Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

Anchor 2: THIS IS your number one radio station.

<SCC SCC> <sound effect>


Anchor 2: THIS is SCC Radio 97.5
<SCC SCC><sound effect>
Anchor 1: Magandang araw and mabuhay everyone.
<sound effect>
Anchor 2: Magandang araw DJ Zhazha…
Anchor 2: Baling lamig naman dini sa Lucban!
Anchor 1: Ee hindi ka pa nasanay. Kailan ba uminit dini sa Lucban?
Anchor 2: Grabe! ang sarap humigop ng mainit na kape.
Anchor 1: At ang kapartner ng mainit na kape ayyyy….(pause)
Anchor 1: MAINIT NA CHIKA!
<sound effect>
Anchor 2: Yes, DJ Zhazha! Nandito na naman tayo sa ating segment kung sa’n mainit-
init,kahindik hindik, at kakila-kilabot na kwento ang hatid sa atin ng “SCC RADIO:
KNOWING’s SECRET FILES”
<sound effect>
Anchor 1: Ibang segment na naman tayo for today’s broadcast. So far, DJ Papi, anong mga
naging favorite mo sa mga past segments natin?
Anchor 2: Hmmm…… siguro DJ Zhazha, one of my favorites is yung segment natin about sa
love, where magkaklase sila during college days then they broke up and after a few years
nung naging successful na sila ay they find their ways towards sa isa’t isa.
Anchor 1: Alam mo, tama ka diyan DJ Papi. Iba talaga kapag usapang pag-ibig ano? May
maiishare ka ba sa amin, kahit opinion mo lang about sa love?
Anchor 2: Buti hindi experience ang nirequest mo DJ Zhazha, but anyways, ayun, when we
talk about love, isa sa important factor that we need to see is ‘yung consistency ng
ating partner towards us kasi ‘di ba hindi naman everyday ay nararamdaman natin ‘yung
same vibes towards our partner, but at the same time, if consistent ‘yung kanilang
actions, we feel loved pa rin naman.
Anchor 1: Aba! Agree ako diyan. Sa katunayan nga, may kakilala ako, tapos nung una parang
nagkakahiyaan pa sila, nagkakaroon din sila ng kung ano-anong away, pero tingnan mo
ngayon kapag nakikita ko sila, parang hindi na mapaghiwalay. Grabe, iba talaga ang tama
kapag mahal mo ano?
Anchor 2: Tama ka diyan! But sa katunayan, when I was in my Junior high school, eto pala
ay sasabihin ko lang sayo para marinig ng ating mga tagapakinig. May mga kakilala ako
dahil sa love ay tinotolerate nila yung mga partner nila lalo na sa cheating sa exams.
Naku! Do’n talaga yung time na hinahayaan nila yung cheating sa kanilang partner.
Anchor 1: Hindi talaga maiiwasan ang cheating, ano? Alam mo yung opinion ko diyan, parang
nagiging universal law na ng mga tao ang cheating mapatungkol man yan sa love o sa school
works. Naalala ko nga nun dati, hindi naman sa pang-aano ha? Pero hindi talaga ako
nagchecheat. Pero alam mo ‘yun, parang hindi talaga maiiwasan na pagdaanan o maranasan ng
mga estudyante.
Anchor 2: Kung sabagay halos lahat naman talaga before ay nag try n’yan, hindi kumpleto
ang highschool life mo if di mo naranasan ‘yan, DJ Zhazha. Pero ang pag-usapan natin ay
‘yung ating segment for today’s broadcast which is very different sa mga past segments
natin.
Anchor 1: Oo nga‘no? Parang napansin ko din ‘yan, for the past segments natin puro
tungkol sa love, napag-usapan na rin natin ang tungkol sa cheating pero for today, very
different siya since lumayo tayo sa usual theme na nakikinig natin, more on horror
concept tayo ngayon. Nakakatakot pero kapupulutan naman natin ng aral.
Anchor 2: Tama ka diyan! Ayan, so ano pa bang iniintay natin? Atin nang simulan ang
kakila-kilabot na istorya na pinamagatang… Trinomial.

1
TRINOMIAL

PART I

(Sound Effect: Knocking)

Bea: (Sound Effect: Makakatok ang noo ni Kyla) Ay!


