sariling kapakanan.

Ang leader ay nagbibigay ng gantimpala at papuri kapag may magandang nagawa ang
tauhan. Ngunit ang boss, tumatanggap ng gantimpala at papuri dahil sa gawa ng kanyang
tauhan.

Ano pa?

Sabi ng boss: “Gawin mo ‘to!” Sabi naman ng leader: “Paano ba gawin ito? Maari mo ba
akong tulungan?”

Sanggunian:

https://www.wattpad.com/70767992-sanaysay-is-essay-boss-vs-leader

33
Gawain 3

Panuto: Batay sa iyong nabasa sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Ano ang ipinapahayag na inyong binasa?

______________________________________________________________________

2. Ano ang iyong naramdaman habang ito ay binabasa? Bakit?

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

3. Ano-ano ang magiging epekto sa isang samahan kung ang nangunguna ay isang
boss? Kung isang leader?

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

4. Ano ang mahalagang tandaan upang ikaw ay magtaglay ng katangian ng isang

mapanagutang leader?

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

34
Suriin

Ihanda ang sarili para sa ating bagong aralin. Dagdagan ang kaalaman sa
tungkol sa Mapanagutang Lider at Tagasunod. Halina! at sabay-sabay nating pag-aralan
ang mga ito.

Ang Mapanagutang Pamumuno at Pagiging Tagasunod

Lider ka ba o tagasunod? Sa mga pangkatang gawain, minsan ikaw ang

namumuno, di ba? Pero may pagkakataon din na ikaw ang sumusunod sa lider. Mahirap
paghiwalayin ang pagtalakay sa mga konsepto ng pagiging lider at tagasunod. Kung walang
tagasunod, walang halaga ang pagiging lider. Kailangan din naman ng isang pangkat ang
lider na magbibigay ng direksyon. Hindi rin naman puwede na lahat ng miyembro ng pangkat
ay lider. Minsan, mayroon na ngang lider at may tagasunod, hindi pa rin magkasundo at
nagkakaroon ng suliranin sa pakikipag-ugnayan ang pangkat.
Alalahanin mo na ang pagkakaroon ng isang ugnayang may kapayapaan at pagkakaisa
ay isa sa mga paraan upang malinang ang iba’t ibang aspekto ng iyong pagkatao tungo sa
iyong pagiging ganap. Makapaglilingkod ka at makapagpapakita ng pagmamahal sa kapwa
kung malilinang mo ang iyong kakayahan na gampanan ang iyong tungkulin batay sa hinihingi
ng sitwasyon, maaaring bilang lider o maaaring tagasunod. Kung ikaw ay magiging
mapanagutang lider at tagasunod, ano ang maaari mong maibahagi sa pangkat o lipunang
iyong kinabibilangan?

Kahalagahan ng Pamumuno at ng Lider

Ang mga pangyayari noong nakaraang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang

nagpatunay na malaki ang nagagawa ng isang pinuno o lider tulad ni Winston Churchill na
Punong Ministro ng Gran Britanya at ni Adolf Hitler na pinuno ng Nazi sa Alemanya. Maaaring
maisulong ng isang lider ang katuparan ng isang layuning makatarungan o ang pagsira sa
dignidad ng kanyang kapwa, matupad lang ang mga layuning makasarili. Maraming patunay
na ang tagumpay ng isang kumpanya ay nakasalalay sa pamumuno ng lider nito. Maaaring
tunghayan ang palabas na “Titans” sa CNBC’s Titans series
(http://video.cnbc.com/gallery/?video=3000028912) na nagtatanghal ng mga taong nakagawa
ng mga kahanga-hangang bagay na hindi aakalain na magagawa o magtatagumpay. Isa ang
karanasan ni Steve Jobs ng kumpanyang Apple. Siya ay nagpakita ng lakas ng loob na mag-
isip at gumawa ng kakaiba sa ginagawa ng karamihan. Nakilala at sumikat ang iPhone dahil
sa kanyang pamumuno at tinagurian siyang Person of the Year 2010 ng The Financial Times.
Isa ring kahangahangang gawa ng matagumpay na lider ang mapag-isa ang matagal nang di
nagkakasundong mamamayan sa India dahil sa pagkakaiba ng relihiyon at katayuan sa
lipunan. Itinaguyod ni Mohandas Karamchand Gandhi, na kilala sa tawag na Mahatma Gandhi,

35
ang pamumuhay na payak at pakikipaglabang di ginagamitan ng dahas. Sa iyong buhay,
maraming pagkakataon na nakararanas ka ng pamumuno ng isang lider – mga karanasang
hindi mo malilimutan dahil marami kang natutuhan dahil naiinis ka o nasaktan ka sa mga
pagpapasyang kanyang ginawa. May mga bagay na kahit gusto mong gawin, hindi mo
magawa dahil walang lider o taong mamumuno o aalalay sa iyo. Ang madalas, kailangan mo
ng isang tao na magbibigay sa iyo ng lakas ng loob at inspirasyon upang maisakatuparan mo
ang mga bagay na gusto mong gawin. Minsan ay naghahanap ka ng isang tao na susundin
mo dahil magkatulad kayo ng pananaw o dahil ang taong iyon ay may taglay na katapangan
at katatagang kumatawan sa pananaw ng nakararami at handang ipaglaban ang katotohanan
para sa kabutihang panlahat.

Mga Katangian ng Mapanagutang Lider

May kakayahan ang lider na makakita at makakilala ng suliranin at lutasin ito.

