Rizal

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Si 

Dr. José Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda [1] (19 Hunyo 1861– 30 Disyembre 1896)
ay isang Pilipinong bayani at isa sa pinakatanyag na tagapagtaguyod ng pagbabago sa Pilipinas
noong panahon ng pananakop ng mga Kastila. Siya ang kinikilala bilang pinakamagaling na
bayani at itinala bilang isa sa mga pambansang bayani ng Pilipinas ng Lupon ng mga
Pambansang Bayani.[2]
Ipinanganak si Rizal sa isang mayamang angkan sa Calamba, Laguna at ikapito siya sa labing-
isang anak ng mag-asawang Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at Teodora Morales
Alonzo Realonda y Quintos. Nag-aral siya sa Ateneo Municipal de Manila, at nakakuha ng
diploma sa Batsilyer ng Sining at nag-aral ng medisina sa Pamantasan ng Santo
Tomas sa Maynila. Ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Universidad Central de
Madrid sa Madrid, Espanya, at nakakuha ng Lisensiya sa Medisina, na nagbigay sa kanya ng
karapatan na magpraktis ng pagmemedisina. Nag-aral din siya sa Pamantasan ng
Paris at Pamantasan ng Heidelberg.
Isang polimata si Rizal; maliban sa medisina ay mahusay siya sa pagpinta, pagguhit, paglilok at
pag-ukit. Siya ay makata, manunulat, at nobelista na ang pinakatanyag sa kanyang mga gawa ay
ang nobela na Noli Me Tángere, at ang kasunod nitong El filibusterismo.[note 1][3] Poliglota din si
Rizal, na nakakaunawa ng dalawampu't dalawang wika.[note 2][note 3][4][5]
Itinatag ni José Rizal ang La Liga Filipina, na samahan na naging daan sa pagkabuo
ng Katipunan na pinamunuan ni Andrés Bonifacio,[note 4] na isang lihim na samahan na
nagpasimula ng Himagsikang Pilipino laban sa Espanya na naging saligan ng Unang Republika ng
Pilipinas sa ilalim ni Emilio Aguinaldo. Isa siyang tagapagtaguyod ng pagkakaroon ng sariling
pamahalaan ng Pilipinas sa mapayapang paraan, sa halip na isang marahas na pag-aalsa na
susuporta lamang sa karahasan bilang huling paraan. [7] Naniniwala si Rizal na ang tanging
katuwiran sa pagpapalaya sa Pilipinas at pagkakaroon nito ng sariling pamahalaan ay ang
pagbabalik ng karangalan ng mga mamamayan,[note 5] at winika niya "Bakit kalayaan, kung ang
mga alipin ngayon ay magiging maniniil ng hinaharap?"[8] Ang pangkahalatang napagsang-
ayunan ng mga dalubhasa sa buhay ni Rizal ay ang pagbitay sa kanya ang nagtulak upang
magsimula ang Himagsikang Pilipino.

You might also like