EsP8 Q4 Module2 QA-Edited FINAL

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 15

8

Edukasyon sa

ly
On
Pagpapakatao

m
ea
Ikaapat na Markahan – Modyul 2

tT
en
Katapatan sa Salita at Gawa
m
l op
ve
De
he
yt
db
te
es
aT
ph
Al

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Strictly for students use only of the Division of Cebu Province. DO NOT share to other divisions and other teaching or non-teaching personnel. Any violation will be dealt with accordingly. Beta evaluation is still pending.
Edukasyon sa Pagpapakatao– Baitang 8
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 2: Katapatan sa Salita at Gawa
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

ly
On
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito

m
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban

ea
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

tT
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa

en
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Kalihim: Leonor Magtolis Briones m
op
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
l
ve

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Rachel Ann C. Besin
De

Editor: Laarnie B. Heidrick

he

Tagasuri: Happy P. Batusin

Tagaguhit: Rachel Ann C. Besin
yt

Management Team
db

Schools Division Superintendent:

Marilyn S. Andales, CESO V
te

Assistant Schools Division Superintendents:

es

Lorenzo M. Dizon, Ed.D, CESO VI

Fay C. Luarez, Ed.D., Ph. D. TM
aT

Anelito A. Bongcawil, Ed. D.

ph

Chief, CID: Mary Ann P. Flores

EPS in LRMS: Isaiash T. Wagas
Al

EPS in EsP: Jane O. Gurrea

Inilimbag sa Pilipinas ng
Department of Education – Region VII
Office Address: IPHO Bldg., Sudlon, Lahug, Cebu City
Telefax: (032) 255-6405
E-mail Address: cebu.province@deped.gov.ph

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Strictly for students use only of the Division of Cebu Province. DO NOT share to other divisions and other teaching or non-teaching personnel. Any violation will be dealt with accordingly. Beta evaluation is still pending.
8

ly
On
m
Edukasyon sa

ea
tT
Pagpapakatao
en
m
op
Ikaapat na Markahan – Modyul 2
l
ve

Katapatan sa Salita at Gawa

De
he
yt
db
te
es
aT
ph
Al

iii
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Strictly for students use only of the Division of Cebu Province. DO NOT share to other divisions and other teaching or non-teaching personnel. Any violation will be dealt with accordingly. Beta evaluation is still pending.
Alamin

Bakit mahalaga ang pagiging matapat sa salita at gawa? Paano ito makakatulong
sa paraan ng iyong pamumuhay? Paano nito maipapakita ang pagkakaroon ng malinis na

ly
konsensya? At gaano ba kahalaga ang pamumuhay nang may katapatan sa sarili at sa

On
ibang tao?

m
Ang modyul na ito ay naglalaman ng aralin tungkol sa Modyul 2: Katapatan sa

ea
Salita at Gawa . Ito ay tutulong sa iyo upang matutong magkaroon ng komitment sa
katotohanan. Mahalaga na magkaroon ng komitment sa katotohanan upang magkaroon

tT
ng malinis at matatag na konsensya at upang matutong mamuhay nang tapat.

en
Sa modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
m
op
a. naipapaliwanag na: Ang pagiging tapat sa salita at gawa ay pagpapatunay ng
l
pagkakaroon ng komitment sa katotohanan at ng mabuti/matatag na konsensya. May
ve

layunin itong maibigay sa kapwa ang nararapat para sa kanya, gabay ang diwa ng
De

pagmamahal. EsP8PBIIIh-12.3
b. naisasagawa ang mga angkop na kilos sa pagsasabuhay ng katapatan sa salita at
he

gawa. EsP8PBIIIh-12.4
yt
db

Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito ay inaasahang:

te

a. naipapaliwanag na ang pagiging tapat sa salita at gawa ay pagpapatunay ng

es

pagkakaroon ng komitment sa katotohanan at ng mabuti/matatag na konsensya;

aT

b. nakagagawa ng mga angkop na kilos na nagsasabuhay ng katapatan sa salita at

gawa; at
ph

c. naipapakita na ang katapatan sa isip at gawa ay mahalaga sa pamamagitan ng mga

Al

gawain.