Nangunguna siya, lalo na kapag may mga sitwasyong kailangan ng dagliang aksyon o
emergency at gagawin ang mga bagay na dapat gawin, madalas ay sa tulong ng iba.
Nangangailangan ng tibay at lakas ng loob ang pagiging lider lalo na sa paggawa ng mga
pagpapasya para sa ikabubuti ng pangkat na kanyang kinabibilangan. Dahil dito nagiging
instrumento siya tungo sa pagbabago. Isang bagay na may magagawa ka bilang kabataan.
Dahil ikaw ay may kalakasan ng pangangatawan at pagiisip, ang maging isang mapanagutang
lider ay hindi imposible. Napatunayan ng karanasan ni Cris “Kesz” Valdez ang kakayahan ng
isang kabataan na maging isang mapanagutang lider (tunghayan ang kanyang kuwento sa
Paunang Pagtataya). Tulad ni Kesz, marami na rin ang nakaunawa sa kahalagahan ng
pagkakaroon ng isang mabuti at mapanagutang pamumuno. Ayon kay John C. Maxwell,
dalubhasa sa mga paksang tungkol sa pamumuno, ang pamumuno o ang pagiging lider ay
pagkakaroon ng impluwensya. Kung mapalalawak ng isang tao ang kanyang impluwensya,
mas magiging epektibo siyang lider. Ang pagtatagumpay at pagkabigo sa lahat ng mga bagay
ay dahil sa pamumuno. Kung nais mo na magkaroon ng positibo at pangmatagalang epekto
at impluwensya sa mundo, kailangang linangin at pagsumikapan ang maging mas mabuting
lider at ang mabuting pamumuno.

Pamumunong Inspirasyunal, Transpormasyonal at Adaptibo ayon kay Dr. Eduardo

Morato (2007)

Pamumunong Inspirasyunal. Nagbibigay ng inspirasyon at direksyon ang ganitong uri

ng lider. Nakikita niya ang kahahantungan ng kanilang mga pangarap para sa samahan.
Nakikinig at pinamumunuan niya ang mga kasapi ng kanyang pangkat tungo sa
nagkakaisang layunin para sa kabutihang panlahat. Modelo at halimbawa siya ng mga
mabubuting pagpapahalaga at ipinalalagay ang kanyang sarili na punong-tagapaglingkod
(servant leader) sa pamamagitan ng pagtatalaga ng mga gawaing magbibigay ng
pagkakataong makapaglingkod sa kapwa. Ang pamumuno ni Martin Luther King, Mother
Teresa at Mahatma Gandhi ay ilan sa mga halimbawa ng ganitong uri ng pamumuno.

36
Pamumunong Transpormasyonal

Ang pagkakaroon ng pagbabago ang pinakatuon ng ganitong lider. May kakayahan

siyang gawing kalakasan ang mga kahinaan at magamit ang mga karanasan ng nakalipas,
kasalukuyan at hinaharap upang makamit ang mithiin ng pangkat na pinamumunuan. Madali
siyang makatuklas ng magaganda at mabubuting pagkakataon upang mas maging
matagumpay ang pangkat na kanyang kinabibilangan. Nililinang niya ang kanyang kaalaman
at kasanayan upang magkaroon ng kaisipang kritikal na kakailanganin niya upang matukoy
ang pinakamahalaga at pinakaunang dapat gawin sa paglutas ng suliranin. Bilang lider, subok
ang kanyang kakayahang makipag-ugnayan sa kapwa dahil kaakibat ng ganitong pamumuno
ang pagtulong, pagtuturo at paggabay sa kanyang mga kasama sa pangkat. Umaalalay siya
bilang mentor upangmagkaroon ng sapat na kaalaman at kasanayan ang kanyang mga
kasama upang mapaunlad ng mga ito ang kanilang sarili at maabot ang kanilang
pinakamataas na potensyal. Ang pamumuno ni Sec. Jesse Robredo, Steve Jobs, Bill Gates
at maraming lider ng mga matatagumpay na kumpanya, ay ilan sa mga halimbawa ng
ganitong uri ng pamumuno.

Pamumunong Adaptibo

Ibinabatay sa sitwasyon ang istilo ng pamumunong adaptibo. May mataas na antas

ng pagkilala sa sarili (self-awareness) at kakayahang pamahalaan ang sarili (self-mastery)
ang lider na gumaganap ng pamumunong adaptibo. Mayroon siyang mataas na emotional
quotient (EQ) at personalidad na madaling makakuha ng paggalang at tagasunod. Ang
pamumuno ni Ban Ki- Moon, Barack Obama, at Lee Kuan Yew ay halimbawa ng ganitong uri
ng pamumuno.

May apat na katangian ang adaptibong lider:

1. Kakayahang pamahalaan ang sarili (self-mastery o self-adaptation). Mataas ang

kamalayang pansarili ng isang tao kung nalalaman niya ang tunay na layon ng
kanyang pagkatao, mga pinahahalagahan, layunin sa buhay at kung ano ang
nagbibigay ng kahulugan, kapanatagan at kaligayahan sa kanyang buhay.
Maaari mong makamit ang katangiang ito sa pamamagitan ng:

a) pagpapaunlad ng iyong panloob na pagkatao (inner self) sa pamamagitan ng pag-

unawa sa iyong buong pagkatao tungo sa kaliwanagan (enlightened self).
b) pagpapaunlad ng iyong ispiritwal na pagkatao at pagkakaroon ng maliwanag na
pananaw sa pagiging mapanagutang bahagi ng lipunan.
c) pagpapaunlad ng pagkataong hindi makasarili sa pamamagitan ng kahandaang
maglingkod at magsakripisyo para sa ikabubuti ng iba.

2. Kakayahang makibagay sa sitwasyon. Maraming paraan ng pamamahala ang

kayang gawin ng isang adaptibong lider. Nalalaman niya kung anong uri ng
pamamahala o istilo ang nararapat sa bawat sitwasyon na kanyang kinahaharap
dahil siya ay sensitibo, marunong makibagay at dagliang tumutugon sa mga
pangangailangan ng kanyang pinamamahalaan.

3. Kakayahang makibagay sa personalidad. Kinakikitaan ang isang adaptibong

lider ng masidhing pagnanasang magtagumpay at umiwas sa kabiguan; ang
makipagsapalaran at ipaglaban ang kanyang mga karapatan tungo sa
pagtatagumpay. Nalalaman niya kung paano makitungo sa iba’t ibang tao na
mayroong iba’t ibang personalidad.

