Ikaapat Na Baitang

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ikaapat na Baitang

BIYAYA NG BULKAN
Isa sa mga ipinagmamalaking bulkan sa bansa ang Bulkang Mayon na matatagpuan
sa Albay. Tanyag ang bulkang ito dahil sa taglay nitong halos perpektong hugis apa.
Dinarayo ito ng mga dayuhang bisita, maging ng mga kapwa Pilipino.

Sinasabing ang Bulkang Mayon ang pinakaaktibong bulkan sa Pilipinas dahil sa


dalas ng pagsabog nito. Pinakamatindi ang pagsabog nito noong Pebrero 1, 1814, kung
saan ang mga bayan sa paligid nito ay natabunan at mahigit sa 1200 katao ang namatay.
Maraming nasirang bahay sa paligid ng bulkan, pati na rin ang malaking simbahan ng
Cagsawa. Ang natitirang alaala na lamang ng simbahan na ito ay ang tore nito na
makikitang malapit sa bulkan.

Bagamat mapanganib ang Bulkang Mayon, isa rin naman itong biyaya sa mga
naninirahan malapit doon. Ang mga umagos na lupa at abo sanhi ng mga pagsabog ay
nagsilbing pataba pagkalipas ng ilang taon.

Bilang patunay, itinuturing ang Albay na isa sa mga may mayayamang lupang
sakahan sa rehiyon ng Bicol. Sa mga lupang sakahang ito nagbubuhat ang mga
produktong abaka, niyog, palay at gulay.

Mga Tanong:

1. Saan matatagpuan ang Bulkang Mayon?


a. Albay b. Camarines Norte c. Mindoro d. Samar
2. Bakit tanyag ang Bulkang Mayon?
a. Madalas ang pagsabog nito.
b. Ito ang pinakamalaking bulkan.
c. Halos perpekto ang hugis apa nito.
d. Matindi ang umagos na lupa at abo rito.
3. Bakit kaya tore lang ng Simbahan ng Cagsawa ang makikita ngayon?
a. Ito ang pinakasikat na bahagi ng simbahan.
b. Ito ang pinakabanal na bahagi ng simbahan.
c. Ito ang pinakamataas na bahagi ng simbahan.
d. ito ang pinakamatandang bahagi ng simbahan.
4. Ano kaya ang nararamdaman ng mga tao sa paligid ng bulkan kapag ito ay malapit
nang sumabog?
a. natutuwa b. nasasabik
c. nagagalit d. nangangamba
5. Alin kaya sa sumusunod na mga trabaho ang marami sa lalawigan ng Albay?
a. inhinyero b. karpintero
c. magsasaka d. mangingisda

You might also like