Kada bakasyon, palagi kaming bumibisita sa probinsya
kasama ang buong pamilya.Tatlong oras ang biyahe papuntang North pero kahit na malayo at mahaba ang biyahe ay sulit parin dahil sa magagandang tanawin at makikita mo talaga doon ang kagandahan ng kalikasan.Hindi lang mga puno at kakahoyan kundi pati na rin ang kulay asul na kadagatan na kahit saan ka lumingon ay makakakita ka parin nito.
Pagdating naming sa probinsya, agad-agad kaming
pumunta sa San Remigio Beach kung saan hinihintay kami ng mga kamag-anak naming na nakatira din doon. Iba talaga ang saya kapag kompleto ang buong pamiya. Pagkatapos ng araw na iyon ay pumunta kami sa simbahan upang magsimba at magpasalamat sa panginoon para sa mga biyaya na kanyang binigay sa amin. Ibang-iba talaga ang “vibe” sa probinsya at siyudad kase simple lang ang pamumuhay at masayahin halos lahat ng nakatira doon.
Napakaganda talaga mamuhay sa probinsya dahilan sa
napakapayapa nito at halos nandoon lahat at nakikita mo talaga ang kahalagahan ng kalikasan doon. Bago kami umuwi pabalik sa siyudad, hinigip ko muna ang napakapreskong hangin pati ang simoy ng dagat dahil pagbalik ko ay tiyak na makikita ko na nanaman ang nagbabagang polusyon.
Sa buhay, dumating tayo sa
punto na nahihirapan at napapagod dahil sa mga patung- patong na problema, problema sa pamilaya, problema sa pag-aaral at problema sa kasintahan. At sa sobrang pagod at hirap, nakakapagdesisyon tayo na isuko o bitawan ang bagay, pangarap, at minsan ay ang ating minamahal. Ngunit sadyang napaglaro ang tadhana at tayo ay binabalik sa mga alaalang pilit nating kinakalimutan, mga tao na dapat ay alaala na lamang, at mga bagay na dapat manatili na lamang sa nakaraan. Sa gantong sinaryo, ito ang nagbibigay ng tunay na kahulugan at aral sa buhay na ating papahalagahan hanggang sa kabilang