Kyla: Aray! Bea naman eh! Mukha ba akong pinto?
Bea: Hahaha oo. Hindi ba obvious.
Kyla: Hoy Bea-ngot! Ano na naman ang ginagawa mo dito?
Bea: Pinapasabi ni tita kung tanda mo pa ba daw ba si Ninang Lyra mo? Yung nasa
London?
Kyla: Hmmm…
Hindi eh. Ang alam ko lang, nung bata pa ako laging may absent sa mga
ninang ko. So siya pala yun.
Bea: Hahahahha luh! Yun pa talaga ang inisip mo ha. So ayun… uuwi daw kasi muna
siya rito para mag-stay. Nagmessage daw siya sayo.
Kyla: Di ko naman yata friend sa FB yun, saka di naman ako nag-oonline.
Bea: Alam ko. Mas hi-tech pa si tita kesa sa’yo eh, hahaha.
Kyla: (Sound effect: Hahampasin sa balikat si Bea ni Kyla)
Che! Ewan ko sa’yo. Ehm pano ‘yun wala akong messenger app. Naghahang yung
phone ko. Sabi ko naman kasi kay mama, ibili na ako ng bagong cellphone.
Bea: Ay pinsan ako ng bahala dyan. Sayo na lang itong cellphone ko. Binili kasi
ako ni Daddy ng bago.
Kyla: Sigurado ka?
Bea: Yes na yes, pinsan!
Kyla: Thank you so much, Beaongot. Hinulog ka talaga ng langit.
Bea: Sira! Hulog ako ng langit! Hulog, hindi hinulog! Di ko na nga ibibigay!
Kyla: Hindi ka naman mabiro, pinsan kong napakaganda na hulog ng langit!
(Magtatawanan)
Bea: Dyaran! Ito na oh.
Kyla: Baka naman may kapalit to ha! Wala akong perang pambayad dito. Magpinsan
tayo pero di mo ako katulad na mayaman.
Bea: Ayan ka na naman sa line mo na “magpinsan tayo, pero hindi mo ako katulad
na mayaman.”
Ang drama mo! Maglog in ka na nga lang.
Kyla: omo! Si… Si…
Bea: Ano? (Bagot na bagot)
Kyla: Si Kennedy…
Bea: Si Kennedy?! Yung Ex mo?! Yung ex mong gago? Yung ex mong pinagpalit ka
sa ibang babae? Yung pinagpalit ka kasi narealize niyang di ka pala
kagandahan?
(Sound Effect: Sasapokin si Kyla) Hoy, Kyla Marinela! Mukha kang timang.
Kyla: Bwisit ka talaga! Anong gagawin ko?
Bea: Gaga! Edi basahin mo yung message niya. Oh ano, bang sabi?
Kyla: Kamusta na daw ako.
Bea: Ano, di mo alam isasagot? Ganto na lang, sabihin mo “Eto buhay pa naman
ako, broken hearted pa rin dahil sa panggagago mo pero kahit na ganun,
mahal pa rin kita”
Kyla: Isa pang asar mo!
Bea: Ang sungit mo naman, akin na nga!
Kyla: Ano ba, akin na! Baka kung ano pa ang ireply mo!
Bea: Luh! Akin na to.
Kyla: Akin na nga yan, sabi e.
Bea: Mabilis lang naman, damot.
Kyla: Isa!
Bea: Hala!
2
Kyla: Ayan tuloy!
Bea: Hahaha ikaw kasi eh. Hala naseen na nya yung like mo hahaha. And look
typing na sya. Which means type ka pa daw niya hahahaha!
Kyla: Gaga! Alam mo pahamak ka talaga.

(Sound Effect: Messenger notification sound, then silence)


Bea(Kennedy’s voice): “Kyla siguro nga galit ka pa rin sakin at hindi naman kita
masisisi. Alam kong nasaktan kita kaya gusto kong humingi ng tawad sayo.
Kung pwede sana magkita tayo.
Please, Kyla gusto sana kitang makita ng personal? Ha?”
Bea: Gagong to! Ngayon pa hihingi ng sorry. Ilang years na ang nakakalipas oh.
Kyla: Bea siguro tama rin naman na mag-usap kami.
Bea: NO! Kyla ano ba? Nakalimutan mo na ba? Niloko ka niya. Ipinagpalit ka
niya sa ibang babae at hindi lang basta babae, sa kaibigan mo pa.
Kyla: Alam ko naman eh. Pero gaya nga ng sinabi mo, ilang years na ang
nakakalipas. Siguro naman ito na ang panahon para mag-usap kami.
Bea: Sige, pero sasama ako!
Kyla: BEA! Ang oa mo ha!
Bea: Worried lang naman eh.
Kyla: Kaya ko to, okay?
(Sound Effect: Transition)
-----------------------------FLASHBACK--------------------------
(Sound Effect: Echo)
Kyla: Kennedy anong pakulo ba to ha? Bagong-bago tong blindfold keme na
to ah. Hahaaha
Kennedy: Kyla naman eh! Lagi ka talagang panira ng moment.
Kyla: Hahaha sorry naman.
Kennedy: Dyan ka lang ah.
Kyla: May pagluhod pa sya non at may pa “WILL YOU BE MY PRINCESS?” pang
nalalaman lolokohin lang rin naman ako. (Pabulong na tila
nagmamaktol.)
Kennedy: Pwede mo nang tanggalin yung blindfold mo.
Kyla: OMG! Pinaiiyak mo naman ako e.
Kennedy: Kyla, bata pa lang tayo crush na kita. Ginawa ko ang lahat para
mapansin mo ako. Kaya nagpapogi ako. Palagi na akong nagrerecite
sa klase pero parang hindi naman effective. Kaya naisip ko na
asarin ka na lang. Kyla, mahal na kita, mahal na mahal kaya…
Kyla Marela Santos, will you be my princess?
Kyla: Yes! Yes I would love to! (Mangiyak-ngiyak)