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Strictly for students use only of the Division of Cebu Province. DO NOT share to other divisions and other teaching or non-teaching personnel. Any violation will be dealt with accordingly. Beta evaluation is still pending.
Subukin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na mga pangungusap. Isulat
ang TAMA kung nagsasaad ito ng tamang ideya at kung hindi naman ay isulat ang
salitang MALI. Isulat ang iyong mga sagot sa iyong sagutang papel.

ly
1. Ang pagsasabi ng katotohanan lalo na kung kinakailangan sa sitwasyon ay

On
pagpapakita ng pagiging tapat sa salita.

m
2. Ang pag-iwas sa pangongopya sa kaklase tuwing may pagsusulit ay nagpapakita ng

ea
katapatan sa salita.
3. Tama lang na magsinungaling sa iba upang hindi ka mapahiya sa kanila.

tT
4. Malinis ang iyong konsensya kapag hindi ka nagsisinungaling sa iba.

en
5. Kapag ang isang tao ay tapat sa salita, paniguradong tapat din siya sa gawa.
6. Ang pagiging tapat sa salita at gawa ay nagdudulot ng matiwasay na pakikitungo sa
m
op
ibang tao.
7. Mahalaga na mayroong komitment sa katotohanan upang mapanatili ang pagiging
l
ve

tapat sa lahat ng aspeto.

De

8. Ang paglikha ng magandang kwento tungkol sa sarili upang hangaan ay hindi

matatawag na kasinungalingan.
he

9. Nakakapagbagababag sa kalooban kung namumuhay ka na puno ng

yt

kasinungalingan.
db

10. Ang pagtatago sa katotohanan ay isang paraan upang ikaw ay hindi na .

mapagkakatiwalaan.
te
es
aT

Balikan
ph

Bakit nga ba mahalaga ang pagiging matapat? Makakatulong ba ito upang tayo ay
Al

mamuhay nang matiwasay dito sa mundo? mapagkakatiwalaan

Ang katapatan ay ang pagsasabi at paggawa ng tama at katotohanan. Ang pagiging

tapat ang natatanging paraan para malaman ang tunay na pangyayari. Ito rin ang
makakapagturo sa atin ng mabuting aral mula sa mga pangyayari sa ating buhay.

Ano nga ba ang iyong mapapatunayan kapag ikaw ay tapat sa salita at gawa? Ito ba

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Strictly for students use only of the Division of Cebu Province. DO NOT share to other divisions and other teaching or non-teaching personnel. Any violation will be dealt with accordingly. Beta evaluation is still pending.
ay senyales na ikaw ay dapat igalang, mahalin at pahalagahan? Ito ba ay nagpapatunay
kung gaano ka kabuti bilang isang tao? Ano bang mga angkop na kilos ng isang tapat na
tao? Paano mo ba maisasabuhay ang katapatan sa salita at gawa?

Tayo na at tuklasin ang mga kasagutan sa mga tanong na ito. Ating intindihin
ang malalim na kahulugan ng pagiging tapat. Bigyan natin ng pagpapahalaga ang
pagkakaroon ng komitment sa katotohanan at ang pagkakaroon ng mabuti at matatag na

ly
konsensya. Pag-aralan natin ang tamang mga kilos at gawain upang ating maisabuhay ang

On
katapatan sa salita at gawa.

m
ea
tT
en
Tuklasin
m
op
Ating aralin, ating tuklasin! Simulan natin sa sumusunod na gawain!
l
ve

Gawain 1- Sa Totoo Lang

De

Panuto: Magbigay ng tatlong gawain (actions) na nagpapakita ng pagbibigay halaga sa

katotohanan.
he

Halimbawa: Pagsasauli ng tamang sukli kapag inutusang mamili sa palengke

yt
db
te
es
aT
ph

1.
Al

2.