37
4. Kakayahang makibagay sa mga tao. Madaling makipag-ugnayan at makitungo
sa ibang tao ang isang adaptibong lider dahil sa kanyang mataas na antas ng
kamalayan at kasanayang panlipunan. Madali rin para sa kanya ang makaisip ng
mga paraan upang mapagkasundo ang mga di-nagkakaunawaang panig.

Mga Prinsipyo ng Pamumuno

Ang sumusunod na prinsipyo ng pamumuno ang ipinatutupad ng The Royal

Australian Navy: Leadership Ethic (2010) upang ang lider ay maging mapanagutan. “Ang
pinakamagaling na lider ay mapagmalasakit, may integridad at may kakayahang maglingkod.”
Lewis, 1998

1. Maging sapat ang kaalaman at kasanayan.

2. Kilalanin at ipagpatuloy ang pagpapaunlad ng sarili.
3. Maging mabuting halimbawa.
4. Tanggapin at gampanan ang tungkulin.
5. Kilalanin ang mga tagasunod at kasapi ng pangkat, pangalagaan at ipaglaban
ang kanilang kapakanan.
6. Ilahad ang layunin at ang direksyong tatahakin sa pagkakamit ng layunin.
7. Kilalanin at paunlarin ang potensyal ng bawat kasapi na maging lider.
8. Gumawa ng mga pagpapasyang makatwiran at napapanahon.
9. Turuan ang mga tagasunod ng paggawa nang sama-sama at magbigay ng
mga pagkakataon upang subukin ang kanilang kakayahan.
10. Magbigay ng nararapat na impormasyon sa mga kasapi ng pangkat.

Ang mabuting lider, ayon kay Lewis (1998), ay naglilingkod, natitiwala sa kakayahan ng
iba (upang maging lider din), nakikinig at nakikipag-ugnayan nang maayos sa iba, magaling
magplano at magpasya, nagbibigay ng inspirasyon sa iba, patuloy na nililinang ang kaalaman
at kasanayan upang patuloy na umunlad, may positibong pananaw, may integridad,
mapanagutan, handang makipagsapalaran, inaalagan at iniingatan ang sarili at mabuting
tagasunod. Ayon kay Dr. Jack Weber ng University of Virginia (nabanggit ni Oakley & Krug,
1991), makikilala ang kahusayan ng pagiging lider sa kilos ng mga taong kanyang
pinamumunuan. Mahusay ang lider kung ang mga taong nakapaligid sa kanya ay punong-
puno ng inspirasyon dahil sa mga ipinakita niya bilang lider, at ang inspirasyong ito ang
nagtutulak sa mga tagasunod na gumawa upang makamit ang layunin ng pangkat.

Ang Kahalagahan ng Pagiging Tagasunod

Kapag napag-uusapan ang pamumuno, hindi maitatanggi na kailangan ding pag-

usapan ang tungkuling ginagampanan ng mga tagasunod o iba pang kasapi ng pangkat. Hindi
lahat ng naging lider ay lider sa lahat ng pagkakataon. Tagasunod din ang marami nating mga
lider, lider sila pero mayroon pa ring nakatataas sa kanila na dapat nilang sundin. Marami ang
natututong maging lider dahil sa kanilang kakayahang sumunod. Kahit ikaw, may mga
pagkakataong naging lider ka at naging tagasunod, di ba? Ang iyong kaalaman at kakayahang
mamuno ay kasinghalaga rin ng iyong kaalaman at kakayahang maging tagasunod. Hindi
magiging matagumpay ang isang samahan kung walang suporta mula sa mga kasapi at
tagasunod nito. Maaaring hindi mapantayan ang kahalagahan ng lider sa isang samahan pero
dapat mong maunawaan na ang kalakasan o kahinaan ng isang samahan ay nakasalalay rin
sa kanyang mga kasapi o tagasunod. Hindi ka magiging lider kung wala kang tagasunod (Kelly,
1992). Maraming mga pagsasaliksik na ang ginawa sa pagiging lider at pamumuno. Sa

38
ngayon, unti-unting nabibigyan ng pansin ang kahalagahan ng tungkulin ng mga tagasunod
sa pagkakamit ng layunin at pagtatagumpay ng isang samahan. Ayon kay Barbara Kellerman
ng Harvard University (nabanggit sa www.leadershipkeynote.net), nakagagawa at
naisasakuparan ng epektibong grupo ng tagasunod ang layunin ng samahan. Hindi ba’t
maraming digmaan ang napagtagumpayan dahil sa malalakas at magagaling na sundalo?
Tulad ng ipinakitang pamumuno ni Alexander the Great na hari ng Macedonia, laban sa
emperyo ng Persia. Marami ring koponan ng manlalaro ang nanalo sa mga kompetisyon dahil
sa mahuhusay na atleta. At ang kumpanyang may magagaling at mahuhusay na empleyado
ang karaniwang nangunguna laban sa kanilang mga kakumpitensya. Kaya’t, para sa isang
lider, maraming mabubuting bagay ang naidudulot ng pagkakaroon ng mga kasama at
tagasunod na lubhang mahuhusay.
Suriin ang mga gawaing iyong pinagkakaabalahan sa loob ng isang araw. Hindi ba’t
mas madalas na ikaw ang sumusunod kaysa ikaw ang namumuno? Nakasalalay ang pag-
unlad ng iyong pagkatao sa maayos na pagtupad mo ng tungkulin. Kaya’t marapat lang na
iyong linangin ang kaalaman at kakayahan mong maging isang mapanagutang tagasunod.

Mga Tungkulin ng Tagasunod o Follower

Maraming naghahangad na maging lider ng isang samahan. Pero, mas marami ang
kuntento at kusang pinipili na tumulong sa lider at maging tagasunod. Bakit kaya? Ikaw, bakit
kaya may pagkakataon na mas gusto mong maging tagasunod at pamunuan ka ng isang
lider?