Kyla: (Sound Effect: Slap Sound) Manloloko ka! Bakit mo nagawa sakin to?
Akala ko ba mahal mo ako? Ha?
Kennedy: Kyla… (Nagmamakaawa)
Kyla: Wag mo akong hahawakan! Sagutin mo ako! Totoo bang may relasyon
kayo ni Erin? Totoo bang niloloko niyo ako ng kaibigan ko?
SAGOT!
Kennedy: Sorry… Lagi ka kasing walang oras sakin at si Erin ang lagi kong
nakakasama.
Kyla: Dahil dun? Takte naman Kennedy! Kaibigan ko yun eh! (Umiiyak)
mahal mo ba siya?
Kennedy: Kyla…
Kyla: (Naiiyak) MAHAL MO BA SIYA? OO O HINDI?
Kennedy: Hindi… ko alam… Siguro. Ewan. Hindi ko talaga alam.
Kyla: (Fake laugh) Wow! Ang gwapo mo naman!!! So nalilito ka? Anong
akala mo samin? Multiple choice sa test? Wag ka ng magpapakita
saking hayop ka! (Sound Effect: Sinampal si Kennedy)
------------------------------END OF FLASHBACK------------------------------

3
Kyla: Gising, Kyla. Iniiyakan mo pa rin yung tao. Ilang taon na ang nakalipas eh.
(Natatawa na naiiyak dahil di makapaniwala sa sarili.)

Jake: Kyla? Ikaw ba si Kyla?


Kyla: Ako nga, bakit?
Jake: Ako nga pala si Jake, pinsan ni Kennedy.
Kyla: Nasan si Kennedy?
Jake: Pinapunta niya ako dito kasi hindi siya makakapunta.
Kyla: Okay, that’s it. Tama nga si Bea, dapat hindi na lang ako pumayag na
makipagkita.
Jake: Kyla, sandali. Makinig ka muna sakin.
Kyla: Bitawan mo nga ako! Close ba tayo?
Jake: I’m sorry but please makinig ka naman muna sakin. Kailangan mong sumama
sakin. Kailangan ka ni Kennedy.
Kyla: Ayaw ko nga! Bakit naman ako sasama sayo? Malay ko ba kung rapist ka pala.
Jake: Kyla hindi ako masamang tao. Ang totoo nyan ako yung kachat mo sa account
ni Kennedy.
Kyla: Ay ang galing! Naniniwala na akong magpinsan nga kayo. Pareho kayong
manloloko! Hindi ako sasama sayo. Alis na ako. Mga bwi…
Jake: Kung sabihin ko sayo na may cancer siya? Sasama ka na?
Kyla: What?
Jake: 2 years ago lang namin nalaman at patuloy pa rin siyang pinahihina ng sakit
niya hangang sa tinanggap nalang ni Kennedy na anytime mamamatay na siya
kaya hindi na sya tumatanggap ng medications.
Kyla: Na..na..nasaan siya? (Naiiyak na.)
Jake: Nasa hospital pa.
Kyla: Dalhin mo ako sa kanya.

NARRATOR: Sa hospital, nakita ni Kyla si Kennedy na natutulog, putla ang bibig, at


kitang-kita ang panghihina nito.
Kennedy: (nanghihina) Kyla…?
Kyla: Kamusta?
Kennedy: Eto, kinakarma na yata. Buti naman at pumayag kang makausap ako… Alam
kong malaki ang kasalanan ko sayo kaya ako naparusahan ng ganito.
(Silence)
Kyla… patawarin mo ako. Patawarin mo ako sa lahat ng kasalanan ko sayo.
Pinagsisihan ko na ang lahat ng ‘yon.
Kyla: Kennedy, inaamin kong sobra akong nasaktan sa ginawa mo, SOBRA-SOBRA…
Pero Kennedy matagal na yon, matagal na kitang napatawad.
Kennedy: (Nahihirapang huminga) Sa… sa… sala…mat Kyla…
(Sound Effect: Electronic vital sign monitor’s beepin sound)
Kyla: Kennedy?!(Iiyak) Please, no. Kennedy!!! Doc! Doc…!!

(Sound Effect: Knocking on the door)


Bea: Kyla…
Kyla papasok na ako ah.
Kyla: (umiiyak)
Bea: Nabalitaan ko yung nangyari kaya ako pumunta dito.
Kyla: Bea… mahal ko pa pala siya. Bakit ganun?
Bea: Tahan na Kyla… naiintindihan naman kita eh. Makakamove-on ka din pinsan.
Ikaw pa! Smile na. Lalo kang papangit nyan.
Kyla: Ewan ko sayo (walang gana)
Bea: Hindi ka ba papasok?
Kyla: Ayaw ko…
Bea: Kyla Marela! Hindi naman pwedeng habang buhay ka magkukulong dito sa
makalat mong kwarto!
4
Tara na, sumabay ka na sakin pumasok.
Kyla: Oo na, oo na!

