5 Salita para Kay Teacher

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

5 SALITA PARA KAY TEACHER"

Ito ay akda ni Rochele Fabros

Isa, dalawa tatlo, ang daling magbilang hanggang sampu. Pero kung tatanungin mo ang sarili mo,
ganun din ba kadaling maging guro?

Una. Unang salita ay PASENSYA PASENSYA kung minsan kami ay sumusobra. Pasensya
kung hindi mo kami masaway dahil masyado kaming pasaway. Pasensya. Ngunit maswerte kami
dahil patuloy kang magsasalita sa harapan kahit walang kasiguraduhan na nakikinig ang klase
mo na nagbibingi-bingihan. Pero hindi kami bulag sa katotohanan, na ikaw ang aming
MAGULANG at ang apat na sulok ng kwartong ito ay aming TAHANAN.

Pangalawa. Bayani. Isa kang bayani. Hindi ka man katulad ni Superman na kayang lumipad sa
kalawakan upang mailigtas ang sangkatauhan, isa ka pa ring bayani. Niligtas mo ang kabataan na
na nalulunod sa kawalan. Tinuruan mo ang naturingang mang mang at pinakain mo ng lakas ng
loob ang busog sa kahinaan na gutom na gutom sa pag-asa. Isa kang bayani.

Pangatlo. Mahalaga. Hayaan mong sabihin namin ngayon na mahalaga ka. Ipapaulit-ulit namin
sa iyo, mahalaga ka. MA- mahal ka namin. Hindi man halata pero isang daang porsyento kaming
sigurado. HA- hayaang mo kaming magpasalamat sayo. LA- labis kaming maswerte dahil
nandito ka. Uulit-ulitin namin, MAHALAGA KA.

Pang-apat. Talentado. Napaka-talentado mong tao. Nagmimistulan kang isang Arkitekto para
iguhit ang aming kinabukasan. Kaya mong maging inhenyero para itayo ang tulay na ihahatid
kami sa tamang daanan. Naging magsasaka ka at itinamin sa amin na dapat kaming mag-aral.
Napaka-talentado mo.

Pang-lima. Salamat. Sobrang salamat.


Isa, dalawa, tatlo, salamat sa pagpapasensya mo. Apat, lima, anim, salamat sa pagiging bayani sa
gitna ng dilim. Pito, walo siyam, at sampu, salamat aming Guro.

You might also like