3.

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Strictly for students use only of the Division of Cebu Province. DO NOT share to other divisions and other teaching or non-teaching personnel. Any violation will be dealt with accordingly. Beta evaluation is still pending.
Suriin

Ngayon ay mayroon na kayong ideya tungkol sa ating pag-aaralan sa modyul na ito.

Atin pang suriin kung ano nga ba ang pagiging tapat sa salita at gawa bilang patunay na
ikaw ay may komitment o pagpapahalaga sa katotohanan. Anu-ano kaya ang mga angkop

ly
na kilos ng isang taong tapat? At paano natin maisasabuhay ang pagiging matapat? Tayo

On
na at ating unawain ang ating aralin.

m
Ang pagkakaroon ng katapatan ay nabibilang sa mataas na antas ng katangian ng

ea
isang tao. Ito ang tunay na pagpapakita mo ng komitment sa ibang tao at kahit na sa

tT
iyong sarili. Pinananiniwalaang ang katapatan ang basehan ng bawat birtud. Ang taong
may katapatan sa salita at gawa ay nagtataglay ng mataas na pamantayang moral para

en
sa kanyang sarili at siya ay namumuhay nang may dignidad at paggalang sa iba.

PAGPAPAHALAGA SA KATOTOHANAN m
op
Gaano ba kahalaga ang katotohan? Bakit kailangan maging totoo tayo sa ating
l
ve

mga sinasabi at ginagawa?

De

Kung tayo ay mamumuhay sa mundo na puno ng kasinungalingan, sa palagay niyo

ba ay magkakaroon tayo ng katahimikan at kaligayahan? Halimbawa, kapag
he

nagpapanggap kang mayaman sa ibang tao ay mabubuhay ka na puno ng

yt

kasinungalingan at matatawag na panloloko ang iyong ginagawa. Patuloy kang gagawa at

db

magsasabi ng kasinungalingan hanggang sa isang araw ay lalabas ang katotohanan at

ikaw din ang magdurusa.
te
es

Ganoon din kapag palagi kang nagsasabi ng kasinungalingan. Darating ang

panahon na wala nang maniniwala sa iyo. At kahit na totoo na ang iyong sinasabi ay wala
aT

ng makininig sa iyo dahil hindi mo naipakita ang pagpapahalaga sa katotohanan. Katulad

ph

ito sa isang pabula ni Aesop na “The Boy Who Cried Wolf”. Isang batang pastol ang
pabirong sumisigaw na may lobo at tuwing ginagawa niya ito ay tumatakbo ang mga tao
Al

para iligtas siya at ang mga tupa na pinapastol niya. Ngunit biro niya lamang pala ito dahil
nababagot na siyang magpastol. Ilang beses niya itong ginawa hanggang sa isang araw
ay totoo nang may lobo. Sumigaw siya ng “Lobo! May Lobo!” ngunit wala ni isang
naniwala sa kanya. Maraming tupa ang napahamak dahil sa pangyayaring iyon. Ganito
kahalaga na mayroon kang komitment sa katotohanan, na dapat pahalagahan mo ang

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Strictly for students use only of the Division of Cebu Province. DO NOT share to other divisions and other teaching or non-teaching personnel. Any violation will be dealt with accordingly. Beta evaluation is still pending.
pagiging tapat. Kapag tapat ka sa salita at gawa, hindi kailanman magdududa ang ibang
tao tungkol sa iyong integridad at dignidad.

