Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 11

Modyul 3

Mga Pelikulang Hinggil sa


Isyung Pangkasarian

PAN02
Sinesosyedad
Pe

Ito ang inyong


Unang Modyul!

San Mateo Municipal College


Ang Modyul na ito ay Kombinasyon ng
Gen. Luna St. Guitnang Bayan I, San Mateo, Rizal synchronous & asynchronous learning
para sa dalawang linggo

Rhea P. delos Santos


rhei101010@gmail.com
09325379098

October 5, 2020
Date Initiated

October 19, 2020


Date of Completion
Pangalan ng Kurso Sinesosyedad/ Pelikulang Panlipunan
Kowd ng Kurso PAN02
Kredit ng Kurso 3 Yunit

 Sanggunian
 Guiterrez- Ang, Jaime, “Sinesosyedad: Isang Manwal sa Pagbasa at Pagsusuri ng Pelikulang
Filipino,Mindshapers Co., Inc 2020
 Villafuerte, Patrocinio. “ Panunuring Pampanitikan ( Teorya at Pagsasanay), Mutya Publishing
House. Valunezuela 2020
 Pinoyweekly.org o facebook.com/ pinoyweekly.org
 Manilatoday.net
 Xmovie8.tv / gomovies.to/ watchmovies.info

Pagtatakda ng Modyul

I. Ika-5 hanggang 19 ng Oktubre, 2020 Sychronous Meeting at Asynchronous


Learning
II. Para sa asynchronous learning, maaari akong kausapin sa pamamagitan ng aking FB account, messenger
o email.

Mga Layunin

1.Maipaliliwanag ang piling teorya sa pagsusuri ng pelikulang panlipunan.


2.Matukoy ang mga pelikulang panlipunan na may kaugnayan sa isyung pangkasarian na makabuluhan sa
kontekstong Pilipino.
3.Mabibigyang-halaga ang pagkakapantay-pantay at paggalang sa kapwa bilang kasapi ng isang
pamayanan, bansa at daidigdig.

Pangkalahatang Ideya

.Sa Modyul na ito pagtutuunan ng pansin ang iba’t ibang isyu at hamon sa kasarian at lipunan. Naglalaman
ito ng mga gawain nahahamon sa kaalaman at kasanayan ng mga mag-aaral na masuri at maunawaan ang usaping
may kinalaman sa sa kasarian at lipunan na malinaw na inilalarawan sa mga pelikulang lokal at dayuhan.
Makakatulong ang pang-unawang ito na malinang sa iyo ang kasayanang masuri ang mga pelikulang
tumatalakay sa isyung may kinalaman sa kasarian. Malilinang din sa mga ma-aaral ang pagpapahalaga sa
pagkakapantay-pantay at paggalang sa kapwa bilang kasapi ng isang pamayanan, bansa at daigidg.
Susuriin at tatalakayin sa araling ito ang mga halimbawang pelikulang ang tema ay may kaugnayan sa mga
isyung pangkasarian na umiiral sa kasalukuyan.

Paglalayag ng Kaalaman
Aralin 3: Pelikulang Hinggil sa Isyung Pangkasarian

GAWAIN 1! Simbolo, Hulaan Mo!


Panuto:Subukan mong sagutin kung ano kahulugan at ipinahihiwatig ng mga sumusunod
na simbolo.

Mga Gabay na Tanong


1.Ano ang ipinahihiwatig na mensahe ng mga simbolo?
2.Ano ang naging batayan mo sa daglian mong pagtukoy sa kahulugan ng bawat simbolismo?
3.Bakit sa palagay mo ganito ang ginamit na simbolo?Ipaliwanag.

