Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

EsP 9

Kwarter 3 Blg. 3
SANAYANG PAPEL
Blg. 5

1
K asipagan, Pagpupunyagi, Pagtitipid at
Wastong Pamamahala sa Naimpok

2
Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon 8 – Sangay ng Samar
S. 2021

Isinasaad ng Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na “Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na maghanda ng Gawain kung itoý
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang Learning Activity Sheet o Sanayang Papel na ito ay inilimbag upang


magamit ng mga Paaralan sa Rehiyon 8 – Sangay ng Samar.

Walang bahagi ng Learning Activity Sheet na ito ang maaaring kopyahin o


ilimbag sa anumang porma nang walang pahintulot sa kagawaran ng
Edukasyon, Rehiyon 8 – Sangay ng Samar.

Bumuo sa Pagsulat ng EsP 9 Sanayang Papel


Manunulat:

Editor: Nida C. Dacutanan SST-III/Motiong National High School


Tagasuri: Carlo Francis O. Daguman MT-I/ Motiong National High School
Tagapamahala:
Carmela R. Tamayo, Ed.D. CESO V – Schools Division Superintendent
Moises D. Labian Jr., Ph.D. CESO VI – Asst. Schools Division Superintendent

Antonio F. Caveiro, Ph.D. - Chief Education Supervisor, CID


Annabelle D. Daca- EPS – EsP
Josefina F. Dacallos, Ed.D. – PSDS/LRMS Manager Designate
Arilda B. Espino Ph.D.- District Head
Hector P. Ponferrada- School Head

3
EsP 9

Pangalan ng Mag-aaral: ____________________Baitang:_____ Seksyon:______


Paaralan: ______________________________ Petsa:___________
Gawain 1.

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa patlang bago ang
numero.

_____ 1. Ang mga sumusunod ay kahulugan ng kasipagan maliban sa:

A. Ito ay pagsisikap na tapusin ang isang gawain ng may kalidad.


B. Ito ay ang pagtingin ng may kasiyahan at positibo sa isang gawain
C. Nakatutulong ito sa isang tao sa kaniyang pakikipagrelasyon sa kaniyang
gawain, kapuwa at lipunan
D. Tumutulong ito na malinang ng isang tao ang mga mabubuting katangian
tulad ng tiwala sa sarili, pasensiya, katapatan at disiplina.

_____ 2. Si Rony ay sadyang masipag, hindi siya nagmamadali sa kaniyang


mga gawain at isinisiguro niya na magiging maayos ang lahat ng kalalabasan
ng kanyang mga gawain. Ano kayang palatandaan ng kasipagan ang
mayroon kay Rony?

A. Hindi umiiwas sa anumang gawain


B. Ginagawa ang gawain ng may pagmamahal
C. Nagbibigay ng buong kakayahan sa paggawa
D. Hindi nagrereklamo sa ginagawa

_____ 3. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga paraan na nagpapakita ng


pagtitipid maliban sa:

A. Pagbaon ng pagkain sa eskwela o opisina.


B. Paglakad lalo kung malapit lang ang pupuntahan.
C. Pagbili ng gamit sa mga malls kung saan mas kumpleto ang mabibili.
D. Paggamit ng load ng cellphone para sa mga mahahalagang bagay lamang.

_____ 4. Ang isa sa mga palatandaan ng taong nagtataglay ng kasipagan ay


ang hindi pag-iwas sa mga gawain. Alin sa mga halimbawa ang nagpapakita
nito?

A. Si Christine ay boluntaryo niyang ginagawa ang kanyang mga


tungkulin sa bahay.
B. May malasakit si George sa kanyang trabaho dahil ginagawa niya ito
ng tama.
C. Higit pa sa inaasahan ang ganda ng ginawa ni John na larawan dahil
ibinigay niya ang buong galling niya sa proyektong ipinagawa sa kanya.
4
D. Nasa mataas na rangko sa mga may karangalan sa paaralan si Gina
dahil lubos niyang binibigyan ng husay at panahon ang kanyang pag-aaral

_____ 5. Ang mga sumusunod ang mga dahilan kung bakit kailangan na
magimpok. Ayon kay Francisco Colayco maliban sa isa. Ano ito?

A. Para sa proteksyon sa buhay. C. Para sa pagreretiro.


B. Para sa mga hangarin sa buhay. D. Para mas maraming pera kaysa
ibang tao

_____ 6. Ito ay kakambal ng pagbibigay na nagtuturo sa tao na gamitin ito


upang higit na makapagbigay sa iba. Ano ito?

A. Pag-iimpok B. Pagtitipid C. Pagtulong D. Pagkakawanggawa


_____ 7. Ito ay ang pagtitiyaga na maaabot o makukuha ang mithiin o
layunin sa buhay na may kalakip na pagtitiis at determinasyon.

A. Kasipagan B. Katatagan C. Pagsisikap D. Pagpupunyagi

_____ 8. Si Rona ay nagbabaon na lamang ng pagkain sa paaralan dahil


inilalaan niya ang kanyang baon para sa mga bibilhin niyang libro sa
kanilang asignatura sa Science. Anong katangian ang ipinapakita ni Rona
sa kanyang ginagawa?
A. Kasipagan B. Pagtitipid C. Pagsisikap D. Pagpupunyagi

_____ 9. Alin sa mga sumusunod na pagpapakita ng kasipagan ang tunay na


nakapagbibigay ng kahulugan nito?
A. Ginagawa ang lahat upang magkaroon ng magandang kinabukasan B.
Nagiging masigasig upang makapagbigay din sa kapwa sa tinamasang
tagumpay
C. Nagsasakripisyo upang makuha ang lahat ng ninanais para sa sarili
D. Lahat ng nabanggit

_____ 10. Bakit mahalaga na malinang ng tao ang mga katangian na


kasipagan, pagpupunyagi, pagtitipid at tamang pamamahala ng naipon? A.
Malaki itong tulong para sa magandang kinabukasan ng tao.
B. Napapaunlad ng tao ang kaniyang sarili at ang lipunang kanyang
kinabibilangan
C. Nagkakaroon ng kumpiyansa ang tao sa lahat ng hamon sa kanyang
buhay.
D. Napapabilang siya sa mga halimbawa ng mga taong napagtagumpayan
nila ang mga hamon ng buhay.