KAHALAGAHAN NG MALINIS NA KONSENSYA

Tayong lahat ay biniyayaan ng Diyos ng konsensya. Ito ang boses na gumagabay

sa atin tungo sa tama at kapag mayroon tayong ginagawa o gagawing bagay ay minsan

ly
napapaisip muna tayo kung tama ba ito o mali. Minsan kapag hindi natin ito

On
pinapakinggan o sinusunod ay nababagabag tayo. Iyan ang konsensya na minsan ay
pinakikinggan natin at minsan ay napapabayaan din.

m
ea
Ang taong tapat sa salita at gawa ay hindi kailanman binabagabag ng kanyang
konsensya. Ito ay dahil siya ay nagsasabi siya ng totoo at gumagawa ng tama. Ibig

tT
sabihin nito ay malinis at matatag ang kanyang konsensya. Ang pagkakaroon ng

en
katapatan ay nagdudulot ng malinis na konsensya. At ang pagkakaroon ng malinis na
konsensya ay nagbibigay sa atin ng kapanatagan ng loob. Hindi natin kailangang matakot
m
op
dahil hindi tayo nagsinungaling. Magkakaroon tayo ng maayos na pakikitungo sa iba.
l
Kapag tayo ay may malinis at matatag na konsensya, hindi tayo mahihirapang
ve

magdesisyon kung tama ba o mali ang gagawin o sasabihin. Palaging tama ang pipiliin
De

natin sa kahit na anong sitwasyon. Isipin natin na kung halos tayong lahat ay may
he

ganitong katangian, kay ganda at kay tahimik kaya ng ating mundo. Mas kakaunti ang
gagawa ng masama. Mas maayos ang pakikitungo natin sa isa’t-isa at mas magkakaroon
yt

ng kapayapaan ang ating mundo.

db

Kay gandang isipin ngunit hindi madaling gawin. Sa mundo natin sa kasalukuyan
te

ay napakaraming nakakalimot na gamitin ang konsensya sa kanilang mga sinasabi at

es

ginagawa. Ngunit kahit ganoon pa man, mas mabuti pa rin na subukan nating maging
tapat sa salita at gawa. Mas mabuti pa rin na mas piliin natin ang pagiging matapat sa
aT

abot ng ating makakaya upang ang ating buhay ay mas magiging mapayapa.
ph

PAGSASABUHAY NG KATAPATAN
Al

Ang desisyong yumakap sa katotohanan o ang pagiging matapat ay bunga ng sarili

nating pagpapasya. Mapapalago natin ang birtud na ito kung susubukan nating matapat
na maisabuhay ito sa araw-araw. Katulad ng anumang birtud, kailangan ang pauli-ulit na
pagsasabuhay nito upang ganap itong maangkin.

Mahalaga na sa ating isip, salita at gawa, maliit na bagay man o malaki, lagi nating

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Strictly for students use only of the Division of Cebu Province. DO NOT share to other divisions and other teaching or non-teaching personnel. Any violation will be dealt with accordingly. Beta evaluation is still pending.
susubukan na maging matapat. Nagsisimula ito sa maliliit na bagay. Kapag naisabuhay
mo na ang katapatan sa maliliit na bagay, hindi ka na mahihirapang isabuhay ito sa mga
malalaking bagay. Laging tandaan na ang pagsasabuhay ng katapatan ay
maisasakatuparan lamang kapag ikaw ay may kagustuhang isabuhay talaga ito.
Kinakailangan din na ang iyong salita at gawa ay naaangkop sa mga kilos ng isang
matapat na tao.

ly
On
Narito ang iilan sa mga angkop na kilos na nagpapakita ng pagsasabuhay ng
katapatan:

m
 Hindi nagsisinungaling at hindi pagkunsinte sa pagsisinungaling

ea
 Nag-iisip muna bago magsalita o magdesisyon sa gagawin

tT
 Tumutupad sa mga pangako, usapan o mga sinasabing gagawin
 Umaamin at tinatanggap kung may pagkakamali

en
 Gumagawa ng mabuti sa ibang tao nang walang kapalit

Marami pang paraan upang maisabuhay ang katapatan sa salita at gawa. m

op
Tandaan na ang pagiging matapat ay nagpapatunay na mayroon kang pagpapahalaga
l
ve

sa katotohanan at mayroon kang matatag na konsensya na siyang gagabay sa iyo sa

tama at nararapat na gawin at sabihin mo. Lagi nating subukan na maging tapat sa
De

sarili at sa ibang tao.

he

Pagyamanin
yt
db
te

Ngayon ay talakayin pa natin ang ating mga natutunan at naunawaan sa pamamagitan ng

es

mga sumusunod na gawain:

aT

Gawain 1
Panuto: Sagutin ang bawat katanungan gamit ang isa o dalawang pangungusap. Isulat sa
ph

inyong sagutang papel.

