Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Filipino ang Wika ng Maunlad na Bayan

Ni Pat Villafuerte

Mahina\ banayad\ pigil yaong tinig


Pilit na tumitigha\ ngunit di manaig
Pinid yaong dibdib\ gapos ng panlupig
Ay\ wala na…..wala\ tinig ng pag-ibig

Sinisikil ang tuwa,pinipigil ang galak


Kinukuyom ang galit\ takot ang ginanyak
Panganib\ pangamba\ at pagkawakawak
Nakamasid sa lipunang warak

Mangyari ang dila, ang bibig, ang tinig


Nakatikom\ takot\ di makasambit
Mangyari ang wika ay hindi maisatitik
Nauumid\ namamaos\ nawawala ang tigatig

Ito ba ang wikang mula sa silangan?


Minana ng lahing malayo’t mayaman?
Pinuhunan ng pawis, luha’t dugong mahal
Ano’t ngayo’y mawawagli\ di maitighaw

Anong wika bai tong sinasambit-sambit


Sa nayon\ sa lungsod\ sa bayang kahapis-hapis
Anong wika bai tong mandi’y nananangis
Gapos-tanikalang walang bahid dungis

Wikang Filipino Pundasyon ng tanan


Ng angkang magigiting\ matatag\ marangal
Wikang salalayan\ kulturang Dalisay
Wikang salaminan ng lipunang may dangal
Unti-unting namumulat\ nagigising
Ang wikang kumawala sa tinig kong dumaraing
Malamyos\ makinis\ malambing\ mataginting
Wikang Filipino larawan ng tanging giting

At sumibol\ at umunlad ang wikang ating-atin


Inaruga\ pinayabong\ pinayamang walang tigil\
Dayuhang manunubos\ dumating……. dumating.
Hinalay ang wika kong walang lubay sa pagdaing

Binago ang wika\ binawasan\ dinagdagan\


Sumanib ang kulturang dayong-dayong ang larawan
Wikang Filipino’y nagtataka\ umaasan
Ano’t baya’y di kumibo\ di nag lahad ng dahilan

Dahil ba ang wika’y busabos kung ituring?


Tulad ng bayan kong inandukha ng hilahil
Wikang Filipino’y kailan pa magigising
Sa pagkakaidlip\ libingan ng kahambing

Dumagsa ang mga aklat\ mga paaralang bayan


Talino’y nag tagisan\ talsik sa isipan.
Batas ng Diyos\ batas ng tao’y binigyang-katarungan
Wikang Filipino ang tanging pinuhunan

Boys girls
front line back line
maricar

You might also like