Mga Pamana NG Sinaunang Lipunan at Komunidad Sa Asya

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Mga Pamana ng Sinaunang Lipunan at Komunidad sa Asya

KANLURANG ASYA
Code of Ur-Nammu - Kauna-unahang batas na naisulat sa buong daigdig.
Code of Hammurabi - Koleksyon ng mahigit 282 na batas na pumapaksa sa pang araw-
araw na pamumuhay ng mga sinaunang Babylonian sa Mesopotamia.
Epic of Gilgamesh - Kauna-unahang epiko na nasa buong daigdig na naitatayang naisulat
bandang 2100 BCE.
Ziggurat - Estrakturang nagsilbing sentro ng pamayanan sa Mesopotamia. Dito ginaganap
ang pagpaparangal at pagsisimba sa diyos o patron ng mga sinaunang tao.
Cuneiform - Ang kauna-unahang sistematikong paraan ng pagsulat sa buong daigdig na
nilinang ng mga Sumerian na unang nakatira sa Mesopotamia.
Iba pang kontribusyon:
 Zodiac sign
 Araro
 Gulong

TIMOG ASYA
Ramayana at Mahabharata - Ang Ramayana at Mahabharata ay epikong pamana sa
larangan ng panitikan sa India. Ang salaysay ng Mahabharata ay umiikot sa dalawang
magkakamag-anak na pamilya Pandav na kumakatawan sa kasamaan at kaguluhan.
Samantala ang Ramayana ay umiikot sa buhay pag-ibig nila Prinsipe Rama at Prinsesa
Sita. Naglalaman ng mahahalagang turo ng Hindu.
Ayurveda o “Agham ng buhay” - ay isang mahalagang kaisipang pangmedisina sa India.
Ito ang nagpanatili ng kalusugan at kaligtasan ng mga tao.
Vedas - Koleksyon ng sagradong teskto lalo na sa paniniwalang Hinduismo.
Apat na Vedas
 Rigveda - Pinakamatandang veda. Himno at awit sa Diyos.
 Yajurveda - Mga koleksyon ng pormula na sinasalita para sa mga ritual at
pagsasakripisyo.
 Samaveda - Mga awit para sa ritual.
 Atharveda - Mga himni at gayuma na ginagamit sa mga ritual.
Panchantantra - Ito ay koleksyon ng mga kwentong Indian. Karamihan sa mga kwentong ito ay pinangungunahan ng
mga hayop bilang pangunahing tauhan.
Taj Mahal - Pinatayo ni haring Mughan na si Shah Jahan para sa kanyang
asawa na si Mumtaz Mahal.
Iba pang kontribusyon:
 Decimal System
 Halaga ng pi (3.1416)

SILANGANG ASYA
Genji Monogatari (Tale of Genji) - Pinakaunang obra na fiction ng panahong Heian at unang nobela sa daigdig tungkol sa
lady-in-waiting na si Murasaki Shikibu.
Haiku - Isang uri ng maikling tula na may talunturang 5-7-5 na naglalarawan sa isang pangyayari sa kalikasan
Great Wall of China - Pinatayo sa panahaon ni Shih Huang ti ng dinastiyang Qin o Ch'in bilang proteksyon sa pag-atake
ng mga kalaban.
Civil Service Examination - Isang pagsusulit na kinakailangan na maipasa para makapaglingkod sa pamahalaan.
Mga Dakilang Imbensyong Tsino
 Papel
 Pulbura
 Woodblock Printing
Iba pang kontribusyon:
 Acupuncture
 Feng Shui
 Silk o Seda
Panuto: Basahin mabuti ang mga tanong. Piliin ang tamang sagot at isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong papel.

1. Ito ay naglalaman ng 282 na batas na pumapaksa sa halos lahat na aspeto ng araw-araw na buhay sa
Mesopotamia.
A. Code of Mahabharata C. Code of Genji
B. Code of Nam-Ur D. Code of Hammurabi

2. Ang lahat ay kontribusyon ng kabihasnang Tsino maliban sa isa.


A. Papel C. Pulbura
B. Decimal System D. Woodblock Printing

3. Ito ay koleksyon ng mga kwentong Indian. Karamihan sa mga kwentong ito ay pinangungunahan ng mga
hayop bilang pangunahing tauhan.
A. Genji Monogatari C. Panchantantra
B. Epic of Gilgamesh D. Mahabharata

4. Ano ang tawag sa templo na kung saan ginaganap ang pagpaparangal at pagsamba sa diyos o patron ng mga
sinaunang tao?
A. Ziggurat C. Great Wall of China
B. Taj Mahal D. Pyramid

5. Tinatawag din itong “Agham ng buhay”. Ito ay isang mahalagang kaisipang pangmedisina sa India.
A. Ayurveda C. Mahabharata
B. Vedas D. Panchantantra

6. Ang istraktura ng China na nagsisilbing harang at proteksyon laban sa mga mananakop, nagsisilbi itong
simbolo ng kabihasnang China.
A. Taj Mahal C. Ziggurat
B. Great Wall of China D. Hikone Castle

7. Ito ay koleksyon ng sagradong teskto lalo na sa paniniwalang Hinduismo na binubuo ng apat na aklat.
A. Code of Ur-Nammu C. Vedas
B. Panchantantra D. Ramayana

8. Pinakaunang obra na fiction ng panahong Heian at unang nobela sa daigdig tungkol sa lady-in waiting na si
Murasaki Shikibu.
A. Boshido C. Epic of Gilgamesh
B. Panchantantra D. Genji Monogatari

9. Ang lahat ay kontribusyon ng kabihasnang sa Kanlurang Asya maliban sa isa.


A. Zodiac Signs C. Gulong
B. Acupuncture D. Araro

10. Isang pagsusulit na kinakailangan na maipasa para makapaglingkod sa pamahalaan.


A. Union Public Service Commission C. Civil Service Examination
B. National Achievement Test D. College Entrance Examinations

You might also like