Panimula
Nananatiling malaking isyu at hamon ang pagkapantay-pantay ayon kasarian. Sa Pilipinas, kahit malayo na ang
narating ng mga kakababaihan sa larangan ng pulitika, negosyo, media, akademya, at iba pang larangan;nananatiling
biktima pa rin sila ng diskriminasyon at karahasan.Ngunit hindi lamang sila ang nahahrap sa diskriminasyon at karahasan,
maging aang mga lalaki ay biktima rin nito. Panghuli, ang tinawag ni Hillary Clinton na (2011) na “invisible minority” ay ang
mga LGBT, ang kanilang mga kwento ay itinago, inilihim at marami sa kanila ay itinago dahil sa takot. Marami sa kanila ang
nahaharap sa malaking hamon ng pagtanggap at pagkapantay-pantay sa pamilya, paaralan, negosyo,lipunan at maging sa
kasaysayn.
Ang diskriminasyon ay anumang uri o pag ekslusyon o restriksyon batay sa kasarian na naglalayon o nagiging
sanhi ng hindi pagkilala, paggalang,pagtamasa ng lahat ng kasarian ng kanilang mga karapatan o kalayaan.
Ang karahasan sa mga kababaihan ay hindi bago sa lipunang Pilipino. Ito ay maaaring nangyayari mismo sa loob
ng tahanan subalit inaakala ng iba na ito natural lamang at bunga ng paggiging mahina ng kababihan. Ang kababaihan man
sa Pilipinas o sa ibang bansa ay nakakaranas ng pang-aalipusta, hindi makatarungan at di pantay na pakikitungo at
karahasan. Ang kababaihan ay umiiral noon pa sa iba’t ibang kultura at lipunan sa daigdig.
Ano ang Feminismo, Gender Equality at Equality?
Sa sanaysay ni Isko Magtanggol na kanyang hinango mula sa akda ni Isagani Cruz na “Ang Kabastusang ng mga
Pilipino , binigyang-diin niya ang “feminismo” ay isang kilusang naglalayong isulong ang pagkapantay-pantay ng lalaki sa babae sa
aspetong political, sosyal, ekonomikal. Sa madaling salita layunin ng feminism nag awing pantay ang mga turing sa mga babae at
lalaki.Ang gender equality ay pantay na pagtingin at pagkilala sa sinoman na hindi alitana ang kanyang kasarian at sekwalidad. Upang
madaling maintindihan,binigyan niya ng paliwanag ang pagkakaiba ng kasarian (gender )at sekwalidad ( sexuality). Ang Sekwalidad
(sexuality) ay ang biolohikal o siyentipikal na pagpapaliwanag kung ba ay ipinanganak na babae o lalake, ayon sa reproductive organ
na mayroon ka pagkasilang. Sa madaling sabi, kinategorya ang iyong pagkalalake at pagkababae sa kung aano ka sa paliwanag ng
agham. Sa kabilang banda, ang Kasarian( Gender) naman aayon sa sikolohiya, ang sekwal na orientasyon mo bilang isang indibidwal.
Ito ang iyong personal na pananaw o persepyon at kagustuhan ( prefenrce) sa pagpili ng iyong sekswalidad . ang ekwalidad ay kung
ano ka at nag kasarian kung sino ka.
Ayon kay Kathy Caprino ng Forbes.com, na binanggit sa sanaysay ni Magtanggol, “Its critical to understand that ‘same’ does
not mean ‘equal’. Mariin niyang ipinaliwanag na maagkaiba ang pagkakapareho ( sameness) sa pagkapantay-pantay ( equality).
Ito y dahil marami sa atin ang, kabilang na silang mga sinasabing mga feminist sila ay hindi lubusang nauunawaan ang nais
iparating ng feminismo. Nagkaroon ng misinterpretasyon sa kung ano ang dapat mong ipaglaban kung feminist ka. Hindi dahil sa
isinusulong mo ang Feminsimo ay isusulong mo lang kaarapatan ng mga kababaihan. Marahil, dahilan ng misinterpretasyong ito ay
dahil sa “ Feminism” ang tawag s kilusang ito, na ang salitang ugat ( rootword) ay ang “ feminine” na maiuugnay sa kababihan. Oo,
totoong ang mga kababaihan ang nagsulong ng Feminmo ngunit dapat ipanunawa sa lahat ang layunin ng Feminismo ay isulong ang
pantay na pagtingin sa kababaihan at kalalakihan. Gaya ng sinabi ni Caprino, magkaiba ang sameness sa quality. Hindi layunin ng
feminismo na ipagsigawan na may parehong nagagawa ang babae at lalake. Gaya ng paghahawak ng isang negosyo, pagtatrabaho
o pagbabanat ng buto at iba pa.sa halip, kilalanin ng “ distinction” na mayroong kababaihan na wala ang kalalakihan. Gaya ng
pagdadalang-tao. Ang mga babae lamamg ang may kakayahang magbuntis. Ngunit hinid ibig sabihin na nakalalamang na ang babae
sa lalaki, bagkus, ang equality o pagkapantay-pantay na siansabi rito a ang pagkakaroon ng pantay na pagkilala sa kababaihan at
kalalakihan at pagkilalasa mga kaya nilang gawin.
Dapat lamang na maunawaan na ang Gender Equality ay isnulong bago pa umusbong ang mga kasapi natin mula sa LGBTQ(
Lesbian, Gay< Bisexual, Transgender, Queer) Community. Sa madaling salita, Gender o Sexuality Equality man, ang layunin lamang
nito ay isulong ang pagkapantay-pantay ng bawat isa, ikaw man ay babae, lalaki lesbian o gay at kung anopaman. Ang
Gender/sexuality equality ay ang pagkakaroon ng pagkapantay-pantay ng pagtingin na isinasantabi aang kasaarian at sekswalidad.
Sabi nga ni Prashansha Singh, “ Standing in support of GENDER EQUALITY automticlly means you support feminism, but the
opposite case might not be true. Feminism is a part of equality and not gender equality itself.” Kapag naniwala ka at isunusulong mo
ang gender equality, awtomatikong itinataguyod mo rin ang paniniwala sa feminismo. Gayunpaman, hindi dahil sinusuportahan mo
ang feminism, ay sinusuportahan mo na rin ang Gender equality. Bahagi ang Feminismo ng Gender Equlity ngunit hindi ito ang
mismongb gender Equality. Dagdag pa nga ni Singh, “Those who are using feminism synonymous to gender equality should
understand that Feminism is not the equality of sexes. Feminism is actually a part of gender equality movements.Our fight for equality
is evolving and is more complex than ever. We are not being true to the essence by calling feminism the movement for gender
equality.
Higit sa feminismo at gender equality, ang pinakakailaangan natin ay ang pagkapantay-pantay o equality. Walang saysay ang
pagtataguyod natin ng pagkilala sa kakayahanng kababaihan at kalalakihan, oa ng pagsulong natin sa pagkapantay-pantay nating
lahat bilang tao. Ang kailangan natinay isang lipunang may paggalang, pagkilala at pagkakaroon ng pantay na trato sa bawat isa,
anomang uri, lahi, kulay, wika, antas sa lipunan, kasarian at sekwalidad o kakayahan nila bilang isang indibidwal.