1. Ano ang ibig sabihin ng katapatan o pagiging matapat?
Al

2. Bakit kinakailangan nating maging tapat sa salita at gawa?

3. Sa panahon natin ngayon, bakit kaya marami ang hindi nagiging matapat? Paano ito
magbabago?Ipaliwanag.
4. May pagkakataon pa bang magbago ang taong marami ng kasinungalingang sinabi o
ginawa? Ipaliwanag.
5. Bilang isang mag-aaral, paano mo maisasabuhay ang pagiging matapat?

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Strictly for students use only of the Division of Cebu Province. DO NOT share to other divisions and other teaching or non-teaching personnel. Any violation will be dealt with accordingly. Beta evaluation is still pending.
Isaisip

Panuto: Punan ang bawat parirala ng mga salitang bubuo ng ideya patungkol sa

ly
katapatan.

On
1. Kapag ikaw ay matapat sa salita at gawa, ikaw ay
.

m
2. Maipapakita mo ang iyong katapatan sa pamamagitan ng _

ea
.

tT
en
Isagawa
m
op
Gawain 1- Himig ng Pinoy
l
ve

Panuto: Unawain ang liriko ng awiting “Laging Tapat” na inawit ni Jolina Magdangal.
De

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan sa iyong sagutang papel.

Link na pinagkunan ng liriko: http://www.songlyrics.com/jolina-magdangal/laging-tapat-lyrics/

he
yt

Laging Tapat
(awit ni Jolina Magdangal)
db
te

Tunay bang ako lang Pagkat walang ibang laman

Ang lagi mong iibigin Ang kapwa nating isipan
es

Kung sayo' y ibigay

Buong puso' t damdamin Di magsasawa, di magbabago
aT

Di ako makararanas Di maghahanap ng pag- ibig

Na lumuha kahit minsan lang Na paplit sa puso ko
Ganyan ka sana, dahil ganyan ako
ph

Di magsasawa, di magbabago Laging tapat at laging totoo

Di maghahanap ng pag- ibig
Al

Na papalit sa puso ko Magkulang man magka minsan

Ganyan ka sana, dahil ganyan ako Talagang kasama iyan
Laging tapat at laging totoo Sa ating buhay

Sana' y di magwakas Di magsasawa, di magbabago

Ang pagtitinginan natin Di maghahanap ng pag- ibig
Araw man ay lumipas Na papalit sa puso ko
Di natin papansinin Ganyan ka sana, dahil ganyan ako
Laging tapat at laging totoo

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Strictly for students use only of the Division of Cebu Province. DO NOT share to other divisions and other teaching or non-teaching personnel. Any violation will be dealt with accordingly. Beta evaluation is still pending.
Mga Katanungan:

1. Ayon sa awitin, anong aspeto ng buhay ang kailangang may katapatan?

2. Anu-ano ang hindi mararanasan natin kapag may katapatan ang taong minamahal
natin?Magbigay ng isa o dalawang linya mula sa awitin namagpapatunay nito.
3. Sa linyang “Ganyan ka sana, dahil ganyan ako”, bakit hinihiling ng persona na
maging tapat ang kanyang minamahal? Ipaliwanag.
4. Bakit mahalaga ang pagiging tapat natin at ng taong mahal natin?

ly
5. Paano mo maisasabuhay ang katapatan sa taong mga mahal mo? Magbigay ng
dalawang halimbawa.