Pinipili ng tao ang maging tagasunod dahil sa kanyang tinatanggap na mga pakinabang,
maaaring para sa sarili o para sa pangkat. Ang ilan ay napipilitang sumunod dahil sa takot sa
awtoridad (Mungkahi: maaaring basahin ang tanyag na eksperimento ni Milgram noong 1950s
sa http://nature.berkeley.edu/ucce50/aglabor/7article/article35.htm). Mayroon namang
sumusunod dahil sa lubos na tiwala at pagsang-ayon sa mga pananaw at ipinaglalaban ng
lider, na handang ipagkatiwala nang lubos ang buhay sa lider (Mungkahi: maaaring basahin
ang kuwento ni Jim Jones sa http://www.religioustolerance.org/dc_jones.htm). Mayroon
namang tuluyang nagiging bulag na tagasunod, hindi na nag-iisip, sunod lang nang sunod sa
kung ano ang sabihin ng lider. Kadalasang sinasabi nating uto-uto o mga taong walang sariling
disposisyon. (Mungkahi: maaaring basahin ang kuwento ng “The Pied Piper of Hamelin” sa
http://www.readroom.com/rroom/booksread/PiedPiper/ PiedPiper.pdf).
Kung susuriin ang mga resulta ng pagsasaliksik tungkol sa mga dahilan kung bakit mas
pinipili ng tao ang sumunod, nangingibabaw ang pagkakaroon ng tiwala sa lider. Kapag
nawala ang tiwala ng tagasunod sa lider, dumarating ang panahon ang nagiging
pinakamahusay na lider ay ang mga taong naging pinakamahusay na tagasunod.
Tungkulin ng tagasunod o follower ang magsulong at gumawa ng aksyong tugma sa
ipinatutupad ng lider upang makamit ang layunin ng samahan. Gumagawa siya ng aktibong
pagpapasya upang makatulong sa pagsasakatuparan ng mga gawain ng pangkat.
Nagpapakita siya ng interes at katalinuhan sa paggawa. Siya ay maasahan at may
kakayahang gumawa kasama ang iba upang makamit ang layunin. Kinikilala niya ang
awtoridad ng lider at nagpapataw siya ng limitasyon sa kanyang mga kilos, pagpapahalaga,
mga opinion, at pananagutan sa maaaring ibunga ng kanyang gawa Kelly, 1992). Ibinahagi
rin ni Kelly (1992) ang mga antas ng pagiging tagasunod (Levels of Followership). Ayon sa
kanya, marapat na tayo ay maging ulirang tagasunod upang masabing ginagampanan natin
nang mapanagutan ang ating tungkulin. Ang limang antas ay batay sa iskor sa dalawang
component: paraan ng pag-iisip (kung kritikal o hindi) at pakikilahok (aktibo o hindi).

39
Basahin at suriin kung ano ang uri at antas ng iyong pagiging tagasunod:

Pakikilahok
Antas ng Pagiging Paraan ng Pag-iisip
(aktibo – hindi
Tagasunod (kritikal – hindi kritikal)
aktibo)
Uliran Mataas Mataas

Hiwalay Mataas Mababa

Umaayon Mababa Mataas

Pragmatiko (Praktikal) Nasa gitna Nasa gitna

Pasib (Hindi Aktibo) Mababa Mababa

Mga Kasanayang Dapat Linangin ng isang Ulirang Tagasunod (Kelly, 1992)

Ang isang ulirang tagasunod ay nag-iisip ng kritikal at aktibong nakikilahok sa

pagkamit ng layunin ng pangkat na kanyang kinabibilangan. Taglay ng isang mapanagutan
at ulirang tagasunod ang sumusunod na kakayahan at pagpapahalaga na maaaring
matutuhan at malinang. Nababahagi ito sa tatlong malalawak na kategorya:

1. Kakayahan sa trabaho (job skills). Malilinang ito sa pamamagitan ng pagkakaroon ng

focus, komitment, pagsusumikap na maragdagan ang kagalingan sa paggawa, at
pagkakaroon ng kusang pagtulong sa kinabibilangang pangkat.

2. Kakayahang mag-organisa (organizational skills). Malilinang ito sa pamamagitan ng

pagkilala at pagpapalago ng pakikipag-ugnayan sa mga kasama sa pangkat, iba pang
samahan at sa mga namumuno.

3. Mga pagpapahalaga (values component). Malilinang ito ng isang ulirang tagasunod

kung paiiralin niya ang isang mabuti, matatag at matapang na konsensya na gagabay
sa kanya sa pagtupad ng kanyang mga gawain at pagpapaunlad ng pakikipag-ugnayan
sa kapwa.

Mga Paraang Dapat Linangin ng Mapanagutang Lider at Tagasunod Upang

Magtagumpay ang Pangkat

Ang pagkakaroon ng di maayos na ugnayan sa pagitan ng lider at tagasunod ay

nakahahadlang sa pagkakaroon ng isang makatuwirang pagpapasya tungo sa pagkamit ng
layunin ng pangkat. Kadalasan, ang pagkakaroon ng magkaibang istilo ng pagpapasya at
pagkawala ng tiwala ang nagiging suliranin ng pangkat. Nangangailangan ang pangkat ng
matatag at nagtutulungang lider at tagasunod. Magtatagumpay ang pangkat kung
mapanagutang gagampanan ng bawat isa (lider at tagasunod) ang kani-kanyang tungkulin,
sa pamamagitan ng:

40
1. pakikipag-ugnayan at pagpapahayag ng opinyon nang malinaw at may paggalang.
2. pakikinig at pag-unawa sa mga ideya ng ibang kasapi.
3. pagiging handa sa mga pagtitipon at pakikilahok nang aktibo sa mga gawain.
4. pagsuporta sa mga kasapi at gawain ng pangkat.
5. pagbabahagi ng mga impormasyon, karanasan, at kaalaman sa ibang kasapi.
6. kusang pagtulong sa ibang kasapi ng pangkat upang matapos ang gawain.
7. pag-unawa at pagtugon sa mga pagbabagong kinahaharap ng pangkat.
8. paglutas ng suliranin na kasama ang ibang kasapi.
9. pagkakaroon ng komitment.
10. pagtupad sa iniatang na tungkulin at pagiging maaasahan.

