Romulus at Remus

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Romulus at Remus (Mitolohiyang Romano)

Sina Romulus at Remus ay ang maalamat na mga tagapagtatag ng Roma.


Sa Mitolohiyang Romano, sila ay kambal na magkapatid, na mga anak na lalaki
nina Rhea Silva at ng diyos na si Marte. Si Romulus at Remus ay ang kambal na
tagapagtatag ng Roma na nasa loob ng tradisyunal na mito ng pagtatatag nito,
bagaman paminsan-minsan sinasabi na si Romulus lamang ang nag-iisang
tagapagtatag ng Roma.

Ang kanilang lola sa ina ay si Numitor, ang karapat-dapat na hari ng Alba


Longa, isang kaapu-apuhan ng prinsipeng Troyaning si Aeneas, at ama ni Rhea
Silva. Bago sila ipaglihi,tinanggal ni Amulius (kapatid na lalaki ni Numitor) si
Numitor mula sa kanyang tungkulin bilang hari.

Pinatay din Amuluis ang mga anak ni Numito at pinuwersa si Rhea na


maging isang Birheng Malinis (Birheng Banal), na may intensiyong ipagkait kay
Numitor ang pagkakaroon ng makabatas na mga tagapagmana at kung gayon
masiguro ang kanyang posisyon; subalit ipinagdalang tao ni Rhea sina Romulus at
Remus sa pamamagitan ng diyos na si Marte, ngunit maari ring sa pamamagitan
ng demi-diyos na si Hercules.

Nang ipanganak ang kambal, iniwan at pinabayaan sila ni Amuluis sa isang


pook upang mamatay subalit nailigtas sila sa pamamagitan ng magkakasunod na
mahihimalang mga pamamagitan.

Isang babaeng lobo ang nakatagpo sa kanila at pinasuso sila.

Pagkaraan, isang pastol at asawa nito ang umampon sa kanila at


inalagaan sila at pinalaki bilang mga pastol. Ang kambal ay napatunayang likas na
mga pinuno at nagkamit ng maraming mga tagasunod.

Nang ipaalam sa kanila ang tunay na mga katauhan, pinaslang nila si


Amuluis, at ibinalik si Numitor sa trono ng Alba Longa at nagpasyang itatag ang
isang bagong lungsod para sa kanilang maga sarili.
Ninais ni Romulus na magtatag ng isang bagong lungsod sa Burol Palatino
ngunit mas pinili ni Remus ang Burol Aventino. NAgkasundo silang piliin ang lugar
sa pamamagitan ng augurya, kung saan isang paring manghuhula or augur ang
magpapasya. Tila si Romulus ang nakatanggap na mas mabiyayang mga tanda
subalit ang bawat isa sa kambal ay nag-aangkin na ang mga resulta ay nasa kani-
kaniyang pabor.

Sa sumunod na mga pagkatalo, napatay ni Romulus at Remus.


Pinaimbento ni Ovid kay Romulus ang kapistahan ng Lemuria upang payapain ang
nagtatampong multo ni Remus.

Pinangalanan ni Romulus ang bagong lungsod bilang Roma, na isang


pagpapangalan magmula sa kanyang sariling pangalan. Nilikha ni Romulus ang
Lehiyong Romano at ang Senadong Romano. Ang populasyon ng Roma ay
pinakapal ng mga pumapasok ditto, kabilang na ang mga nangangalonh
(repuhiyado o nangingibang bayan) na walang lupa at mga salarin, na karamihan
mga lalaki.

Pinaghandaan ni Romulus ang pang-aagaw ng mga babae magmula sa


kanugnog na mga tribong Sabino, na kaagad na humantong sa digmaan subalit
lumaong nagresulta sa pagsasanib ng mga sabino at ng mga Romano bilang pinag-
isang mga taong Romano.

Mabilis na lumawak ang Roma bilang isang nangingibabaw na puwersa sa


gitnang Italya, dahil sa banal na pagbibiyaya at kinasiyahan o inspiradong
pamumunong pangpangangasiwa, pagmilitar, at pampolitika ni Romulus. Sa
lumaong naging buhay ni Romulus, si Romulus ay naging mas awtoridad, na
nawawala dahil sa misteryong mga pagkakataon, at sinamba bilang ang diyos na si
Quirinus, ang sagradong persona ng mga taong Romano.

Ang imahe ng babaeng lobo na nagpapasuso sa kambal na sinupling ng


diyos ay naging isang mahuwarang kinatawan o representasyn ng lungsd at ng
maalamat na pagkakatatag nito, na nagdulot upang si Romulus at Remus at
maging tampok na mga magigiting sa gitna ng mga batang lumaki sa kalikasan na
paksa ng sinaunang mitograpiya.
Sa kabuuan, ang alamat ay pumapalibot sa mga ideya ng Roma hinggil sa
sarili nito, sa mga pinagmulan nito, at sa mga pagpapahalagang mauukol sa
mabuti at matuwid na kaugalian. Para sa makabagong kadalubhasaan, nananatili
itong isa sa pinakamasalimuot at pinakamasuliranin sa lahat ng mga mitong
pampagtatatag, lalo na sa paksa at paraan ng pagkamatay ni Remus.

Walang duda ang sinaunang mga manunulat ng kasaysayan na si Romulus


ang nagbigay ng kanyang pangalan sa lungsod. Karamihan sa makabagong mga
historyador ang naniniwala na ang kanyang pangalan, bilang tauhan ng alamat ng
pagkakatatag ng Roma, ay isang pagpapahaba ng pangalang Roma; samantala,
ang batayan para sa pangalan ni Remus at gampanin ay nananatiling mga paksa
kapwa ng sinauna at makabagong paggunita at pagwawari.

Ang arkeologang si Andrea Carandini ay isa sa mga napakakakaunting


makabagong mga dalubhasa na tumatanggap sa pagiging makapangkasaysayan
nina Romulus at Remus, na batay sa pagkakatuklas ng isang sinaunang pader
noong 1988 na nasa hilagang gulod ng Burol ng Palatino sa Roma. Pinetsahan ni
Carandini ang kayarian na nagmula pa sa kalagitnaan ng ika-8 daantoon BK at
pinangalanan niya itong Murus Romuli (nangangahulugang “Moog ni Romulus”,
na sa literal na pananalita ay “Pader ni Romulus”).

You might also like