FIRST COMMERCIAL
Only God knows about our future. (pause with minimal sound effect). Hindi natin alam
ang pagkakataon. Maaaring bukas, sa susunod na araw, buwan, taon ay may
mangyaring masama sa iyo (huwag naman sana). Ang tanong, insured ka na
ba? (sound effect). Ikaw ba ay naghahanap ng insurance plan na pasok sa
iyong budget? Dito ka na! Sa halagang walong daan dalawamput lima kada
buwan, masisigurado mo ang serbisyong angat sa lahat!
Para kay lolo, lola, nanay, tatay, ate, kuya, bunso at syempre para sayo! St. Peter,
presyong sulit, serbisyong abot langit. (sound effect).
Sa karadagang impormasyon bisitahin lang ang aming official website, www.stpeter.com.ph

PART II

(Sound Effect: Nagtatawanan na mga students)

Samantha: Oy tingnan niyo si Kyla, tulala. Bea, anong meron sa pinsan mo?
Bea: Wala, may problema lang yan.
Ellaine: Talagang uunahin mo pa ang makichismis kesa sa assisgnments natin?
Samantha: Ay sorry hahaha. Saang subject ba tayo may assisgnment?
Celestine: Mathematics, Science at P.E. Hulaan ko. Hindi niyo na naman ginawa ang
mga assignments natin ano? Tapos kokopya ulit kayo sakin.
Ellaine: Well, actually that’s the reason kaya maagap kaming pumasok ngayon.
Samantha: Di kasi namin nagawa kagabi kasi galing kami sa birthday party ni James.
Remember the handsome guy from the other section?
Celestine: Oo natatandaan ko, yung crush mo na may crush kay Madeline.
Samantha: Whatever! I don’t care as long as Madeline don’t like him back, I still
have a chance.
Ellaine: So… can you give us your assignment? PLEASE…
Celestine: Ano pa nga ba? Oh, ito na.
Samantha: Thank you friend!
Ellaine: Don’t worry, we’ll treat you later.
Celestine: Di na, noh. Okay na ang thank you sakin.
Carol: Andyan na si Sir.
(Sound Effect: Sound of moving chairs and noises from students)

Sir Philip: Good morning everyone. Gulat kayo ‘no? lalo kayong magugulat sa announcement
ko sa inyo ngayon.

Carol: Is it good news po or bad news?

Sir Philip: Either of the two, depende kung nag-aral kayo dahil… may long quiz kayo
ngayon. Surprise!

Samantha: What the!

Ellaine: This is unfair!

NARRATOR: Walang maisagot ang mga kaibigan ni Celestine. Si Samantha na katabi ni


Celestine ay palihim na sumusulyap sa papel nito. Si Ellaine naman na
nasa likod ni Celestine ay pasimpleng sisipa sa bangko nito para humingi
ng sagot.

Sir Philip: Remind ko lang kayo sa group project na kailangan niyong isubmit bukas.
Goodbye class.
Students: Goodbye, Sir.
Samantha: Guys, paano na yan? Bukas na pala ang deadline ng project natin wala pa
tayong nasisimulan.
Celestine: Nasimulan ko na, konting ayos na lang tapos na natin.
Ellaine: Really?!

5
Celestine: Oo.
Samantha: Oh my god! The best ka talaga Ces. Sorry di na namin naasikaso yung project
natin.
Ellaine: We owe you a lot. Half day naman tayo today, right? So let’s finish our
project later. Teamwork?
Sam & Ces: TEAMWORK!

Carol: Excuse me Sir.


Sir Philip: Oh yes, Carol. Do you need something?
Carol: I just want to report something.
Sir Philip: What is it?
Carol: Uhm, ano po kasi, some of my classmates were cheating po during our long
quiz.
Sir Philip: Are you sure?
Carol: Yes Sir, I’ve seen them so many times po.
Sir Philip: Okay, let’s talk about this on my office.

Sir Philip: Good Morning everyone.


Students: Good Morning Sir.
Sir Philip: I know na aware naman kayong lahat na cheating is not allowed in school
pero may nakapagsabi sa akin na mayroong kopyahan na nangyayari sa klaseng
ito. Totoo ba ang mga ito? Totoo ba ang nabalitaan ko? Ms. Celestine Cruz?
Celestine: Si-Sir?
Sir Philip: Ms. Cruz! Answer me!
Celestine: (Naiiyak) O-opo Sir.
Sir Philip: You are all lucky dahil pinag-aaral kayo ng mga magulang niyo. Huwag niyong
sayangin ang malaking pera na binabayad ng mga parents niyo dito sa school.
Ikaw Celestine, isa ka pa naman sa honor sa klase niyo not only in this
class, at sa iyo pa daw nanggagaling ang sagot nila.
Hindi ko akalaing magagawa mo ito Ms. Cruz, scholar ka pa naman ng
paaralang ito. I’m really disappointed with you Ms. Cuevas, Ms. Lopez, at
lalo ka na Ms. Cruz, gusto kong makausap ang mga magulang niyo bukas,
naiintindihan niyo ba?
Ellaine, Samantha, Celestine: Yes po. Sir.

Sir Philip: Girls, nakausap ko na ang parents niyo. You can now go back to your class.
And btw, Samantha, hindi ko pa nakakausap ang parents ni Celestine. Please,
inform her that I need to talk to her parents within this day. Or else,
she’ll have one-week suspension.
Samantha: Okay Sir.

Ellaine: I can’t believe this, I’m 1-month grounded because of this mess.
Samantha: Same here, but atleast napansin ako ng parents ko. Dati pag may event dito
sa school at pinapapunta ko sila, di sila pumupunta. But now, they’re both
present.
Ellaine: Well, I’m happy for you (sarcasm). Good thing we are not suspended.
By the way, Sam wala ka bang narereceive na message from Ces? Wala pa rin
siya hanggang ngayon.
Samantha: Wala eh, I tried to reach her pero no response until now. Puntahan na lang
kaya natin siya ngayon sa bahay nila?
Ellaine: Good idea ‘cause I’m worried about her.
Kyla: Samantha pinapatawag ka ni Kathleen, may meeting daw kayo.
Ellaine: Yeah sure.