Lagi kang may pangangailangang makipag-ugnayan sa iyong kapwa. Maaaring ang

tungkuling iyong ginagampanan ay lider o tagasunod. Anuman ito, alalahanin mo na ang
pagkakaroon ng isang ugnayang may kapayapaan at pagkakaisa ay kailangan upang
malinang ang iyong pagkatao tungo sa iyong pagiging ganap.

Kung isinasabuhay mo ang pagiging mapanagutang lider, inaasahan na ikaw ay

magalang sa lahat, mapaglingkod sa kapwa, makatarungan ang iyong pakikipag-ugnayan,
tapat at maunawain at mayroong kang kakayahang impluwensyahan ang kapwa upang
makamit ang layunin ng pangkat at tumugon sa pangangailangan ng lipunan. Habang
pinamumunuan mo ang iba tungo sa pagbabago, nalilinang mo rin ang iyong sarili na maging
mabuting tao. Madali kang tumutugon sa mga suliranin at nagbibigay ka ng direksyon upang
makamit ang layunin ng pangkat. Anuman ang iyong maging pagpapasya, lagi mong
isinasaalang-alang ang kabutihang panlahat.

Kung ang pagiging tagasunod naman ang nakaatang na tungkulin sa iyo, inaasahan
na magiging uliran kang tagasunod at magiging matalino sa pagpili ng lider na susundin
(hangga’t maaari). Naglilingkod ka nang tapat at isinasaalang-alang lagi ang kabutihang
panlahat. Naiimpluwensyahan mo rin ang ibang kasapi ng pangkat sa pakikiisa at pagsunod
sa pamumuno ng lider upang makamit ang layunin ng pangkat. Sumusunod ka man o ikaw
ang sinusundan, sa pagiging mapanagutang lider o pagiging tagasunod, makapaglilingkod ka,
at makapagpapakita ng pagmamahal sa kapwa. Magkakaroon ng kabuluhan ang iyong
buhay kung ang mga tungkuling iniatang sa iyo ay iyong kinikilala, nililinang, at isinasabuhay
nang mapanagutan tungo sa pagkakamit ng kabutihang panlahat. Sa huli’y, magiging
produktibo at makabuluhan din ang iyong pamumuhay sa lipunang iyong kinabibilangan

41
Pagyamanin

Pagtatalakay sa araling binasa

Gawain 4

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng lider sa isang pangkat?

Ano ang mga katangian ng mapanagutang lider na dapat sundin?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
2. Ano ang mga katangian ng mapanagutang tagasunod?

3. Anong uri ng pagsunod ang iyong isinasabuhay? Ipaliwanag.

_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

42
4. Gaano kahalaga ang pagkakaroon ng mapanagutang pamumuno at pagsunod sa
isang pangkat? Ipaliwanag.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

5. Paano malilinang at mapatatatag ang pagiging mapanagutang lider at tagasunod?

6. Ano ang maaari mong maibahagi sa pangkat o lipunang iyong kinabibilangan bilang
isang lider at tagasunod? Ipaliwanag

43
Isaisip

Ano nga ba ang mapanagutang tagasunod?

Mapanagutang Tagasunod:

Ang mga katangian ng mapanagutang tagasunod ay:

ulirang tagasunod
matalino sa pagpili ng lider na susundin
naglilingkod ng tapat
laging isinasaalang - alang ang kabutihang panlahat
iniimpluwensyahan ang ibang kasapi ng pangkat sa pakikiisa at pagsunod sa
pamumuno ng lider
Ang ulirang tagasunod ay nag - iisip ng kritikal at aktibong nakikilahok sa pagkamit ng
layunin ng pangkat na kaniyang kinabibilangan. Siya ay nagtataglay ng kakayahan sa
tarabaho, kakayahang mag - organisa, at mga pagpapahalaga.

Kapag pinili ng tagasunod ang isang lider, ibg sabihin lamang ay may tiwala siya sa
lider na ito. Ang matalinong pagpili ay batay sa kung sino ang lider na makapagbibigay
sa kanila ng napapanahon at mahahalagang impormasyon na kanilang kailangan,
isinasali sila sa pagpapasiya at paggawa ng isang kapaligiran na kung saan ang mga
kontribusyon at pagsusumikap nila ay kinikilala, iginagalang, at pinararangalan.

Ang mapanagutang tagasunod ay tapat na naglilingkod. Siya ay nagsusulong at

gumagawa ng mga aksyong tugma sa ipinatutupad ng lider upang makamit ang
layunin ng samahan. Gumagawa siya ng aktibong pagpapasiya upang makatulong sa
pagkamit ng mga gawain ng pangkat.

Laging isinasaalang - alang ng isang mapanagutang tagasunod ang kabutihang

panlahat. Siya ay laging maaasahan at nagpapamalas ng kakayahan sa paggawa
upang makamit ang layunin ng samahan.

Ang pagpapamalas ng tamang pag - uugali ang siyang nag - iimpluwensiya sa ibang
kasapi na makiisa at sumunod sa lider. Ito ang magtutulak sa pangkat upang maging
produktibo at makabuluhan ang pamumuhay bilang bahagi ng lipunan na kanilang
kinabibilangan.

Sanggunian:
https://brainly.ph/question/994823 ano ang mga katangian ng mapanagutang
tagasunod-Brainly.ph

44
Gawain 5.1

Panuto: Batay sa iyong binasa sagutin ang mga sumusunod na katanungan gamit ang
graphic organizer.

1. Ano ang inyong naunawaan sa iyong binasa?

2. Batay sa iyong binasa, 3. Ano ang halaga na 4. Ano ang mangyayari

anu-ano ang mga katangian magtaglay ng mga ganitong kung ang bawat isa ay
ng mapanagutang katangian? Pangatuwiranan. magtataglay ng katangian
tagasunod? ng mapanagutang
Ipaliwanag tagasunod?

5. Ano ang epekto nito sa ating bansa?

45
Gawain 5.2
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Itala ang mga indikasyong ang tao ay nagtataglay ng katangian ng mapanagutang

tagasunod. Mapanagutang lider.