Pagbasa, Pagkatuto at Pagtanggap sa Pelikulang Filipino: Mga Artikulo,


Rebyu at Pagsusuri
Ang kritisimong pampelikula ay isang uri ng pag-aanalisa na ang layunin ay husgahan ang pelikula sa kanyang
kabuuan maliban lang sa kasiyahan na dulot nito.
Ang kritisisimong pampelikula ay isang gawain na hindi para sa lahat ng manonood dahil ito ay gawaing intelektwal
ng nagpakadalubhasa sa pag-aaral ng pelikula.
Kaya’t ang kritisismo ay hindi katulad ng pagpapahalaga sa pelikula na para sa pangkalahatang manonood.
Ang mga mag-aaral ng pelikula, mga mag-aaral ng komunikasyon, manunulat, mga intelektwal ng pelikula ang mga
may karapatan na magsulat ng kritisismo.
Ang kritisismo ay iba sa rebyu; sa kritisismo importante na may alam ka o dalubhasa ka sa mga teorya ng pelikula;
sa rebyu sinasabi mo na maganda at panoorin nila ang pelikula na hindi mo na kailangan pa ng teorya upang hikayatin ang
mga manonood.
Halimbawa at “ magbasa at “ magsuri” tayo ng mga piling –piling pelikulang panglipunan.