(Sound Effect: Continuous knocking on the door)


Ellaine: Ces? Celestine? Ces! (Sound Effect: Kakatok ulit nang pauli-ulit)

6
Ellaine: Ces? Please answer me. I think you’re here naman e. I’m worried. We are
worried. Hindi nakalock yung door. I’ll go inside na, okay?
Ellaine: Oh my God! Ces you’re bleeding! What are you doing? Please, don’t hurt
yourself. (umiiyak)
Celestine: Ayaw ko na! Gusto ko ng mamatay! Wala na akong ginawang tama!
Ellaine: Ces, stop that, wala kang kasalanan. Alam nating lahat na mali yung way ng
pagtulong mo. But, inabuso namin yung kabaitan mo. Umaasa kami palagi sa
mga tulong mo. Sorry hindi ka namin naipagtanggol kay Sir Philip.
Celestine: Bitawan mo ako! Akala ko mga kaibigan ko kayo, pero hinayaan niyo akong
mapahiya. Binibigay ko naman lahat ng gusto nyong hingiin sa’kin. Kayo na
lang ang itinuturing kong pamilya dahil ang mga magulang ko, walang
pakialam sa akin. Ang tatay ko, iniwan kami para sa ibang babae. Ang nanay
ko laging naglalasing, tulala, at umiiyak kakaisip kung bakit kami iniwan
ni tatay.
Ellaine: Ces, please stop saying that. We’re here for you. We care for you.
Celestine: Scolarship at mga kaibigan na lang ang meron ako pero pati yun mawawala pa.
AYAW KO NA!!! BITAWAN MO AKO, GUSTO KO NG MAMATAY!
Ellaine: CELESTINE ANO BA! TUMIGIL KA NA! Tama na please… sorry… sorry wala kaming
ginawa para ipagtanggol ka. We’re really sorry. Ces kaibigan mo pa rin
kami. Nandito lang kami palagi. Please, Ces believe me.
Samantha: Oh my God! Anong nangyari?
Ellaine: Ces! Wake up.
Samantha: Let’s take her to the hospital. Let’s go.

----------------------------------------------------------------

(Sound Effect: Transition)

PART III

Sir Philip: Good morning class alam ko na nabalitaan niyo na na nasa ospital ngayon
si Celestine so kapag may time kayo, try to visit her. And class, kung
may problema kayo and you need someone to talk to, feel free to approach
me, okay?
Students: Yes Sir.
Sir Philip: So, let’s proceed. Tomorrow we will have a group presentation about
social issues. I will divide this class into two groups only. Choose one
representative to present their work. But I am expecting that all the
members in the group will contribute their thoughts, understand?
Students: Yes, Sir.
(Sound Effect: Student’s noise)
Bea: So, sinong leader natin?
(Sabay na magsasalita si Kathleen at Bea)
Kathleen: Si Carol nalang!
Bea: I think deserve ni Madeline.
Bea: Luh? Magbotohan na nga lang tayo. Majority wins, ganern! Kung gusto mong
leader si Carol. Edi iboto mo, duh!
Kathleen: Whatever!
Carol: So, raise your hand if you vote for me.
(Pause)
Seriously?
Bea: Sinong boto kay Madeline?
(Pause)
Yay! Sabi ko na Madeline for the win. (Sound Effect: papalakpak sa tuwa)
Kitang-kita naman, Madeline will be our leader and she will be the one to
present our report.
Carol: Kainis.
Madeline: Carol kung gusto mo ikaw na lang ang leader natin, okay lang naman sakin.
Carol: No need, di ko kailangan ng awa mo.
Bea: Ang bitter!

7
Madeline: Punta lang muna ako ng library para humiram ng books na kailangan natin.

NARRATOR: Pagkaalis ni Madeline ay may masamang balak ang pumasok sa isip ni Carol.
Maya-maya ay bumalik na si Madeline sa kanilang classroom.
Bea: Guys, have you seen my cellphone?

Kathleen: No. (bored na sagot)

Bea: My god! I can’t find my cellphone! Oy baka naman may nakakita ng


cellphone ko sa inyo dyan oh.
Hey! Pansinin niyo naman ako!

Kathleen: Bea, shut up! Ang ingay.

Bea: Nawawala nga yung cellphone ko eh!

Kyla: Yung gift sayo ni Tito?

Bea: Oo.(Naiiyak na) Lagot ako kay Dad nito.

Carol: Maybe someone stole it. I wonder who could that be…

Bea: Hey Madeline!

Madeline: Bakit?

Bea: Nakita mo ba yung cellphone ko?

Madeline: Sorry, pero hindi ko nakita.

Carol: Sinungaling!

Kathleen: Siguro ikaw ang nagnakaw nun!

Samantha: Tumigil na nga kayo. Tigilan n’yo nga si Madeline. Hindi n’ya magagawang
magnakaw. And FYI, mas mayaman pa siya sa inyo!

Kathleen: Anong sinabi mo?!