Lider Tagasunod
_________________________ _________________________
_________________________ _________________________
_________________________ _________________________
_________________________ _________________________
_________________________ _________________________
-------
_________________________

2. Paano ba matutukoy ang isang taong nagtataglay ng ganitong mga katangian?

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

3. Paano makatutulong ang ganitong mga katangian sa pakikipag-ugnayan sa kapwa?

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

46
Isagawa

Gawain 6

Panuto: Sumulat ng sanaysay na binubuo ng lima o higit pang pangungusap na

nagpapaliwanag tungkol sa kahalagahan ng pagtataglay ng katangian ng isang
mapanagutang lider at tagasunod sa paghubog ng iyong pagkatao gamit ang
sumusunod na kraytirya:
_________________________________________________________________________
__________________________________________________________
_________________________________________________________

47
Tayahin

Gawain 7

Panuto:

Piliin sa loob ng kahon ang tamang sagot sa mga pangungusap na nasa ibaba.
Isulat ang sagot sa patlang bawat aytem.

Pamumunong Adaptibo Jack Weber

Mapanagutang Lider Alexander Haslam
Impluwensiya Mapanagutang Tagasunod
John C. Maxwell Pamumunong Transpormasyonal
Pamumunong Inspirasyonal Mabuting halimbawa

1. Isa sa Prinsipyo ng Pamumuno. _______________________________

2. Siya ang nagsabi “makikilala ang kahusayan ng pagiging lider sa kilos ng mga taong
kanyang pinamumunuan”. ________________

3. Nagbibigay ng inspirasyon at direksiyon ang ganitong uri ng lider. ___________________

4. "... ang pamumuno o pagiging lider ay pagkakaroon ng impluwensiya”. ________________

5. Ang pagiging lider ay pagkakaroon ng ano? ____________________

6. Ang pagkakaroon ng pagbabago ang pinakatuon ng ganitong lider. __________________

7. “Ang nagiging pinakamahusay na lider ay ang mga taong naging pinakamahusay na

tagasunod”. __________________

8. May mataas na Emotional Qoutient ang ganitong uri ng pamumuno. __________________

9. May kakayahan siya na makakita at makakilala ng suliranin at lutasin ito. _______________

10. Hindi magiging matagumpay ang isang samahan kung walang suporta ng mga kasapi nito
_______________________

48
Karagdagang Gawain

Gawain 8
.
Panuto: Magsaliksik ng mga taong may matataas na katangian ng mapanagutang lider at tagasunod.
Itala ang mabuting dulot nito.

Ang mga mabubuting dulot ng mga taong may matataas na katangian ng

mapanagutang Lider at Tagasunod

49
50
Subukin:
1. a
2. c
3. d
4. c
5. b
6. b
7. a
8. c
9. c
10. c
Tayahin:
1. Mabuting
Halimbawa
2. Jack Weber
3. Pamumunong
Inspirasyonal
4. John C. Maxwell
5. Impluwensiya
6. Pamumunong
Transpormasyonal
7. Alexander Haslam
8. Pamumunong
Adaptibo
9. Mapanagutang
Lider
10. Mapanagutang
Tagasunod
Key to Answers
Aralin Mga Angkop Na Kilos Upang Mapaunlad
4
Ang Kakayahang Maging Mapanagutang
Lider at Tagasunod

Alamin

Sa aralin na ito, inaasahang malilinang sa iyo ang mga sumusunod na kaalaman,

kakayahan, at pag-unawa:

1) Naisasagawa ang mga angkop na kilos upang mapaunlad ang kakayahang maging
mapanagutang lider at tagasunod EsP8P-IIf-8.4

2) Natutukoy ang kabutihang naidudulot ng pagtataglay ng katangian ng isang

mapanagutang lider at tagasunod

3) Nakapagpapahayag ng pansariling paraan upang mapaunlad at mapamahalaang

nang wasto ang sarili upang maging isang mapanagutang lider at tagasunod.

51
Subukin

Gawain 1

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin ang wastong sagot at
bilugan ang titik lamang.

1. Nagiging makabuluhan ang pagiging lider at tagasunod sa pamamagitan ng sumusunod,

maliban sa:
a. pagtataguyod na makamit ang layunin ng pangkat
b. pagiging tapat, maunawain, at pagpapakita ng kakayahang impluwensiyahan ang
kapwa
c. hindi nakikipag-ugnayan sa mga kasapi
d. pagiging magalang at makatarungan sa pakikipag-ugnayan sa iba

2. Ayon kay ______________________ “Ang pagganap ng tao sa kanyang gampanin

bilang lider at tagasunod ay nakatutulong sa pagpapaunlad ng sarili tungo mapanagutang
pakikipag-ugnayan sa kapwa at makabuluhang buhay sa lipunan”.

a. Dr. Eduardo Morato b. Jack Weber c. John C. Maxwell d. Ban Ki- Moon

3 .Ang mga sumusunod ay tungkulin ng lider at tagasunod maliban sa isa.

a. pakikipag-ugnayan at pagpapahayag ng opinyon nang malinaw at may paggalang

b. pakikinig at pag-unawa sa mga ideya ng ibang kasapi.
c. paglutas ng suliranin na kasama ang ibang kasapi.

d. Hindi pagsuporta sa mga kasapi at gawain ng pangkat

4. Ang mga sumusunod ay kasanayang dapat linangin ng isang tagasunod maliban sa isa.
a. Kakayahan sa trabaho (job skills)
b. Kakayahang mag-organisa (organizational skills)
c. Mga pagpapahalaga (values component).
d. Kakayahang hindi makibagay sa sitwasyon

5. Malilinang ito sa pamamagitan ng pagkakaroon ng focus, komitment, pagsusumikap na

maragdagan ang kagalingan sa paggawa, at pagkakaroon ng kusang pagtulong sa
kinabibilangang pangkat.

a. Kakayahan sa trabaho (job skills)

b. Kakayahang mag-organisa (organizational skills)
c. Mga pagpapahalaga (values component)
d. Wala sa nabanggit

