Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Lozada Angelo Gabriel Q.

BEEd
1 Blk.2
Mr.Aric Anchetta RPH

REFLECTION PAPER

Sa araw naman na ito aming tinalakay ang patungkol sa Customs of the Tagalogs na kung saan
sinasabi rito kung anong kaugalian, pamahalaan at pamumuhay mayroon ang mga Pilipino
noon. Sapagkat may sarili na tayong Sistema na tinaawag, sa kung paano ba pinamumuuan noon
ang Pilipinas. Ang Datu ang siyang namumuno sa isang lugar na kanyang kinabibilangan. Kung
kaya’t ang mga Maharlika naman ang siyang isa sa pinakamakapangyarihan at mayaman sa
kanilang lugar. Na kung lilisan man ang isang Maharlika, ang Datu ay manghihina dahil
mababawasan siya ng isa sa makapangyarihan at mayaman sa kanilang lugar. Amin ring
natalakay ang tungkol sa sulat ni Bishop Domingo de Salazar, na kung saan pinupunto rito ang
kanyang pakikipaglaban para sa mga Pilipino. Dahil siya ang nagsisilbing boses ng mga Pilipino
noon, patungkol sa mga nakikita niyang kalagayan ng mga Pilipino lalo na ang mga mahihirap
na papatawan pa ng malaking halaga ng buwis. Kung kaya’t siya ang sumusulat para sa Hari ng
Espanya, ngunit may nagagnap na dagdag bawas sa kanyang liham. Natalakay din, na ginagawa
niya iyon para sa pampulitikal na mithiin.

You might also like