Ikatlong Baitang-Basa Pa More

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ikatlong Baitang

BAKASYON NI HEBER
Isinama si Heber ng kanyang Tito Mar sa Rizal upang
makapagbakasyon. Masayang-masaya siya dahil nakita niya sa unang
pagkakataon ang Pista ng mga Higantes. Ang pistang ito ay naganap
kahapon, ika-23 ng Nobyembre. Ginugunita sa pistang ito ang patron ng
mga mangingisda na si San Clemente.
Pinakatampok sa pista ang matatangkad na tau-tauhang yari sa
papel. Dinamitan at nilagyan ng makukulay na palamuti upang mas
maging kaakit-akit sa manonood. Ang mga higante ay karaniwang may
taas na apat hanggang limang talampakan o sampu hanggang
labindalawang talampakan. Ang mga deboto naman ay nakasuot ng
damit-mangingisda.
Hiniram ni Heber ang camera ni Tito Mar at kumuha siya ng
maraming litrato. Gusto niyang ipakita ang mga litrato sa kanyang mga
magulang. Ipakikita rin niya ang mga ito sa kanyang mga kaibigan at
kaklase. Hinding hindi niya makalilimutan ang araw na ito.

Mga Tanong:
1. Kanino sumama si Heber upang magbakasyon?
a. kay Rizal b. kay Tito Mar c. sa mga higante

2. Aling salita ang ginamit na ang kahulugan ay dekorasyon?

a. kaakit-akit b. palamuti c. makukulay

3. Anong petsa kaya isinulat ang kuwento?


a. Nobyembre 24 b. Nobyembre 23 c. Nobyembre 25

4. Paano inilalarawan sa kuwento ang higante?


a. matangkad na tau-tauhang yari sa papel
b. maitim, mahaba at magulo ang buhok, salbahe
c. matangkad, malaki ang katawan at malakas magsalita
5. Alin kaya sa sumusunod ang produkto sa Rizal?
a. isda b. palay c. perla

You might also like