Pelikulang Feminismo
1. Bata, Bata Paano ka Ginawa ( 1998)
Direksyon: Chito Rono
Prodyuser:Star Cinema
Mga Artista: Ms.Vilma Santos, Albert Martinez, Ariel Rivera, Carlo Aquino at Serena Darymple
Sumulat:Lualhati Bautista/ Ricky Lee
Direksyon
Ang “Bata, Bata...Pa’no ka Ginawa? ay isang pelikulang hango sa nobela ng isang premyadong manunulat na si
Luwalhati Bautista.
Ang istorya ay umiikot sa mga kababaihan noon sa pawing naging sunudsunuran lamang sa mga asawa nila o sa
mga kalalakihan. Noon madalas Makita ang mga kababaihan na gumaganap lamang bilang ina o asawa ngunit nag-iba ang
lahat nang mabuksan ang mga tanggapan para sa mga babaeng naabuso o nanakawan ng karapatang pantao.
Dito tinatalakay ang buhay ng isang makabagong ina kung saan siya ay nagtatrabaho at hindi na katulad ng tipikal
na ina na laging sa bahay na lamang, si Lea ay may dalawang anak, isang babae at isang lalaki. Makikita sa pelikulang ito
kung paano isabuhay ng isang ina ang pagiging magulang sa kanyang mga anak sa makabagong panahon.
Naging pelikula rin ang mahabang istoryang ito sa pangunguna ng batikang aktres na si Vilma Santos, bilang Lea ,
noong 1998 at sa direksyon ni Chito S. Rono.

Buod
Nagsimula ang istorya sa pambungad na pagtatapos ng kaniyang anak na babaeng si Maya mula sa kindergarten.
Nagkaroon ng palatuntunan at pagdiriwang. Sa simulaa, maayos ang takbo ng buhay ni Lea- ang buhay niya na may
kaugnayan sa kaniyang mga anak, sa mga sa mga kaibigan niyang mga lalaki, at sa kaniyang pakikitungo sa pagiging
isang ganap na lalaki.
Subalit lumalaki na ang mga anak niya at nakikita niya ang mga pagbabago sa mga ito. Naroon na ang mga
hakbang sa pagbabago ng mga pag—uugali ng mga ito: si Maya sa pagiging paslit na may kuryosidad, samantalang si Ojie
sa pagtawid nito patungo sa paggiging isang ganap na lalaki.
Dumating ang tagpuan kung kalian nagbalik ang dating asawa ni Lea upang kunin at dalhin sana si Ojie sa Estados
Unidos. Naroon ang takot niyang baka kapwa kuhanin na ang kaniyang mga anak ng mga ama nito. Kailangan niya ring
gumugol ng panahon para sa trabaho at sa samahang tinutulungan niya.
Sa bandang huli, nagpasya ang mga anak niyang piliin siya- isang pagpapasyang hindi niya iginiit sa mga ito. Isa
ring pagtatapos ng mga mag-aaral ang laman ng huling kabanata, kung saan panauhing pandangal si Lea. Nagbigay siya
ng talumpati na ang paksa kung paano umiiral ang buhay, at kung paaano sadyang kay bilis ng panahon, na kasingbilis ng
paglaki, pagbabago, at pag-unlad ng mga tao. Nag-iiwan siya ng mensahe na hindi wakas ang pagtatapos mula sa
paaralan sapagkat iyon ay simula pa lamang ng mga darating pang mga bagay sa buhay ng isang tao.

Sinematograpiya
Bawat galaw ng kamera ay siguardong tiyak at masining. Ang bawat anggulo ay tama lamang ang bawat galaw,
ang layo at lapit ng kinukuhanan na nais nating Makita. Naging maayos din ang timbang ng liwanag at dilim sa pag-iilaw.
Dahil ditto malinaw at maayos na naiparating sa mga manunuod ang tunay na mensahe at mga naging damdamin
sa bawat eksena. Tumatak ang pelikulang ito sa isipan ng mga manonood dahil sa perpektong pagkuha ng mga
kaganapan. Hindi ka na maguguluhan sa biglang pag-iba ng anggulo ng kamera spagkat malinis ang pagkuha ng
kaganapan. Naging maayos at perpekto ang lahat. Matagumppay nitong naisalarawan ang nilalaman sa pamamaagitan
ng pag-iilaw, komposisyon , galaw at iba pang bagay na kaugnay sa teknik.