On
m
ea
tT
Tayahin

en
Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na pangungusap at magbigay ng
isang paraan upang mapanatiling tapat sa salita at gawa sa bawat sitwasyon. m
op
Magbigay din ng maikling paliwanag kung bakit ito ang gagawin mo.
l
ve

1. Hindi ka masyadong nakapag-aral kagabi at may pagsusulit kayo mamayang

De

hapon.
he
yt
db

2. Habang nilalabhan mo ang pantalon ni Ate ay nakakita ka ng limandaang piso sa

bulsa nito.
te
es
aT
ph

3. Hindi ka pa tapos na sagutan ang modyul mo. Habang naglalaro ka na ng Mobile

Legends ay bigla kang tinanong ng tatay mo kung tapos ka na ba sa modyul.
Al

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Strictly for students use only of the Division of Cebu Province. DO NOT share to other divisions and other teaching or non-teaching personnel. Any violation will be dealt with accordingly. Beta evaluation is still pending.
4. Hindi pa kayo nagbabati ng kapatid mo. Nakita mo sa banyo ang kanina pa niya
hinahanap na kwentas (necklace).

5. Nakita mo na ang nobyo/nobya ng kaklase mo na may ibang ka-date.

ly
On
m
ea
6. Nagkokopyahan kayo ng takdang-aralin ng iyong mga kaklase. Nang maipasa ay

tT
napansin ng iyong guro at tinanong kayo kung sino ang nangopya.

en
m
op
7. Hiniling sa iyo ng kaibigan mo na sabihin sa magulang niya na magkasama kayo
l
ngunit ang totoo ay magkikita pala sila ng kanyang boyfriend/girlfriend.
ve
De
he
yt

8. Medyo malabo na ang paningin ng Lola mo na nagpalaki sa iyo. Limampung

piso ang naibigay niya sa halip na dalawampung piso na baon mo.
db
te
es
aT

9. Nakita mong patagong kinunan ng litrato (picture) ng kaklase mo ang kinaiinisan

niyang guro.
ph
Al

10. Nalaman mo na gumawa ng fake account ang bestfriend mo para awayin at

pahiyain ang isa niyong kaklase.

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Strictly for students use only of the Division of Cebu Province. DO NOT share to other divisions and other teaching or non-teaching personnel. Any violation will be dealt with accordingly. Beta evaluation is still pending.
Karagdagang Gawain

Panuto: Bumuo ng listahan ng mga bagay na iyong ginagawa na nagpapakita ng

ly
pagsasabuhay ng katapatan sa salita at gawa. Sumulat lamang ng isa sa bawat araw at

On
gawin ito sa loob ng limang araw. Isulat din kung ano ang natutunan mo matapos mong

m
maging tapat sa salita at gawa. Sipiin o kopyahin ang kahon sa ibaba.

ea
Ang aking ginawa upang isabuhay ko ang

tT
Ang aking natutunan
katapatan sa salita at gawa

en
m
l op
ve
De
he
yt
db
te
es
aT
ph
Al

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Strictly for students use only of the Division of Cebu Province. DO NOT share to other divisions and other teaching or non-teaching personnel. Any violation will be dealt with accordingly. Beta evaluation is still pending.
Susi sa Pagwawasto

ly
On
m
ea
tT
en
m
l op
ve
De
he

Sanggunian
yt
db

AKLAT
Bognot, Regina Mignon C., et al. Edukasyon sa Pagpapakatao-
te

Ikawalong Baitang: Modyul para sa Mag-aaral (unang edisyon). Vibal

Publishing, 2013.
es

INTERNET
aT

http://www.songlyrics.com/jolina-magdangal/laging-tapat-lyrics/
ph
Al

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Strictly for students use only of the Division of Cebu Province. DO NOT share to other divisions and other teaching or non-teaching personnel. Any violation will be dealt with accordingly. Beta evaluation is still pending.
ly
On
m
ea
tT
en
m
l op
ve
De
he
yt
db
te
es
aT
ph
Al

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education,Region VII, Division of Cebu Province
Office Address:IPHO Bldg.,Sudlon,Lahug, Cebu City
Telefax: (032) 255-6405
Email Address:cebu.province@deped.gov.ph