52
6. Malilinang ito ng isang ulirang tagasunod kung paiiralin niya ang isang mabuti, matatag
at matapang na konsiyensiya na gagabay sa kaniya sa pagtupad ng kaniyang mga
gawain at pagpapaunlad ng pakikipag-ugnayan sa kapwa

a. Kakayahan sa trabaho (job skills)

b. Kakayahang mag-organisa (organizational skills)
c. Mga pagpapahalaga (values component)
d. Wala sa nabanggit

7. Malilinang ito sa pamamagitan ng pagkilala at pagpapalago ng pakikipag-ugnayan sa mga

kasama sa pangkat, iba pang samahan at sa mga namumuno.

a. Kakayahan sa trabaho (job skills)

b. Kakayahang mag-organisa (organizational skills)
c. Kakayahang mag-organisa (organizational skills)
d. Wala sa nabanggit

8. Nagiging makabuluhan ang pagiging lider at tagasunod sa pamamagitan ng su

musunod, maliban sa:

a. pagtataguyod na makamit ang layunin ng pangkat

b. pagiging tapat, maunawain, at pagpapakita ng kakayahang impluwensyahan
ang kapwa
c. pagkakaroon ng kritikal na pag-iisip
d. pagiging magalang at makatarungan sa pakikipag-ugnayan sa iba

9. Ang mapanagutang pamumuno ay pagkakaroon ng ___________________.

a. awtoridad na maipatupad ang mga gawain upang makamit ang layunin ng pangkat

b. impluwensiya na magpapakilos sa mga pinamumunuan tungo sa pagkamit ng

layunin

c. karangalan pagkatapos na makamit ng pinamumunuan ang layunin ng pangkat d

d. posisyon na magbibigay ng kapangyarihan upang mapakilos ang pinamumunuan

10. Mas marami ang kuntento sa pagiging tagasunod dahil sa ___________.

a. paggalang sa awtoridad
b. pakinabang na tinatanggap
c. parehong paniniwala at prinsipyo
d. mas madali ag maging tagasunod kaysa maging lider

53
Balikan

Gawain 2

Panuto: Punan ang chart sa ibaba sa mga naidudulot ng TEAMWORK at sagutin ang mga
katanungan sa ibaba.

T 
E
A 
M

W 
O
R
K 

1. Ano ba ang teamwork?

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2. Bakit ito mahalaga?

3. Paano magiging matagumpay ang isang samahan? Ipaliwanag

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

54
Tuklasin

Gawain 3

Panuto: Ayusin ang mga letra upang makabuo ng salita at ilagay sa kaukulang kahulugan nito.

1. RKWOEATM ________
2. DEREAL ___________
3. NODGATASU _______
Isa ito sa mga susi Siya ang tumutulong sa Siya ang nagbibigay ng
upang maging maayos namumuno upang makamit inspirasyon at direksyon sa
ang kalabasan ng isang ang mga mabubuting layunin pangkat.
gawain. ng pangkat.

4. 5. 6.

55
Suriin

Gawain 4

Halina at sabay-sabay nating basahin kung paano ba ang maging mapanagutang lider at
tagasunod.

Ang magaling na pinuno ay hindi masusukat sa dami ng kanyang

naisakatuparang layunin kung hindi ito ay masusukat sa kanyang kakayahan bilang
isang mabuting lider sa kanyang mga tagasunod o’ kasamahan.

Hindi maitatatwa na sa pagsasakatuparan ng layunin ng isang samahan

kailangan ang lider na mamumuno at mga tagasunod na gagawa na magiging
kaagapay niya sa pagsasakatuparan ng layuning ito, ika nga, “It takes two to
Tango”. Sa madaling salita sa pagsasakatuparan ng isang mabuting layunin at
adhikain ng isang samahan hindi maaaring isa lang ang kumikilos. Kailangan dito
ang partisipasyon ng lahat, mula sa lider hanggang sa mga tagasunod .Ang
positibong pag-uugali rin ng isang pinuno ay masasabing isang mahalagang
sangkap upang maging matagumpay ang isang samahan .Hindi lang miminsan na
napatunayan natin kung paano naging dahilan ang performance ng isang lider sa
pagbagsak ng isang samahan o kaya’y sabihin na nating sa mas komplikadong
aspekto nito – sa isang bansa.

May mga naging pinuno na rin sa ating bansa ang hindi naging
matagumpay sa kanilang pamumuno, hindi dahil sa sila ay walang kakayahan kung
hindi sa kanilang kakulangan sa mabuting pakikitungo sa kanilang mga
nasasakupan. Ilan sa kanila ang nabigo sa pagkakamit sa hinahangad na pag-
unlad dahilan sa nanaig sa kanila ang pansarili nilang hangarin, at sa ganitong
pagkakataon nawawalan ng tiwala ang mga taong dapat sana ay katuwang nila
pagkakamit ng kanilang layunin. Kung baga mas magiging maayos ang samahan
kung nandun ang respeto at tiwala sa isa’t isa. Ang pagtitiwala at respetong ito ang
magiging daan upang madaling maisakatuparan ang ating mga hangarin tungo sa
isang malaya at matagumpay na pamayanan.

Sa ganang amin, ang pagiging isang epektibong lider ay hindi lamang

nakukuha sa taas ng ating pinag-aralan kung hindi sa taas ng pagtingin natin sa
ating Panginoon, sa taas ng pagkilala sa dignidad at sa taas ng pagtingin natin sa
ating kapwa bilang ating tagasunod.

Sanggunian:
https://sites.google.com/a/balangacityschools.com/tuyo/editorial//k12ba. Tungo sa
Pag-Unlad , Mahusay na Pamumuno ang Kailangan

56
Pagyamanin

Pagkatapos mabasa ang tungkol sa pagiging mapanagutang pamumuno at pagiging

tagasunod mahalagang maiugnay ito sa pagunlad ng sarili tungo sa pagiging isang
mapanagutang lider at tagasunod. Sagutin ang sumusunod na katanungan:

Gawain 5

1. Bakit mahalaga na maunawaan at gampanan ang aking tungkulin bilang lider at

tagasunod?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

2. Ano ang maaari kong maibahagi sa lipunan bilang mapanagutang lider at tagasunod?

_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

57
Isaisip

Gawain 6

Panuto: Tukuyin ang mga kabutihang naidudulot ng pagtataglay ng katangian ng isang

mapanagutang lider at tagasunod.