Disenyong Pamproduksyon
Bumagay ang mga kagamitang ginamit sa daloy ng kwento. Naisakatuparan sa mailing paraan ang pook, tagpuan,
make-up, kasuotan, kagamitan na nagpapalitaw ng panahon at tunay na emosyon.
Makikita dito na hindi ganoong mayaman ang pamilya ni Lea. Naging tama ang mga kausotang ginamit sa bawat
eksena dahil ayon ito sa estado ng kanilang mga pamumuhay.
Tulad na lamang ni Raffy at ni Elinor, may kaya sila sa buhay kaya’t makikita dito na mas ayos ang kanilang
kasuotan kaysa kina Lea bagama’t medyo may kasimplehan.
Ang mga lugar naman na ginamit sa bawat kaganapan ay makikitang naging angkop sa bawat pangyayari,
simpleng bahay ni Lea, paaralang pinasukan nina Maya at Ojie, ang pinagtatrabahuhan ni Lea at pati na rin magandang
bahay nina Raffy.
Tamang-tama ang tema sa panahon na ito. Ang komplikasyon ng oras sa pamilya at sa trabaho, mga taong hindi
mo lahat mapapasaya, may masayang araw, at mayroon ding hindi.

Pag-eedit
Hindi matatawaran ang kagalingan ng paag-eedit ng pelikulang ito. Maayos ang pagkaka-edit nito bagamat nag-
iiba ang pokus ng kamera hindi natin mapapansin agad-agad ito. Nagawang mapagdugtong-dugtong ang magkakaputol na
pangyayari, at naging malinaw at malinis naman ang mga detalye ng pelikulang nabanggit.
Hindi naapektuhann ang nais iparating ng director at ng mga gumaganap. Malinaw nitong pinaakitid o pinalawak
ang oras , galaw at kalawakan. Naging madali ang pag-iintindi s pelikula. Tunay na naging matagumpay ang pelikulang
ito.

Erotisismo ng salita at imahen


by  rolandotolentino
Rebyu ng Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa (Alvin Yapan, 2011)

Imahen mula sa  http://sinebahaghari.pelikula.info/wp-content/uploads/2012/02/Ang-Sayaw-ng-Dalawang-Kaliwang-Paa-


OST.jpg

Sa indie cinema, madalas ay dalawa lang ang modelo—komersyal na umaalinsunod sa template ng genre at
narrative development, na may kalkuladong talas dahil indie cinema nga, at mataas na production value, tulad ng sa
komersyal na pelikula; at neorealismo na isang-araw-sa-buhay na may kapasidad makapagbigay ng hayag na panlipunang
komentaryo, nanggigitata sa pang-araw-araw na detalye, at open-ended na pagsasara ng naratibo.
May ipinapakilala, marahil ikatlong modelo, si Alvin Yapan sa kanyang Ang Sayaw sa Dalawang Kaliwang Paa , ang
literary mode.  Sa isang banda, nasa lebel ng abstraksyon at metapisika ito, o may kapasidad na tumalakay sa unibersal at
transhistorikal na katotohanan at tema tungkol sa buhay at pag-ibig.  Sa kabilang banda, dahil nakaugat ang piniling
panitikan sa kulturang Filipino, ito ay nakaangkla sa panlipunan at historikal na kondisyon ng bansa—sa pelikula, ang
kontemporaryong bansa.

May kakayahan ang literary mode na pansamantalang idiskarga ang bagahe ng indie cinema—bilang anti-tesis ng
komersyal na pelikula, ang pagmamarka ng kontraryong posibilidad sa indie kahit na komersyal ang trajektori o/at
panuntunang makapagbigay ng panlipunang komentaryo—at tumalakay ng aspekto ng pagkamamamayan at pagkabansa
na wala (pa) sa anino nito.