Samantha: Totoo naman ah! Kaya niyo laging inaaway si Madeline dahil naiingit kayo
sa kanya!

Madeline: Sam, tama na. Bea, hindi ko talaga nakita ang cellphone mo at hindi ako
magnanakaw.

Kathleen: Hindi mo kami madadala diyan sa paawa effect mo.

Carol: Give me your bag.

(Sound Effect: Nag-aagawan ng bag)

Madeline: Teka, bakit?

Carol: Idiot! Of course, titignan ko laman ng bag mo.

Madeline: Pero wala nga sa’kin, Carol. Hindi nga ako magnanakaw.

Carol: Then prove it, give me your bag.

(Sound Effect: Gamit na naglaglagan sa sahig; Gulat na mga reaksyon ng kaklase)

Kathleen: OMG! Seriously?!


Bea: My cellphone!
Carol: (Matatawa) Why do you have those stuffs? Men’s magazine? Condoms? How
pathetic.
Kathleen: Kadiri ka girl!
(Sound Effect: Nagbubulungan)

Sir Philip: Students! What’s the meaning of this?

8
Carol: Sorry Sir, nawawala po kasi ang cellphone ni Bea and there, nasa bag po
ni Ms. Sarabia yung cellphone kasama po ang mga to – Men’s magazine,
cond..

Sir Philip: Ms. Sarabia come to my office, NOW!

Madeline: (Naiiyak) Sir please, maniwala po kayo sakin. Hindi po ako ang kumuha ng
cellphone ni Bea.

Sir Philip: Pero Ms. Sarabia, how can you explain na nasa bag mo yun? At hindi lang
yung cellphone ang nasa bag mo.

Madeline: Sir, hindi ko po alam, hindi po akin yun. (Iiyak)


Believe me, Sir. Hindi po akin ang mga yun at hindi rin po ako
magnanakaw.

Sir Philip: I’m sorry Ms. Sarabia pero nakapagdecide na ang Disciplinary office na i-
suspend ka for three days.

Madeline: But Sir, hindi po talaga-

Sir Philip: I’m really sorry, You can now leave.

Carol: That would be, all. Thank you for listening.


(Sound Effect: palakpakan)
Sir Philip: Good job group 2. Thank you Carol, you may now go back to your seat. All
groups did a great job but of course, there’s only one group that stands
out.
Carol: Which group, Sir?
Sir Philip: The first group. The second group will still got a high score.
(Nagsisigaw sa tuwa ang group 1)
Carol: Tsk!
Sir Philip: By the way, Carol total ikaw ang may pinakamalapit na bahay kina
Madeline, ikaw na ang magbigay sa kanya nito. Letter to para sa mga
parents nya. Class dismiss.

(Sound Effect: Malakas na tunog mula sa gamit na inaayos ni Carol.)


Bea: Kainis, hindi tayo ang highest kanina.
Kyla: Wala kasi si Madeline, kung nandito siya paniguradong mas maganda ang
presentation natin.
Bea: True yan, pinsan.
Carol: Una na ako sa inyo umuwi. (pagalit)
Kathleen: Wait, sabay ka na sa amin. Pauwi na rin naman kami.
Carol: Hindi na. Pupunta pa ako kina Madeline para ibigay yung letter.
(Sound Effect: Padabog na isasara ang pinto.)

Carol: Tao po… Tao po… Hello??? Madeline?


(Sounds Effect: Dahan-dahan na pagbukas ng pinto)
Madeline: Carol? Anong ginagawa mo dito? Halika, pasok ka muna.
Carol: No need, I’m just here para ibigay to sayo.
Madeline: Gusto rin sana kitang makausap kaya kung pwede, pasok tayo sa loob.
Carol: K.
Carol: Ikaw lang mag-isa dito?
Madeline: Oo, si mommy nasa Singapore para sa business nila ni Dad pero uuwi daw si
mommy bukas para na rin makapunta sila sa school about dun sa nangyari.
Carol: (pabulong) Ikaw na ang may magandang buhay, ikaw na ang swerte sa pamilya.
Madeline: Ha?
Carol: Wala… wala… Ano ba yung gusto mong pag-usapan natin?
Madeline: Upo ka muna. Ito nga pala ang juice.
9
Carol: Ito yung pinapabigay na letter ni Sir Philip, para daw sa parents mo.
(Sound Effect: Glass na nabasag)

Carol: Ooopss! Sorry. (sarcastic)

Madeline: Okay lang, linisin ko na lang mamaya.

Carol: Ok, so ano na? Ano bang ang gusto mong pag-usapan (bored tone)

Madeline: May nagsabi kasi sakin na ikaw daw ang naglagay sa bag ko nung cellphone
at-

Carol: Wait! So kaya mo ako pinapasok dito para pagbintangan ako!? Sino bang
nagsabi sayo?

Madeline: Di na mahalaga kung sino ang nagsabi sakin. Ang gusto ko lang malaman ay
kung totoo ba ang lahat ng yun at bakit mo ginawa yun.
Carol, ikaw ba talaga?

Carol: (Matatawa) Ano naman kung ako nga? Wala ka namang magagawa eh. Nangyari
na at wala kayong ebidensya na ako ang may kasalanan.

