Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

A.

Pinaniniwalaang Relihiyon o Pananampalataya

1. Anong relihiyon o pananampalataya ang iyong pinaniniwalaan?


~ isang relihiyon at pananampalataya lamang ang aking pinaniniwalaan at yun ay ang Relihiyong
Katoliko. At ang aming matatag na pananampalataya sa poong Maykapal na si Hesukristo na siyang
dahilan at humubog sa amin para maging mabuting tawo.

2. Sino o ano ang nakaimpluwensiya sa iyo upang yakapin ang nasasabing pananampalataya o relihiyon?
~ ang taong nag impluwensiya sa akin para yakapin ang pagiging Katoliko ay ang aking lola, sa kaniya ko
nakita kung gaano kabuti ang epekto kung totoo ang iyong paniniwala sa nasabing Relihiyon.

3. Paano naimpluwensiyahan ng relihiyon o pananampalataya ang mga pananaw mo sa buhay?


~ binago nito ang pananaw ko sa aking buhay, nakatulong ito upang maging matatag ako sa kahit anong
hamon man ang dumating sa aking buhay. Dahil sa pananalig at tiwala na ibinigay ko sa relihiyong ito at
sa pinaniniwalaan namin na si Hesukristo masasabi ko na walang imposible sa mundo.

4. Naniniwala ka bang mayroong mabuting epekto o maidulot ang relihiyon o pananampalataya sa tao at
bansa? Kung oo, ano-ano ang mga ito?
~ Opo, ako ay naniniwala na mayroong mabuting epekto o maidudulot ang relihiyong Katoliko hindi
lamang sa ating sarili kundi maging sa buong mundo. Marami at iba iba ang pwedeng maidulot nito,
sapagkat ako ay naniniwala na ito ang humubog sa akin para maging mabuting tao at mamamayan
tungo sa aking kapwa. Dito ko natutunan na hindi mahalaga ang pera, kundi ang respeto sa bawat isa.
Hindi ang mapagmataas sa kapwa kundi ang pantay na pagtingin sa iba. At higit sa lahat ang hindi basta
bastang pagsuko sapagkat kapag may Diyos lahat ay magagawa, walang imposible at lahat ay makakaya.

B. Pinaniniwalaang Pilosopiya o Kaisipang Asyano

1. Anong pilosopiya o kaisipang Asyano ang iyong nagustuhan at pinaniniwalaan? Bakit?


~Lahat ng tao sa Asya ay may kanya-kanyang uri ng pamumuhay. paniniwala, relihiyon, at
pilosopiya, ito ay nagtuturo sa atin ng mga kasanayan sa buhay. Ang isang Pilosopiya na tumatak sa akin
ay “kung nais mo ang isang bagay na hindi mo pa nakuha, dapat kang maging handa na gumawa ng
isang bagay na hindi mo pa nagawa”, ito ay nagustuhan ko sapagkat ito ay isang mahusay na paalala na
dapat nating laging handang subukan ang mga bagong bagay kung nais nating makamit ang ating mga
layunin. Hindi tayo maaaring umupo at maghintay para mangyari ang mga bagay, kailangan nating
lumabas at kumilos upang ito ay mangyari.

2. Mayroon ka bang sariling pilosopiya sa buhay? Ano ito?


~ Aking sariling pilosopiya ay “Sa buhay huwag matakot na magkamali, mabilis na bumangon at
matuto, upang mabilis din ang pagkamit sa ating mga pangarap”.

3. Nagkaroon ba ng impluwensiya ang nasabing pilosopiya o kaisipan sa buhay mo? Kung oo, ano- ano
ito? Ibahagi ang iyong sagot.
~ Opo, Ito’y isang paalala ko sa aking sarili na kapag nagkamali huwag kaagad sumuko, huwag
dapat huminto sapagkat sa pagkakamali nagiging mas matatag tayo bilang indibidwal, kailangan lamang
na sa bawat pagkakamali ay may natututunan ng sa gayon pangarap ay makamtan.

4. Mahalaga ba sa buhay ng isang indibidwal ang pagkakaroon ng pilosopiya? Bakit?


~Opo, napakahalaga sa ating buhay ang pagkakaroon ng pinaniniwalaang pilosopiya sapagkat ito
magsisilbing gabay natin kung paano tayo kumilos at makihalubilo sa ating kapwa tao. Pilosopiya din ang
isa sa bumubuo ng ating sariling paniniwala na ating sinusunod upang tayo ay kumilos ng maayos at
marangal. Pinapalawak din nito ang ating kaisipan at emosyonal na intelektwal, nakaktulong din sa atin
upang mag self-refelct lalong lalo na sa paggawa ng desisyon, kung ito ba ay tama o mali at kung ano ba
magiging epekto nito sa atin.

Alkin Bryle B. Noquilla

You might also like