Mga Katangiang Taglay ng

Isang Mapanagutang Lider Kabutihang Naidudulot
At Tagasunod

Nagbibigay ng Paaralan:
inspirasyon.

Nakikinig at
nakikipag-ugnayan Paaralan:
:
nang maayos sa iba.

Laging isinasaalang- Komunidad:

alang ang kabutihang
panlahat.

Siya ay responsible Bansa:

patas, may
paninindigan,
mapagmalasakit, at
masipag.

Sumusunod ka man o ikaw ang sinusundan, sa pagiging mapanagutang lider o pagiging

tagasunod, makapaglilingkod ka, at makapagpapakita ng pagmamahal sa kapwa.
Magkakaroon ng kabuluhan ang iyong buhay kung ang mga tungkuling iniatang sa iyo ay
iyong kinikilala, nililinang, at isinasabuhay nang mapanagutan tungo sa pagkakamit ng
kabutihang panlahat. Sa huli’y, magiging produktibo at makabuluhan din ang iyong
pamumuhay sa lipunang iyong kinabibilangan.

58
Isagawa

Gawain 7

Panuto: Magsagawa ng mga angkop na kilos upang mapaunlad ang kakayahang maging
mapanagutang lider at tagasunod. Gamitin ang graphic organizer bilang checklist.

Pangalan:
Ang mga angkop na kilos ng Ang mga angkop na kilos ng
mapanagutang lider at tagasunod na mapanagutang lider at tagasunod na
tinataglay ko ay: kailangan kong paunlarin ay:

_________________________ _________________________
_________________________ _________________________
_________________________ _________________________
_________________________ _________________________
_________________________ _________________________
-------
_________________________

Ang aking mga gagawin upang mapaunlad ko ang aking kakayahan bilang mapanagutang
lider at tagasunod ay:

__________________________________________________________________________

59
Tayahin

Gawain 8

Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang tamang sagot sa mga pangungusap na nasa ibaba.

Job Skills kakayahang makibagay sa sitwasyon

Batayang Konsepto kakayahang makibagay sa personalidad
Organizational Skills ugnayang may kapayapaan at pagkakaisa
Impluwensiya mapanagutang lider
Values Component kakayahang makibagay sa tao

1. Nalalaman niya kung anong uri ng pamamahala o estilo ang nararapat sa bawat
sitwasyon na kaniyang kinakaharap dahil siya ay sensitibo, marunong makibagay, at
dagliang tumutugon sa mga pangangailangan ng kaniyang pinamamahalaan.
__________________________

2. Malilinang ito sa pamamagitan ng pagkakaroon ng focus, komitment, pagsusumikap na

maragdagan ang kagalingan sa paggawa, at pagkakaroon ng kusang pagtulong sa
kinabibilangang pangkat. _________________________

3. Ang pagganap ng tao sa kanyang gampanin bilang lider at tagasunod ay nakatutulong sa

pagpapaunlad ng sarili tungo mapanagutang pakikipag-ugnayan sa kapwa at makabuluhang
buhay sa lipunan _________________________________

4. Malilinang ito sa pamamagitan ng pagkilala at pagpapalago ng pakikipag-ugnayan sa mga

kasama sa pangkat, iba pang samahan at sa mga namumuno.
________________________________

5. Malilinang ito ng isang ulirang tagasunod kung paiiralin niya ang isang mabuti, matatag at
matapang na konsiyensiya na gagabay sa kaniya sa pagtupad ng kaniyang mga gawain at
pagpapaunlad ng pakikipag-ugnayan sa kapwa. ____________________________

6. Ang pagiging lider ay pagkakaroon ng ano? ________________________

7. Ito ay isa sa mga paraan upang malinang ang aspekto ng ating pagkatao tungo sa ating
pagiging ganap. ___________________________

8. Kinakikitaan ang isang adaptibong lider ng masidhing pagnanasang magtagumpay at

umiwas sa kabiguan; ang makipagsapalaran at ipaglaban ang kaniyang mga karapatan
tungo sa pagtatagumpay. ______________________________

9. Madaling makipag-ugnayan at makitungo sa ibang tao ang isang adaptibong lider dahil sa
kaniyang mataas na antas ng kamalayan at kasanayang panlipunan.
_______________________________

10. May kakayahan ang lider na makakita at makakilala ng suliranin at lutasin ito.
________________________________

60
Karagdagang Gawain

Gumawa ng poster na nagpapakita ng mapanagutang lider at tagasunod.

Kraytirya:

a. Nilalaman -50%
b. Kaugnayan sa Paksa -30%
c. Paggamit ng Angkop na Salita -20%
____
100%

61
62
Subukin:
1. c
2. a
3. d
4. d
5. a
6. c
7. b
8. c
9. b
10. d
Tayahin:
1. kakayahang makibagay sa sitwasyon
2. Job Skills
3. Batayang Konsepto
4. Organizational Skills
5. Values Component
6. Impluwensiya
7. Ugnayang may kapayapaan at
pagkakaisa
8. kakayahang makibagay sa personalidad
9. Kakayahang makibagay sa tao
10. mapanagutang lider
Key to Answers
Sanggunian:

http://www.depedlrmds.com/grade-8-learners-materials-learning-materials/
https://sites.google.com/a/davaocnhs.edu.ph/davaocnhs/lms-and-tgs

https://brainly.ph/question/994823 ano ang mga katangian ng mapanagutang tagasunod-

Brainly.ph

https://www.wattpad.com/70767992-sanaysay-is-essay-boss-vs-
leaderhttps://kurtieweb.wordpress.com/2017/03/27/pagiging-isang-mahusay-na-lider/

63
For inquiries and feedback, please write or call:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Department of Education – Division of Gingoog City

Office Address: Brgy. 23, National Highway,Gingoog City
Telefax: 088 328 0108/ 088328 0118
E-mail Address: gingoog.city@deped.gov.ph

64

You might also like