Madeline: Carol, bakit mo ba to ginagawa?

Carol: Dahil masyado kang pabibo! Simula ng magtransfer ka sa school namin, ikaw
na ang palaging magaling! Ikaw na ang matalino! Ikaw na ang mabait!

Madeline: Carol…

Madeline: Tulong! Carol, tulungan mo ako.. (Echoing then fades)

Kathleen: Carol, wake up. Are you okay? Nananaginip ka na naman.


Carol: (Habol ang hininga)
Kathleeen: Ano bang nangyayari sayo? Ilang araw ka nang ganyan ah. Lagi kang wala sa
sarili mo. May problema ba?
Carol: Don’t mind me, I’m okay.
Kathleen: Are you sure?
Carol: Yeah… Just a weird dream.
Kathleen: By the way, wala ka bang napapansin?
Carol: Napapansin na ano?
Kathleen: Si Freak, si Madeline-
Carol: Anong meron kay Madeline?
Kathleen: Di pa rin siya pumapasok oh. Di ba three days lang ang suspension niya.
Carol: Alam ko.
Kathleen: Hello! Friday na kaya dapat nandito na siya.

(Sound Effect: Water from sink/ Washing hands & Horror Sound)
Carol: Madeline?

Sa Classroom…
Carol: Ano bang problema mo? Bakit ganyan ka tumingin sakin?
(Sound Effect: Bulungan)

Carol: Ano?! Sumagot ka?!

Ellaine: Carol! What are you doing?

Kathleen: Halika na, Carol. Pinagtitinginan ka na nila.


Carol: Bitawan niyo ako.
Kathleen: Carol ano ba!Naguguluhan na talaga kami sa mga kinikilos mo. Nag-aalala na
kami sayo.

10
Carol: Hindi niyo ba nakita kanina kung paano ako tignan ng masama ni Madeline?
Kathleen: (Nagtataka) Madeline? Anong Madeline ang sinasabi mo?
Samantha: Carol wala naman si Madeline kanina doon.
Carol: Are you blind? She’s there! She’s starring at me like she wants to kill me.
Samantha: Hindi mo pa alam?
Kathleen: Listen to me Carol, imposible yang sinasabi mo. Alam ko biglaan to, pero
Carol… wala na si Madeline. Patay na siya. Ang sabi ni Bea natagpuan daw
siyang patay sa bahay nila, duguan ang mukha.
Carol: (tatawa ng fake) What the hell! Ano to? Niloloko nyo ba ako? Prank ba to?
Kathleen: I know nakakagulat, but believe us. We’re telling the truth! Yung Madeline
na nakita, baka guni-guni mo lang yun.
Carol: (Naguguluhan) Hindi… Si Madeline talaga yung nakita ko.
Kathleen: Carol ano ba!? Nababaliw ka na ba?
Carol: Hindi ako baliw! This is non-sense!
Kathleen: Carol, where are you going?
Carol: None of your business! (Sound Effect: Running away)

NARRATOR: Pumunta si Carol sa isang lugar na tahimik at walang makakakita sa kanya.


Doon ay nagsindi siya ng sigarilyo.
Gabi na nang makauwi si Carol sa kanilang bahay. Gaya ng dati ay dumating
siya na lasing na naman ang kanyang tatay.

Tatay: Saan ka galing? Bakit ngayon ka lang ha?


Carol: (hindi sasagot)
Tatay: Carol, kinakausap kita ah!
Carol: Bitawan mo nga ako!
Tatay: Aba! Wala kang galang ah! Tinatanong kita kung saan ka galing. Saan ka ba
nagpupupunta? Kababaeng tao mo!
Carol: (tatawa ng fake) Kailan ka pa nagkaroon ng pakialam sakin?
Tatay: Carooool! Baka nakakalimutan mong tatay mo ako at anak lang kita.
Carol: Tatay?! Ha?! Sandali lang, parang bago yun ah. May tatay pa pala ako?
Tatay: Lintik na! Talaga bang ginagalit mo ako ha? Kahit anong mangyari anak pa
rin kita kaya matutong kang rumespeto sakin!
Carol: Bitawan mo nga ako! Ano? Sasaktan mo na naman ako? Sige lang, diyan ka
naman magaling eh!
Tatay: (Sound Effect: Sasampalin si Carol) (anak ng!) Saan mo natutunan ang
ugaling kalye na yan? Wala ka ng ginawang tama! Wala kang kwentang anak!
Carol: (umiiyak) Masaya ka na? Nasaktan mo na ako. Oo, ako na ang walang
kwentang anak! Pero sana tignan mo din ang sarili mo, Pa. Tatay nga kita
pero kailanman di ko naramdaman yun. Anak mo ako, Pa. Hindi, anak lang.
Pa… hindi lang ikaw ang nawalan, hindi lang ikaw ang nasasaktan sa
pagkawala ni Mama.
Tatay: Tumigil ka… Huwag mong idamay ang Mama mo dito.
Carol: Pa naman, apat na taon nang patay si Mama. Sa tingin mo ba matutuwa
siyang makita kang ganto, ang makita tayong ganito, miserable at walang
patutunguhan?
Tatay: Tumahimik ka… Ikaw ang dahilan kung bakit namatay ang asawa ko! Dahil sa
katangahan mo nawa..
Carol: Pa, ano ba? Kailan mo ba matatanggap ang---
Tatay: (Sound Effect: Magdadabog; Naglaglagan na gamit at nabasag na gamit)
SINABI NANG TUMAHIMIK KA EH! Kasalanan mo ang lahat ng to. Sana hindi na
lang kita naging anak!
Carol: At sana hindi na lang ikaw ang naging tatay----(sampal)
(sound effect: dabog then papasok sa pinto)
Carol: (Malungkot) Hi Mama, siguro alam mo na kung bakit andito na naman ako.
Nag-away na naman kami ni Papa eh. (Maiiyak) Alam ko naman na kasalanan
ko kung bakit ka naaksidente. Kung hindi ako nagalit sa inyo at tumawid
ng kalsada nang gabing yun ay nandito ka pa kasama namin ni Papa.
Mama I’m sorry ma… miss na miss na kita.