Umuubra at nagtatagumpay ito dahil ang pusta ay nasa lebel ng idea at konsepto, parang kung at baka sakali lang,
ganito naman ang mapapag-usapan…   Sa pagtahak ni Yapan, bilang scriptwriter at direktor, sa literary mode, lumalabas
na figuratibo ang mga karakter at ang kanilang tunggalian sa buhay:  isang maestra ng panulaan at sayaw na namumuhay
mag-isa pero kumukuha ng lakas sa imahinaryo ng sapilitan pero temporaryong komunidad ng mga klase; isang
mayamang estudyanteng lalake na naghahangad makapuntos sa guro at ginamit ang kakayahan para makapasok sa klase
sa sayaw din nito; at isang mahirap na estudyanteng lalake na may pagnanasa sa mayaman na kaklase.

Tanging sa panitikan at sayaw sila nakakapag-usap, o double-speak.   Gamit ang pagbigkas at pagtalakay sa mga
feministang tula, ang erotisismo ng salita at imahen ang kinakasangkapan para makapaglahad ng tunay na damdamin sa
isa’t isa.  Sa pelikula, ang double-speak ay nangyayari sa pamamagitan ng parallel editing ng dalawang eksena: ang
eksena na binibigkas ang tula, at ang eksena na siyang kontexto ng pagbigkas ng tula.
Hindi nila masabi ang tunay na saloobin sa isa’t isa.  Sa tula, nailalahad ito, at sa sayaw, nakikita ito.  Abstraksyon-
kontextualisasyon-abstraksyon na hanggang sa huling eksena ng pelikula, ang unrequited love ng mahirap na lalake, si
Dennis, sa insensitibong mayamang lalake, si Marlon, ay may katugunan sa epikong sayaw ng Humadapnon—ang girian at
digma ay nagtapos sa close-up shot ng dalawa na hindi gumagalaw, maliban sa lumabas na isang patak ng luha ni Marlon.

Imahe
n mula sa http://pinoyweekly.org/new/wp-content/uploads/2012/05/sayaw-ng-dalawang-kaliwang-paa.jpg

May ilang isyu na tinutukoy ang pelikula:  ang makauring isyu ng kaibahan ng individual na ahensya nina Marlon at
Dennis, at ang kaibahan ng rekurso sa kanilang predikamento at damdamin; at ang queer na paggamit sa feministang tula
nina Rebecca Anonuevo, Joi Barrios, Merlinda Bobis, Ophelia Dimalanta, Ruth Elynia Mabanglo at Benilda Santos bilang
dalumat ng pag-aangkat ng tunay na damdamin, lalo na ng homoerotisismo ng dalawang lalake.

Ang kapangyarihan ng literary mode ay ang kapasidad nitong gawing abstrakto ang naratibong kondisyon, at kung
gayon, magkaroon ng espasyong makakahinga mula sa lipunan at kasaysayan.  Ang limitasyon nito ay nasarhan ang
posibilidad na makalabas sa kulungan ng literary mode, ng mismong panitikan at sining.
Matutunghayan din ito sa pelikula sa one-dimensionality ng mga tauhan, at ang rendering nito sa acting na subtle at
hinahabol sa huling minuto ang transformasyon, na naganap lang ito sa huling dalawang eksena ng pelikula para sa
dalawang lalake.  Hindi ko sinasabing hindi magaling ang mga aktor kundi ang fundasyon ng kanilang pagkatao sa naratibo
ay nakabatay sa figuratibong antas—bilang kapamaraanan ng pagdalumat sa unibersal at transhistorikal na tema.

Sa pelikula, tula, sayaw at sining ang repositoryo ng tunay na damdamin. Ang sandali ng eros at erotisismo ay
nagaganap sa bisa ng pagtingin at pagtunghay, sa pakikipagkapwa ng mga tauhan na tinitimbre ng pagbigkas ng tula at
pagsasayaw.  Hinuhudyat ang eros ng slow motion bilang ritmikong kasangkapan para pahabain ang sensation ng sandali

Alam ni Yapan bilang guro rin ng panitikan ang limitasyon ng literary mode.  Kaya nga sa closing credits, bilang
Brechtian self-reflexive gesture, ay nagpasok siya ng production footage.  Para maiugnay ang naestapwerang panlipunang
antas, pwes, ang paalaala na ang natunghayan ay isang pelikula lang, na ang kontexto ng literary mode ay ang mismong
lipunan at kasaysayan, kasama ang maggagawa nito, na umakda sa pelikula.