5
Gawain 2: Tama o Mali?

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Isulat ang Tama
kung ang pahayag ay nagpapakita ng pagiging masipag, pagpupunyagi,
pagtitipid at wastong pamamahala sa naimpok at Mali kung ito’y
nagpapakita ng taliwas na gawain.

_______1. Si Aling Nena ay maagang bumibyahe papuntang palengke dahil


alam niyang mas makakatipid siya sa pamimili sa palengke kaysa ang
pumunta sa mall.
_______2. Araw-araw naglalakad si Mang Nestor papuntang trabaho dahil
mahal ang pamasahe kung siya’y sasakay sa tricycle. Ang maiipon niya sa
pasahe ay pambili niya ng bike na magagamit niya sa trabaho balang araw.
_______3. Hindi na kailangang utusan ni Aling Tessie ang kanyang anak na
si Jane sa mga gawaing bahay dahil may pagkukusa na ito bilang panganay
na anak.
_______4. Maraming gustong bilhin si Mario para sa kanyang sarili at
mahilig siya sa mga magagarbong kagamitan kaya inuubos niya lahat ng
kanyang baon sa paaralan.
_______5. Maraming mga hindi inaasahan na maaaring mangyari sa buhay
ng tao tulad ng nararanasan natin ngayon sa sakit na Covid19. Kaya naman
hindi masyadong nahirapan si Meling sa panahon na ito dahil sa may ipon
siya sa pagtatrabaho ng maayos at lagi siyang handa anuman ang
sakunang kaharapin ng pamilya niya.
_______6. Hindi natapos ni Christian gawin ang mga ipinagagawa ng
kanyang nanay dahil mas pinili niyang maglaro na lamang sa kanyang
cellphone.
_______7. Sumuko kaagad si Carlos sa mga pagsubok na dumating sa
kanyang buhay kaya siya’y nagpatianod sa paggamit ng ipinagbabawal na
gamot.
_______8. Isang karpintero si Mang Kanor, kapag nabigyan siya ng gawain ay
sinisigurado niyang magiging maayos ang kalalabasan nito. Hindi siya
nagpapabaya at ibinibigay niya ang buo niyang kakayahan, lakas at
panahon upang matapos niya ito ng buong husay.
_______9. Naging matagumpay ang ginawang proyekto ng grupo ni Richard
dahil pinagpaguran at pinagpuyatan nila itong gawin.
_______10. Laging ubos ang oras ni Yani sa paglalaro ng Mobile Legends
kaya hindi na niya nagagawa ang mga takdang aralin niya at hindi na rin
siya nakakakain sa tamang oras.

6
D. GAWIN MO:
Gawain 3:

Panuto: Lagyan ng ang mga pangungusap na


nagpapakita ng indikasyon ng taong masipag at nagpupunyagi sa paggawa,

at kung ito’y, nagtitipid at pinamamahalaan ng tama ang naimpok.

______1. Pinamamahalaan ng maayos ang kalalabasan ng kanyang gawain,


hindi nagmamadali sa knayang ginagawa.
______2. Pagkakaroon ng praktikal na pamumuhay, binibili lamang ang
pangangailangan.
______3. Pinipiga ni Robin ang toothpaste dahil sayang kapag hindi niya
makuha ang mga maiiwang laman ng toothpaste.
______4. Si Girlie ay hindi na kailangan pang utusan ng kanyang nanay
dahil siya ay nagkukusang gumagawa ng mga ito.
______5. Sinisigurado ni Melody na ang kanyang mga natapos na gawain ay
may kalidad.
______6. Si Aling Carla ay maagang gumigising upang lakarin na lamang ang
pagpunta sa palengke para hindi na siya gumastos pa sa pamasahe.
______7. Pagbili ng mumurahing relo at hindi kailangang ang mahal na
brand ang bibilhin kung ang kailangan man lang ay makita ang oras.
______8. Pagtanggap ng hamon sa paggawa ng hindi nagrereklamo bagkus,
ginagamit ang pagsubok na ito para mapatunayan ang galing sa paggawa.
______9. Pagtitipid sa pagkonsumo ng tubig at kuryente. Ilaan ang
magagasto sa mga ito sa ibang mas mahalagang mga bagay. Anu-ano ang
iyong mga paraan upang magtagumpay ka sa iyong mga ginagawa?
_____10. Si Arthur ay hinihigitan niya ang deadline sa pagpapasa ng
kanilang mga proyekto sa klase. Ayaw na ayaw niya ang nahuhuli sa
pagpapasa.

7
IV. Mga Sanggunian:
Kagawaran ng Edukasyon. Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 9, Modyul
para sa Mag-aaral. Unang Edisyon 2021. La Union, Philippines:
Kagawaran ng Edukasyon, 2021.

V. Susi sa Pagwawasto

Aralin 1

Gawain 1
Gawain 2 Gawain 3

You might also like