11
(Sound Effect: Malakas na hangin; Horror sound)

????? Pssst…Carol… (Medyo pabulong)

Carol: Sino yan?

????? Pssst… (pabulong na nakakatakot)

????? Carol… (pabulong)


Carol: Sino ka???
????? Carol…. (pabulong na natatawa na parang baliw)
Carol: Tama na! Please… Tama na. (naiyak habang naghihisterikal)

NARRATOR: Paglingon ni Carol sa kanyang kanan ay nakita niya ang isang babae na
nakatayo at nakatitig sa kanya. Papalapit ito ng papalapit sa kanya
hanggang sa mapagtanto niya na si Madeline pala ito, duguan at matalim na
nakatitig sa kanya.
Carol: Madeline? Madeline tama na… Please, tama na.
Madeline: Pssst… (papalapit ng papalapit)
Carol: TAMA NA MADELINE!? (takot na takot)

(Sound Effect: Horror Sound fading)

---------------------------------FLASHBACK----------------------------------

(with echo)

Carol: Ano? Hindi ka makasagot! Pagiging top student na lang ang meron
ako, yun na lang kaisa-isang bagay na maipagmamalaki ko dahil
hindi mo naman ako katulad na may masayang pamilya. Hindi mo ako
katulad na sobrang yaman! Pero nang dahil sayo, nawala yun. Kaya
wag mo ng itanong kung bakit ko nagawa sayo yun. Oo inaamin kong
naiingit ako sayo, ingit na ingit ako sayo. Masaya ka na? Ayan
nasabi ko na ang totoo. Di ba yan naman ang gusto. Ngayon pwede
na ba akong umalis?
Kita na lang tayo after ng suspension mo.

Madeline: Carol sandali! (Sound Effect: “Boogsh!” isang malakas ang ingay
ang nagmula sa bahay ni Madeline dahil sa pagkakadulas ni
Madeline at pagbagsak ng flower vase sa kanyang mukha.)

NARRATOR: Hindi lumingon si Carol at tumigil lang ito saglit.

Carol: Bahala ka dyan sa katangahan mo. (Pabulong)

NARRATOR: Ang hindi alam ni Carol ay nadulas si Madeline dahil sa natapon


na juice. Sa pagkakahiga ni Madeline sa sahig ay natabig nito
ang isang flower vase at bumagsag ito sa mukha niya.

Carol: TAMA NA! (malakas at takot na takot na sigaw then fades)

------------------------------END OF STORY-------------------------------

CLOSING OF ANCHORS
(uplifting sound effect)
Anchor 1: At dito na nagtatapos ang trinomial. GRABE! Hindi tayo binigo!
Anchor 2: What a rollercoaster ride indeed!
Anchor 1: Di makakaila ang hirap na pinagdaanan ni Kyla sa pag-ibig. Akalain mo yun,
Magpaparadam tapos mawawala lang pala ulit, iba ka Kennedy!!! Pero kahit anong hirap at
sakit dulot ng pagmamahal, babalik parin tayo para umibig.

12
Anchor 2: Tama. Babalik pa rin tayo para umibig. Pero, dumako naman tayo sa nakakairitang
si Carol. Masakit kaya yung sampal ng tatay nya sa kanya? Nako, kung ako ang nasampal nun
siguro maraming aral ang mapapamulat sa akin nang sampal ni Tatay Caloy.

Anchor 1: Ay, wait. Sino nga yung character na hindi na bumalik? ah si Celestine, muntik
ko na makalimutan!! Pero di ko malilimutan ang hatid na mensahe ni Celestine para sa
ating mga tagapakinig, ang suicide ay hindi kailanman magiging solusyon sa kahit anong
problema, ohh dibaaa dj papi
Anchor 2: Tama, Dj Zhazha!
<sound effect>
Anchor 1: Ito si DJ Zhazha.
Anchor 2: At si DJ Papi, na nag-iiwan sa inyo ng katagang……………
Anchor 1: Kahit ilang beses mo ipagpilitang maibalik lahat sa dati, hindi na ‘yon
mangyayari, marami na kasi ang nagbago, marami na kasing nangyari, at hindi lahat ay
katulad pa ng dati. Kaya ‘wag mo na lang ipilit. Mag-umpisa na lang ng bago, at matutong
magpatawad.

Anchor 1 & 2: Hanggang sa muli!

13

You might also like