Mahalagang interbensyon ang pelikula ni Yapan dahil may inaalok itong bago, at mula rito, maari pang pagyamanin
ang potensyalidad ng literary mode.  Sa dagdag pang bisa ng sinematograpiya ni Arvin Viola, editing ni Mai Dionisio, at
musika nina Christine Muyco at Jema Pamintuan tunay na nagningning ang Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa , at
masasabing mahalagang pelikula ito sa ginintuang edad ng indie cinema.
Unang nailathala sa Lipunan+Kasaysayan+Pagkatao kolum noong ika-2 ng Mayo, 2012, Pinoyweekly.org.
Share this:

Gawaing Pangkaisipan

Para sa synchronous na pagkatuto

TALAKAYIN NATIN!
1. Ano ang ibig sabhin ng kasarian? Feminismo?
2. Anu-anong mga suliranin ang kaugnay ng kasarian ang umiiral sa kasalukuyan? Magbigay ng mga tiyak na
halimbawang sitwasyon.
3. Bigyang-reaksyon ang rebyu na isinulat ni Rolando Tolentino
4. Suriin ang pelikulang “ Bata, Bata Paano ka Ginawa “ batay sa mga element ng pelikula.
5. Ilahad ang mga patunay na ang pelikula ay nagpapakita ng feministang pagtingin /teorya.Ipaliwanag ang
iyong sagot.
GAWAIN 2:
PANUTO: Sa pamamagitan ng drowing ipakita ang mga pagpapahalagang natutunan mo mula sa araling
tinalakay.

Para sa Asychronous na Pagkatuto

GAWAIN 3: SINE SURI!


PANUTO: Panoorin ang pelikulang Everything About Her. Matapos mong mapanood ang pelikulang ito. Gawin
ang mga sumusunod na aktibiti.

1.Gamit ang Teoryang Feminista, magsulat ng 2 hanggang 3 pahinang kritisismo sa pelikula


Everything About Her

2.Pumili ng isang pelikula napanood mo na at suriin ang ito gamit ang teoryang Markismo at
Feminismo.

MARKISMO FEMINISMO
___________________ ___________________
.
___________________ PAMAGAT ___________________
___________________ NG _____________
____ PELIKULA
Pagtataya

I. Ang mga pagsusulit ay mayroong limitadong oras lamang.


II. Ang link sa Mahabang Pagsusulit ay ibibigay sa pamamagitan ng ating group chat na mayroon ding limitadong oras.

Paglalahat

PANUTO: Magnilay nang mabuti. Isulat sa iyong e-journal ang tugon sa mga sumusunod na katanungan.
1. Anong bahagi ng modyul ang nakapukaw sa iyong pansin?

2. Bakit mo naibigan ang paksa o bahaging ito?

3. Paano mo maiuugnay sa iyong pang-araw-araw na buhay ang paksang iyong naibigan?

Naunawaan ko sa araling
itna................. Takdang- Aralin

PANUTO: Magsaliksik ng ilang artikulo tungkol sa mga isyung (5) ma kinalaman sa kalagyan ng ating mga Overseas
Filipino Worker ( OFW) sa buong mundo. Magbigay ng mungkahi kung paano mabbigyang-solusyon ang ganitong uri ng
mga suliranin sa lipunan.

Mga Isyu o Pangyayari Mga Mungkahing Solusyon


1.
2
3.
4
5.

Sanggunian

 Guiterrez- Ang, Jaime, “Sinesosyedad: Isang Manwal sa Pagbasa at Pagsusuri ng Pelikulang


Filipino,Mindshapers Co., Inc 2020
 Villafuerte, Patrocinio. “ Panunuring Pampanitikan ( Teorya at Pagsasanay), Mutya Publishing House.
Valunezuela 2020
 Pinoyweekly.org o facebook.com/ pinoyweekly.org
 Manilatoday.net
 Xmovie8.tv / gomovies.to/ watchmovies.info
 https://www.slideshare.net/jazzdaweyur/isyu-sa-kasarian
 https://iskomagtanggol.wordpress.com/2018/10/15/ano-ang-feminismo-gender-equality-at-equality/
 https://counterparallel1.rssing.com/browser.php?indx=2828474&item=64

You might also like